15

1802 Words
KABANATA 15 ROCKY MARTINEZ ( POV ) NAGISING AKO DAHIL SA MGA PALO SAKIN KAYA NAMAN AY NAGMULAT ako ng mga mata at nakita ko si lola. " Aray, bakit po?" " Anong aray ka diyan? Bumangon ka diyan at andiyan ang amo mong babae. Bakit 'yan pumupunta dito huh?" Galit na tanong sakin ni lola. Wala akong pasok ngayun sa talyer kaya natutulog ako ngayun. Pero naihatid kona ang mga bata sa school at si Nosgel bago ulet ako natulog. Inaantok kasi ako kanina kaya umuwe muna ako para makatulog. Tapos ito ginising naman ako ni lola dahil andiyan daw ang amo kung puti. Puti, dahil subrang puti ng babaeng 'yun. Kumbaga flawless ang katawan. " Hindi ko po alam. Natutulog 'yung tao eh." Masama ang mukha na sabi ko saka akmang babalik sa pagkakatulog dahil inaantok pa ako ay muli akong pinalo ni lola sa balikat naman. " Aray, lola." Hiyaw ko dahil masakit manghampas ang lola kahit matanda siya. Mabigat kasi ang kamay niya kaya gano'n. " Bumangon ka diyan at puntahan mo ang babaeng 'yun at naaalibadbaran ako. Jusko. kung manamit para bang hostes." Saad ni lola bago ako iniwan sa kwarto ko. Napahugot naman ako ng malalim at napaso sa mukha sa subrang frustrated na aking nadarama. " Ano ba kasi ginagawa ni Karen dito?" Inis na bulong ko saka padaskol na umalis ng kama at nagsuot ng damit hinubad ko kanina bago humiga sa kama. At pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto saka pumunta sa hagdanan at bumaba. Napangiti agad si Karen ng makita ako at tumayo sa kanyang kinauupuan. Tama nga si lola, para nga'ng hostes kung manamit ang babaeng 'to. Ang iigsi ng mga suot at halos lumuwa na ang mga s**o. Ayaw pa naman ni lola ng gano'n babae. Para daw kasing hostes. At panigurado ay pinagtitinginan siya ng mga tao sa labas. Paglingon ko kay lola sa may pintuan ng kusina ay pinandilatan niya agad ako ng mga mata bago umalis doon at pumasok sa kusina. Lumapit naman ako kay Karen. " Hi." Masaya nitong bati saka akmang yayakap sakin ay mabilis ko siyang inawat. " Anong ginagawa mo dito?" Wala sa mood na tanong ko sa kanya dahil nasira ang tulog ko. Nagpabebe naman ito habang nakatingin sakin. " Samahan mo naman ako sa mall, please? May bibilhin lang ako." Aniya saka lumapit na naman sakin at pupulupot sana ang mga kamay sa braso ko ng may tumikhim sa likuran namin. Hindi ako lumingon dahil alam ko kung sino iyon. Walang iba kundi si lola. " Hi, lola." Bati ni Karen sa lola ko pero wala akong narinig na sagot mula kay lola at mukhang tinarayan ang dalaga. " Bakit ang sungit ng lola mo sakin?" Maya-maya'y sabi ni Karen sakin habang masama na ang mukha nito. Sabi na eh. " Hindi ako bodyguarrd mo. Ikaw na lang at inaantok pa ako." Sa halip ay sabi ko at ko pinansin ang sinabi niya. " Samahan muna ako please? Babayaran kita. Magkano ba fee mo ba?" " Sigurado ka?" Tanong ko sa kanya na tumingin dito habang walang emosyon ang mukha. " Oo." Nakangiti nitong sambit na may kasamang pang-aakit. " Gusto mo limang libo, samahan mo lang ako." Saad pa nito na humawak sa braso ko saka hinaplos iyon. Plastik ako kung sa sabihin kung hindi ako tinatablan kay Karen. Oo, naaakit 'din ako sa kanya. Bukod sa maganda at seksi ay magaling magpa-init ng katawan ang babaeng 'to. Kaya minsan ay hindi ko mapigilan tigasan sa kanya kapag inaakit niya ako. Pero syempre, hindi ko hahayaan na may mangyare samin kaya pinipigilan ko ang aking sarili. Yung halik? Hanggang doon lang 'yun at hindi na lalagpas pa. " Sige, magbibihis lang ako." Ani ko saka inalis ang kamay niya sa braso ko at umakyat sa taas para magpalit ng kasuotan. At pagkatapos ay pinuntahan ko si lola sa likod bahay dahil naglalaba ito at nagpaalam. " Lola, alis muna po ako. Samahan ko lang po ang anak ng boss ko." " Bakit? Saan naman kayo pupunta?" Usisa naman ni lola sakin. " Baka naman may relasyon na kayo ng babaeng 'yun? Sinasabi ko sayo, buboy. Ayaw ko sa babaeng 'yun." Mahina naman akong natawa dahil sa mga pinagsasabi ni lola. Ayaw na ayaw niya talaga kay Karen. Ako rin naman eh, ayaw ko rin kay Karen dahil 'di ko siya gusto. Siguro maikama oo, pero hindi kami darating doon. " Lola, hindi ko naman nobya si Karen. At hindi ko rin po siya gusto. Sa samahan ko lang po siya sa mall at may bibilhin. Sayang po kasi ang ibabayad niya. Sakto wala akong pasok sa talyer kaya sa samahan kona lang po siya." Paliwanag ko kay lola para hindi na siya mag-alala pa. Hindi naman tutol si lola kung sino man ang gustuhin ko. Pero kapag ayaw niya talaga sa mga nagiging nobya ko ay nakikipaghiwalay agad para hindi magalit ang lola ko. Mas importante kasi siya kaya kapag ayaw ni lola ay hinihiwalayan ko agad kahit mahal kona ang babaeng 'yun. " Mabuti naman. Umuwe agad, at baka gayumahin ka ng babaeng 'yun." Bilin pa sakin ni lola kaya napailing na lanng ako at natawa bago siya hinalikan sa ulo at umalis na doon. Pinuntahan ko si Karen sa may mini sala's namin at umalis na kami. --* NOSGEL ( POV ) NASA CANTEEN KAMI NI ROSARIO HABANG KUMAKAIN NG tanghalian. Anong oras na kami nag-break sa dami ng trabaho kanina kaya gutom na gutom kami. Wala pa naman akong dalang kutkutin kaya gutom na gutom ako. " Grabe gutom na gutom ako." Maya-maya'y sabi ni Rosario habang sunod sunod ang subo niya dahil sa gutom. " Ako nga 'din eh. Nakalimutan kung magdala ng kutkutin natin." Sabi ko naman sa kanya. " Me too." Saad nito. " Hindi ko naman kasi akalain na aabot tayo ng ganitong oras." Hindi naman ako umimik at kumain na lang muna dahil gutom na talaga ako. " Napunta kapa ba sa bahay nila lola?" " Oo, bakit?" Sagot ko sa kanya habang kumakain ng manok. Ulam ko kasi adobong manok dahil nagluto ako kanina. May tira pa nga akong ulam para mamayang gabi. " Wala naman. Baka naman mawili ka do'n." " Ano naman masama? Mabait si lola Helen, pati na ang mga bata." Sabi ko sa kanya. " Wala lang, baka abusuhin ka nila dahil sabi mo nga ay binibigyan mo sila." Nag-aalalang sabi niya sakin. Hindi ko siya masisisi kasi kaibigan niya ako at nag-aalala lang siya. " Ano kaba, mabait sina lola. Hindi nila ako inaabuso. Palagi nga ako inaasikaso kapag ando'n ako. Para bang apo rin ang turing niya sakin." Nakangiti kung kwento sa kanya. " Syempre, may nahihita sayo." Saad nito na agad ko naman sinaway. " Uy! Wag kang ganyan. Mabait sina lola." " Sorry." Sabi nito na humingi agad ng sorry. " Ayaw ko lang maabuso ka. Lalo na mag-isa ka lang sainyo. Baka may gawin sila masama sayo. Diba may apo siyangg lalake? Mamaya may gawin siyang masama sayo kapag nakuha na nila ang loob mo." Natigilan naman ako sa kanyang sinabi. May points naman siya, pero mabait sina lola at magaan ang loob ko sa kanila. Atsaka si buboy ay mukha naman mabait at hindi gagawa ng masama sakin. " Hindi naman siguro." Sabi kona lang at bigla rin ako ng takot. May punto nga siya, baka nga kinukuha lang nila ang loob ko. Baka sa subrang tiwala ko ay may gawin sakin si buboy. Sinusundo pa naman niya ako gabi gabi at hinahatid sa bahay. " Ito ay paalala lang sis. Babae ka pa man 'din. Hindi rin sa pangmamata pero nakatira sila sa iskwater area." Muli ay saad nito ng hindi na ako umimik. Tumango na lang ako bilang pang-sang ayun sakanya at kumain na lang. Iniisip ko parin ang sinabi ni Rosario. Tutol man dahil mabait naman talaga sina lola pero kailangan ko mag-ingat para sa sarili ko. Pagdating sa pwesto namin ay muli kaming nagtrabaho ni Rosario habang malungkot dahil nalulungkot ako. Hindi na kasi ako pupunta kina lola simula ngayun. Napag-isip isip ko kasi ang mga sinabi ni Rosario kahit napalapit na ako sa mga bata at lola. Tinuturing kona silang pamilya. Malungkot lang ako kaya lumalapit ako sa kanila. Pero ngayun okey na ako dahil naka-move on na talaga ako kay Neri at wala na akong pakialam kung may bago siyang babae ngayun. Nang dumating ang oras ng uwean ay nag-asikaso na kami ni Rosario para makauwe na. " Starbucks tayo." Narinig kung sabi nito kaya napalingon ako sa kanya. " Libre mo?" Nakangiti kung tanong sa kanya pero biro lang naman kung sa sakay siya. " Oo ba, basta samahan mo ako. Parang gusto kung mag-starbucks ngayun." Sabi niya sakin. " Bakit? Buntis kaba?" Muli ay pabiro kung tanong. " Gaga! Wala nga akong jowa. Paano ako mabubuntis." Pairap na sabi niya sakin. " Joke lang. Ito naman ang seryuso." Paglalambing ko sa kanya. At mas lalo pa siya naging seryuso na parang naging mama kona. " Kaya ikaw, mag-ingat ka sa lalaking mahahalin mo at hindi 'yung bubuntisin ka lang." " Grabe talaga 'to. Mama is that you?" Pagbibiro ko ulet sa kanya saka sinukbit na ang bag ko sa balikat. Pero muli niya lang akong inirapan. Ganito talaga siya kaya walang nagbabalak na mangliligaw dito. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa mga napagdaanan niya sa buhay. Dahil sa lalake kaya namatay ang mama niya at nasiraan ng bait ang ate niya. Kaya hanggang ngayun ay NO BOYFRIEND SINCE BIRTH ang kaibigan ko. Sumakay na kami ng elevator pababa ng building at binati si Rosario ng guard na nakatalaga sa pintuan nang building pero inirapan lang ni Rosario. Palagi siya binabati ng guard pero palagi niya lang sinusuklian ng irap kaya napapakamot na lang sa ulo si kuya guard. " Gwapo siya ah?" Sabi ko kay Rosario pero inirapan niya lang ako at tinarayan. " Jowain mo. Gwapo pala eh." " Kaya lang hindi ako type." Pang aasar ko naman sa kanya. Hindi naman nagsalita ito at alam ko ay naiinis na ito kaya hindi na ako kumibo at baka masabunutan ako ng wala sa oras. Niyakap kona lang siya patagilid bilang paglalambing habang naglalakad. " Wala na ako sa mood. Uwe na lang tayo." Maya-maya'y sabi nito kaya nagulat ako sabay tingin sa kanya. " Uy! Joke lang." " Tinamad na ako, sorry." Saad nito kaya hindi kona siya pinilit pa at nag-abang na lang kami ng buz sa waiting sheed. Napasimangot naman ako dahil na postpone ang date namin dalawa. Ayaw ko pa naman umuwe ng maaga dahil magiging malungkot na naman ako kapag nasa bahay na ako. Makalipas ng ilang sandali ay tapos na kaming kumain ni Rosario at
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD