Kabanata 06
ROCKY MARTINEZ ( POV )
KATATAPOS KO LANG AYUSIN ANG isang sasakyan ng lumapit sakin ang anak ni Mang Kanor, si Karen. Inaalok ako sa luto niyang pagkain. Napansin ko kanina pa siya nakatingin sakin pero dedma lang ako dahil anak siya ng amo ko.
Atsaka hindi ko siya type kaya hindi ko pinapansin. Maganda naman siya at seksi pero hindi ko talaga type. Umiiwas na nga ako dahil panay ang dikit sakin kapag nakikitang mag-isa ako. Hindi ko alam kung anong trip niya.
" Kain tayo." Alok niya ulet sakin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil halos lumuwa na ang dibdib niya sa laki. Hindi ko alam kung bakit siya nagpapansin sakin.
Sa 3 days kung pagtatrabaho dito ay napansin kung puro maigsi ang suot niya. Hindi naman siya sinasaway ng kanyang ama at parang proud na ilantad ng anak ang malalaki nitong dyoga.
" Sige mamaya na lang. May gagawin pa ako eh." Nakangiti kung tanggi sa kanya. Hindi naman ako umiiwas sa mga babae pero ayaw ko pa kasi ng commitment dahil may binubuhay pa ako.
Sumimangot naman ito na parang hindi gusto ang sagot ko.
" Sige na. Kain na tayo."
" Pasensya na talaga, Miss. Busy pa ako eh." Muli ay tanggi ko sa kanya na may ngiti sa labi. Pero deep inside ay naiirita ako sa kanya dahil nagpapakita siya ng motibo sa mga lalake. At iniwan na siya. May baon naman akong pagkain dahil binabaunan ako ni Lola.
Inayus ko ang sasakyan ng bagong pasok sa talyer. Maliit lang ang talyer ni Mang Kanor pero marami siyang customer dahil nasa may kalsada siya nakapwesto.
Matapos ang isang sasakyan ay lunch time na kaya pumunta ako sa may barracks at doon kumain kasama ng ibang trabahador. Inalok pa ako ng isang kasamahan ko sa trabaho na si Bong.
" Kain pre."
" Sige salamat." Wika ko saka naupo sa may upuan. Ang barracks na iyon ay para sa mga trabahador ni Mang Kanor kapag kakain na o pahingahan.
" Ang laki talaga ng pagka-gusto sayo ng anak ni Mang Kanor, pre. Bakit hindi mo shutain? Para naman may instant mommy kana?" Sabi ni Bong sakin ng tumabi siya.
Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Wala akong balak seryusuhin ang sinabi niya dahil 'di ko tipo ang babaeng katulad ni Karen.
" Oo nga pre. Sarap ng s**o tang ina. Sarap lamutakin." Libog naman na sabi ng isa ko pang kasama.
" Kayo na lang. Hindi ko talaga type ang mga gano'n babae eh." Nakangiti kung saad sa kanila.
" Mahina 'to. Ang gusto pala ay 'yung mahihinhin na babae. Hindi na uso 'yun pre. Ang uso ngayun ay 'yung magaling sa kama. Tingin ko pa naman sa anak ni Mang Kanor magaling sumubo." Aniya at tumawa ng malakas na sabi ng isa ko pang kasama. Bale lima kaming trabahador ni mang kanor sa talyer.
Nakitawa ako sa kanila. Hindi naman ako napipikon sa mga panunudyo nila dahil sanay ako. Laking kalsada ako kaya hindi ko napipikon sa mga biro nila.
" Mas masarap parin ang mahihinhin." Sabi ko sa kanila at pumasok ang imahe ni Nosgel sa isip ko dahilan para maipilig ko ang aking ulo.
" Mahina talaga 'to." Sabi ulet ng matabang lalake na halatang libog na libog sa anak ni Mang Kanor. Masaya kaming nag-uusap ng pumasok si Karen sa loob at binati ako.
Tinititigan naman siya ng mga kasama ko sa loob na tila laway na laway kay Karen. Halata sa mga mata nila ang matinding pagnanasa sa babae.
" Tapos kana kumain." Maarte na tanong sakin ni Karen. " May dala akong ulam for you." Aniya na yumuko pa sakin kaya nakita ko ang malaki niyang s**o.
Ngumisi naman ako sa kanya. " Tapos na. Baka sila, gusto nila." Baling ko sa mga kasama ko.
" Oo nga, hindi pa kami tapos maam." Sabi ni bong.
" Ayaw ko nga, para kay buboy lang 'to." Nakangiting sabi nito na hinaplos ang mukha ko pero mabilis akong umiwas.
Parang kinilabutan ako sa ginawa niya. Hindi naman sa nag-iinarte ako. May naging girlfriend naman ako noon at may karanasan na. Pero hindi ko talaga tipo si Karen.
" Pasensya na. Sa kanila muna lang ibigay." Ani ko saka mabilis na tumayo at iniwan sila. Hindi pa ako tapos kumain. Bigla kasing dumating si Karen. Pumunta na lang ako sa labas para mag-yosi.
--*
NOSGEL ( POV )
WALA AKONG PASOK NGAYUN ARAW SA trabaho kaya nasa bahay lang ako at naglilinis ako ng buong bahay saka naglaba. Minsan kapag tinamad ay nagpapa-laundry ako. Hindi ako umaalis ng bahay, depende na lang kapag niyaya ako ni Rosario at ni Neri no'ng kami pa. Pero ngayun ay hindi na dahil wala na kami. At hindi na ako umaasa dahil tumigil na siya sa panunuyo sakin. Isa lang ang ibig sabihin no'n, hindi niya talaga ako mahal.
Kung siguro sinuyo niya ako ng sinuyo ay baka makipagbalikan pa ako sa kanya. Pero hindi na mangyayare iyon dahil tumigil na siya.
Nang matapos kung masalang ang labahan sa washing ay pumunta ako sa kusina para magluto ng pagkain ko. Kaya lang pagbukas ko ng ref ay wala na pala akong stock dahilan para mapabuntong hininga ako. Tinatamad pa naman akong lumabas ng bahay dahil wala akong ganang lumabas. Balak ko sana ay magmukmok ako sa kwarto after kung maglinis at maglaba.
Pero kailangan ko atang lumabas ngayun dahil wala na akong stock sa ref. Sinilip ko 'din ang cupboard ko at wala na rin laman iyon.
" Ano ba 'yan." Reklamo ko saka lumabas ng kusina saka pumunta sa taas at kinuha ang wallet ko. Pupunta na lang muna ako sa may talipapa para bumili ng maluluto ko. Malapit lang naman ang talipapa at pwedeng lakarin.
Nang makuha ko ang pitaka ay lumabas na ako ng bahay saka nagsimulang maglakad patungo sa talipapa. Pagdating doon ay bumili agad ako ng kailangan ko. Hindi ako nag-almusal kanina kaya maaga akong nagutom. Kape lang ang laman ng tiyan ko.
Abala ako ng may kumalabit sakin. Magagalit sana ako dahil kinuhit ako sa beywang ng makita ko si lola Helen.
" Lola." Masaya kung sambit ng makita ko ang matanda. Hindi na ako pumupunta sa kanila dahil nahihiya na ako. Pupunta pa ako hindi naman nila ako kamag anak. Hiyang hiya nga ako no'ng mga araw na 'yun tapos pinakain pa ako ni lola. Para bang apo niya rin ako kung ituring, hindi naman niya ako apo.
Nagulat ako ng yakapin ako ni lola. " Bakit hindi kana pumupunta sa bahay? Akala ko ba babalik ka." May bahid na tampo ang tono ni Lola.
Nahihiya naman ako ngumiti sa matanda. " Pasensya na po, Lola. Ang dami ko po kasing ginagawa, anong oras na ako nakakauwe sa bahay." Kagat labi kung sagot pero ang totoo niyan ay nagsisinungaling ako dahil nahihiya na talaga akong bumalik.
" Gano'n ba? Pasensya kana ah? Namimiss lang kasi kita eh. Atsaka kaya gusto kitang pumunta sa bahay ay nakita ko sa iyong mga mata na malungkot ka. Kaya naman inaanyayahan kitang pumunta sa bahay para hindi kana malungkot."
Parang hinipo ang puso ko ng mainit na palad dahil sa sinabi ni Lola. Hindi ko akalain na napansin niyang malungkot ako no'n. Samantalang nakangiti naman ako at sinasagot ko ng pabalang ang apo niyang lalake.
Napangiti na lang ako kay Lola. " Sige po. Pupunta-"
" Ay, hindi. Pumunta ka ngayun sa bahay. Magluluto ako ng masarap na ulam."
" Po?" Gulat ko naman sambit ng hawakan ako ni Lola sa braso at hinila. Bibili palang ako pero hinila na niya ako. " Lola, bibili rin po ako ng pagkain ko." Saad ko kay Lola habang hila niya parin ako. Kung makapal lang ang mukha ko ay baka palagi ako sa kanila. Kaya lang nahihiya talaga ako.
" Wag na. Sa bahay kana kumain." Wika ni Lola kaya hindi na ako nagpapigil pa. Nilakad na lang namin ang bahay nila habang nag-uusap kami ni Lola. " Kamusta kana pala iha?"
" Okey naman po lola. Kayo po?" Balik tanong ko sa matanda.
" Maayus naman, iha. Ito nakakaraos sa araw araw. Hinahanap ka rin pala ng mga bata. Akala nila babalik kapa." Ani Lola sakin na bumaling pa.
" Pasensya na ho, busy lang po talaga ako sa trabaho." Sagot ko kay Lola.
" Baka naman pinapagod mo ang sarili mo. Aba! dapat hindi mo pinapabayaan ang sarili mo."
Napangiti ako dahil sa pagiging maalalahanin ni lola sakin. Para siyang si mama dahil ganito rin ang mama ko noon no'ng nabubuhay pa siya.
" Salamat po, Lola. Hindi ko naman po pinapabayaan ang sarili ko." Ani ko sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa lugar nila.
" Aling Helen, sino yang kasama niyo? Girlfriend na ba 'yan ni Buboy?" Sabi ng isang ginang sa may tindahan. Lima silang nagkukumpulan sa may tindahan.
" Hindi, kaibigan ko si Nosgel." Sagot ni Lola sakin.
" Wow, bumabata si Manang Helen. Bata ang kaibigan." Nakangising sabi ng isa pang ginang. Umismid naman si Lola Helen.
" Syempre naman." Sagot pa niya bago lumakad ulet si Lola kaya sumunod na rin ako sa kanya. Marami palang tsismosa dito sa kanila. Samantalang samin ay wala naman.
Pagdating sa bahay nila lola ay walang tao sa loob ng bahay. Pati mga bata ay wala 'din, hindi ko alam kung nasaan ang mga bata.
" Wala 'yung mga bata, Lola?" Tanong ko sa matanda ng makapasok kami sa loob ng kusina.
" Nako wala, iha. Nasa school pa. Mamaya'y nandito na sila." Sagot ni Lola sakin habang inaasikaso ang mga binili niya sa palengke. " Kung gusto mo ay sa sala's ka muna habang nagluluto ako."
" Wag na po. Dito na lang ako habang tinutulungan ko po kayo." Nakangiti kung sabi kay Lola.
" Ikaw ang bahala." Nakangiting sabi ni Lola kaya tinulungan kona siya na parang bahay ko lang dito.
" Ano po ang lulutuin niyo lola?" Maya-maya'y ko sa matanda.
" Mag-adobo ako, iha. Paborito ng mga bata iyon eh." Sagot ni lola sakin. " Ikaw? Anong paborito mo?"
" Sinigang sa miso po." Nakangiti kung sagot sa matanda. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya at hindi ako nahihiya kay lola. Ang gaan gaan niyang kasama, wala akong madamang ilang dahil subrang bait ni lola.
" Sige sa susunod lulutuan kita ng sinigang sa miso."
" Nako, nakakahiya naman po, lola. Okey lang po." Nahihiya kung sambit sa kanya.
" Okey lang 'yan. Para na rin kitang apo."
" Ang bait bait niyo po. Kahit 'di niyo ko kilala ay pinapatuloy niyo ko sa bahay niyo." Komento ko sa kanya.
" Kasi mabait ka naman. Kaya pinapatuloy kita sa bahay ko." Sagot ng matanda. Mas lalo ako naguguluhan sa kanya. Paano niya nasabi na masama ako? Manghuhula ba si lola?
" Manghuhula po ba kayo?" Tanong ko sa kanya dahilan para matawa si Lola.
" Hindi, makikita naman sa itsura mo. Mukha kang mabait."
" Paano kung mali po kayo?"
" Malabo 'yun, alam ko mabait kang bata." Nakangiting saad ni Lola saka binalikan ang ginagawa.
Napangiti naman ako saka tinulungan si Lola. Maya-maya'y narinig ko ang boses ng apo ni lola at natigilan kaya napalingon ako sa kanya.
Agad 'din akong napaiwas ng tingin sakanya ng makita kung wala siyang suot na pang itaas, kaloka. Parang uminit 'din ang mga pisngi ko ng makita ko ang katawan niya.