18

1758 Words
KABANATA 18 NOSGEL ( POV ) MATAPOS NAMING KUMAIN SA JOLLIBEE AY PUMUNTA PA KAMI NG PALENGKE para ibili ng damit si Marissa dahil birthday niya nextweek. Wala lang, gusto ko lang siya bilhan kahit ang gusto niya ay pumunta lang ako sa kaarawan niya. " Pili kana." Sabi ko kay Marissa ng makarating kami sa bilihan ng mga damit na pambata. " Wag na ate. May damit pa naman ako eh." Iling niyang tanggi sakin. " Paano ba 'yan gusto kitang bilhan?" Pamimilit ko sa kanya na lumapit pa ako. " Hindi po ba kayo pupunta sa birthday ko kaya binibilhan niyo ko ng damit?" Malungkot ang boses na tanong niya sakin kaya nataranta ako at mabilis na nagpaliwanag. " Oo naman, pupunta ako. Gusto lang kita bilhan kasi regalo ko sayo." Sabi ko sa kanya at narinig ko ang sinabi ni lola kaya napalingon ako sa kanya. " Pasensya kana, iha. May trust issue na kasi si Marissa. Ganyan 'din kasi ang ginagawa ng mama niya pero hindi naman sisipot kasi nasa malayo siya." " Gano'n po ba?" Anang ko kay lola. Tumango naman si lola at napalingon ako kay Marissa. Nakaramdam ako ng awa sa bata kaya niyakap ko siya saka bumulong sa tenga niya. " Pumili kana, promise pupunta ako." " Talaga ate?" Tanong naman niya sakin na kumawala sa yakap ko. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. " Opo." Tumangong sagot ko dahilan para maging masaya si Marissa at pumili na. Pinamili ko rin si Shin kung anong gusto niyang damit. Inassist naman kami ng tindera kung ano ang gusto ng mga bata. Matapos namin bumili ng mga damit ng mga bata ay lumabas na kami ng palengke. Masayang masaya ang mga bata sa bago nilang mga damit. " Salamat huh? Hindi mo kami kaano ano pero binilhan mo ng mga damit ang mga bata." Narinig kung sabi ni lola habang nakasakay na kami sa trycycle pauwe sa bahay nila. Inaya ako ni lola na pumunta sa bahay nila kaya sumama na ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Magmomokmok lang ako doon kaya tatambay na lang ako kina lola. " Wala po 'yun." Nakangiti ko naman sagot kay lola. " Kayo 'din naman po. Subrang bait niyo po sakin kaya binabalik ko lang po ang mga kabutihan niyo." " Sus, hindi naman ako naniningil. Masaya ako na nakakatulong sa iba." " Kaya nga po. Masaya 'din po ako na magbigay sa inyo." Muli kung sambit habang may ngiti sa labi. " Basta pumunta ka huh? Magtatampo sayo 'yang bata na 'yan kapag hindi ka pumunta." Paalala ni lola sakin. " Opo." Nakangiti kung sagot kay lola saka hinaplos ang buhok ni Marissa kaya lumingon siya sakin at ngumiti. Pagdating sa lugar nila ay bumaba na agad kami sa trycycle at tinigyan kami ng mga tao doon. " Wow, bagong pamili ah? Mukhang nagpadala ang apo mo ah, aling Helen?" Sabi ng isang babae na malaki ang tiyan. Hindi ko alam kung buntis o hindi. " Hindi po. Nilibre kami ng ate Nosgel ko." Sabat ni Marissa sa usapan. " Oo nga, inggit ka na naman aling osang." Saad naman ni Shin sa babae kaya nagalit ito. " Aba't-" " Totoo naman kasi." Sansala ni lola dahilan para matigilan ang babae bago kami pinauna pauwe. Mas lalo naman naggalaiti ang babae pero hindi na siya pinansin ni lola. Pagdating sa bahay ay agad kaming pumasok sa loob at naupo sa sofa. Binuksan naman ng mga bata ang mga damit. " Nako, binuksan niyo na 'yan. I-akyat niyo na 'yan sa taas." Utos ni lola sa mga bata na agad naman sumunod sa matanda. Halatang maganda ang pagpapalaki sa mga bata. At pagkatapos ay nagpaalam sakin dahil magpapalit muna siya ng pambahay. " Sige po, lola. Dito po muna ako." Ani ko kay lola kaya umalis na siya at umakyat sa taas. Bumaba naman ang mga bata saka binuksan ang tv at nanuod. Nakinig nuod na rin ako kahit na pambata ang palabas. Maya-maya'y may pumasok sa bahay at narinig ko ang boses ni buboy kaya napalingon ako sa kanya. " Uy! nandito ka na naman?" Sabi ni buboy habang nakatingin sakin pati na ang babaeng kasama niya na ubod ng igsi ng mga suot. " Tito." Sambit ng mga bata at lumapit kay buboy saka nagmanong. " Kaawaan kayo ng diyos." Sabi ni buboy sa mga pamangkin. Nang matapos magmanong sa kanilang tito ay bumalik sa panunuod ang mga bata. " Sino siya?" Nakataas ang kilay na tanong ng babae kay buboy habang nakatitig siya sakin na para bang sinusuri ako. Nakatingin 'din ako sa kanya habang walang emosyon ang mukha ko. Nakataas 'din ang kilay kona para bang magpapatalo ako. Kung mataray siya, mataray 'din ako. " Kaibigan ni lola." Sagot naman ni buboy sa babae. " Ah, siya ba 'yung-" " Oo, siya nga." Sagot ni buboy na kinanuot ng nuo ko. Maya-maya'y napalingon ako sa may hagdanan ng marinig ko ang boses ni lola. " Opo, La. Umuwe lang ako para magbigay ng pagkain niyo. Pasensya na kung hindi ko na naman naiwan." " Saan naman kayo galing niyan at bakit magkasama kayo?" Tanong ni lola sa apo niya ng makababa at makalapit. " Sa talyer, La. Sumama lang si Karen." Sagot ng binata sa lola niya. At pagkatapos ay may inabot na pera ang binata sa lola niya. " Pangkain niyo po." " Wag na, kumain na kami. Nilibre kami ni Nosgel." Tanggi ni lola sa apo. " Umutang na naman kayo, Lola? Panibagong utang na naman 'yan." Parang nagrereklamo na sabi ng binata sa lola niya. Sumabat naman ako sa kanila. " Hindi, libre 'yun." " Oo nga po tito. Nilibre kami ni ate, Nosgel." Sabat na naman ng batang si Marissa. Aakala ko ay nanunod lang, nakikinig pala. " Tinanggap niyo naman?" Sarkatikong sambit ng binata. " Kumain na pala kayo eh, aalis na kami." Kapagkuwan ay paalam ng binata sa lola niya. " Aalis na kayo? Kumain kana ba?" Tanong naman ng matanda sa apo niya. " Tapos na, La. Nakakain na po pala eh. Balik na po ako sa trabahao, halika kana Karen." Aya ni buboy sa babae at lumingon pa sakin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. " Sige po, lola." Sabi naman ng babae kay lola ngunit umismid lang matanda na tila ayaw niya sa babae. " Mag-iingat ka, apo." Saad ng matanda sa kanyang apo. " Opo, La." Aniya at nagulat ako dahil nagpaalam sakin si buboy. " Miss sungit alis na kami." Nakangisi na sabi niya sakin at tumalikod na saka umalis kasama no'ng babae. Napasimangot naman ako dahil sa pagsabi niyang masungit. " Pasensya kana ah? Gano'n talaga siya, pilyo." Wika ni lola na tumabi pa sakin. " Okey lang po, lola." Nakangiti kung saad sa kanya. Gano'n naman talaga siya, palagi niya ako sinasabihan ng Miss Sungit. Hindi na bago sakin 'yun. " Uuwe kana ba?" Kapagkuwan ay tanong sakin ni lola. " Okey lang po ba kung dito po muna ako tumambay?" Sa halip ay tanong ko kay lola. " Oo naman, iha. Kapag inantok ka ay sa kwarto na lang ng mga bata ikaw matulog." Saad ni lola. " Sige po." Nakangit kung wika kay lola. Tapos ay lumapit sakin si Marissa. " Ate dito ka po matutulog? Tabi tayo ah?" Masaya niyang tanong sakin. May ngiti sa labi na tumango ako sa bata " Sige kapag inantok ako." " Yehey!" Masayang sambit nito na yumakap sakin kaya napangiti ako. " Gustong gusto ka talaga ng batang 'yan." Narinig kung sabi ni lola at nagpaalam muna samin. " Akyat muna ako ah? Pahinga lang ako." " Sige po." Anito saka nanuod kami ng tv ni Marissa. Wala si Shin at nagpaalam sa kanyang lola na magcu-cumputer. Nanuod kami ni Marissa na pang bata. Makalipas ng ilang sandali ay nakaramdam ako ng antok kaya na papikit pikit na ang mga mata ko. Nang makaidlip ako ay naanlipungatan naman ako dahil ginigising ako ni Marissa. " Ate doon na po tayo matulog sa taas." At dahil inaantok pa ako ay pumayag ako. Nakita kung patay na ang tv kaya umakyat na kami sa taas at pumasok sa kwarto nila. Humiga agad ako sa kama nila at wala ng pakialam na natulog. Hindi kona nga pinansin ang loob ng silid nila Marissa. Hindi ko akalain na magiging mahaba ang tulog ko dahil himning ng pagkakatulog ko sa kama ng mga bata. Nagising lang ako gabi na at wala na akong kasama sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung nasaan ang katabi ko kanina. Kapagkuwan ay napamura pa ako sa isip dahil napahaba ang tulog ko sa bahay nila lola Helen. Balak ko sanang saglit lang ako matulog at uuwe rin ako agad pero hindi nangyare dahil napahaba ang tulog ko. Umalis ako sa kama saka sinilip ang gamit ko sa bag. Kumpleto naman doon at pati na ang pera ko. Meaning, mabait ang mga taong nakatira dito. Umalis ako sa kama saka sinukbit ang bag sa balikat at sinuot ang sapin sa paa. Pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto at nagtungo sa hagdanan. Bumaba ako sa baba, nakita ko ang apo ni lola sa may sala's habang nakahiga sa mahabang sofa at natutulog ata. Tapos ay wala itong suot na pang itaas habang nakalagay ang isang braso sa mga mata niya. Agad ako napalingon kay lola ng marinig ko ang boses niya kasabay ng pag-iinit ng pisngi ko dahil nahuli niya akong nakatingin sa apo niya. Bakit naman kasi napalingon pa ako sa lalaking 'yun. " Opo, uuwe na po ako." Sagot ko sa matanda na hindi makatingin sa mga mata niya. " Mamaya na, nagluto ako ng masarap na ulam." Sabi ni lola kaya napatango na lang ako. Tapos ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang binata na nagising na. " Luto na lola?" Tanong pa niya sa kanyang lola. " Malapit na iho. Bumangon kana diyan para makaupo ang bisita natin." Utos ni lola sa kanyang apo kaya nakita ko sa gilid ng mga mata ko na bumangon na ang binata. Hindi ako makatingin sa kanya, hindi ko alam kung bakit. Kumakabog kasi ang puso ko sa tuwing nakatingin siya sakin. " Dito kana Miss." Narinig kung sabi ng binata pero umiling lang ako sa kanya saka sumunod kay lola sa kusina ng pumunta doon si lola. Hindi ko naman akalain na susunod doon si Buboy at tumabi pa sakin bago bumulong habang nakatalikod si lola samin. " Natatakot kaba sakin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD