05

1879 Words
KABANATA 05 ROCKY MARTINEZ ( POV ) NAGPAALAM NA AKO SA KAIBIGAN kung si Nestor dahil may pasok pa ako bukas. Ume-extra kasi ako kay Mang kanor sa talyer kapag hindi pumapasok ang isa niyang tauhan. Nakilala ko lang si mang kanor ng minsan siyang masiraan sa kalye at tinulungan ko. Sabi niya kapag kailangan ko ng extra na trabaho ay sabihan ko lang siya at tutulungan niya ako. At ito na nga iyon. Bukas na ako mag-start sa talyer dahil isang linggo hindi papasok ang isa niyang tauhan at may sakit daw. Mabuti na rin ito kesa wala, dahil matumal ngayun sa pagpapasada ko. Kaya naman ay tinanggap kona ang trabahong ito. Kahit papaano naman ay marunong ako dahil nakikita ko sa lolo ko no'ng nabubuhay pa siya. Ako nga ang gumagawa ng trycycle ko kapag nasisiraan. Mahal kasi magpaayus kaya ako na lang. " Sige pre. Ingat." Saad ni Nestor sakin kaya kumaway ako sa kanya saka pinaandar na ang trycycle pauwe. Pasado alas onse na ng gabi kaya hindi na ako kumatok sa pintuan at kinuha kona lang ang susi ng bahay para makapasok sa loob. Nang makapasok sa loob at buksan ang pintuan ay nagulat ako dahil gising pa ang lola ko habang pababa ng hagdanan at may kung anong merun sa mukha niya kaya natakot ako. " Ano ba naman 'yan lola. Bakit kayo nanakot?" Inis na tanong ko sa kanya. Umismid naman ang matanda. " Ku! Kalalake mong tao, matatakutin ka." At bumaba na siya ng tuluyan saka pumunta sa kusina. Sinundan ko naman siya doon. Sanay na si lola na walang ilaw kapag naglalakad siya sa dilim. Daig mo pang aswang dahil malinaw parin ang mga mata niya. Pero may salamin na ang lola ko sa mata dahil sa matanda na ito. " Bakit gising pa kayo lola?" Anang ko sa kanya. " Nauuhaw ako, iho. Andiyan kana pala." Sagot naman nito sakin. " Opo, kailangan ko matulog ng maaga dahil may pasok ako bukas kay mang kanor." Wika ko sa kanya. " Gano'n ba? Oh siya matulog kana at gigisingin na lang kita bukas." Ani lola kaya tumango ako at hinalikan siya sa ulo bago umalis ng kusina. Pumunta ako sa taas at pumasok ako sa loob ng kwarto ko saka naghubad ng damit bago nahiga sa kama ko. Pinikit ko ang aking mga mata at paggising ko kinabukasan ay maaga na dahil tumilaok na ang manok ng kapitbahay bahay namin. Alas syete ang pasok ko kaya bumangon na ako mula sa kama at kinuha ang tuwalya saka lumabas ng silid. Bumaba ako sa baba saka pumunta sa kusina. Nakita ko agad ang lola ko habang nagluluto ng almusal. " Hi, lola." Bati ko sa kanya. Nagulat pa nga ito ng makita ako. " Aba'y gising kana pala. Gigisingin na sana kita." Napangiti naman ako sa kanya. " Alam niyo naman kapag tumilaok na ang manok ng kapitbahay natin ay automatic nagigising na ako." " Oo ng pala." Sagot naman ni lola. Pumasok na ako sa banyo para maligo na. Maliligo muna ako bago kumain ng almusal. Maaga talaga nagigising ang lola ko para magluto ng almusal at papasok pa mamaya ang mga apo niya. Masipag talaga ang lola ko kaya mahal na mahal ko siya. Malaki talaga ang tulong sakin ng lola dahil magaan na ang trabaho ko sa bahay. Minsan naman ay tumutulong ako kapag nakikita ko siyang nahihirapan. Matapos maligo ay lumabas na ako sa banyo habang nakatapis ng tuwalya sa katawan. " Halikana dito at kumain kana." Aya sakin ng lola. Kaagad naman akong lumapit at naupo sa may hapagkainan. " Hmmm.. ang sarap mo talaga magluto lola." Papuri ko sa aking lola. Kaya nga marami ako nakakain dahil ang sarap magluto ni lola. Mabuti na lang ay hindi ako tumataba. " Sus, binola pa ako ng batang ito. Kumain kana diyan dahil papasok kapa sa trabaho." Kapagkuwan ay saad nito. Nagsimula na akong kumain. " Ikaw lola? Hindi kapa kakain?" Maya-maya'y tanong ko dahil 'di siya kumakain at nagkakape lang. " Wag mo akong intindihin, apo. Pwede naman akong kumain mamaya." Saad nito sakin. Tumango na lang ako saka kumain ulet. Nang matapos kumain ay nagpaalam ako kay lola na magbibihis na ako sa taas. Nakasalubong ko pa si Shin habang nagkukusot ng mga mata niya. " Good, morning pamangkin." Bati ko sa kanya. " Good morning 'din po tito." Sagot nito at iniwan kona siya. Pumasok ako sa loob ng kwarto saka pumunta sa kabenet ko at naghanap ng masusuot. Simple lang sinuot ko dahil sa talyer lang naman ang trabaho ko. Madudumihan lang naman kaya simple lang ang suot ko. Nang matapos kung magbihis ay muli akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si lola sa kusina. Naabutan ko silang kumakain kasama si Shin pero wala pa si Marissa. " La, panggastos po." Aniya sabay abot ng pera dito. Kinita ko iyon kagabi. Medyo may kinita ako kagabi kaya naman malaki laki ang binigay ko kay lola. Pero may iniipon naman ako para sa future ko. Mabuti nga ay may pag-eekstrahan ako ngayun para may extra income kami. " Ang laki naman nito, apo?" Saad ni Lola sakin. " Okey lang po, La. Kumuha na po ako diyan." Nakangiti kung sagot sa kanya. Ayaw ko kasing nakikitang namomoblema si Lola o naiistress kaya binibigyan ko siya palagi ng pera. Matanda na si Lola kaya iniiwasan kung maistress siya. Hindi rin kami masyado umaasa sa pinsan ko dahil para iyon sa mga bata. Mahirap magtrabaho sa ibang bansa dahil malayo siya samin. " Salamat, iho. Mag-ingat ka huh?" " Opo." Sagot ko saka niyakap ko si Lola at hinalikan sa pisngi. Tapos ay bumaling ako sa pamangkin ko. " Mag-aral ng mabuti ah?" " Opo, tito." Magalang na sagot nito kaya ginulo ko ang buhok niya at lumabas ng kusina. Sumakay ako sa trycycle ko patungo sa talyer ni Mang Kanor hanggang sa madaanan ko si Nosgel at mukhang papasok na siya sa trabaho. Binusinahan ko siya para malaman niya ang presensya ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Siguro gusto ko lang kumita kaya binusinaan ko siya. Ilang araw na siyang hindi pumupunta sa bahay at nagtatanong sakin si Lola. Hindi ko naman masagot si Lola Helen dahil 'di ko naman alam kung bakit 'di na siya napunta sa bahay. " Hi." " Oh?" Mataray niyang tanong sakin habang nakatikwas ang mga kilay. Ito ang kinaiinis ko sa kanya. Maganda nga pero ubod naman ng sungit kapag ako ang kausap. Pero kapag sina Lola at ang mga bata ay ang ganda ng mga ngiti niya. " Sakay na. Hatid na kita sa labasan." Alok ko sa kanya. " Salamat na lang. Gusto kung maglakad." Saad niya. Napansin kung parang namumugto ang mga mata niya. " Umiyak ka?" " Pakialam mo." Wika niya sabay lakad palayo. Hindi kona siya hinabol at baka tarayan niya lang ako. Ano bang pakialam ko sa babaeng 'yun? Dapat wala na akong pakialam sa kanya dahil 'di ko naman siya kaano ano. Pinaharurot kona ang trycycle patungo sa talyer ni Mang Kanor. --* NOSGEL ( POV ) SUMAKAY NA AKO NG BUZ PATUNGO sa trabaho ko. Humugot pa ako ng malalim na buntong hininga dahil maraming tao sa loob ng buz kaya nakatayo ako. Umiyak na naman ako kagabi kaya maga na naman ang mga mata ko. Panigurado ay magagalit na naman si Rosario kapag nalaman niyang umiyak ako dahil kay Neri. Pero hindi naman talaga dahil kay Neri kung bakit ako umiiyak. Namimiss ko lang ang mama ko. Kung nandito lang sana si mama ay may karamay sana ako sa pighati ng puso ko. Ayaw ko naman pumunta kay papa dahil panigurado ay makikita ko na naman ang asawa niya. Nagbayad ako sa kundoktor ng singilin niya ako ng pamasahe at tumingin sa labas. Nang makarating sa trabaho ko ay pumara na ako saka bumaba. Naglakad ako patungo sa building kung saan ako nagtatrabaho. Pagdating sa may pintuan ng building ay binati ako ni manong guard. " Hi, maam." " Hello po." Nakangiti ko naman sagot saka naglakad na patungo sa elevator. Naghintay ako habang nakatayo sa tapat ng elevator. Tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bag. Hindi na siya naka-silent dahil 'di na tumatawag sakin si Neri at hindi na nangungulet pa. Mabuti na rin iyon dahil naiistress ako sa kanya. Nagtext si Rosario sakin at nagtatanong kung nasa work na ako. Malelate daw kasi siya. " Okey sis." Reply ko saka pumasok nasa loob ng elevator. Marami akong kasabayan ngayun sa elevator dahil magsisimula na ang mga trabaho ng mga trabahador. Pagdating sa taas ay pumunta agad ako sa pwesto ko. Nagsimula agad ako ng magtrabaho habang inaantay ko ang kaibigan ko. Makalipas ng ilang sandali ay dumating na si Rosario habang humahangos. " Sorry, nalate ako. Andiyan na ba si maam?" Tanong niya sakin. " Hindi ko pa nakita. Magtrabaho na tayo at baka mapagalitan pa tayo." Wika ko sa kanya dahil may pagkamataray ang maneger namin. Marami kaming ginawang trabaho ngayun araw kaya hindi kami nakakain ng lunch namin. Ala una na kami nag-breaktime ni Rosario. Mabuti na lang may dala akong sandwich kaya panay ang kain namin ni Rosario habang nagwowork pero patago lang. At baka makita kami ng maneger namin. " Kaloka. Gutom na gutom na ako." Reklamo ng kaibigan ko habang patungo kami sa canteen para doon kumain. " Same." Nakangiti ko naman sagot. Food is life si Rosario pero hindi naman siya nataba kahit panay ang kain. Parang ako lang, food is life. Pagdating sa canteen ay agad siyang pumila sa counter at ako naman ay naghanap ng mauupuan namin nito. Hinantay ko naman siya bago ako kumain. Gusto ko ay sabay kaming kakain ni Rosario dahil malungkot ang mag-isa kapag kumakain. Mag-isa na nga akong kumakain sa bahay pati ba naman sa trabaho? Humugot ako ng malalim na buntong hininga habang nakatingin sa mga kapwa kung katrabaho na kumakain sa loob ng canteen. Ang sarap nilang titigan dahil ang sarap nilang kumain habang nag-uusap sila. " Huy!" Napakurap kurap ako ng mga mata ng may pumitik sa harapan ko. Pagtingin ko si Rosario lang pala. " Tulaley ka na naman diyan. Sino iniisip mo?" Tanong niya pa sakin habang umuupo sa upuan. " Wala." Marahan na iling ko sa kanya. " Natutuwa lang ako sa kanila dahil ang sarap nilang kumain habang nag-uusap. Namimiss ko lang 'yung dati na kasama ko si papa at mama." " Bakit kasi ayaw mong tumira sa bahay ng papa mo? Para hindi ka nalulungkot diyan." Suhestiyon niya sakin. " Mamaya makita na lang kitang nakabigti sa subrang lungkot mo." " Sira! Hindi ko gagawin 'yun no. Mahal ko ang buhay ko." " Talaga?" Parang hindi naniniwalang sabi niya sakin. " Oo nga, hindi ko gagawin 'yun." Ulet ko sa kanya habang nagsisimula ng kumain. " Mabuti naman. Nako, sa sabunutan talaga kita kapag nagbigti ka." Pananakot niya sakin. " Grabe ka naman. Ang sadista mo." Natatawa kung sambit sa kanya. " Hindi no, gagawin ko talaga 'yun kapag nag-bigti ka." Pairap na sabi niya sakin habang ngumunguya. Napailing na lang ako sa kanyang sinabi. Akala naman niya ay gagawin ko 'yun, mahal ko pa ang buhay ko no.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD