12

1907 Words
KABANATA 12 PAGDATING SA TAPAT NG BAHAY KO AY BUMABA NA AKO SA TRYCYCLE at pagkatapos ay pumunta ako sa kanya saka pinahawak ang mga dala ko. " Pahawak muna ako neto at kukuha lang ako ng pera." Ani ko sa kanya na para bang close kami. Pero agad 'din akong natigilan ng marinig ang sinabi niya. " Wag na, pa-kapehin muna lang ako. Medyo nahihilo na kasi ako eh." " Ano ka hello? Hindi kita kilala tapos papasukin kita sa bahay ko? Umuwe kana at doon kana lang mag-kape." Sabi ko sa kanya. Mahirap na at ano pa ang gawin niya sakin kapag pinapasok ko siya sa loob ng bahay ko. Kahit sabihin natin na apo siya ni lola Helen. " Grabe ka naman. Anong palagay mo sakin masamang tao? Apo ako ni lola, Helen." Parang masama ang loob na sabi nito sakin. Mukhang lasing nga talaga siya dahil malamlam na ang mga mata niya. " Ah! Basta, umuwe kana sainyo at ito na ang bayad ko pati 'yung kanina. Tapos uwe muna 'yan sa inyo dahil mga pagkain 'yan." Sabi ko sakanya at pinagtatabuyan kona siya. " Grabe ka, mukha ba akong manyakis?" Muli ay sabi nito habang nakatingin sakin. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya. Ewan ko, bumibilis kasi ang t***k ng puso ko kapag nakatingin siya sakin, Parang kinakabahan ako na ewan at nangangatog ang mga tuhod ko. Sa kanya ko lang ito naramdaman. " Hindi, pero umuwe kana at inaantok na ako." " Pwede tumabi?" Nakangising tanong niya sakin habang may pilyo sa mga mata niya kaya napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala. Lasing na nga ito kaya tumalikod na ako at baka bastusin niya pa ako kapag hindi pa ako umalis. Nasa spirito ng alak kaya baka hindi niya alam ang ginagawa niya. Pero mukha naman siyang matino pa dahil maayus pa siya mag-drive at magsalita. " Uy, joke lang." Saad nito sabay hawak sa kamay ko dahilan para magulat ako at iwinaksi ang kamay niya dahil may naramdaman akong kuryente mula sa kamay niya saka humarap dito. " Sorry na bastos ata kita." Huminga ako ng malalim saka sinalubong ang mga tingin niya kahit kumakabog ang dibdib ko. " Alam mo umuwe kana, lasing kana eh." " Bakit ba kasi ang taray mo sakin? Kina lola hindi naman. Galit kaba sa mga lalake?" " No, umuwe kana at papasok na ako." Sabi ko sa kanya saka humarap nasa gate at binuksan iyon. At tuluyan na akong pumasok sa loob. Hindi kona siya nilingon pa para umuwe na siya. Napabuntong hininga ako ng malalim ng masara kona ang pintuan ng gate bago tuluyan pumunta sa bahay ko. Pagpasok sa loob ay sumalubong sakin ang tahimik na kapaligiran. Malungkot na naman ang gabi ko. Ganito ako araw araw sa tuwing umuuwe ako mula sa trabaho at sumasalubong sakin ang tahimik na bahay dahil wala akong kasama. Muli na naman akong napabuntong hininga saka pumunta sa taas at pumasok sa loob ng kwarto ko. Nilagay ko sa kama ang bag ko saka pumunta sa loob ng banyo para maglinis ng katawan bago maligo. Nang matapos maligo ay lumabas na ako habang nakatapis ng tuwalya sa katawan at pumunta sa kabenet para kumuha ng pang tulog ko. T-shirt na over sized ang kinuha ko saka panty bago sinuot. Hindi na ako nagsuot ng bra dahil matutulog na. At pagkatapos ay nag-skin care muna ako bago humiga. Matapos mag-skin care ay nahiga na ako sa kama at kinuha ang cellphone. Nawala na ang antok ko kaya manunuod muna ako sa cellphone ng netflix. Kapagkuwan ay naalala ko si buboy. Mabait naman siya pero hindi ko maintindihan kung ayaw ko siyang kausap. Siguro niloko ako ng EX ko kaya naging ganito ako. Napabuntong hininga na lang ako at hindi kona inisip si buboy. Nanuod na lang ako ng netflix hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako. --* ROCKEY MARTINEZ ( POV ) NAPAILING NA LANG AKO NG MAKAPASOK NA SI NOSGEL SA LOOB GATE. Ang hirap talaga niyang lapitan o kausapin. Palagi na lang siya nakasungit sakin. Actually ay binibiro ko lang siya kung sasakay ba siya. Pero masyadong seryuso ang dalaga. Parang hindi marunong makipag-biruan at palaging seryuso pagdating sakin. Mabuti na lang talaga ay maganda siya, kundi ay papangit siya kung palagi siyang naka-seryuso. Pinaandar kona ang trycycle ko at umuwe na samin habang dala ang mga binigay ni Nosgel. Hindi ko alam kung ano iyon dahil 'di ko binuksan ang plastik. Palagi niyang binibigyan ang lola sa tuwing napunta siya sa bahay namin. Para bang binibigyan niya ng ayuda. Syempre tuwang tuwa naman ang lola ko dahil ngayun siya nakatanggap mula sa ibang tao. Galing pala ako sa mga tropa at nakipag-inuman. Hindi naman talaga ako lasing at nakailang-shot lang ako. Sinusukan ko lang si Nosgel kung papasukin niya ba ako sa bahay niya. Pero bokya, dahil 'di niya ako pinapasok sa loob ng bahay niya. Pauwe na kasi ako ng tawagin ng tropa dahil wala ng pasahero. Tinatamad na ako maglagare para may pasahero ako kaya uuwe na sana ako pero nayaya pa ng tropa. Mabuti na rin 'yun dahil naihatid ko pa si Nosgel sa bahay niya kahit subrang sungit niya sakin. Pagdating sa bahay namin ay binuksan ko ang lock gamit ng susi dahil panigurado ay tulog na ang lola ko at ang mga bata. Nang mabuksan ko ang pintuan ay pumasok na ako sa loob at pumunta sa kusina para i-check ang laman ng plastik. Nakita kung may ulam, spaguitte, pansit, cake at salad. " Mukhang galing sa birthday ang babaeng 'yun at nag-sharon pa." Nakangiti kung bulong sa sarili. Pagkatpos ay pinasok ko sa loob ng ref para hindi mapanis at makain bukas. Tapos ay nagtimpla muna ako ng kape bago umakyat sa taas. Napangiti ako ng maalala ko ang mukha ni Nosgel ng hawakan ko siya. Ang sarap hawakan ng kamay niya dahil ang lambot no'n. Para bang hindi naghuhugas at naglalaba ng mga damit. Bukod do'n ay subrang ganda niya pa, kaya type siya ni Nestor. Sabagay, sinong hindi magkakagusto sa dalaga? subrang ganda naman kasi niya, baka nga may boyfriend na si Nosgel kaya ang sungit niya. Madalas kasi gano'n, tignan mo si Karen. Walang boyfriend kaya panay ang dikit sakin. Naiirita na nga ako sa babaeng 'yun dahil panay ang dikit. Ayaw ko naman siyang itaboy at baka masaktan. Hindi naman kasi ako gano'n na lalake kahit na pilyo ako. Pinalaki ako ni lola na may galang sa mga babae kaya hindi ko sila binabastos. Matapos mag-kape ay hinugasan ko ang pinagkapehan ko saka umakyat sa taas. Kinuha ko ang tuwalya at bumaba ulet dahil ang init ng panahon ngayun. Pagpasok sa loob ng banyo ay agad akong naglinis ng katawan. Kapag talaga maalinsangan ay naglilinis ako ng katawan. Minsan pa nga ay naliligo ako para masarap ang tulog ko. Pero ngayun ay maglilinis lang ako ng katawan. Matapos maglinis ng katawan ay lumabas na ako ng banyo saka umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko. Tatlo ang kwarto sa taas. Isa sakin, kay Lola at sa mga bata. Pero kapag nandito ang pinsan ko ay doon siya natutulog sa tabi ng mga anak niya. Humiga na ako sa kama ko matapos magsuot ng boxer. Hindi na ako nagusuot ng pang taas dahil mainit naman ngayun. Bago matulog ay naalala ko pa ang dalaga. Kinabukasan ay nagising ako ng maaga dahil papasok pa ako sa talyer. Tumawag kagabi si mang kanor dahil 'di raw papasok ang isa niyang tauhan. Bumangon ako mula sa kama at nagsuot ng short bago lumabas ng kwarto. Hindi ako lumalabas ng kwarto na hindi naka-short dahil nagagalit ang lola ko. Bumaba na ako sa baba dahil panigurado ay nasa kusina ang lola ko at nagluluto na. Tama nga ang hinala ko at nasa kusina na nga siya. Nakita kung iniinit na niya ang nasa plastik na bigay ni Nosgel. " Good morning, lola." Bati ko sa kanya kasabay ng paglapit dito at hinalikan sa ulo si lola. " Saan pala galing ito? Sinong may birthday?" Sa halip ay tanong ni lola sakin. " Kay Nosgel po, La." Sagot ko at nagtitimpla ng kape sa tasa. Masarap magkape sa umaga at hindi ako nabubuhay na walang kape. " Siya nga? Pumunta ba siya dito kagabi?" Masayang tanong ni lola sakin. Masaya talaga siya kapag si Nosgel ang pinag-uusapan. Hindi naman niya masyado kakilala pero subrang bait niya sa dalaga. " Hindi ho." Sagot ko matapos humigop ng kape. " Nasakay ko lang siya kagabi. Mukhang galing sa birthday ang mga pagkain." Tugon ko kay lola. " Kaya nga. Nagpasalamat ka naman ba?" Tanong naman ni lola. Natigilan naman ako dahil 'di ako nagpasalamat kagabi. " Hindi po, aw." Sabi ko dahil hinampas ako ni lola sa braso. " Bakit naman hindi? Nakakahiya naman sa dalaga." " Pwede naman mamaya lola. Grabe ka naman po." Sabi ko habang hinihimas ang pinalo ni lola. Medyo napalakas ang pagpalo niya sakin na may kasamang gigil kaya masakit. " Nakakahiya kasi kay Nosgel." Giit pa ni lola saka nilagay ang mga pagkain sa mesa. " Kumain kana. Alam ko sa talyer ka ngayun papasok." Saad pa nito kaya nagsimula na akong kumain. Si lola naman ay lumabas ng kusina dahil gigisingin na niya ang mga apo niya para mag-almusal at papasok pa sa school. " Hi tito." Napalingon ako kay Marissa ng batiin niya ako. " Hello." Wika ko sabay gulo sa buhok niyang magulo. Sunod naman pumasok si Shin habang nakasunod si lola dito. Mabuti na lang ay hindi mahirap gisingin ang mga ito kaya hindi na nahihirapan ang lola namin. Nagsimula ng kumain ang mga ito habang ako ay tapos na at nakatingin sa kanila. " Saan galing 'to, La?" Tanong ni Shin sa lola niya. " Bigay ng ate Nosgel niyo." Sagot ko sa kanila. " Pumunta dito si ate?" Tanong naman ni Marissa. " Hindi po. Naihatid ko siya kagabi kaya naibigay niya sakin." Muli ay sagot ko sa kanya. Masaya talaga sila basta si Nosgel ang pinag-uusapan. Marahil sabik lang sila magkaroon ng ate dahil wala dito ang kanilang ina. " Kumain ng kumain at papasok pa kayo sa school." Sabi naman ng lola ko. Kinuha ko naman ang beltbag ko saka kumuha ng pera doon para ibigay ang mga baon nila. Wala pang padala ang nanay ng mga bata kaya medyo hirap kami ngayun. Well, mahirap naman talaga kami. Pero kapag nagpapadala ang pinsan ko ay nakakaraos kami sa mga pambayad sa bills. Naggagamot pa si lola para sa mga sakit niya kaya kailangan ay nabibili ang mga gamot niya. Sa mahal ng bilihin ngayun, ang isang libo ay kaunti na lang nabibili. Mabuti na lang ay may mga raket ako kaya nakakaraos kami. " Ito ang mga baon niyo." " Yehey, thank you tito." Sabi ni Marissa. Tag bente sila dahil 'di pa naman high school ang mga ito. Malamang kapag high school na sila ay malaki na talaga ang gagastusin namin. " Sumakay na lang kayo kay kuya Nestor niyo. Sabihin niyo ako na ang magbabayad." Bilin ko sa kanilang dalawa. " Opo." Sagot nila. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko dahil maliligo pa ako. Nagpaalam na ako sa lola ko na mauuna na ako sa kanila. " Sige at baka malate kapa." Wika ni lola kaya lumabas na ako ng kusina at umakyat sa taas para kunin ang tuwalya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD