KABANATA 16
ROCKEY MARTINEZ ( POV )
PAG-UWE KO SA BAHAY AY PARANG MALUNGKOT ANG MGA PAMANGKIN KO. Kasama ko ngayun si Karen kaya sumama agad ang mukha ni lola. Sumama sakin si Karen dahil ayaw niya muna umuwe sa kanila kaya pumayag na ako dahil magkaibigan naman kami.
" Bakit malungkot ang mga pamangkin ko?" Tanong ko sa dalawa habang nasa hapagkainan sila at magsisimula ng kumain. Sakto naman na nakauwe na ako at may dala pa akong ulam dahil libre ni Karen. Tinanggap kona dahil sayang naman kung tatanggihan ko ang grasya.
" Hindi na naman po dumating si ate Nosgel, tito." Sagot agad ni Shin sakin. Agad naman sumama ang mukha ko sa narinig. Naiinis ako sa tuwing nababanggit nila ang pangalan ni Nosgel. Naiinis ako dahil paasa ang babaeng 'yun at palaging pinapaasa ang pamilya ko tapos hindi naman pupunta. Hindi kona nga siya nahahatid at palagi na lang siyang wala sa tuwing sinusundo ko siya. Pagdating naman ng gabi ay hindi ko rin siya naaabutan. Para bang pinagtataguan ako.
Wala naman sanang kaso sakin 'yun dahil wala na akong utang na babayaran. Ang kinaiinis ko lang ay wala silang ginawa kundi hanapin si Nosgel at magtanong. Naririndi na ako sa kanila.
" Sino 'yun?" Narinig ko pang tanong ni Karen sakin. Pero si Marissa ang sumagot sakanya.
" Kaibigan po namin."
" Wag niyo ng hanapin ang wala. Hindi na babalik 'yun. Pinapaasa lang kayo no'n." Sabi ko sa kanila at naupo sa may hapagkainan na hindi inalok si Karen.
" Bakit kaya hindi na bumalik ang batang 'yun? Isang linggo na siya hindi nadalaw. May nangyare kaya?" Rinig kung tanong ni lola. Halata sa tono niyang nag-aalala siya kay Nosgel kaya mas lalo akong naiinis. Nag-aalala siya pero ang babaeng 'yun ay hindi manlang nag-aalala para sa kanila.
" Pwede ba lola. Wag niyo ng isipin ang babaeng 'yun. Pinapaasa lang kayo no'n. Hindi na babalik 'yun at baka nakapag-isip isip na 'yun na mali ang pagpunta niya dito satin." Inis na sabi ko sa kanya saka nagsandok ng pagkain at nilingon ang mga pamangkin. " Kumain na kayo. Wag niyo ng antayin 'yun dahil hindi na pupunta 'yun dito."
Kaagad naman sumunod ang mga pamangkin ko at kumain na. Naupo naman si Karen sa tabi ko kahit 'di siya inaalok. Tahimik kaming kumain lahat at walang nagsalita dahil alam nilang magagalit ako kapag binanggit pa nila ang pangalan ni Nosgel. Hindi naman dapat ako mainis dahil wala akong pakialam sa babaeng 'yun. Ang ayaw ko lang ay pinapaasa niya ang pamilya ko. Napansin kung napalapit na ang mga pamangkin ko sa dalaga dahil palaging may dala si Nosgel sa mga pamangkin ko at lola. Kaya gano'n na lang malungkot ang mga pamangkim ko.
Alam ko nalulungkot 'din ang lola ko kahit 'di niya sabihin kaya nag-aalala ako. Bakit naman kasi paasa ang babaeng 'yun.
" Sana pumunta si ate sa birthday ko." Maya-maya'y basag ni Marissa sa katahimikan namin.
" Hindi na pupunta 'yun. Isang linggo na ng'ng wala diba? Wag matigas ang ulo mo. Matutuloy ang birthday mo kahit wala siya." Ani ko sa kanya kaya mas lalong nalungkot si Marissa.
" Birthday mo? Sagot kona ang cake mo." Sabat ni Karen sa usapan habang ngiti sa labi dahilan para mapalingon ako sa kanya at mapalingon 'din siya sakin.
" Salamat po. Pero mas gusto ko si ate Nosgel." Sabi ni Marissa kasabay ng pagtayo mula sa kinauupuan niya at umalis. Galit ko naman siyang tinawag pero inawat ako ni lola.
" Hayaan muna apo. Nasanay lang ang pamangkin mo dahil wala siyang ate."
" Iyon na nga eh. Bakit naman kasi nangangako siya sa mga bata na pupunta tapos isang linggo na pero wala naman siya." Inis na sabi ko kay lola.
" Baka busy lang siya, apo. Kaya hindi pumupunta dito."
Hindi naman ako umimik habang nagtatagis ang mga bagang. Ayaw ko maging malungkot ang mga pamangkin ko dahil nalulungkot 'din ako kapag nakikita ko silang malungkot. Nahihirapan ang loob ko, no'ng time na umalis si pinsan para pumunta sa ibang bansa ay walang ginawa ang mga pamangkin ko kundi umiyak at magmokmok.
After kumain ay lumabas ako ng bahay at nagyosi doon. Sumunod naman sakin si Karen at nagyosi 'din.
" Sino ba ang babaeng 'yun? Nakita kona ba siya?"
" Hindi pa, pero kaibigan siya ni lola." Sagot ko kasabay ng pagbuga ng usok ng yosi pataas.
" Meaning matanda na?" Anang siya sakin habang nakatingin.
" Hindi, bata pa. Pero hindi ko alam ang kung ilan taon na siya." Sagot ko naman sa walang emosyon ang tono.
" Well, mukhang napalapit na ang mga bata sa kanya." Saad nito na lumapit pa sakin saka hinawakan ako sa braso at hinimas iyon. Napalingon naman ako sa kanya at napatitig sa mga labi niya. " Maganda ba siya like me?" Tanong pa niya sakin na hinahaplos ang braso ko.
Walang ibang tao doon maliban samin dalawa. Nasa loob naman ng bahay ang lola ko habang may ginagawa.
" I don't know." Kapagkuwan ay sabi ko saka muling humithit ng yosi.
" I think mas maganda ako sa kanya at seksi. Sa s**o ko palang ay walang pamana ang babaeng 'yun."
Napangisi lang ako sa kanyang sinabi. Totoo naman iyon, maganda at seksi siya. Pero mas maganda at seksi si Nosgel para sakin. Ewan, pero naaakit ako sa alindog ng babaeng 'yun. At gustong gusto ko ang init na nagmumula sa kanya. 2 times kona iyon naramdaman ng buhatin ko siya. No'ng una ay 'yung sa bar at 'yung pangalawa ay no'ng dinala ko siya sa kwarto ko dahil natutulog siya sa sofa.
" Uy! Bakit ka ngumisi? Hindi ba ako seksi at maganda?" Anang niya sakin kasabay ng pagyakap sa leeg ko. " Maganda ako diba? Wag mong sa sabihin sakin na hindi ka tinitigasan dahil nakikita ko kapag nakaumbok 'yang alaga mo." Saad pa nito sabay dakma sa alaga ko kaya nagulat ako at lumayo sa kanya. Natawa naman ito sa kanyang ka pilyaha. Hinaklit ko naman siya sa beywang at hinalikan siya sa labi.
--*
NOSGEL ( POV )
MALUNGKOT AKONG NAKANGALUMBABA SA MAY DESK KO. Katatapos ko lang ang trabaho ko kaya nagpapahinga muna ako.
" Malungkot ka ata? Napapansin ko nitong mga nakaraan araw ay malungkot ka. Why?" Anang sakin ni Rosario habang nakatingin.
Napabuntong hininga ako ng malalim kasabay ng pagbuga. " Wala, namimiss ko lang sina lola at ang mga bata."
" Napalapit kana talaga sa kanila ah?" Saad ni Rosario sakin.
" Yeah, ang babait kasi nila sakin. Kapag malungkot ako sa kanila lang ako pumupunta." Napatitig naman sakin si Rosario na parang nagdududa. " Bakit?" Tanong ko sa kanya.
" Sina lola at ang mga bata nga ba o ang apo ni lola?"
" Huy! Grabe ka. Hindi no!" Mariin na sabi ko sa kanya. " Wala akong gusto sa lalaking 'yun." Dagdag na ani ko pa.
" Naniniguro lang, sis. Mamaya kasi ay may gusto kana sa lalaking 'yun."
" Huh? Baliw ka." Inis na sabi ko sa kanya. Bakit niya na sabi 'yun? Hindi ko nga pinapansin ang lalaking 'yun tapos pinagdududahan niya pa ako, kaloka.
" Baka lang naman." Giit pa nito sakin.
" Ewan ko sayo." Inis na sabi ko sabay irap dito. Tapos ay binuksan ko ang screen sa harapan ko at nagsimula ulet magtrabaho. Mamaya ay uwean na naman. Malungkot na naman sa bahay kapag umuwe na ako. Hindi na kasi ako pumupunta kina lola. Kasi kapag ando'n ako at nakakausap sila ay naiibsan ang lungkot ko. Tapos pag-uwe sa bahay ay matutulog na lang ako.
Pagdating ng uwean ay sabay na kami ni Rosario na lumabas ng building at binati na naman siya ni kuya Guard. Katulad ng dati ay tinarayan lang siya ni Rosario. Naghiwalay na kami ni Rosario dahil may pupuntahan pa daw siya, ako naman ay sumakay ng buz. Napabuga ako ng hangin dahil tatayo na naman at wala ng bakante. Pero hindi naman siksikan sa loob ng buz kundi ay puno na ang mga upuan.
Nagbayad ako kay kuya kundoktor bago tumingin sa labas ng buz. Pagdating sa lugar namin ay bumaba na ako saka naglakad patungo sa terminal ng trycycle. Pero bigla akong napatalikod ulet ng makita kung paalis nasa pila si Buboy habang may nakasakay sa likuran niya habang nakayakap dito sa likuran na magandang babae.
Nang mawala na sila ay muli akong naglakad patungo sa trycycle at sumakay agad saka nagpahatid sa bahay ko. Ang kaibigan ni buboy ang nasakyan ko.
" Kakaalis lang ni Buboy, hindi mo naabutan." Rinig kung sabi niya. Ano naman, hindi ko naman boyfriend ang lalaking 'yun. Hindi na lang ako nagsalita pati ang lalake. Nang malapit na ang trycycle sa bahay ko ay may nakita akong bulto ng babae at nagulat ng makita ko ang tiyahin kona mama ni Ara.
" Dito na lang kuya." Sabi ko sa lalake at mabilis na bumaba saka nagbayad dito.
" Tita." Sambit ko ng makalapit dito. " Ano pong ginagawa niyo dito?" Taka kung tanong sa kanya.
" Hinahanap ko kasi ang pinsan mo. Umalis siya sa bahay dahil nag-away kami. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Naisip kung dito siya pumunta, nandito ba siya? Hindi ko siya makontak." Sabi ni tita sakin.
" Wala po siya dito tita. Pasok po muna tayo." Alok ko sa kanya kapagkuwan ng mabuksan ko ang pintuan ng gate at pumunta sa bahay ko. Nang makapasok sa loob ng bahay ay pinaupo ko muna siya sa sofa bago kumuha ng maiinum sa kusina. " Bakit po kayo nag-away tita?" Anang ko ng maibigay ko ang juice kay tita at naupo sa pang isahang sofa.
" Sabi niya kasi sakin ay mag-aasawa na daw siya at sasama na siya sa boyfriend niya. Hindi ko naman alam kung sino dahil 'di niya sinasabi sakin. Palagi siya lumuluwas ng maynila para makipagkita sa boyfriend niya. Ayaw ko pa siya mag-asawa dahil bata pa siya at hindi ko kilala ang lalake. Mamaya ay anong gawin sa kanya kaya nag-aalala ako." Pagkukwento sakin ni tita Irene.
" Gano'n po ba? Wala po akong alam dahil 'di naman po siya nagawi dito." Sagot ko kay tita. Hindi ko sinabi kay tita ang ginawa ng anak niya sakin dahil ayaw ko mag-alala sila. Hindi naman siguro sumama si Ara kay Neri dahil makikita ko naman siya. Malungkot naman na napabuntong hininga si tita na halata dito na nag-aalala siya sa kanyang anak.
" Kinontak niyo na po ba siya?" Maya-maya'y tanong ko sa kanya.
" Oo, iha. Pero no'ng mga sumunod na araw ay hindi na. Hindi kona makontak ang pinsan. Parang ayaw na niyang malaman ko kung nasaan na siya."
Nakaramdam ako ng awa sa tita ko at inis kay Ara dahil 'di manlang niya inisip ang kanyang ina at sumama na ata sa lalake niya.
" Hayaan niyo po. Kapag nakita ko siya ay sa sabihin ko po agad kayo. Kumain na po ba kayo?"
" Tapos na iha. Gusto kona lang sana magpahinga." Sabi ni tita kaya sinamahan ko siya sa kabilang kwarto at doon pinatulog si tita. Nang maihatid kona siya sa kwarto ay pumunta naman ako sa kwarto ko habang naiinis parin kay Ara. Wala manlang awa sa kanyang ina na nag-aalala. Nagbihis muna ako ng pambahay bago lumabas at pumunta sa kusina para magluto ng hapunan ko.