KABANATA 13
ROCKEY MARTINEZ ( POV )
NAGBIBIHIS AKO NG PINAKA-UNIFORME NG MAY YUMAKAP SAKIN mula sa likuran ko kaya mabilis akong humarap. At tama ang hinala ko, si Karen na naman ang salarin. Wala naman ibang gumagawa no'n kundi si Karen lang. Kapag alam niyang nandito na ako at walang kasama sa storage room ay pinupuntahan niya talaga ako.
" Ano bang ginagawa mo?" May bahid na inis na tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sakin na tila walang pakialam kung galit ako. Lumapit siya sakin na may pang-aakit sa labi at niyakap ako sa leeg. " Ayaw mo ba sakin? Maganda naman ako at seksi, bakit ayaw mo sakin?"
Inalis ko ang kamay niya sa may leeg ko saka lumayo dito. " Alam mong sa una palang ay sinabi kona sayo na hindi kita type at kaibigan lang ang kaya kung ibigay sayo." Sabi ko sa kanya.
Kinausap kona siya na hindi ko siya gusto kahit nagpapakita na siya ng motibo. Maganda at seksi naman siya. Bukod do'n ay may kaya sa buhay si Karen pero hindi ko talaga siya gusto.
" Alam ko, pero hindi ko talaga mapigilan eh." Wika niya sakin na akmang lalapit na naman pero hindi kona siya hinayaan at baka may makakita samin. Kahit nagpapakita siya ng motibo sakin ay wala pa nangyayare samin dalawa. Kahit nga halik ay hindi ko siya pinapahintulutan dahil pinaninindigan kung wala akong gusto sa kanya. Ayaw ko kasing bigyan siya ng hope para hindi siya umasa sakin.
" Okey, ako na lang ang iiwas at hindi na ako papasok-"
" No, no, no buboy. Wag kang umalis please?" Saad nito na muling yumakap sakin kaya nakita kami ng isa nilang tauhan.
" Sige na. Magbibihis na ako." Sabi ko sa kanya at pinalayo mula sakin habang nakatingin samin si bong.
" Sige, wag kang aalis huh?" Anang pa niya sakin habang nakikiusap at walang pakialam kung nakita kami ni bong. Hindi ako nagsalita habang walang emosyon ang mukha ko. Nang wala na si Karen ay lumapit sakin si bong.
" Iba talaga ang karisma mo, pre. Baliw na baliw sayo ang anak ng boss natin." Nakangising saad nito sakin.
" Kaya nga eh." Pabuntong hininga kung wika sa kanya. " Kinausap kona siya na wala siyang mahihita sakin."
" Baka naman dinala muna sa langit kaya naghahabol?" Malisusyo niyang anang sakin.
" Gago, walang nangyayare samin. Todo iwas nga ako diba?" Sabi ko sa kanya. Todo iwas na ako sakanya at baka ano pang maisip ng mga tao. Lalo nasa panahon ngayun. Maraming mga malisyuso ngayun.
" Bakit patay na patay sayo? Wala naman palang nangyayare sainyo." Muli ay tanong niya sakin.
" Malay ko." Kibit balikat kung sabi sa kanya saka nagpaalam na dito dahil kailangan ko ng magtrabaho. Paglabas ko ay pumunta agad ako sa pwesto ko para ayusin ang isang sasakyan. Nakita ko pa si Karen na ngumiti sakin ng matamis. Tumango naman ako sa kanya.
Inabala kona lang ang sarili ko sa pagkukumpuni ng mga sasakyan dahil ayaw kung makakuha ng tiyempo si Karen para makalapit sakin. Wala pa naman ang daddy ngayun at siya ang bantay. Makalipas ng ilang oras ay hindi ko namalayan ang oras dahil sa pagiging busy ko. Nagulat na lang ako ng may kumalabit sa paa ko. Akala ko isa sa mga kasama ko. Iyon pala ay si Karen lang pala.
" Kain na tayo." Sabi pa niya sakin. Tumango naman ako saka binitawan ang yabe at tinulak ang sarili para makaalis sa ilalim ng sasakyan.
" Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya habang walang emosyon ang mukha ko.
" Alas dose na." Sagot nito na sumimangot pa. " Iniiwasan mo talaga ako."
" Busy ako eh. Atsaka nag-usap na tayo diba?"
" Wala ka naman girlfriend ah? Bakit ayaw mo sakin?" Tanong niya sakin kaya napabuntong hininga ako. Ang hirap niyang paliwanagan.
" Sige kain na ako. Nagugutom na ako eh." Kapagkuwan ay sabi ko sa kanya saka pumunta sa may gilid kung saan pwede maghugas ng kamay. After maghugas ng kamay ay lumabas ako ng talyer. Sa labas na lang ako kakain para hindi na ako kulitin ni Karen. Kasi kapag sa storage room ako kakain ay pupunta na naman si Karen at bibigyan ng kung ano ano.
May karinderya naman sa labas ng talyer kaya doon na lang ako kumain.
" Menudo nga ate at dalawang kanin." Sabi ko sa babae na nasa counter. Kaagad naman niyang sinandok ang mga order ko at binigay sakin. Magsisimula palang akong kumain ng may yumakap sa beywang ko sabay upo sa tabi ko.
" Uy, bakit dito ka kumakain?" Tanong sakin ni Karen habang nakatingin kaya napabuntong hininga ako. Sinundan pa talaga ako dito.
" Wala akong baon." Sagot ko sa kanya saka nagsimula ng kumain.
" Pwede naman kitang bigyan ah." Sabi na dumikit pa kaya naramdaman ko ang malalaki niyang s**o dahilan para matigilan akong sumubo.
" Urong ka nga, hindi ako makakain." Utos ko sa kanya sa mahinang boses.
Napangiti naman ito na parang nahihiya umusod ng kaunti." Sorry."
Sa may tapat kami ng counter naka-pwesto dahil may upuan doon. Nagpatuloy ako sa pagkain para matapos na agad. Maya-maya'y may sumipol kaya napalingon ako doon.
" Wow, seksi mo naman miss." Sabi ng isang lalake na parang adik. " Anong pangalan mo?" Tanong pa nito pero sinungitan lang siya ni Karen.
" Wala akong pangalan."
" Sungit mo naman." Sabi ng lalake na tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Karen. Ako naman ay nakikiramdam lang habang kumakain.
" Ano ba." Narinig kung sabi ni Karen dahil hinaharas na siya ng lalake.
" Sandali lang,pre. Binabastos muna ang amo ko eh." Awat ko sa lalake ng makita kung hahawakan niya si Karen habang nakaseryuso ang mukha ko.
" Bakit? Amo mo lang pala eh." Maangas na sabi pa nito sakin. " Wala kang pakialam kung anong gusto ko." Saad pa nito na biglang umigkas ang kamao niya. Mabuti na lang ay nakailag ako sa suntok niya. Sinuntok ko naman siya, ayun sapol sa panga, mahilo hilo siya eh. Napahiyaw si Karen pati na ang tindera sa loob ng karenderya. Nagpatuloy ang suntukan namin hanggang sa natamaan ako sa labi bago may umawat.
Kaagad na lumapit sakin si Karen at yumakap habang umiiyak ito. Hindi ko alam kung bakit, hindi naman siya nasaktan. Pero niyakap kona rin siya para kumala siya. Maya-maya'y inakit na niya ako patungo sa talyer para magamot ang pumutok kung labi. Mabuti na lang ay hindi nadamay ang karenderya panigurado ay magbabayad ako. Hindi ako mahilig sa gulo, pero no'ng kabataan ko ay palagi ako nakikipagsapakan kaya palagi akong umuuwe ng may putok sa labi. Ayaw na ayaw ko kasing may binabastos na babae kaya napapasabak ako sa gulo.
Binayaran ko muna ang tindera bago kami umalis ni Karen. Nakita pa kami ng mga kasama ko ng makapasok sa loob ng talyer.
" Oh, anong nangyare sayo? Bakit putok ang labi mo?" Tanong ni bong sakin.
" Binastos kasi ako sa labas kaya nakipagsuntukan siya sa lalaking 'yun." Sagot ni Karen kay bong at nagpaalam. Nakita kung samin nakatingin ang mga kapwa ka-trabaho ko habang inaalalayan ako ni Karen patungo sa opisina niya sa talyer.
" Maupo ka at gagamutin ko 'yan sugat mo." Utos ni Karen sakin at nagtungo sa may isang kabenet saka kumuha ng gamot. At pagkatapos ay lumapit sakin saka naupo sa mesa niya habang ako ay sa may upuan. " Gagamutin kona ah." Saad pa nito saka kumuha ng bulak at betadine. Dahan dahan niyang dinampian ang sugat ko sabay hipan kaya naamoy ko ang mabango niyang hininga. Nakatitig ako sa kanya habang ginagamot niya ako at nakita kung ngumiti siya sakin na tila kinikilig. Tapos ay kumagat pa sa labi si Karen.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Maganda naman si Karen at seksi pero hindi ko siya makuhang magustuhan. Kahit na alam kung may gusto siya sakin. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Maya-maya'y nakita kung lumalapit ang mukha niya sakin at hinalikan ako sa labi. Hindi agad ako nakapag-react hanggang sa hindi ko napigilan ang sarili kung halikan siya sa labi.
--*
NOSGEL ( POV )
NAISIPAN KUNG PUMUNTA KINA LOLA HABANG MAY dalang andok's. Ang lungkot kasi mag-isang kumain kaya naisipan kung pumunta kina lola. Bumili pa ako ng ulam para sabay-sabay kami. Sana lang talaga ay hindi pa sila kumakain. Pagdating sa terminal ng trycycle ay sumakay agad ako. Hindi ko nakita si Buboy at mukhang umuwe na.
" Ang aga naman." Bulong ko sa sarili.
Nagpahatid ako kina lola Helen. Tinatamad na kasi ako maglakad kaya sumakay na ako. Paano ba naman kasi tayuan sa sinakyan kung buz. Hindi manlang ako nakaupo hanggang sa makarating dito. Pagdating sa lugar nila lola ay pinagtinginan ako ng mga tao sa paligid. Parang nakakita ng artista, char.
" Bayad po." Sabi ko kay manong ng makababa ng trycycle saka naglakad na patungo kina lola. Napangiti ako ng makita kung tumatakbo saki si Marissa.
" Ate." Wika nito ng makalapit at yumakap pa sakin.
" Hi, kumain na kayo?" Tanong ko naman matapos namin magyakapan.
" Hindi pa po. Wala pa po si tito eh. Wala ng pera si lola."
" Gano'n ba? Ito may dala akong ulam natin." Sabi ko at pinakita ang dala kung ulam.
" Wow! Andok's." Saad nito na kumikislap ang mga mata sa tuwa ng makita ang andok's na dala ko.
" Tara na?" Aya ko sa kanya.
" Sige po, ate." Nakangiti naman nitong wika saka siya ang nag dala ng andok's. Dalawa ang binili ko kasi baka kulangin samin ang isa.
" Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya habang patungo kami sa bahay nila.
" Sinundo ko po si kuya sa computer shop. Pinapatawag na po kasi siya ni lola."
" Hmm.. bakit para sa project?" Muli ay tanong ko sa kanya.
" Hindi po. Sa game's po. Adik na nga po doon si kuya eh." Sagot niya sakin. Para palang kapatid ko, adik 'din sa mga game's sa computer. Pagdating sa kanila ay pumasok agad si Marrisa at sumigaw.
" Lola, lola andito po si ate, Nosgel."
Napangiti naman ako dahil ang init ng pagtanggap nila sakin. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob at sinalubong ako ni lola.
" Hello po." Magalang kung bati sabay manong sa kamay nito bilang paggalang kay lola.
" Kaawaan ka ng diyos. Mabuti naman at napunta ka dito?" Anang sakin ni lola.
" Ang lungkot po sa bahay eh. Wala po akong kasabay kumain." Nakangiti kung sagot kay lola.
" Gano'n ba? Nako, wala pa akong sinaing, iha. Sandali at uutang muna ako sa tindahan."
" Nako wag na po. Bumili na lang po." Awat ko kay lola at kumuha ng pera sa wallet saka binigay kay lola ang 500 ngunit tinanggihan niya.
" Nako, wag na. Bisita ka namin dito." At tinawag ang mga apo niya. " Shin, Marissa."
" Lola, tanggapin niyo na po. Wag na po kayo mangutang." Pamimilit ko kay lola sabay lagay ng pera sa kamay niya.
" Ito talagang bata na 'to eh." Saad ni lola pero tinanggap 'din ang pera na inabot ko kaya napangiti na lang ako. " Oh siya at uutusan ko muna ang mga apo ko. Doon ka muna sa sala at manuod ng tv para makapagpahinga ka muna."
" Sige po lola." Ani ko saka pumunta sa maliit nilang sala saka naupo doon. Agad naman nag-asikaso sila lola dahil gabi na at wala pang pagkain.
At sa subrang pagod ko ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa habang nanunuod ng tv.