KABANATA 09
PAGDATING SA MALL AY KUMUHA AGAD AKO NG PERA SA BAG SAKA NAGBAYAD KAY BUBOY.
" Bayad ko kuya."
" Napaka-pormal mo naman, kuya talaga?" Reklamo naman niya kaya tumaas ang kilay ko sa kanya.
" Anong gusto mo tawag ko sayo?"
" Buboy na lang, wag na kuya." Saad nito.
" Arte." Wika ko saka bumaba na ng trycycle at nagbayad. Naiinis ako sa kanya dahil 'di niya tinama ang sinabi kanina ng lalake. Tumawa lang ang animal.
" Wag na. Kaibigan ka naman ni lola. Libre na ang sakay niyo." Nakangiti niyang sambit sakin kaya hindi kona siya pinilit pa dahil ayaw naman niyang tanggapin ang bayad ko.
" Okey." Wika ko sa kanya saka tumalikod na at hinila na si Rosario patungo sa mall. Napailing naman si Buboy dahil ang sungit ng babae. Libre na nga ay sinungitan pa siya.
" Sino 'yun? Parang ngayun ko lang siya nakita? Sino 'din ang lola na sinasabi niya?" Kapagkuwan ay tanong sakin ni Rosario habang patungo kami sa supermarket para mamili.
" Apo ni lola, Helen." Tipid kung sagot sa kanya.
" lola? diba patay na ang lola mo?" Kunot nuo niyang tanong sakin kasabay ng paglingon sakin.
" Mahabang kwento." Pabuntong hininga kung sambit sa kanya saka kumuha ng cart. Tinatamad na ako pumunta sa palengke kaya sa mall na lang kami pumunta ni Rosario.
" Hay nako! Magkwento kana." Saad naman nito.
" Tinatamad ako." Wika ko sakanya. Ayaw ko magkwento baka anong isipin niya at bumaling dito. " Pero alam mo ang bait-bait ni lola. Kahit 'di niya ako kilala at kaano ano ay tinanggap niya ako sa bahay niya." Masaya kung kwento sa kanya habang kumukuha na ng mga pangangailangan ko.
" So, paano mo nga nakilala si lola?" Ulet na tanong niya sakin. Muli ay napabuntong hininga ako at natigilan ng ilang minuto bago nagsalita.
" Promise mo ay hindi mo ako pag-iisipan ng masama?" Anang ko sa kanya.
" Bakit may ginawa kaba?" Kunot ang nuo na tanong niya sakin.
" Wala." Ani ko saka sinipat ang hawak na pakete.
" Bakit nag-aalinlangan kang magkwento?"
" Baka kasi pag-isipan mo ako ng masama." Wika ko sa kanya.
" Sus, matakot ka kung sa sabihin mo sakin na hindi kana virgin."
" Huy!" Ani ko sabay lingon sa paligid. Mabuti na lang ay walang tao kundi ay maririnig ang sinabi ni Rosario. At mabuti na lang ay kaming dalawa lang ang nando'n. " Bunganga mo talaga."
" So ano nga?" Parang walang pakialam na tanong niya sakin habang nakahalukipkip. Umirap naman ako sa kanya.
" Ganito kasi 'yun." Panimula ko habang kumukuha ng mga pangangailangan ko sa bahay. " Diba niloko ako ni Neri at ang pinsan ko? Uminum ako no'n kaya nga hindi ako nakapasok sa trabaho dahil naglasing ako. Paggising ko kinabukasan ay nasa ibang bahay na ako at bahay nila lola iyon. Ang sabi ni lola, inuwe ako sa bahay ng apo niya dahil 'di alam ang bahay ko."
" Sinong apo? 'Yung nasakyan natin na trycycle driver?" Tanong sakin ni Rosario.
" Oo siya nga." Sagot ko habang abala ako.
" May nangyare sainyo?"
" Wala ah!" Mariin na tanggi ko sa kanya. " Walang nangyare samin dahil kasama niya sa bahay ang lola niya at ang dalawa niyang pamangkin." Paliwanag ko sa kanya dahil iba na naman ang nasa isip niya.
" Ano naman kung ando'n ang lola at pamangkin niya? Ang lalake ay-"
" Wala nga." Sansala ko sa sabihin niya. " Malalaman ko naman kung merun dahil mararamdaman ko 'yun. Hindi masakit ang katawan ko o 'yung ano ko." Paliwanag ko sa kanya.
" Okey, lesson learn girl dahil niloko kana." Seryuso niyang wika sakin.
" Ito naman ang seryuso mo. Bumili na nga tayo." Yaya ko sa kanya.
" Ang dami na niyan ah? Hindi kapa tapos?" Tanong niya sakin ng makita ang laman ng cart ko.
" Balak ko kasing puntahan sila lola ngayun at bigyan ng grocery para makilala mo sila. At para hindi ka nag-iisip ng kung ano ano diyan." Nakangiti kung sambit sa kanya.
" Okey." Saad nito. Ang sungit talaga ng babaeng 'to. Kaya walang nangliligaw dahil subrang sungit. Kumuha pa ako ng ibang grocery para bigyan sila lola dahil sa pagiging mabait nito sakin. Nang matapos ay pumila na kami sa counter. Medyo maraming tao sa mall.
Makalipas ng ilang sandali ay palabas na kami ng mall habang sakay sa cart ang mga pinamili namin patungo sa sakayan ng trycycle. Medyo malayo pa samin mula sa mall kaya kailangan pang mag-trycycle. Dahil kung lalakarin ay mapapagod kami habang may dala kami.
Pagdating doon ay sumakay agad kami at nagpahatid sa bahay bago kami pumunta sa bahay nila lola Helen. Masyadong marami ang dala namin kaya i-uuwe muna namin sa bahay ang mga pinamili namin ni Rosario. Matapos namin mai-uwe ang mga grocery ay pumunta na kami agad sa bahay nila lola. Hindi na kami sumakay at naglakad na lang kami patungo kina lola.
" Hindi kaba natatakot dito?" Pabulong na tanong ni Rosario sakin habang nakatingin sa paligid. Pinagtitinginan kasi kami ng mga marites at mga nag-iinuman sa kalsada.
" Hindi naman, hindi naman nila ako ginagalaw." Sagot ko sa kanya. Totoo naman iyon, pero hindi ko alam. Siguro alam nila na kina lola Helen kami patungo. Maya-maya'y nagtago sa likod ko si Rosario ng may lumapit samin na lasing at inaalok kaming uminum. Natatakot 'din ako pero hindi ko lang pinapahalata.
" Inum ka muna, Miss."
" Hindi po kami umiinum." Nakangiti kung tanggi sa kanya para hindi siya magalit samin dalawa. Mamaya kasi ay magalit siya.
" Sige na, isang shot lang." Pangungulet pa ng lasing samin kaya takot na takot na kami habang pinagtatawanan kami ng mga marites at ang ibang tao doon. Parang sayang saya pa sila dahil sa nakikitang takot sa mga mukha namin dalawa ni Rosario.
" Huy! Bisita ko 'yan, bakit niyo hinaharas." Sabi ng isang lalake kaya mabilis akong napalingon at nakita ko si Buboy habang nakatayo sa 'di kalayuan samin.
" Ikaw pala paring buboy." Nakangiting saad ng lalake kay buboy. " Pinapa-shot ko lang." Wika pa ng lasing kay buboy.
" Wag na, ako na lang para matapos na." Ani buboy ng makalapit saka ininum ang alak na para samin ni Rosario bago lumingon at kinuha ang dala ko habang nakaseryuso ang mukha niya. " Tara na bago pa kayo mapainum." Saad niya bago naglakad kaya hinabol namin siya ni Rosario.
Pagdating sa bahay nila lola ay natuwa ang mga bata ng makita ako pati na si lola.
" Ate." Sabay pang sabi ng dalawa at niyakap ako. Napangiti naman ako dahil ang bait nila at malambing.
" Kamusta?" Nakangiti kung tanong matapos namin magyakapan at lumingon kay lola saka binati. " Hi, lola."
" Hello apo."
Napangiti naman ako dahil ang ganda ng pagtanggap nila sakin at tinawag pa niya akong apo. Sarap lang sa feeling dahil 'di kaano ano ay apo ang tawag niya sakin. Napalingon naman ako kay Marissa ng magsalita ito.
" Okey naman ate, bakit ngayun ka lang po pumunta?"
" Nandito ako kanina. Wala lang kayo." Paliwanag ko sa kanya.
" Hindi sinabi ni lola." Saad naman ni Shin na parang nagtatampo sa lola niya.
" Aba'y nakalimutan ko apo." Wika ni lola sa apo niya.
" Hayaan niyo na. Alam niyo naman na matanda na si lola." Sabat naman ni buboy kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin 'din siya sakin kaya agad akong umiwas dahil bumilis na naman ang t***k ng aking puso.
" Ay, siya nga pala. Kasama ko po ang kaibigan ko lola, si Rosario po." Kapagkuwan ay pinakilala ko ang kaibigan ko sa kanila at hindi na nilingon si Buboy.
" Hi, Rosario." Sabi ni lola.
" Hi ate." Sabi naman ng dalawang bata sa kaibigan ko.
" Hello, kayo pala ang bagong kaibigan ni Nosgel." Wika ni Rosario sa kanila. At infairness hindi siya nagtaray sa mga bago kung kaibigan.
" Kami nga iha." Nakangiting sagot ni lola sa kaibigan ko.
Kapagkuwan ay nagulat ako ng tumabi sakin si Buboy dahilan para bumilis ang t***k ng aking puso.
" Ako hindi mo papakilala sa kaibigan mo?"
Agad naman akong lumayo sa kanya ng makaramdam ng kuryente dahil sa pagdikit niya sakin. At inis na sikmat ko sa kanya.
" Ano ba!"
" Arte mo naman. May sakit ba ako?" Wika naman nito.
" Apo." Saway naman ni lola sa apo niya.
" Gara naman kasi lola. Parang wala ako dito eh, parang kayo lang kilala ni Nosgel. Parang hindi niyo ko apo." Saad nito bago umalis at iniwan kami.
" Pasensya na kayo. Gano'n lang talaga si buboy, ayaw niya kasing binabalewala." Hingi samin ni lola ng pasensya.
" Pasensya na rin po." Sabi ko sa kanya.
" Hayaan niyo na. Mamaya ay okey na ulet ang apo ko." Nakangiting sagot ni lola samin. Ngumiti naman ako at hindi pinansin si buboy.
" May dala po pala kami, grocery." Sabi ko sa kanila.
" Nako, nag-abala kapa, iha." Saad ni lola.
" Wala po 'yun, lola." Ani ko sa kanya saka kinuha ang isang plastic at dinala kina lola.
" Wow, ang dami." Masayang sambit ni Shin ng makita ang mga pagkain.
" Maraming salamat iha, may babaunin na ang mga bata."
" Wala po 'yun, lola." Nakangiti kung saad sa kanya na hinawakan ang kamay ni lola.
" Hindi ako nanghihingi ng kapalit huh?"
" Alam ko po 'yun, La. Kusang loob ko po 'yan binigay at hindi ko po iniisip 'yun dahil alam ko pong subrang bait niyo po." Ani ko sa kanya.
" Pagpasensyahan mona rin ang apo ko huh? Nagseselos lang 'yun dahil 'di mo siya pinapansin at palagi mo siyang sinusungitan." Sabi ni lola dahilan para magulat ako.
" Nagsusumbong po siya sainyo?"
" Hindi naman iha, napag-uusapan lang." Sagot ni lola sakin. Kaya pala nakakagat ko minsan ang dila ko dahil pinag-uusapan nila ako.
" Gano'n po lola? Pasensya na po ah? Medyo lumalayo lang po talaga ako sa mga lalake ngayun."
" Aba'y bakit naman, iha?" Tanong ni lola sakin. Hindi sana ako sa sagot ngunit inunahan ako ni Rosario.
" Niloko po kasi siya ng boyfriend niya at nakipagseks sa pinsan niya."
" Huy!" Saway ko sa kanya dahil dere-deretso ang pagsasalita niya at may kasama kaming bata. " Bunganga mo."
" Sorry, na carry the way lang." Hingi naman niya ng pasensya sabay kagat labi. Napabuntong hininga naman ako sa kanya. Mabuti na lang ay busy ang mga bata sa pagkain at hindi ata narinig ang sinabi ni Rosario.
" Gano'n ba? Kaya ka siguro naglasing no? Mabuti na lang ay ang apo ko ang nakakita sayo."
" Kaya nga po nagpapasalamat ako sa diyos dahil dito niya ako dinala."
" Mabait ang apo ko, pilyo pero mabait at may respito sa babae." Pagtatanggol ni lola kay buboy. Hindi na ako umalma dahil 'di ko kilala ang pagkatao ni buboy. Atsaka si lola lang nakakakilala dahil apo niya ang binata. Marami pa kaming napag-usapan ni lola bago kami umuwe dahil uuwe pa si Rosario kaya nagpaalam na kami.