02

2001 Words
KABANATA 02 MALAPIT NA KAMI SA BAHAY NG bata ng tanungin ko siya sa pagsasabi niya sa mga lalake kanina na boyfriend ako ng tito niya. " Bakit mo sinabi 'yun? Hindi naman ako boyfriend ng tito mo." " Para po hindi ka po nila bastusin." Sagot ng bata. Na touch naman ako dahil mabuti pa siya nag-aalala sakin. Paslit lang siya pero may malasakit na siya sa mga tao. Maganda ang pagpapalaki sa kanya kung sino man ang mga magulang niya. Wala naman kaso sakin kaya lang nakakahiya. Mamaya makarating pa sa lalaking 'yun, ano pa ang isipin. " Salamat ah." Nakangiti kung wika sa kanya na hinaplos ang buhok niya. " Walang anoman po." Aniya saka tumakbo patungo papasok sa loob ng bahay. Hindi kagandahan 'yung bahay pero malinis naman ang loob nito. Marahil salat sila sa buhay kaya ganito ang kanilang bahay. " Lola, lola. Andiyan po si ate ganda." Rinig kung sabi ng bata sa lola niya. Nag-init naman ang pisngi ko dahil tinawag akong ate ganda. Hindi kasi nila alam ang name ko. Hindi ko naibigay kanina dahil sa pagmamadali ko. " Talaga? Baka kukunin na niya ang damit niya." Saad ng matanda. " Hello po." Nahihiya kung bati sa kanila habang nasa pintuan ng bahay. Nahihiya ako kasi hindi ko alam kung bakit ako nandito. " Nako, ikaw pala 'yan, iha. Halika at maupo ka muna dine." Wika ng matanda saka pinaupo ako sa mahabang sofa. Hindi ko makita ang batang babae at ang tanging nando'n ay yung matabang lalake saka ang matanda. " Maraming salamat po." Nahihiya kung sagot sa matanda. " Nandito kaba para kunin ang mga damit mo? Nako, hindi ko alam kung tuyo na." Ani Lola. Napangiti naman ako kay lola. Oo nga pala, naiwan ko ang damit ko dito. Mabuti na lang ay may dahilan ako. Subrang nakakahiya kung wala akong kukunin dito. Nagpaalam na muna ang matanda para kunin ang mga damit ko habang kasama ko ang batang lalake. Dahil sa nadarama kung kalungkutan ay napadpad ako dito. Ayaw ko kasing pumunta sa bahay ng papa ko dahil ando'n ang bruha kung madrasta. " Anong pangalan niyo po?" Tanong sakin ng batang lalake ng makaupo sa tabi ko. Ang cute cute niya kasi ang taba niya. Wala kasi akong kapatid kaya wala akong naaaway. " Nosgel, ikaw?" Balik tanong ko sa bata. " Shin po." Sagot naman nito. " Shin? May lahi ka?" Taka kung tanong kasi shin ang pangalan niya. " Wala po, iyon lang pinangalan sakin ni mama." Magalang na sagot niya sakin. Napansin kona parang ang bait ng mga bata. Kasi kung iba iba 'yan baka inano na ako. " Hmm.. kapatid mo ba 'yung babae?" " Opo, siya naman po si Marissa. Wala ang mama namin kasi nasa ibang bansa para magtrabaho. Naiwan kami sa lola namin." Kwento ng bata sakin. " Ahhh.. gano'n." Nakangiti kung sagot. Magaan ang loob ko habang nandito ako at kausap ang bata. " Lola alis na po ako." Napalingon ako sa may hagdanan ng marinig ko ang boses ng lalake. Nakita kung pababa siya ng hagdanan habang nagbibihis ng damit. Napatitig sakin ang lalake ng matapos magbihis kaya umiwas ako ng tingin dito habang bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nadarama ko sa tuwing nakikita ko siya. " Pa pasada kana ba iho?" Rinig kung tanong ng matanda sa apo niyang lalake. " Opo, uuwe po ako mamaya para kumain ng hapunan tapos pa-pasada ulet po ako." Sagot ng lalake. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya. " Oh sige, mag-iingat ka sa pagpapasada mo." Ani ng matanda sa apo niya. " Opo." Aniya. " May bisita pala kayo, La?" Kapagkuwan ay sabi ng lalake sa lola niya. " Ah, oo. Kukunin na daw niya ang mga damit niya." Sagot ng matanda saka lumapit sakin. " Ito na iha. Nilagay kona sa plastik para hindi mo bitbitin ng ganito." Nakangiting saad ni Lola kaya napangiti 'din ako sa kanya. " Salamat po, Lola. Pasensya na po sa abala. Aalis na po ako." Kapagkuwan paalam ko ngunit pinigilan ako ni Lola. " Mamaya kana umuwe. Dito kana lang mag-hapunan, iha. Ipapahatid na lang kita sa apo ko." Wika ni Lola sakin. " Nako, wag na po." Aniya sabay lingon sa lalake. Hindi ko ugali makikain sa ibang bahay dahil nagloloko ang tiyan ko. Kaya nga nag-aral ako magluto dahil natatakot na akong kumain sa labas. Na truma ako noon ng kumain ako sa labas at hospital ako. Buhay pa ang mama ko no'n. Kaya simula no'n ay hindi na ako kumakain sa labas. Natakot na kasi ako. Pero kapag mga sikat na restaurant dahil nagde-date kami ni Neri ay kumakain naman ako. Wag lang 'yung sa mga kalsada dahil 'di talaga ako kakain. " Pumayag kana. Hindi ka titigilan ni Lola." Sabi ng lalake at sinegundahan pa ng dalawang bata. " Oo nga ate. Hindi ka titigilan ni Lola hangga't hindi ka pumapayag." Napabuntong hininga naman ako kasabay ng pagkagat sa ibabang labi. " Okey po." Nahihiya kung sagot dito. Napangiti naman ang matanda sakin kaya napangiti na rin ako. Ang gaan ng pakiramdam ko sa matanda. Siguro dahil mabait siya kaya hindi ko napigilan pumayag. " Alis na ako, Lola." Paalam ng lalake sa lola niya saka binalingan ang dalawang bata. " Uy! kayong dalawa. Wag kayo makulet huh? May bisita tayo." " Opo, tito." Sagot ng dalawang bata saka tumabi sakin. " Dito kana kumain huh? Wag mahiya." Saad ni lola na may ngiti sa labi at nagpaalam muna samin dahil may gagawin daw siya. Hindi ko alam kung ilan taon na siya pero malakas parin kahit may edad na. " Ilan kayo nakatira dito?" Tanong ko sa dalawang bata ng kami na lang tatlo. Kinalimutan ko muna ang kalungkutan na aking nadarama at mamaya na lang ulet kapag ako na lang mag-isa. Ayaw ko kasi sila maapektuhan. Mabuti nga ay hindi ako lugmok, kagabi lang no'ng uminum ako. Ayaw kona kasing umiyak, masakit sa dibdib. Huli kung iyak no'ng mamatay ang mama ko. Ewan ko kung bakit hindi ako masyado umiiyak o naglulugmok. Siguro hindi siya deserved iyakan dahil niloko nila ako. " Apat po." Rinig kung sagot ni Shin. " Si lola, si tito at kami ni kuya Shin." Sagot naman ni Marissa sakin. " Hmm.. apat lang pala kayo. Asan ang papa niyo?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanila. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanila. Para bang matagal kona sila kakilala. Marahil mabait lang sila kaya ganito ang pakiramdam ko. Mabilis silang mapalagayan ng loob dahil mabait ang pamilyang ito. " Wala na po. Sumama nasa ibang babae." Tugon ni Marissa sa malungkot na tono at nalungkot na rin si Shin. " Babaero kasi ang tatay nila." Narinig kung sabi ni lola kaya napalingon ako sa kanya at nakaramdam ng hiya dahil sa pagtatanong ko. " Gano'n po ba." Nahihiya kung sagot. " Oo, hindi naman mangingibang bansa ang apo kona iyon kung nandito lang ang tatay ng mga batang iyan. Pero mas okey na rin iyon kesa patuloy niyang lokohin ang apo kona 'yun." Pagkukwento ni Lola sakin. Nakaramdam ako ng awa sa mama ng mga bata dahil alam ko ang pakiramdam na niloko. At naaawa rin ako sa mga bata dahil broken family sila. " Mabuti na lang po nandiyan kayo. At may mag-aalaga sa mga bata." Ani ko sa matanda. " Oo naman. Mga apo ko 'yan eh. Hindi ko sila matitiis." Saad ni Lola sakin. " Ang swerte po nila." Nakangiti kung wika. " Ikaw? Sino kasama mo sa bahay?" Kapagkuwan ay tanong ni lola sakin. Hindi naman ako nakasagot agad dahil nagdadalawang isip ako kung sa sabihin ko sa kanila. Pero mababait naman sila. Nag-kwento sila sakin, dapat ako 'din. " Ako lang po." Tugon ko makalipas ng ilang segundo. " Talaga? Asan ang mga magulang mo?" Muli ay tanong ni lola sakin. " Patay na po si mama. Si papa naman po ay may asawa na kaya ako na lang ang nakatira sa bahay namin." " Hindi kaba natatakot? Aba'y mag-isa ka lang at babae kapa." Wika nito na halata sa tono ang pag-alala sakin. " Okey lang lola. At sanay na po ako." Nakangiti kung sagot sa kanya. " Mabuti naman. Maganda ka pa naman." Puri ni lola kaya nag-init ang pisngi ko. Marami naman ang nagsasabi na maganda ako. Pero iba si lola, ewan ko kung bakit nag-iinit pisngi ko. " Salamat po." " Ano po pala ang pangalan mo ate?" Maya-maya'y tanong ni Marissa sakin. " Nosgel." " Nosgel?" Ulet ni Marissa. " Maganda po ate ng pangalan niyo po." " Talaga? Salamat." Ani kona may ngiti sa labi at hinaplos ang pisngi nito. Marami pa kaming napagusapan hanggang umabot kami ng gabi. Dami nilang tanong kaya naman dami ko rin sagot. Nakakatuwa sila at ang saya ko. Nakalimutan ko ang lungkot na aking nadarama. " Tulungan kona po kayo." Alok ko kay lola ng sabihin nitong magluluto na siya. " Wag na. Bisita ka namin. Maupo kana lang diyan at manuod ng TV." Saad ni Lola at iniwan na kami. Kami na lang ni Marissa ang nasa sala's dahil lumabas si Shin sa labas. Nanuod nga kami ng TV ni Marissa at isang korean ang palabas. Tagalog ang salita kaya nakinuod na rin ako hanggang sa dumating ang lalake at naupo bigla sa pang isahan sofa dahilan para mapaurong ako dahil malapit siya sakin. " Makaurong ah? Parang may sakit ako." Saad ng lalake sakin. Hindi naman ako nagsalita dahil wala naman akong sa sabihin. Lumabas naman si lola mula sa kusina at nagulat ng makita ang apo niyang lalake. " Nandito kana pala buboy." " Opo, ang tumal eh. Mamaya na lang po ako papasada hanggang umaga." Saad nito saka nagtanong sa matanda. " May pagkain na po? Nagugutom na ako eh." " Oo, nakaluto na ako. Tatawagin ko lang 'tong bisita natin." Wika ni lola na bumaling sakin. " Halikana iha. Kakain na tayo." Marahan naman akong tumango kay lola. Ayaw ko sana makikain dahil nakakahiya at hindi ko sila kakilala. Pero makulet si Lola at gusto niya talaga ako kumain sa kanila. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at tumayo na rin ang lalake saka nauna ng pumunta sa kusina. Sabay naman kami ni Marissa pumunta sa kusina. Pagdating doon ay pinaupo agad ako ni Lola sa tabi ng lalake. Lihim naman ako natawa ng paluin ni lola sa kamay ang lalake dahil kakain na siya. " Mamaya kana. Yung bisita muna." Sabi pa ni lola sa apo niya. " Nagugutom na ako lola." Masama ang mukha na sabi ng lalake sa kanyang lola. " Mamaya na, paunahin muna na natin si Nosgel." Saad ni lola kaya napalingon sakin ang binata. Umiwas naman ako ng tingin sa binata at tumingin kay lola. " Okey lang po." " Hindi, ikaw muna kumuha dahil bisita ka namin." Giit ni lola kaya wala na ako nagawa at nagsandok ng pagkain. Masasarap ang ulam na nakahain sa mesa at tatlong putahe pa. " Ayan lang ang kakainin mo?" Puna ng lalake sakin ng mapansing kaunti lang kinuha kung pagkain. " Diet ako." Sambit ko sa kanya. " Diet? Tignan mo nga ang katawan mo. Ang payat mo." Komento ng lalake sa katawan ko. " Diet nga ako." Muli ay sabi ko. Gusto ko sanang mag-taray pero nahihiya ako kay Lola. Pinatuloy nila ako tapos magtataray ako. " Kumain kapa iha. Kalimutan mo muna ang diet mo. Sayang naman ang mga niluto ko." Parang nagtatampo na sabi lola kaya nakaramdam ako ng guilty. " Sige po." Sagot ko kay Lola para hindi na siya magtampo. " Alam mo bang ngayun lang nagluto ng ganitong karami na ulam si lola? Pang isang linggo- Awts!" Napaaray ang lalake dahil sa ginawa ni lola. " Manahimik kana nga diyan at kumain kana lang." Saad ni lola sa apo niya. Kaya naman ay kumain na siya at gano'n 'din kaming apat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD