NAKAKAINIS lang dahil walang nangyari sa plano namin ni Jazz sa beach, ni hindi man lang nasira ang date ng crush kong si Kuya Seus, pero at least may panibagong plano kami; kakaibiganin ko ang ate niya. Well, I think, mas maganda nga siguro 'yun para malaman ko ang ugali ng ate niya at madali kong masira ang relasyon nila ni Kuya Seus ko. I hate this, kailangan ko pang manira ng relasyon para lang sa lalaking gusto ko. Pero ganito nga siguro talaga ang pag-ibig kapag hindi ka gusto ng lalaking gusto mo, kailangan mo na lang maging desidedo at baka sakaling may pag-asa pa. “Dad, I have something to tell you.” “Ano 'yun?” sagot sa akin ni Daddy Z. Kasalukuyan na kaming nagdi-dinner buong pamilya. “Ano kaya kung ipakasal niyo na lang po ako sa anak ni Tito Oliver kay Kuya Seus?” Sa sin