Pagkapasok namin sa car ay mabilis itong pinaandar ni Jazz palayo ng gate at sinara na rin ang naka-open na roof. Pinalayo muna namin ang apat na kotse bago kami sumunod. Kilala ko ang mga kotse, sa mga triplets kong kapatid lang naman ang tatlo, at ang isa ay kay Kuya Seus. Akala ko ay susundan na namin sila diretso, pero namalayan ko na lang ang paghinto ng kotse sa parking lot ng isang shopping mall. “And what are we doing here, Jazz? Bakit hindi na natin sila sinundan!” agad kong reklamo. Jazz chuckled. “Relax, babe. Bibili lang tayo ng drone para makita natin kung anong ginagawa nila kahit nasa malayo tayo. Just in case na hindi tayo makalapit.” Napaisip naman ako. Oo nga naman, he has a point, mas mabuti pala may drone para mamatyagan namin sila ng mabuti kahit nasa malayo kami