KABANATA 11
PAGLABAS KO NG BUILDING KUNG SAAN AKO NAGWOWORK AY nagpaalam na ako kay Rosario dahil papunta pa ako sa bahay ng papa ko. Birthday ng nakakabata kung kapatid kaya pupunta ako. Atsaka namimiss kona rin sila lalo na ang papa ko. Pero dadaan muna ako sa mall para bumili ng regalo sa kapatid ko.
Libro ang ibibili ko dahil mahilig magbasa si Gorya. Hindi katulad ng isa ko pang kapatid, tamad mag-aral sabi ni papa. Wala daw ginawa kundi mag-gedget kaya ang baba ng mga grades sa school. Mabuti na lang bumawe kay Gorya. Mabuti na lang nagmana sakin. char.
Pagdating sa mall ay pumunta agad ako sa books store para bumili ng libro para kay Gorya. Pagpasok doon ay nagtungo agad ako sa mga libro at pumili. Noon mahilig 'din ako magbasa, pero noong nag-aaral pa ako. Nang makakuha ng libro ay pumunta na ako sa counter dahil kailangan ko ng pumunta sa bahay nila papa at baka gabihin ako kina papa. May pasok pa ako bukas at ayaw ko matulog kina papa dahil 'di ako sanay doon.
After bumili ay lumabas na ako ng mall saka sumakay ng taxi patungo sa bahay nila papa. Pagdating sa tapat ng bahay nila papa ay bumaba na ako matapos magbayad kay manong. Lumapit ako sa may gate at nag-doorbell doon. Bahay iyon ng asawa ni papa at pamana 'din ng mga yumaong mga magulang. Sabi ni papa wala daw kapatid ang asawa niya kaya wala siyang kahati sa bahay, parang ako lang walang kapatid kaya walang kahati sa bahay if ever mawala si papa. Syempre wag muna dahil 'di pa ako handa, kay mama pa nga lang eh. Hindi ko matanggap dahil ang bata pa ng mama ko.
Maya-maya'y bumukas ang pintuan ng gate at niluwa no'n ang madrasta ko. Napataas ang kilay ko ng makita kung subrang saya ang nakabakas sa mukha nito.
" Nosgel." Sambit pa nito sabay yakap sakin. Sumama naman ang mukha ko habang niyayakap niya ako.
" Si Nosgel na ba 'yan, Hon?" Narinig kung tanong ni papa sa asawa niya kaya mabilis akong kumawala dito at lumapit kay papa.
" Papa." Masaya kung sambit sabay yakap ng mahigpit. Niyakap 'din ako ng mahigpit ni papa.
" Sa wakas at pumunta ka." Saad ni papa habang yakap yakap parin ako. Halatang miss na miss ako dahil 'di na ako nakakapunta.
" Nagtatampo na po kayo pumunta na ako." Sabi ko sa ama at kumawala dito.
" Kung hindi pa ako magtatampo hindi kapa pupunta." Nakasimangot na ani ng ama ko.
" Pa, busy po ako sa trabaho." Naglalambing kung saad sa ama kasabay ng pagyakap sa tagiliran nito.
" Pwede ka naman, pumunta dito habang naka-day off ka." Giit pa nito.
" Sorry na po, pa." Wika ko sa ama at narinig namin ang sinabi ng madrasta ko.
" Doon na tayo sa loob para makakain na ang anak mo, hon."
" Mabuti pa nga, para makakain ka muna." Segunda naman ni papa at sumunod na kami sa asawa niya. " Bakit hindi mo pala kasama si Neri, iha?" Tanong ni papa sakin habang papasok kami sa bahay. Hindi naman ako nakaimik agad dahil 'di pa alam ni papa na hiwalay na kami.
" Ate!"
Napangit ako ng makita ko ang birthday girl ng makapasok kami sa loob ng bahay.
" Hello." Wika ko sabay yakap kay Gorya habang nasa tabi nami si papa.
" Para po sakin 'to?" Tanong agad ni Gorya ng makita niya ang dala ko.
" Opo, sana magustuhan mo." Nakangiti ko naman sagot sabay abot kay Gorya ang paper bag na may laman na regalo ko sa kanya. Agad naman niyang kinuha saka binuksan agad sa harapan namin.
" Wow, books." Masaya nitong wika habang nakatingin sa mga libro. Dalawa ang binili ko sa kanya kahit subrang mahal ng mga libro. " Thank you, ate." Saad nito sabay yakap sakin ng mahigpit.
" Your welcume, baby." Ani ko sa kanya.
" Akyat po muna ako ate, daddy. Babasahin ko lang po muna ito." Paalam nito na may ngiti sa labi at iniwan na kami. Na sundan na lang namin siya ng tanaw. Kami naman ni daddy ay pumunta nasa kusina para kumain na ako.
" Asan 'yung isa mong anak daddy?" Tanong ko sa aking ama.
" Nando'n sa taas at naglalaro ng mga games niya." Sagot ng ama ko. Adik talaga sa mga games ang kapatid kona 'yun. Pagdating sa kusina ay nakahanda na ang mga pagkain na handa ni Gorya. May isa silang kasambahay sa bahay dahil parehong may trabaho ang mag-asawa.
" Tara kain na." Nakangiting alok sakin ng asawa ni papa. Naupo naman ako sa may hapagkainan at akmang pagsisilbihan ako ng asawa ni papa ay tumanggi ako.
" Ako na ho." Wika ko saka kinuha ang bandehado ng kanin. Natigilan naman ang babae sabay lingon kay papa at ngumiti bago ako nginitian.
" Sige, kain ng kain." Ani pa nito bago ako iwan. Tumabi naman sakin si papa bago hinalikan sa labi ang asawa niya at umalis. Hindi ko alam kung nagtampo pero wala akong pakialam.
" Sana hinayaan mong asikasuhin ka ng tita Tonette mo, anak." Saad ni pa sakin.
" Pa, malaki na ako. Kaya kona po ang sarili ko." Katwiran ko sa ama.
" Nagtatampo ang tita mo dahil pakiramdam niya ay hindi mo siya gusto."
arte.
Sabi ko sa isip.
" Bakit? Kinakausap ko naman siya ah?" Anang ko sa ama habang kumakain. Mukhang bongga ang birthday kanina dahil ang daming food. " May party kanina, pa?" Kapagkuwan tanong ko pa.
" Wala, friends and family lang ang invited." Sagot ni papa sakin habang nakatingin sakin.
" Bakit naman po?"
" Iyon ang gusto ng kapatid mo. Gusto niya simple lang." Tugon ng aking ama.
" Aba, matanda na ma-isip ah?" Nakangiti kung wika sa ama.
" Sinabi mo pa." Nakangiting sabi ni papa. " Hindi katulad ng isa mong kapatid." Naiiling na sabi pa nito. Mukhang sakit nasa ulo ang isa kung kapatid.
" Sinanay niyo kasi eh. Ayan tuloy, sakit na ng ulo ang batang 'yun." Wika ko sa ama saka niyakap ito. Maya-maya'y tapos na akong kumain kaya umalis na kami ng kusina at pumunta sa sala's nila papa at naupo doon.
" Ate!" Ang kapatid kung lalake habang pababa ng hagdanan. Up and down 'din ang bahay nila. Niyakap agad ako ng kapatdi ko kaya niyakap ko rin siya. " Pasalubong ko ate?" Anang pa nito matapos namin magyakapan.
" Bakit birthday mo ba?" Sarkasmo kung tanong sa kanya pero may ngiti sa labi. Hindi ko pinapagalitan ang mga kapatid ko dahil andiyan naman ang mga magulang nila at hindi ko alam kung paano sila palakihin nila papa.
" Ate naman eh, ngayun kana lang nagpakita eh." Reklamo pa nito sakin.
" Wala eh, si Gorya lang ang binilhan ko kasi birthday niya."
Mas lalong sumama ang mukha nito.
" Next time na lang, iho." Ani naman ni papa sa kapatid ko.
" Bayan." Dabog nito saka umalis na habang masama ang mukha niya. Napailing naman si papa sa isanal ng kapatid ko.
" Pagpasensyahan muna lang ang kapatid mo." Saad ni papa sakin.
" Okey lang, pa." Wika ko saka umurong at sumandal sa ama. Niyakap naman ako ni papa patagilid. Ang sarap talaga sa feeling kapag niyayakap ka ng tatay mo. Marami pa kaming napag-usapan ni papa bago ako umuwe dahil anong oras na. Gusto nga niya na dito ako matulog pero hindi ako pumayag. Humingi 'din ako ng pagkain para ibigay kina lola once na makita kona si buboy dahil may utang 'din ako sa kanya.
" Mag-iingat ka sa biyahe mo anak." Paalala ni papa sakin. Patungo na kami sa may gate dahil ihahatid ako ni papa sa labas with tita Tonette. Hindi ako kinausap ng isa kung kapatid dahil wala akong pasalubong sa kanya. Hindi kona lang pinansin ang pagtatantrums niya dahil malaki na siya.
" Opo papa. Kayo 'din po." Wika ko sa ama.
" Ikaw dapat ang mag-ingat dahil babae ka. Dapat kasi dito kana tumira para hindi ako nag-aalala sayo." Sabi ni papa na halata sa tono ang pag-aalala.
" Pa, okey lang po ako. Hindi naman nakakatakot sa lugar natin. Atsaka wala naman gagalaw sakin do'n. Ando'n naman ang boyfriend ko." Aniya na parang gusto ko masuka. Pero no choice ako para hindi na mag-alala sakin ang papa ko.
" Mabuti naman kung gano'n at inaalagaan ka ng boyfriend mo. Kaya naman gusto ko siya para sayo dahil 'di ka niya pinapabayaan."
Kala niyo lang 'yun, hiwalay na kami, pa.
Sabi ko sa isip habang naninimarim kapag bilib na bilib ang papa sa lalaking 'yun.
" Sige na pa, alis na po ako." Kapagkuwan ay paalam ko sa ama at baka magtanong pa si papa sakin about sa EX ko.
" Sige mag-iingat ka, iha." Saad nito na niyakap ako ng mahigpit na tila na hindi na kami magkikita pa. Kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit. Ilan minuto 'din kami nagyakapan mag-ama bago kami naghiwalay.
At pagkatapos ay niyakap 'din ako ng madrasta ko. " Mag-iingat ka iha." Wika pa nito habang nakayakap kaya tumango ako at kumawala na dito.
" Sige na anak. Baka mas lalo kang gabihin sa daanan." Ani papa kaya tumango ako at muling niyakap ang ama bago tuluyan na umalis. Sumakay ako ng taxi patungo samin at mag-trcycle na lang ako pauwe sa bahay ko. Hnaggang labasan lang kasi ang taxi. Nang makasakay ay sinabi ko kay manong ang address.
Alas diyes na ng gabi kaya ayaw na ako pauwiin ni papa dahil delikado na daw. Ngunit pinilit kung sa bahay na ako matutulog dahil may pasok ako kinabukasan.
Ang dami kasing kwento ng ama ko kaya umabot kami ng alas diyes ng gabi kaka-kwento ni papa. Miss niya kasi ako at marami na siyang ikukwento sakin. Inaantok na nga ako eh, kaya naman nagpaalam na ako sa ama ko. Pagdating sa lugar namin ay nag-para na ako kay manong saka nag-bayad. Pagbaba sa taxi ay nagulat ako dahil wala ng trycycle sa pilahan.
" Ano ba 'yan, tinatamad na akong mag-lakad." Bulong ko sa sarili bago nagsimulang maglakad. Dami ko pa naman dala na pagkain para kina lola. Mukhang hindi kona makikita si buboy at naka-uwe na. Wala na kasing pila sa terminal. Maya-maya'y nagulat ako ng may bumusina sa may likuran ko kaya nakaramdam ako ng takot dahil ako na lang ang naglalakad ng mga oras na iyon. Hindi naman talaga nakakatakot sa lugar namin. Ewan bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil kinakabahan talaga ako.
" Nosgel."
Doon lang ako humarap ng marinig ko ang boses ni Buboy.
" Bakit?" Pagtataray ko para itago ang nararamdaman kung takot. Napakamot naman ito sa batok, marahil sa pagtataray ko.
" Bakit sa tuwing ako ang nakikita mo ay ang taray mo? Pero kina lola ay ang bait bait mo?"
" Bakit si lola kaba?" Ani ko saka mabilis na sumakay sa trycycle at baka iwan niya ako.
" Bakit sumakay ka? Pauwe na ako." Saad naman niya sakin.
" Hatid mo muna ako. Wala ng dumadaan na trycycle eh."
" Pagkatapos mo akong tarayan? Ngayun sasakay ka sakin?"
" Dami mo sinasabi. Paandarin muna." Muli ay pagtataray ko sakanya.
" Pauwe na ako, lasing ako. Kng gusto mo sa bahay kana lang matulog." Wika nito kaya nagulat ako.
" Ayaw ko nga." Mariin kung tanggi sa kanya. " Atsaka bawal uminum kapag bumibiyahe ah?" Anang ko sa kanya habang nakataas ang kilay.
" Anong bawal, gabi naman. Atsaka pauwe na ako." Katwiran nito sakin bago pinaandar ang trycycle patungo sa bahay ko.
" May utang ka sakin ah. Binayaran ko ang pamasahe mo kanina." Narinig kung sabi ng binata sakin.
" Oo na." Piarap na sabi ko sa kanya at hindi na nagsalita pa. Ayaw ko makipag-usap sa mga lasing na tao.