NINETEEN: I Promise

2042 Words
“What the hell did you just say?” He asked again but this time his tone raised up a notch. “Ah...eh...ang sabi ko gagawin ko…” Putol niya sa sasabihin ko at bigla niya akong hinatak palapit sa kanya. Naramdaman ko agad ang sakit ng pagkakapisil niya sa braso ko. “Just like you, I don't like sharing what is mine. I am very, very possessive Emerald. When it comes to you, I am a selfish man. No one touches what's mine. Hindi ko hahayaan na may makalapit sa'yo. Ni kahit dulo ng daliri mo hindi nila makakanti. Dahil papalapit pa lamang sila sa’yo, nakaabang na ako. Do you hear me?” He said in icy tone na nagdala agad ng kilabot sa akin. Naningkit ang mga mata nito, habang nakaabang sa aking isasagot. Wala akong ginawa kundi ang tumango ng ilang beses. I should be careful with my words next time. This man is freaking me out. “Say it!” He hissed. “Yes, I am yours. I'm yours, Lawrence. Paki-usap huminahon ka. You are scaring me. Nasabi ko lang yun out of frustration. But please believe me, I will never run to another man to despise you. I'm not that kind of a girl and you know that.” I whispered nervously and looked at him intently. “Good. You belong to me. Ni kahit sa isip mo, wag na wag mong gagawin yan. Makakapatay ako ng tao pag nagkataon! Trust me, katakot-takot na pagpipigil ang ginawa ko kanina sa lalakeng humawak sa'yo. Pinapatay ko na nga siya sa isipan ko.” I sighed. Niyakap ko ito ng mahigpit. Ano bang nangyayari ngayon? Kanina lang pinagtulakan ko na siyang umalis, bakit ngayon gustung-gusto kong nandito siya. Dahil ba nakikita ko kung gaano siya kaprotective sakin? Dahil ba ramdam ko ang panginginig ng kalamnan niya na anumang oras ay manununtok na sa galit? O dahil pakiramdam ko safe ako pag magkayakap kami ng ganito? “I didn’t say that to hurt you. I’m sorry.” Bulong ko sa may balikat niya at hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko. Narinig ko siyang bumuntong-hininga ulit bago ko naramdaman ang mga bisig niyang nakapulupot na ngayon sa bewang ko. “I am sorry too. About that kiss. That woman will pay for the trouble she inflicted to us.” Wika niya. “It's okay. I understand. Hayaan mo na, ang mahalaga we're okay now. Just let it pass, Lawrence....”  Tiningala ko siya at gusto kong malunod sa kanyang malalambing na titig. Tumago ito. “Okay, but please don't run away like that. Don't run away from me. Pakiramdam ko kasi, tumatakbo ka na rin palayo sa buhay ko. I don't like the feeling, baby. The thoughts of you walking out of my life, or you with other man's arms makes me want to die a thousand times.” His eyes became tender and full of longing. Oh, Prince Lawrence! You are in love with me too! Why can't you see that? But I will wait for the day you will realize about your feelings for me. We kissed each other, so hard that we ran out of breath. We kissed....and kissed....and kissed. Oh! I will never get tired kissing him like this! “It's past midnight, time to go to bed baby.” At walang sabi-sabing inangat niya ako. As usual, pinulupot ko lang ang mga binti ko sa bewang niya at hinilig ang ulo ko sa balikat nito. Nauna akong maglinis ng aking sarili. May sariling gamit si Lawrence dito sa kwarto ko since dito na siya natutulog. Nang makita ko siyang papasok na sa kwarto ay umayos na ako ng higa. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan pa ng ilang beses bago kami nakatulog. Nagising ako sa mahinang tunog ng alarm sa cellphone ko. Aabutin ko na sana kaso hindi ako makagalaw dahil may mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Lumingon ako sa gilid ko at bumungad sakin ang mukha ni Lawrence na payapa pang natutulog. Omigad! Nandito pa siya! Ibayong tuwa ang naramdaman ko. Pangarap ko ang magising sa piling niya. At ngayon, heto nga siya yakap-yakap ako habang tulog pa. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Kahit saang anggulo, ang gwapo niya talaga. Lahat ng meron sa mukha niya ay perfect sa akin. Bahagyang nakaawang ang kanyang bibig at kumukurap-kurap pa ang kanyang mga mata. I can't help but to giggle. Ang cute! Parang bata lang! Naipon ang tawa ko sa aking lalamunan nang biglang bumukas ang kanyang mga mata. Nagising ko ata. “Good morning, baby.” s**t! His voice is so husky and sounds so sexy in my ears. “Good morning, Lawrence.” Ganting bati ko. “You look beautiful in the morning. Your green eyes are shimmering through the rays of the sun....” He tucked my hair strands behind my ear. I giggled. Ang agang magpakilig eh. "Ikaw rin. Ang gwapo.” Ganting papuri ko sa kanya. “I'm still sleepy. Tulog pa tayo, please.” Sabi nito sabay baon ng mukha sa leeg ko. Napatawa ulit ako sa tinuran niya. “Ofcourse.” Sagot ko kahit ang totoo, hindi na ako inaantok. “But before that, let me kiss my baby first.” He said before kissing me senseless. Gosh! We haven’t brushed our teeth yet pero ang bango ng hininga niya. Kumusta naman kaya yung akin? “Very sweet.” He whispered before closing his eyes. May ngiti sa kanyang mga labi. Mayamaya pa, payapa na ulit ang paghinga niya. Hinalikan ko ng banayad ang kanyang noo bago kumilos. Dahan-dahan kong tinanggal ang mga braso niyang nakadagan sa akin. Magluluto ako ng almusal. Paniguradong tulog pa ang mga kaibigan ko. Gigising na rin mga yun mayamaya pag nakaamoy na ng pagkain. Those brats. Papatapos na ako sa niluluto ko nang marinig ko ang mga yapak ng mga kaibigan ko papunta sa kinaroroonan ko. “Sabi na eh may naghanda na ng breakfast! Amoy na amoy ko ang sinangag sa kwarto ko” Ani ni Mary. Buti na lang at hindi na siya dumaan sa kwarto ko kundi makikita niya si Lawrence na tulog. “Kanina ko pa nga naaamoy pero inaantok pa ako kaya natulog ulit ako.” Ngisi ni Jaze. If I know, ayaw lang talaga niya akong tulungan. Ngimingisi lang din naman si Lizette. “Medyo marami ata ang niluto mo ngayon, leader.” Pagtataka ni Lizette. “Gutom tayo, teh?” Si Aireen na inikot ang mata sa mga pagkain sa mesa. Nagkibit-balikat lamang ako. “Magsiupo na nga kayo. Dami pang satsat eh kakain lang din naman.” Reklamo ko habang nagtitimpla ng kape. Iniisip ko kung nagkakape din ba si Lawrence? Pure black kaya? With cream? Without sugar? O baka naman hindi pa yun kailanman nakatikim ng instant coffee? Aiisssh! Bahala na. Ipagtitimpla ko nalamang ito ng kagaya sa akin. Paano kaya ito? Mauuna ba akong kakain kay Lawrence o sabay kami? Ano kaya magiging reaksyon ng mga kaibigan ko pag nalaman nila na andito pa ito at dito natulog? “Emz, nakatunganga ka dyan? Upo ka na rito ng makakain na tayo.” Hinila ni Jaze ang upuan na para sa akin. Lumapit na ako sa pwesto ko pero nahinto lang din nang may nagsalita. “Good morning.” Pakiramdam ko tumigil sandali sa pagtibok ang puso ko. Gising na siya! Naka-sandong puti at blue na shorts ito at magulo pa ang medyo mamasa-masang buhok. Bakit ba ang gwapo ng lalakeng ito. Hindi ito makakabuti sa kalusugan ko. Palagi nalang pinapatigil nito ang aking paghinga kahit tumayo lang ito sa harap ko. This is not good. Pero ngumiti ako ng palihim. But he's mine. Narinig kong kumalampag ang mga kutsara at tinidor. Nabigla ata sila. Eto na nga ba sinasabi ko eh. Hindi sila magkandaugaga sa pagtayo at lahat ay humarap sa direksyon ni Lawrence. “Good morning, Sir!" Pakuro nilang wika at kita ko pa sa mga mukha nila ang panggilalas. Nagulat din si Lawrence sa pag panic ng mga kaibigan ko. Lihim akong ngumisi. Lawrence gave them a reasssuring smile. “Easy there. Please don’t be nervous around me. Hindi ako nangangagat.” Humalakhak ito. Nagtinginan ang mga kaibigan ko. Unang beses siguro mula nang makilala nila si Lawrence na makita nilang tumawa ito ng ganun. Lumapit si Lawrence sa akin at walang babalang hinalikan ako ng mababaw sa labi. “Ang cute mo tignan wearing this apron.” Sinuri niya ang aking kabuuan na siyang nagpamula sa aking pisngi. Ngumuso lamang ako, Nakakahiya sa mga kaibigan kong literal na nakanganga ngayon sa amin. “Upo na. Sabay-sabay na tayong kumain.” Sambit ko. Kinuha ni Jade ang stool na upuan sa sala at siyang ginamit niya. Binigay niya ang inupuan niya kanina kay Lawrence. Ang gentleman din nitong si Jade. I winked at him na ngumuso lamang sa akin. Magkatabi kaming umupo ni Lawrence. Ang awkward habang kumakain kaming lima. Ang tahimik lang kasi ng mga kaibigan ko which is not normal. Alam kong nahihiya sila kay Lawence. Mukhang ramdam ni Lawrence ang awkwardness kaya he broke the silence. “So matagal na kayong magkakaibigan ni Emerald?” He questioned. His hand squeezed my thigh under the table. Gusto kong palisin ang kamay niya but I think he was quite nervous too. Nervous of them? Seriously Lawrence? “Actually Sir, nitong nag college lang kami nagkakakilala lahat. Galing kasi kami sa magkakaibang bayan nakatira.” Jaze answered. He was the first one to regain his confidence. Tumango-tango lamang si Lawrence. “Tell me more, please. Because I have this feeling that Emerald will not going to tell me some details of her life.” He said smiling at me. Lumawak pa lalo ang ngiti niya nung nakitang nakasimangot ako. He pinched my nose. “Etong si Emz akala mo lang malakas na babae pero may nakatagong skeleton yan sa closet.” Wika ni Aileen habang tumatawa. I glared at her. Don't you dare Aireen! Mukhang nawala na ang kaninang awkwardness na naramdaman nila dahil ngayon nag-uumpisa na silang dumaldal. Nakita kong kumunot ang noo ni Lawrence. Tinanggal niya ang kanyang kamay na pumipisil kanina sa hita ko. Pinagsalikop niya ang mga ito sa ibabaw ng mesa. “Really? Enlighten me....” Sumulyap siya sa akin bago tumingin ulit kay Aireen na nakangisi pa rin. "No one can put her down. She's a strong woman. We have witnessed that firsthand. But she has a secret that only the four of us knew." she said. “Go straight to the point please.” Lawrence looked bothered and I was freaking out here on my seat. Silently. “She's a claustrophobic.” Kalmadong wika ni Mary. Napatahimik kaming lahat. God! “A what?” Sambit ni Lawrence sa mahinang boses. “You heard it right, Sir. She has fears being enclosed in a small closed area. Nalaman namin yan last year, she was trapped accidentally sa locker room. Nasira ang lock at hindi siya makalabas. Nagkataon pa at gabi nung time na yun. Good thing nakita namin agad siya. She almost lost her conciousness that time.” Lizette told him. I closed my eyes. Sa tuwing naaalala ko ang mga ganung pangyayari, hindi ko mapigilang kabahan. “Auntie Ferly, her mother, told us everything about the history of her phobia. She was a little girl then. Masama ang panahon nung gabing yun. Nagkataon pa na wala ang mommy niya at bunsong kapatid. Nasa kabilang bayan at naantala ang pag uwi dahil sa biglaang pagsama ng panahon. Ang kuya niya na siyang dapat mag aalaga sa kanya ay umalis at nasa bahay ng kaklase niya nagpalipas at hindi rin makauwi. Siguro nataranta ang batang Emerald at kung saan saan na lamang nagsusuot sa kabahayan nila. Dahil naturally, takot din yan siya sa kulog at kidlat. So yun, napunta siya sa storage room sa ilalim ng hagdanan ng bahay nila. Doon sya nagsuot at natagpuan ng mommy niya kinabukasan na nanginginig at mataas ang lagnat." salaysay ni Mary. Habang ako ay umiiling iling na lang at tahimik. The memories still vivid in my mind. “It won’t affect my job, Lawrence. Hindi naman ganun na kalala ang aking phobia. I can stay in an enclosed room if may bintana. I can ride elevators basta ba wag lang siguro ako matrapped. I’m really fine now.” Paliwanag ko. Napatalon ako nang niyakap ako bigla ni Lawrence and he kept on kissing my forehead. "Being a claustrophobic is something you shouldn't be ashamed of. Hindi iyon kailanman magiging kabawasan ng pagkatao mo, Emerald. And that incident was a long time ago, baby. I won't let that happen to you again. Not in this lifetime. I will protect you; I promise you." He assured me and and I can't help but to shed a tear. His voice was so comforting. I glanced at him. “I know, Lawrence. Thank you.”  God, I love you so much. Nginitian ko siya at nagpapasalamat ako na nandito siya sa tabi ko. I am so blessed to have him in my life.                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD