10

1832 Words
kabanata 10 NAGLULUTO AKO NG ALMUSAL KO NG TUMATAWAG SI PAPA SA PHONE KO. Hindi ko alam kung bakit siya tumatawag ng ganitong kaaga. Sinagot ko ang tawag at pinatay ko ang gas stove para hindi masunog ang niluluto ko. " Hello, pa. Bakit po?" Tanong ko sa ama. " Good morning iha. Almusal kana ba?" tanong 'din sakin ni papa mula sa kabilang linya. " Hindi pa po,pa. Napatawag po kayo?" " Birthday ng kapatid mo, anak. Baka gusto mo pumunta.?" Anang ni papa sakin. Tatanggi sana ako dahil tinatamad ako. Bukod doon ay baka magtanong siya about kay Neri. " Sige na anak. Hindi muna ako dinadalaw dito." Parang nagtatampo na sabi sakin ni papa. Matagal tagal na rin kasi ang huli akong pumunta doon. Naaalibadbaran kasi ako sa asawa niya, ang plastik kasi. Porket andiyan lang si papa kung makangiti o makaasta akala mo ang bait. Pero syempre ay hindi kasama ang mga kapatid ko sa inis ko sa kanilang ina. Mga bata pa ang mga kapatid ko sa aking ama. Parang sina Shin at Marissa lang. Mababait naman ang mga kapatid ko sakin, kapag pumupunta ako sa kanila ay palagi nila ako nilalapitan at naglalambing. " Busy po kasi ako, pa. Kaya hindi ako nakakapunta diyan." Katwiran ko sa ama. " Busy nga ba o dahil sa tita Tonette mo?" Tanong ni papa sakin. Napabuga naman ako ng hininga dahil sa tanong ng ama. " Isa na rin po 'yun, pa." Sagot ko sa aking ama at hindi ko iyon kinakaila. " Hindi ba pwede dahil sakin na lang kaya ka pupunta? O kaya dahil sa mga kapatid muna lang iha?" Nakikiusap na tanong sakin ni papa. Hindi naman agad ako nakasagot kay papa kasabay ng pagkagat sa ibabang labi. Ayaw na ayaw ko kasi nakikita ang babae na 'yun. " Iha?" Kapagkuwan ay untag sakin ni papa mula sa kabilang linya. " Okey po, pa. Pupunta po ako para hindi na kayo magtampo diyan." Pagpayag ko sa aking ama. Mabait naman si papa at hindi naman ako pinapabayaan kahit may asawa na siya. Palagi parin siya tumatawag para kamustahin ako. Andiyan 'din siya kapag may problema ako sa pera o sa ibang bagay. Hindi niya parin kinakalimutan ang responsibilidad niya sakin. Kaya nagpapasalamat ako dahil andiyan parin si papa para sakin. Mabuti na lang ay hindi siya nasusuhulan ng babaeng 'yun. Pero kapag kaya ko naman ang problema ay hindi kona sinasabi kay papa para hindi na siya maistress dahil matanda na ang papa ko. Katulad na lang sa ginawa sakin ni Ara at Neri. Wala pang alam ang papa ko sa paghihiwalay namin ni Neri. Bet na bet pa naman ni papa si Neri para sakin dahil akala ni papa ay matinong lalake ang EX ko. Hindi kona sinabi para hindi na siya mag-alala pa. " Maraming salamat anak. Matutuwa ang mga kapatid mo kapag pumunta ka." Saad ni papa sa kabilang linya. " Sino po ba ang may birthday sa dalawa?" Kapagkuwan ay tanong ko sa aking ama. " Si Gorya anak, yung bunso ko." Sagot ni papa sakin. " Ah okey po. Sige po pupunta ako after ng work ko." Sabi ko sa ama. " Usige na. Baka malate kapa. Hihintayin kana lang namin dito ng mga kapatid mo. I love you anak." " I Love you too, papa." Sagot ko sa kanya bago nagpaalam sakin si papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman ako bago bumalik sa ginagawa ko. Nang matapos magluto ay kumain na ako saka naghanda ng babaunin ko sa trabaho. Para hindi na ako bibili sa canteen. Umakyat na ako sa taas para makaligo na dahil papasok pa ako sa trabaho. Matapos maligo ay kaagad akong nagbihis at nag-ayus ng sarili. Makalipas ng ilang sandali ay naglalakad na ako palabas ng bahay ko. Sinasara kona ang gate ng makita ko si Neri habang may inaalalayan na babae. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod siya sakin. " Kapal talaga ng mukha." Gigil kung bulong sa sarili bago nagmamadaling nilock ang gate para hindi nila ako makita. Naka-move on na ako pero kapag nakikita ko siya na may kasamang babae ay nakakaramdam parin ako ng inis. Dahil gano'n niya ako agad napalitan, samantalang ako ay wala pang boyfriend dahil sa ginawa niya. Pagdating sa sakayan ng trycycle ay nakita ko si Buboy pero hindi ko siya pinansin at sumakay agad ako saka nagpahatid agad ako sa labasan. Napabuntong hininga ako ng malalim para mawala ang inis namumuo sa dibdib ko. Naiinis parin ako hanggang ngayun kapag nakikita ko siyang may ibang kasamang babae si Neri. Pagdating sa labasan ay bumaba agad ako sa trycycle saka nagbayad kay kuya. Sa subrang inis na aking nadarama ay hindi ko napansin ang pera na kinuha ko sa pitaka. Na realise ko lang ng magtanong si kuya. " Miss wala ka bang maliit pa dito? Masyado pang maaga para sa malaking pera." " Sorry." Wika ko saka kinuha ang pera at naghanap ng pera sa loob ng bag ko pero natigilan 'din agad ng magsalita si kuya. " Okey na, Miss. Si Buboy na lang ang sisingilin ko." Sabi niya sabay sibat palayo dahilan para matigilan ako at hinabol ng tanaw si kuya. " Gago talaga, bakit si buboy ang sisingilin niya? Hindi ko naman boyfriend ang lalaking 'yun." Gigil na bulong ko at umalis na. Sira na ang araw ko dahil sa hinayupak na 'yun. Sa dami ng pwede makita ay EX ko pa tsk. Lesson learned, dapat hindi nagjojowa kapag magkapitbahay para kapag naghiwalay kayo ay hindi masira ang araw niyo kapag nakita mong may kasamang ibang babae o lalake ang mga jowa niyo. --* ROCKEY MARTINEZ ( POV ) MAAGA AKONG PUMASADA NGAYUN DAHIL MAAGA AKONG UMUWE KAGABI. Akala ko kasi ay may pasok ako kina mang kanor pero wala pala dahil tumawag kanina si mang kanor at sinabing papasok ang isa nilang tauhan. Hindi na ako nakatulog kaya pumasada na lang ako. Nakikipag-kwentuhan ako sa mga ka tropa ng makita ko si Nosgel na sasakay ng trycycle. Lalapitan ko sana at babatiin kaya mukhang wala sa mood ang dalaga dahil masama ang bakas sa mukha niya. " Mukhang badtrip ang my love's mo ah?" Bulong sakin ni Nestor. " Gago! Anong my love's ka diyan?" Aniya sabay hampas sa brasp nito. Malisyuso talaga ang gago na 'to. " Pero ang ganda niya pre. Kapag niligawan ko ba siya, papasa kaya ako?" Tanong sakin ni Nestor na sinundan ako sa may upuan. " Malay ko, sakin nga ang sungit sungit ng babaeng 'yun. Tapos umaasa ka pang papansinin no'n?" Natatawa kung tanong sa kanya at naupo sa mahabang upuan na plastik. " Malay mo naman diba?" Aniya na tumabi sakin dahil magkasunod lang kami sa pila. " Para naman may love life na ako. Pota tigang na tigang na ako." Tinawanan naman siya ng isa naming kasamahan. At mukhang narinig ang sinabi ni Nestor. " Asa ka naman pansinin no'n, Nestor. Sa itsura ng babae ay hindi pumapatol sa trycycle driver. At mukhang may kaya pa sa buhay." " Bakit masama bang mangarap? Malay mo ako pala ang dream boy niya?" Nakangising sambit ni Nestor. Gago talaga eh. " Sige suportahan kita." Nakangisi ko naman sagot ko sa kanya. Goodluck na lang talaga dahil subrang sungit ng babaeng 'yun. Sayang ang ganda pa naman niya. Maya-maya'y dumating na 'yung sinakyan ni Nosgel at lumapit sakin. " Pre sayo kona lang singilin ang bayad ni ganda." " Hala! Bakit sakin?" Gulat ko naman tanong sa kanya. " Isang libo ang pera eh, wala pa akong panukli doon kaya sinabi kung sayo kona lang singilin dahil kilala mo naman siya diba?" " Gago, hindi ko kilala 'yun." " Hala! Akala ko kilala mo." Saad naman nito. " Sige ako na ang bahala." Kapagkuwan ay sabi ko sabay abot ng bayad ni Nosgel sa kanya. Langya, sinusungitan ako pero ako naman ang mababayad ng pamasahe niya. Napailing na lang ako. Maya-maya'y may sumakay nasa trycycle ko saka pinaandar iyon matapos tanungin ang babae. Medyo maganda ang biyahe ko ngayun dahil puro malalayo at tatlo tatlo ang sakay ko. Pagdating ng alas diyes ng umaga ay umuwe muna ako para kumain ng tanghalian. Mamaya kasi ay magsusundo naman ako ng mga service ko kaya kailangan ko muna kumain. " Lola, bahay na po ako." Sigaw ko ng makapasok sa loob ng bahay saka dumeretso sa kusina dahil sa ganitong oras ay nagluluto na ang lola ko. " Andiyan kana pala. Kamusta ang pagpapasada mo?" Tanong sakin ni lola ng lumingon siya sakin. " Okey naman po, La." Tugon ko sa kanya saka lumapit sa refrigerator at kumuha ng maiinum. " Ano pong ulam?" Anang ko kay lola matapos uminum ng tubig. " Pinaksiw na bangus iho." Sagot ni Lola sakin. " Hmmm.. sarap." Komento ko kay Lola saka lumapit dito. " Sus, lahat na lang sayo masarap." Nakangiting sabi ni lola sakin. " Syempre, ikaw ata ang the best pagdating sa pagluluto, Lola." Ani ko, dahil totoo naman talaga iyon. Sa subrang sarap kaya napaparami ang kain ko. " Oo na, binola mo pa ako. Bakit hindi kana mag-asawa para may mag-alaga sayo." Kapagkuwan ay saad ni lola sakin. " Si Lola talaga. Ayaw mona ba sakin? At pinag-aasawa niyo na ako?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya. Palagi na lang ako tinataboy na mag-asawa na. " Pero wag do'n sa haliparot na 'yun." Dagdag na sabi pa ni lola kaya lumapit ako sa kanya. " Lola, wala pa akong balak mag-asawa. Atsaka hindi ko pa nakikita ang babaeng para sakin." Wika ko sa aking lola. Nakita kona ang babaeng para sakin noon ngunit hindi kami nagkatuluyan dahil ayaw niya sa lola ko. Kaya naman simula no'n ay ayaw kona magmahal at hinayaan kona lang ang sarili kung tumanda. Masaya na akong kasama ko sina lola at saka ang mga bata. Nakikipag-fling pero hanggang doon lang 'yun. Si Karen wala 'yun. " Sus me, apo. Ilang taon kana. Aba'y lagpas kana sa calendaryo. Baka tumanda ka niyan na walang kasama sa buhay." Nag-aalalang sabi ni lola sakin. Mahal na mahal niya talaga. " Lola." Ani ko saka inakbayan ito. " Masaya na ako na kasama ko kayo. Atsaka darating naman 'yan, hindi ako nagmamadali." Malambing ang tono na sabi ko sa kanya. " Nag-aalala lang ako sayo, apo. Yung iba mong mga kaibigan ay may mga asawa na. Ikaw na lang ang wala pa." " Sus, okey lang 'yun, La. Hindi naman ako mamatay na walang asawa." Nakangisi kung saad sa kanya. Pero deep inside ay naiinggit ako sa mga kaibigan ko dahil may sarili na silang pamilya. Kaya nga kapag kinukuha nila akong ninong ay naiinggit ako. Kasi sila may asawa na at anak. Samantalang ako, ito ganito parin. " Ewan ko sayo. Kumain kana nga lang at ihahatid mo pa ang mga service mo." Maya-maya'y sabi ni lola kaya naupo na ako at nagsimula ng kumain dahil maghahatid saka magsusundo pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD