KABANATA 04
KINABUKASAN AY PUMASOK AKO sa trabaho kahit mugto ang mga mata ko kakaiyak. Hindi ko pa kasi makalimutan ang pangloloko sakin ni Neri kaya umiyak na naman ako. Masakit parin sakin ang pangloloko niya. Minahal ko kasi siya ng subra kaya nga umabot kami ng dalawang taon tapos niloko niya lang ako.
Pangarap pa naman namin dalawa na ikasal at magkaanak pero hindi na mangyayare 'yun dahil hiwalay na kami. Masakit man pero kailangan ko siyang kalimutan at hindi patawarin. Mabuti na lang ay hindi pa kami kasal, baka magloko 'din siya kapag mag-asawa na kami.
May nilagay ako sa ilalim ng mga mata ko para hindi halatang umiyak ako at namamaga. Ayaw ko naman kasi pansinin ng mga kasama ko sa trabaho dahil may mga tsismosa sa opisina.
Baka pag-usapan nila ako kapag nakita nilang namumugto ang mga mata ko.
" Parang umiyak ka. Anong nangyare sayo?" Tanong sakin ni Rosario habang magkatabi kami at nagsisimula ng magtrabaho. Wala parin siyang alam about sa hiwalayan namin ni Neri. Hindi ko parin kasi sinasabi at baka anong gawin niya kapag sinabi ko.
Warfreak pa naman ito at baka sugurin si Neri sa bahay nila. Hindi naman sa kinakampihan ko si Neri, ayaw ko lang ng gulo sa lugar namin. Okey lang sana kung sa ibang lugar nakatira si Neri hahayaan ko si Rosario na sugurin siya.
" Wala." Tipid kung sagot habang nakatapat sa screen ng computer.
" Wala? Pero namamaga ang mga mata mo. Halatang umiyak ka. Nag-away ba kayo ni Neri?" Pangungulet nito pero sa mahinang boses at baka marinig kami ng maneger namin.
" Wala nga, magtrabaho kana." Walang gana na sabi ko saka nagpatuloy sa pagtatrabaho dahil wala ako kahapon.
Inabala ko ang sarili sa pagtatrabaho para hindi ko maisip ang pangloloko sakin ni Neri. Dahil sa pagiging busy ko ay hindi ko namalayan ang oras. At nagulat na lang ako ng yayain ako ni Rosario na kumain muna.
" Break time muna tayo. Masyado kang seryuso diyan." Saad nito na may nginitian na kasama namin sa work.
" Mamaya na. Hindi pa ako nagugutom." Sabi ko sa kanya.
" Gaga, mamaya na 'yan. Magpapalipas ka na naman ng gutom. Kumain muna tayo." Pangungulet niya sakin. " Sige ka, kapag hindi mo ako sinamahan na kumain ay iisipin kung may problema kayo ni Neri." Saad pa nito.
Napabuga naman ako ng hininga dahil 'di ako titigilan ni Rosario hangga't hindi ako pumapayag.
" Fine!" Irap kung sagot saka kinuha ko ang baunan ko. Nagbabaon ako ng pagkain dahil 'di ako bumibili ng pagkain sa canteen. Okey naman ang pagkain sa canteen at masarap. Kaya lang natatakot ako na baka sumama ang tiyan ko kaya nagbabaon ako ng pagkain.
Kahit na tamad na tamad akong magluto kanina dahil masama ang pakiramdam ko. Lumakad na kami patungo sa baba ng building kung nasaan ang canteen.
" So, nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" Tanong ni Rosario ng nasa canteen na kami.
" Tsismosa ka." Sabi ko sa kanya pero may ngiti sa labi.
Inirapan naman ako ng bruha. " Hindi ako tsismosa. Best friend mo ako."
Natawa naman ako ng mahina saka tinulak na siyang pumila dahil mahaba ang pila sa counter. Naghanap naman ako ng mauupuan namin saka naupo. Habang hinihintay si Rosario ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng uniform ko at sumama agad ang mukha ko dahil maraming tawag saka text si Neri. Hindi ko naririnig dahil naka-silent ang cellphone ko.
" Buset talaga. Bakit ba siya tawag ng tawag? Ano bang feeling niya? Makikipagbalikan ako sa kanya? No way! Dibale ng walang boyfriend kesa lokohin." Bulong ko sa isip.
Maya-maya'y dumating na si Rosario na dala na niya ang kanyang pagkain.
" Ang sama ng mukha mo? Anong nangyare?" Tanong niya agad sakin at mukhang nakita niya ang pagsama ng mukha ko.
" Wala, kain na tayo." Aya ko sa kanya. Naupo naman si Rosario saka nagsimula ng kumain. Kumain na rin ako. Nagluto lang ako ng gulay dahil mahilig ako do'n at medyo dinamihan ko para bigyan ko si Rosario.
" Sarap neto ah." Saad niya sakin ng matikman ang luto ko.
Natawa naman ako sa kanyang papuri. Palagi naman niya sinasabi iyon dahil wala naman masarap dito, lahat masarap.
" Salamat." Aniya saka kumain na rin.
" Uy! mag-kwento ka nga. Nag-aalala talaga ako sayo. Alam mo ba tinititigan kita parang hindi mo ako nakikita at nakatulala ka. Ano bang nangyare?" Maya-maya'y sabi nito habang kumakain.
Napabuntong hininga naman ako at tumigil sa pagkain ko bago bumaling dito.
" Break na kami."
" What?" Gulat na tanong niya sakin kasabay ng pagbaling sakin. " Seryuso ka? Paano? Paanong nangyare? Samantalang no'ng nakaraan araw ay ang saya saya mo. Anong nangyare?" Sunod sunod na tanong niya sakin.
" Nahuli ko siyang may ka seks na babae sa bahay niya." Naiiyak na sagot ko sa kanya kaya mabilis siyang lumapit sakin.
" Gago talaga no? Kaya wala akong tiwala sa lalake na 'yun eh." Gigil na sabi nito at niyakap niya ako ng makitang naluluha ako.
Hindi naman kami pansinin dahil medyo malayo kami sa ibang mga empleyado doon.
" Sinong babae naman? Nakilala mo ba? Sana kinuhanan mo ng picture para ipost natin sa sosyal media."
" Wag." Pigil ko sa kanya.
" Bakit naman?" Anang nito na kumawala sa yakap niya sakin saka kunot na tumitig sakin. " Bakit wag? Don't tell me naaawa ka sa babaeng 'yun?"
" Pinsan ko ang babae niya." Nakatingin sa kanya na sagot ko.
" Ano? Pinsan mo?" Malakas ang boses na pagkakasabi niya kaya napalingon samin ang ibang tao sa canteen kaya sinaway ko siya.
" Ano kaba, ang lakas ng boses mo."
" Sorry, sorry. Seryuso kaba diyan?"
" Oo nga, si Ara 'yung babae niya." Muli ay sagot ko sa kanya. Hindi na ako nakakain dahil nawalan na ako ng gana.
" Asan na ang pinsan mo?"
" Umuwe nasa probinsya namin." Tugon ko saka niligpit ang mga pinagkainan ko.
" Siguro naman may ginawa ka sakanya?" Muli ay tanong niya sakin.
" Sinabunutan ko ng bongga." Galit na kwento ko sa kanya.
" Mabuti naman. Aba! Napaka-walang utang na loob naman 'yang pinsan mo. Biruin mo ay sinulot niya ang boyfriend mo."
" Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon sakin. Sabi ni Neri, inakit daw siya ng pinsan ko." Malungkot ang boses na sagot ko sa kanya.
" Naniwala ka naman? Malibog talaga 'yang boyfriend mo. Hindi mo nakikita pero ako nakikita ko kung paano niya titigan ang mga babaeng seksi kapag dumadaan sa harapan niya."
Tama naman si Rosario pero hindi kona lang iyon pinapansin kasi alam ko hindi niya gagawin sakin ang magloko. Pero nagkamali ako dahil niloko parin ako ng hinayupak na 'yun.
" Wag kanang malungkot dahil 'di niya deserved. Jusko, 2 years lang 'yan, may mas deserved pa sa kanya. Kapal ng mukha niya, hindi pa siya nakuntento sayo? My god!" Gigil na gigil na sabi nito kaya napangiti ako dahil may kaibigan akong katulad ni Rosario.
Niyakap naman niya ako habang naluluha ako. Hindi ko parin mapigilan maluha o malungkot dahil 2 years 'din naman ang pinagsamahan namin ni Neri. Masakit parin sa dibdib ko kapag naiisip kung niloko ako ng dalawang taong mahal ko.
Mabuti nga ay hindi ako nakikipagbalikan sa kanya dahil mahal ko parin siya. At umiiwas ako sa kanya ng bonggang bongga dahil baka makipagbalikan ako sa kanya.
Nang matapos namin kumain at nasabi kona sakanya ang paghihiwalay namin ni Neri ay umakyat na ulet kami sa taas para magtrabaho. Kinukulet parin ako ni Rosario pero inabala ko ang aking sarili sa pagtatrabaho para hindi ko maalala si Neri.
Kasi sa totoo lang ay namimiss ko parin ang hinayupak na 'yun kahit na niloko na niya ako. Ewan ko ba, niloko na ako pero namimiss ko parin siya tsk.
Matapos ang mag-hapong trabaho ay bumaba na kami ni Rosario para umuwe na ngunit nagulat ako dahil nakita ko si Neri sa labas ng building kung saan kami nagwowork ng kaibigan ko.
" Buset, andiyan yung hinayupak. Halika dito tayo dumaan." Galit na sabi ni Rosario at hinila ako patungo sa ibang daanan pero hinabol naman kami ni Neri.
" Babe sandali." Wika pa nito habang hinahabol kami hanggang sa mahabol kami ni Rosario.
" Babe mo mukha mo. Kapal 'din ng mukha mo no?"
" Wag kang makisali hindi ikaw ang girlfriend ko."
" Aba't-"
" Tama na." Awat ko sa dalawa. " Pwede ba, tantanan muna ako. Break na tayo." Galit na baling ko kay Neri.
" Babe naman. Sorry na. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko no'n." Pamimilit niya sakin na akma pa akong hahawakan sa kamay ngunit iniwas ko ang aking kamay.
" Ayaw kona. Tapos na tayo. Tigil-tigilan muna ako." Nakikiusap na sabi ko sa kanya dahil wala na rin akong balak balikan siya kahit subra ko siyang mahal.
" Babe."
Pero iniwan kona siya at hinila na si Rosario habang masama ang mukha nito kay Neri. Pumunta kami sa sakayan ng buz patungo samin.
" Kapal talaga ng mukha. May mukha pa siyang pinapakita sayo." Rinig kung sabi ni Rosario. Hindi ako nagsalita dahil naiisip ko si Neri. " Ano mahal mo pa? Nako, tigil-tigilan mo 'yan, sis." Sabi pa niya sakin ng hindi ako kumikibo.
Maya-maya'y sumakay na kami ng buz nito. Iba ng way ng bahay niya at bahay ko. Pero same lang sinasakyan namin na buz kapag galing sa work namin.
" May balak kang balikan ang lalake na 'yun? Kapagkuwan ay tanong ni Rosario sakin habang nakaupo na kami sa dulo.
Bumaling ako sa kanya at marahan na umiling.
" Mabuti naman. Kasi kapag nakipagbalikan ka sa kanya ay hindi na tayo friends, wala akong kaibigan na martir." Saad pa nito sakin. Sinasabi niya lang 'yun pero hindi naman siya seryuso.
Nang makarating na ako sa lugar namin ay bumaba na ako sa buz saka pumunta sa sakayan ng trycycle. Natigilan ako dahil si buboy ang nasa unahan. Dito pala siya nakapila kapag pumapasada. Bakit hindi ko siya nakikita o napapansin?
Pero agad 'din akong nakahuma saka sumakay ng mabilis sa trycycle. Hindi na ako nagsalita kasi alam naman niya ang bahay ko.
" Ka-kauwe mo palang?" Rinig kung tanong niya sakin.
" Obvious ba?" Pagtataray ko.
" Ito naman. Nagtatanong lang naman."
" Sorry." Hingi ko naman ng pasensya saka hindi na nagsalita. Nang makarating sa bahay ay agad akong bumaba ng trycycle saka nagbayad kay buboy at pumasok sa bahay.