17

1869 Words
KABANATA 17 NOSGEL ( POV ) ARAW NG LINNGO KAYA MAGSISIMBA AKO NGAYUN. Hindi na kasi ako nakakapagsimba dahil busy ako sa trabaho. Mabuti na lang ay tumapat ng linggo ang day off ko kaya makakapagsimba ako ngayun. Naghahanda na ako ng almusal ko bago ako magsimba. Hindi kasi ako sanay na umalis ng bahay na walang kain o laman ng tiyan ko kaya kakain muna ako. Nang makapaghanda ng almusal ay kumain agad ako para makaligo na ako. Kaya lang sa bagal kung kumain ay umabot ako ng isang oras. Mas marami kasi ang tulala kesa ang sumubo ng pagkain. Paano ang lungkot kumain mag-isa. Ang laki ng mesa pero ako lang ang kumakain. Namimiss ko tuloy sina mama at papa. Mga panahon na masaya kami habang kumakain dito sa mesa. Masaya ako no'n kasi kasama ko sina mama at papa. Akala ko nga ay hindi na kami magkakahiwalay o palagi na lang kaming masaya. Pero hindi pala gano'n. Simula ng magkasakit si mama dahil sa karamdaman niya ay hindi na kami kumakain sa mesa na ito. Palagi kasi kami sa hospital para alagaan si mama. Nang mamatay naman si mama ay mas lalong lumungkot ang mesa na ito na dating masaya. Paano ba naman ay hindi na kami nagkakasabay ni papa sa pagkain dahil palagi siyang gabi kung umuwe o palaging maagang umaalis para magtrabaho. Kaya palagi na lang ako mag-isa kung kumain. Minsan kasabay ko ang isang kapitbahay namin na si manang marcing. Siya palagi kasabayan ko sa pagkain. Pero ng mamatay si mama ay pinauwe na siya ni papa sa probinsya dahil 'di na kaya pa swelduhin ni papa si manang. Mas naging malungkot ang buhay ko no'n dahil wala na si manang. Tapos ay nag-aral ako sa mga gawain bahay dahil wala na kaming katulong. Mabuti nga ay marunong na ako that magluto kahit bata pa ako dahil tinuruan ako ni mama. Tapos isang araw sinabi ni papa na mag-aasawa na siya ulet. Kaya pala late na kung umuwe sa bahay dahil ando'n siya sa babae niya. Nasaktan ako no'n dahil mag-aasawa na ulet si papa. Tutol man pero wala ako magawa dahil nakiusap si papa. Ang akala ko no'n ay makakasundo ko ang bagong asawa ni papa ngunit hindi pala kaya palagi kami nagtatalo hanggang sa lumipat sina papa at naiwan ako mag-isa sa bahay. Mas pinili ni papa ang bago niyang asawa kaya sumama ang loob ko sa kanya. Natigilan ako ng maramdaman kung may tumulong luha sa mga mata ko. " s**t" Sambit ko sabay pahid sa luha ko. Ganito talaga ako minsan, naiiyak kapag mag-isa ako at malungkot. Tumutulo na lang bigla ang mga luha ko sa mga mata. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at hindi ko naubos ang pagkain ko kaya tinakpan kona lang, kakainin kona lang mamaya. Tapos ay lumabas na ako ng kusina para pumunta sa taas at makapagligo na. Pagpasok sa kwarto ay dumeretso agad ako sa banyo saka naghubad ng mga saplot sa katawan at naligo na. After 10mins ay natapos na ako maligo at nagpunas ng katawan bago tinapis sa katawan. Lumabas na ako ng banyo saka pumunta sa kabenet ko at kumuha na isang dress na hindi naman daring dahil magsisimba ako. Floral siya na off shoulder tapos ay hanggang tuhod ang haba niya. Nag-cycling ako para kapag nilipad ang palda ng dress ko ay hindi ako masilipan. Sa paa naman ay manipis na sandals at baka tayuan sa simbahan. Masakit sa paa kapag nakasandal tapos nakatayo ka lang. Mabilis pa naman mangalay ang mga binti ko kaya halos sapin ko sa paa ay mababa lang. Hindi ako mahilig sa matataas na takong, hanggang 1 inch lang ako. Atsaka mataas naman kaya hindi kona kailangan bumili ng matataas na sandals. Para lang iyon sa mga pungok na tao. Matapos magbihis ay nag-skin care naman ako bago nagsuklay. Hindi na ako nagme-make up kapag nagsisimba o may pupuntahan. Sa work lang ako nagme-make up dahil requiared iyon sa trabaho kahit ayaw ko. Nangangati kasi ang mukha ko, pero wala naman akong choice dahil trabaho iyon. Alangan naman ay ako ang masunod, tauhan lang ako. Matapos mag-ayus ay kinuha kona ang sling bag ko, wallet, cellphone at tissue lang ang laman no'n. Magsisimba lang naman ako kaya iyon ang dala ko. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa baba saka pinatay ang switch ng kuryente. Makalipas ng ilang sandali ay naglalakad na ako patungo sa sakayan ng trycycle. Natigilan ako ng makita ko si Buboy sa tambayan nila habang nakatingin sakin. Umiwas naman ako ng tingin saka nagmamadali akong sumakay ng trycycle. Narinig ko pa ang sinabi ng isang lalake na katabi ni buboy bago umandar ang trycycle. " Seksi ng bebot pre." " Saan po maam?" Tanong ni manong ng umaandar na ang trycycle. " Simbahan po." Sagot ko kay manong habang nakatingin sa labas ng trycycle. Pagdating doon ay bumaba agad ako. Malapit lang naman ang simbahan at pwede lakarin, pero tamad ako maglakad ay sumakay na lang ako. " Bayad po." Bariya na ang binayad ko at baka siningilin na naman si buboy. " Salamat maam." Saad ni kuya na may ngiti sa labi kasi subra ang binigay ko. Mahirap kasi mamasada ng trycycle kaya subra palagi binibigay ko. Paglingon ko sa simbahan ay marami ng tao doon kaya napangiti ako. Mabuti na lang talaga ay manipis lang ang sinuot ko sa paa. Naglakad na ako patungo doon saka sumiksik sa mga tao para makalapit sa may pabilog na bato na may laman na tubig at nag-sign of the cruz bago nakinig kay father. Sakto ang dating ko dahil nagsisimula na si father. Nakinig naman ako habang nakatingin sa harapan at kumakanta kapag may kanta. Habang abala ako sa pakikinig kay father ng salita ng diyos ay nagulat ako ng may kumalabit sakin dahilan para magulat ako at napalakas pa. " Ay, p**e!" Napalingon tuloy sakin ang mga tao habang masama ang tingin sakin na akala mo ay may nagawa akong kasalanan. Kaya naman masama ang mukha akong lumingon sa nangalabit sakin at sisigawan sana ito dahil napahiya ako pero natigilan ako ng makita ko si Marissa habang may ngiti sa labi kaya nawala ang inis na nararamdaman ko at napalitan ng tuwa ng makita siya. " Hi ate." Nakangiti pa niyang bati sakin. " Hello, sinong kasama mo?" Tanong ko naman sa kanya. " Sina lola at kuya Shin po." Sagot naman niya sakin. " Asan sila?" Muli ay tanong ko sa kanya at lumingon lingon pa. " Doon po." Turo naman niya sabay hila sa kamay ko kaya sumunod ako sa kanya. Nakita ko naman sina lola at nakaupo sila. Lumapit kami kina lola at kinalabit siya ni Marissa. " Lola, si ate Nosgel." Imporma niya sakanyang lola. Kaagad naman napalingon sakin si lola at ngumiti ng makita ako. " Hi lola." Bati ko sa matanda. Magiliw naman akong binati nito saka pinaupo sa pwesto ni Marissa tapos ay pinaupo ko sa kandungan ko si Marissa para hindi siya nakatayo. Kinausap naman ako ni lola habang nakikinig kami kay father. " Kamusta kana iha? Hindi kana nagagawi sa bahay ah?" " Sorry po, busy lang po ako sa trabaho." Pagsisinungaling ko sa matanda habang may kiming ngiti sa labi. " Gano'n ba? Akala ko iniisip mong inaabuso ka namin." " Nako hindi po, lola." Hingi ko agad ng pasensya sa matanda at nakaramdam ng guilty dahil naniwala ako sa sinabi ni Rosario kahit puro kabutihan naman ang pinapakita nila lola. Hindi naman sila nanghihingi sakin at malugod pa nila ako tinatanggap sa kanila tapos gano'n ang nasa isip ko. " Busy lang po talaga ako. Atsaka umuwe po ako sa papa ko." Muli ay pagsisinungaling ko habang naguiguilty ako. Maya-maya'y nagsalita si Marissa kaya napalingon ako sa kanya. " Ate, birthday ko po sa thursday punta ka ah?" " Talaga? Oh sige pupunta ako." " Promise?" Parang nagdududa na sabi ni Marissa sakin. Mukhang natruma na dahil hindi ako bumabalik sa kanila. " Promise." Nakangiti kung sagot kay Marissa with taas pa ng kamay. Natuwa naman ito at niyakap niya ako ng mahigpit dahil sa tuwa. Kapagkuwan ay tumayo na kami ng sabihin ni father na tumayo ang lahat. Hanggang sa matapos ang mesa ay lumabas na kami ng simbahan, bumili si lola ng sampaguita kaya bumili 'din ako dahil may poon ako sa bahay. Habang si Marissa ay nakahawak sa braso ko na akala mo ay aalis ako. Kapit na kapit na akala mo ay linta. " Gusto niyong kumain?" Maya-maya'y alok ko sa mga ito dahil may malapit na jollibee sa may simbahan. " Opo." Sagot ng dalawang bata. " Wag na, iha. Sa bahay na lang kami kakain." Tanggi naman ni lola sakin. " Okey lang lola. Treat ko lang po ito sa inyo." Nakangiti kung sagot sa matanda, baka iniisip parin niya 'yung sinabi niya kanina. " Ikaw bahala, iha." Saad ni lola kaya inaya kona sila sa may jollibee habang inaalalayan ko si lola. Makikita sa mukha ng mga bata na masaya sila. " Anong gusto niyo?" Tanong ko sa dalawa ng nakapila na kami sa may counter. Kaagad naman nagturo ang dalawa. " Ikaw lola?" Baling ko naman kay Lola. " Ikaw na ang bahala, iha." Tugon ni lola sakin. " Okey sige po." Ani ko saka pinahanap kona ng pwesto ang dalawang bata kasama ni lola. Ako naman ay naiwan sa counter para omorder. Kaagad naman akong omorder ng nasa counter na ako. Inorder ko ang mga gusto ng mga bata tapos ako naman ang nag-order para kay lola. Nang matapos omorder ay hinanap ko ang mga kasama ko at agad ko naman sila nakita. Nakangiti akong lumapit sa kanila saka tumabi kay Marissa at hinaplos ang buhok nito. " Anong gusto mong regalo?" Nakangiti kung tanong kay Marissa habang patuloy na hinahaplos ang buhok niya. Kapagkuwan ay na touch ako sa sinabi niya sakin. " Okey lang po kahit wala, ate. Basta po ay pumunta kayo sa birthday ko." " Aw!" Napanguso ako dahil sa kanyang sinabi dahil ang bait bait niyang bata. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit habang naluluha ako. May ganito palang bata, okey lang kung walang regalo basta pumunta lang ako kaya na touch ako. At siguro 'din kaya ako napalapit sa kanila kasi wala akong kapatid. Merun man pero hindi ko naman sila kasama sa bahay. " Sige, pupunta ako sa birthday mo." " Thank you ate." " Welcume." Sabi kona niyakap ko parin siya habang nakatingin samin sina lola at Shin. Maya-maya'y tumunog na ang bilog na binigay sakin kanina kaya pumunta na ako kasama ang dalawang bata habang may ngiti sa labi. Halatang masayang masaya sila kaya tinanong ko sila kung nakakain ba sila ng jollibee. " Opo ate. Pero kapag nagpadala si mama ng pera." Sagot ni Shin habang pabalik na kami sa pwesto namin. " Hmm, okey." Sabi ko habang tumatango. Akala ko kasi ay hindi pa sila nakakain ng jollibee kasi ang saya saya nila. Siguro dahil mga bata kaya gano'n ang mga reaction sila. Pagdating sa pwesto namin ay agad namin binakbakan ang mga order namin. Masaya na ang pakiramdam ko ngayun kasi may kasabay na akong kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD