KABANATA 14
NAANLIPUNGATAN AKO NG MARAMDAMAN KUNG MAY NAGBUHAT SAKIN pero naman ang gagawa no'n? Alam ko sina lola at ang mga bata ang kasama ko sa bahay na iyon. Kaagad kung naisip si buboy, baka siya ang nagbuhat sakin kasi siya lang ang may kaya na buhatin ako.
Nang maramdaman kung nilapag na niya ako mula sa kama ay saka naman akong nagmulat ng mga mata. Tama nga ang hinala ko. Si buboy ang nagbuhat sakin kaya mabilis akong bumangon mula sa kama dahil napansin kung nasa kwarto niya ako at dalawa lang kami.
" Bakit binuhat mo ako?" Tanong ko sa kanya ng hindi makatingin habang umaalis sa kama.
" Sabi ni lola. Dalhin daw kita dito para makapagpahinga ka ng maayus. Mukhang pagod na pagod ka dahil 'di ka magising nila lola kanina." Sagot naman niya sakin habang nakatingin sakin.
" Gano'n ba? Salamat." Ani ko saka lumakad na patungo sa pintuan dahil parang hindi ako makahinga habang kaming dalawa ang nasa loob. Hindi ako mapakali habang kasama siya. Hindi naman niya ako pinigilan at hinayaan na lang niya ako umalis. Pumunta ako sa kusina at nakita kung kumakain na sila.
" Bakit gising kana? Ginising kaba ng apo ko?" Nag-aalalang tanong sakin ni lola ng makita ako.
Marahan naman akong umiling kay lola. " Hindi po. Nagising po ako bigla." Sagot ko kay lola.
" Oh siya at maupo kana dito para makakain kana. Mukhang pagod na pagod ka." Wika ni lola habang kumukuha ng isa pang pinggan.
" Dito ka ate." Sabi ni Marissa kaya doon ako naupo sa tabi niya.
" Oh, kumain kana para makapagpahinga kana."
" Salamat po, lola." Nakangiti kung wika sa kanya dahil napaka-maasikaso ni lola. " Kumain na rin po kayo, lola." Alok ko sa kanya.
" Wag mo akong alalahanin iha. Kakain 'din ako mamaya. Kumain kana diyan at para makapagpahinga kana." Saad nito kaya tumango na lang ako kay lola saka nagsimula ng kumain.
Maya-maya'y nagulat ako ng may tumabi sakin at paglingon ko ay si buboy ang tumabi sakin kasabay ng pagngiti sakin.
" Tabi tayo ah." Sabi pa niya sakin na may ngiti sa labi kaya hindi ako nakapagsalita at napatitig na lang dito.
" Magdahan dahan ka nga, buboy at nagugulat sayo si Nosgel." Narinig kung sabi ni lola sa apo niya kaya napalingon ako sa kanya kasabay ng pagbuntong hininga ng mahina.
" Sorry po lola." Saad naman ni buboy sa kanyang lola at mukhang mabuting apo sa kanyang lola. " Kain na. Hindi ka mabubusog niyan." Baling pa niya sakin habang puno ang bunganga niya.
" Puno 'yung bunganga mo tapos nagsasalita ka." Pagtataray ko sa kanya.
" Bakit masama ba 'yun?" Tanong naman niya sakin pero ang pamangkin niya ang sumagot.
" Opo, tito. Masama po 'yun." Sabi ni Marissa kanyang tito buboy niya.
" Mabuti pa ang bata marunong. Ikaw ang tanda tanda muna wala ka pang alam." Ani ko sa kanya habang napapailing.
" Uy, marami akong alam ah." Katwiran pa niya sakin at sinabi ang mga alam niya sa buhay. Hindi naman ako umimik dahil ayaw ko makipagtalo sa kanya. Para kasi siyang bata na ewan. Samantalang matanda na siya at bulbulin na. " Naiintindihan mo ba? Marami akong alam. Pati nga paggawa ng bata ay ala- awts!" Napaaray si buboy ng hamapasin ko siya sa braso. " Bakit kaba namamalo?" Galit na tanong niya sakin habang nakatingin ng masama. Samantalang si lola ay napapangiti lang habang nakatingin samin dalawa.
Muli ay hindi ako nagsalita.
" Wala ka pala tito buboy eh." Pang-aasar naman ni Shin kay buboy.
" Kaya nga po. Si ate Nosgel lang pala ang katapat mo." Si Marissa habang tinatawanan ang tito buboy niya.
" Anong wala? Babae lang siya."
" Buboy! Saway naman ni lola sa po niya. " Babae 'yan."
Natahimik naman si buboy at mukhang takot sa lola niya. Napangiti naman ako dahil ang sama ng mukha niya at napagalitan siya ng lola niya sa harapan ko. Natahimik na kaming lahat at masaganang kumain dahil masarap ang ulam. Halata sa mukha ng mga bata na subrang nasasarapan sa pagkain.
Maya-maya'y muling nagsalita si lola ng may napuna kay buboy.
" Napano 'yang labi mo, buboy?"
" Wala po, La." Paiwas ang mga matang sagot nito sabay lingon sakin kaya nakita ko ang labi niya na may sugat. Hindi ko napansin 'yun kanina.
" Nakipag-away ka na naman ba?" Seryuso ang mukhang tanong pa ni lola kay buboy.
" Hindi po, La. Pinagtanggol ko lang po ang amo ko kanina dahil binastos siya kanina." Sagot ni buboy sa kanyang lola. Napaismid naman si lola.
" Paanong hindi mababastos. Halos lumuwa na ang s**o ng babaeng 'yun."
" Kaya nga po, lola. Mukhang may gusto pa kay tito buboy." Sabat ni Shin sa usapan. Hindi ko kilala kung sino ang pinag-uusapan nila.
" Nako, wag na wag muna papuntahin dito ang babaeng 'yun at naaalibadbaran ako. Wag na kamo siya magdala ng kung ano ano dito." Inis na sabi ni lola sa kanyang apo.
" Opo. Wala naman po akong gusto kay Karen, La."
" Mabuti naman kung gano'n. Kung gano'n babae lang naman ang makukuha mo ay mas gusto ko pa itong si Nosgel dahil desente manamit." Sabi ni lola sabay lingon sakin dahilan para matigilan ako at mapalingon kay buboy.
Nagulat ako dahil napasama ako sa usapan. At gano'n 'din si buboy, natigilan 'din.
" Oo nga, tito buboy. Si ate Nosgel na lang po." Sabi ni Marissa sa tito niya. Maya-maya'y bigla naman natawa si buboy na tila may nakakatawa dahilan para sumama ang mukha ko. May nakakatawa sa sinabi nila lola at Marissa?
gusto mo naman?
Tanong ng isip ko.
hindi no, hmp!
" Nagpapatawa ba kayo lola? Si Nosgel? Hindi naman ako ang tipo niyan. Mukha nga'ng may boyfriend na siya kaya palagi ako sinusungitan." Narinig kung sabi ni buboy sa kanyang lola. Napalingon pa ako kay Shin ng tanungin niya ako.
" May boyfriend kana ate?"
Sa taranta ko ay napatango ako sa kanila.
" Kita niyo na? May boyfriend 'yung tao, La." Ani buboy sa lola niya.
" Malay ko ba?" Mataray na sabi ni lola kay buboy at lumingon sakin. " Pasensya kana iha. Akala ko wala ka pang boyfriend."
" Okey lang po, La." Kimi kung sagot sa kanya saka nagpaalam na sa kanila na uuwe na. " Mauuna na po ako." Hindi na kasi ako mapalagay sa kanilang pinag-uusapan. Mabuti na rin 'yun na malaman nila na may boyfriend na ako. Mamaya kasi ay ireto pa sakin ni lola ang apo niya.
Ayaw kona mag-boyfriend dahil niloko na ako ng EX ko. Natatakot na ako mag-mahal at baka muli lang ako masaktan. Tingin ko pa naman kay buboy ay pilyo. Mamaya ay maraming babae ang binata. Lalo na 'yung nakita ko siyang may nakaangkas sa trycycle niya. Hinatid naman ako ni buboy samin dahil gabi na at mukhang delikado sa lugar nila dahil maraming tambay. Tapos ay maraming mga lasing sa daanan namin.
Napapa-shot pa nga si buboy sa bawat na nadadaanan niya. Hindi manlang marunong tumanggi at lahat ay tinatanggap niya.
" Bakit hindi ka tumatanggi?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanya. Natawa naman ito sabay kamot sa batok na parang nahihiya. Hindi ko tuloy naiwasan mapatitig sa kanya. Gwapo pala talaga ang hinayupak na 'to. Umiwas lang ako ng tingin ng lilingon siya sakin. Kumakabog kasi ang dibdib ko kapag nagsasalubong ang mga mata namin dalawa. Para bang palagi akong kinakabahan kapag napapatitig sa kanyang mga mata.
" Tawag kasi do'n, pakikisama."
" Pakikisama? Halos lahat ng dinaanan natin ay iniinum mo ang mga alak nila." Sabi ko sa kanya. Alam ko naman ang pakikisama pero kung lahat ng madaanan niyang inuman ay iinumin niya ang bawat shot? Parang mali na ata.
" Teka? Nagagalit kaba?" Nakangiti nitong tanong sakin habang nakatingin.
" Hindi! Bakit ako magagalit? Nagatataka lang ako." Kunot ang nuo na paliwanag ko.
" Gano'n kasi dito. But anyway. Salamat pala sa binigay mong pagkain. Nakalimutan kung bigyan ng pera ang lola ko kanina." Kapagkuwan ay sabi niya sakin.
" Wala 'yun." Sabi ko naman na hindi na naman makatingin dito dahil nakatingin na naman siya sakin.
" Service na lang kita para makabayad ako sayo ng mga utang ko." Saad nito na agad ko naman tinutulan.
" Okey lang. Hindi muna kailangan bayaran. Tulong kona lang kay lola." Ngunit makulet ang binata.
" Hindi, kailangan ko bayaran 'yun. Kaya service na lang kita."
" Hindi na nga, kulet nito." Sabi ko habang nagsisimula na naman mainis dahil ang kulet niya.
" Bahala ka. Hindi ako tumatanggap ng tulong. Basta susunduin kita bukas." Giit pa niya sakin at mukhang hindi tumatanggap ng tulong ng iba. Mukhang nakakalalake para sa kanya.
" Bahala ka." Sabi ko saka sumakay nasa trycycle. Nasa labasan ang trycycle niya dahil may umikot daw na barangay kaya nilabas niya.
" Yown." Rinig kung sabi pa nito na tila masaya at sumakay nasa trycycle saka pinaharurot. Pagdating sa tapat ng bahay ko ay bumaba na ako sa trycycle saka lumapit sa kanya at nagbayad.
" Wag na. Diba nga service kita at babayaran ko ang binigay mo kanina kay lola." Tanggi niya sa bayad.
" Sira! Lugi ka niyan. Tanggapin muna 'to." Pamimilit ko sa kanya.
" Wag na nga." Saad pa nito saka hinawakan ang kamay ko at nilayo mula sa kanya. Nagulat naman ako sa ginawa niya at agad na binawe ang kamay ko mula sa kanya ng makaramdam na naman ng kiliti.
" Bahala ka." Pananaray ko sabay talikod dito.
" Good night Miss sungit." Sabi nito. Hindi ko alam pero napangiti ako ng tawagin niya akong Miss Sungit.
Palagi ko raw kasi siyang sinusungitan pero pagdating kay lola ay ang bait bait ko. Ewan ko ba, siguro niloko na ako ng lalake kaya masungit ako sa kanya. Pumasok na ako sa loob at narinig kung umalis na si buboy. Napabuntong hininga ako saka tuluyan na pumasok sa loob ng bahay. Dumeretso ako sa taas dahil nakakain na ako ng hapunan. Medyo naparami ang kain ko kanina basta sila ang kasabay ko. Hindi ko kasi namamalayan kapag kasabay ko silang kumain. Pero kapag ako lang ang mag-isa na kumakain ay kaunti lang nakakain ko. Nakakatamad kumain kapag ikaw mag-isa lang. Hindi katulad noon ay sabay sabay kaming kumain. Malungkot akong napabuntong hininga at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.