KABANATA 01
PAGLABAS KO NG BAHAY AY NARINIG ko ang boses ng lalake pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglakad.
" Sandali lang miss." Saad nito ng makalapit sakin habang nagsusuot ng damit.
" Bakit?" Mataray kung tanong na tumigil muna saka tumitig sakanya pero hindi sa katawan.
" Hatid na kita." Wika nito sakin sa seryuso ang mukha.
" Wag na. Nakakahiya naman sayo." Ani ko sa masungit na tono saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa labasan.
" Ihatid na kita. Magagalit pa ang lola ko kapag hindi kita hinatid." Saad nito sakin habang sumusunod.
" Takot ka pala sa lola mo eh."
" Hindi ako takot. May respito lang ako sa lola ko. Antayin mo ako dito." Saad niya saka umalis. Huminga naman ako ng malalim. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Inantay ko naman siya dahil tinatamad ako maglakad patungo sa labasan. Atsaka hindi ko alam kung saan lugar ito.
Maya-maya'y dumating na ang lalake habang sakay ng trycycle. Mukhang trycycle driver si kuya. Pero infairness ang gwapo niya para maging trycycle driver. Kaya siguro medyo tan ang kulay niya dahil sa pagba-biyahe.
" Sakay na. Hatid na kita sainyo." Wika niya sakin. Mabilis naman akong sumakay saka sinabi sakanya ang bahay ko. " Lapit lang pala dito 'yun." Saad nito bago pinaandar ang trycycle.
Tahimik naman akong nakaupo sa loob habang tahimik 'din ang lalake. Iniisip ko ang ginawang kawalang-hiyaan ng boyfriend ko sakin kasabay ng pagtulo ng luha ko sa mga mata.
Nakita naman ng lalake ang pagpunas ko ng mga luha sa mga mata at napailing. Nang makarating ako sa bahay namin nakita ko agad si Neri habang nasa labas ng gate at mukhang inaantay ako.
Kapitbahay ko lang ang hinayupak kaya mabilis lang siya makakapunta sa bahay namin.
Nang huminto ang trycycle ay nagbayad ako sa lalake. " Bayad."
" Wag na." Tanggi naman nito. " Sige na baka inaantay kana ng boyfriend mo." Wika pa nito kaya nakaramdam ako ng galit sa puso ko.
" Hindi ko siya boyfriend. Kaya wag kang assuming." Mataray na sabi ko saka bumaba na ng trycycle at lumapit sa gate. Wala akong balak kausapin si Neri pero hinarangan niya ako.
" Babe."
" Tabi." Walang emosyon na utos ko sa kanya habang hindi nakatingin dito. Umalis na ang lalake at iniwan na kami.
" Mag-usap muna tayo. Magpapaliwanag ako sayo."
" Hindi na kailangan dahil kitang kita ko." Galit na sabi ko sakanya kasabay ng paglingon dito habang may talim sa mga mata ko.
" Inakit lang niya ako-"
" Nagpaakit ka naman?" Gigil na sabi ko sa kanya saka hinawi siya at binuksan ang gate.
" Babe naman. Ikaw ang mahal ko."
" Hindi mo ako mahal." Asik ko sakanya at iniwas ang kamay ko ng akma niyang hahawakan iyon. At mariin na nagsalita. " Dahil kung mahal mo ako hindi mo papatulan ang pinsan ko. Isa lang ang ibig sabihin no'n, marupok ka." Galit na sabi ko sakanya saka mabilis na pumasok sa loob. Baka kasi mapaiyak pa ako sa harapan niya dahil sa galit ko sa kanya.
Ayaw ko pa naman umiyak sa harapan niya. Nang makapasok sa loob at ma-sara kona ang gate ay saka lang pumatak ang luha kona kanina ko pa pinipigilan. Hinayaan ko siya sa labas ng gate habang tinatawag niya ako.
Pagpasok sa loob ng bahay ay pumunta ako sa sala's namin at doon umiyak. Hindi ako masyado umiyak kahapon dahil uminum ako ng alak at doon ko binuhos ang lahat ng hinanakit saka sama ng loob ko kay Neri pati nasa pinsan kung malandi.
Kaya pala iba kung tumingin ang pinsan ko kay Neri dahil may pagnanasa na pala siya dito. Hindi ko naman binigyan pansin iyon dahil may tiwala ako sa pinsan ko at sa boyfriend ko.
Pero hindi ko akalain na magagawa nila iyon sakin. Pinagkatiwalaan ko pa naman ang pinsan ko at naniniwala akong hindi niya ako pagtataksilan dahil tinanggap ko siya dito ng buong buo na walang pag-aalinlangan tapos ganito pa.
Kung hindi ko lang pinsan si Ara ay baka napatay kona siya sa subrang galit ko kahapon.
Nakatulugan ko ang pag-iyak hanggang sa magising ako dahil may nagdo-doorbell sa labas ng bahay kaya bumangon ako mula sa sofa at pumunta sa labas.
Sumama agad ang mukha ko ng makita ko ang aking pinsan na si Ara dahil parang rehas ang gate namin na kita agad ang tao paglabas ng bahay.
Pumunta ako sa gate saka binuksan iyon. Hindi siya umuwe kagabi at hindi ko alam kung saan siya pumunta. Pero wala na akong pakialam sa kanya matapos niyang ahasin ang boyfriend ko.
" Anong kailangan mo?" Walang emotion ang mukhang tanong ko sa kanya.
" Kukunin ko lang po ang mga damit ko ate." Sabi niya sakin na para bang walang nangyare kahapon dahil ang amo ng mukha niya ngayun. Parang hindi makabasag pinggan.
Samantalang kahapon ay kung makaungol ay wagas habang binabayo siya ni Neri. Ate pala ang tawag niya sakin dahil mas matanda ako sa kanya.
" Bakit? Magsasama na kayo?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
" Hindi po. Uuwe na po ako sa probinsya." Sagot niya sakin habang nakayuko ang ulo. Parang nahihiya siya sakin dahil sa ginawa niya kahapon. Mas lalo tuloy akong nairita at nainis dahil sa pagiging maamo niya na parang walang ginawa sakin na masama.
" Kunin muna. At umuwe kana sainyo." Galit na sabi ko saka iniwan na siya. Pumunta ako sa taas at pumasok sa loob ng kwarto ko dahil ayaw ko siyang makita at naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.
Nang makaupo sa kama ay nag-ring ang cellphone ko at nakita ko sa screen ang pangalan ng kaibigan ko. Si Rosario.
" Hello?"
" Bruha ka. Bakit hindi ka pumasok ngayun? Anong nangyare sayo?" Tanong niya agad sakin mula sa kabilang linya.
" Wala, sumakit lang ang ulo ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.
" Ang dami natin gagawin dito sa work tapos wala ka naman. Sigurado ka bang okey ka lang?" Muli ay Tanong niya sakin na nasa tono ang pag-aalala.
Kaklase ko si Rosario ng college at sabay kaming naghanap ng trabaho. Wala pa siyang alam sa ginawa sakin ni Neri dahil 'di ko pa sinasabi.
Panigurado ay magagalit siya dahil simula palang ay ayaw niya sa boyfriend ko. Kasi mukha daw babaero ang boyfriend ko pero hindi ko siya pinaniwalaan. No'ng naging kami naman ni Neri ay maayus naman ang pagsasama namin. Tumitingin siya sa iba pero hanggang doon lang.
Pero hindi ko alam pati pinsan ko ay pinatulan niya.
" Bukas papasok na ako. Masakit lang talaga ang ulo ko. " Pati puso ko. Dugtong ko sa isip.
" Sige, beshie. Ingat ka." Saad nito saka nagpaalam ba dahil may gagawin pa siya. Sa office ang trabaho ko. Maganda ang trabaho ko dahil tapos ako ng college.
BSBA ang kinuha kung course. Pero saka na ako magnenegosyo at mag-iipon muna ako. Atsaka kumukuha ako ng experience dahil balak kung pumunta ng ibang bansa para makaipon ako ng malaki. Gusto ko kasing paghandaan ang kinabukasan ko dahil wala naman akong aasahan sa tatay ko. May iba na siyang pamilya.
Maayus naman kaming mag-ama pero 'yung madrasta ko lang ang may problema kaya nga umalis dito sila sa bahay dahil 'di ko makasundo ang madrasta ko.
Masyado kasing maldita, akala naman niya papatalo ako. No way.
Maya-maya'y may kumatok sa pintuan at narinig ko ang boses ni Ara dahilan para mapairap ako sa hangin. Bumuga muna ako ng hangin bago tumayo mula sa kama saka lumapit sa pintuan at binuksan iyon.
Tinanggal ko ang emosyon sa mukha ko bago humarap kay Ara.
" Aalis na ako ate." Wika niya sakin habang maamo parin ang mukha.
" Edi umalis kana. Bakit nagpapaalam kapa sakin?" Mataray na tanong ko sa kanya. " Sabihin mo kina tita kung bakit bumalik kana sainyo. Para malaman nila ang totoo."
" Sorry ate." Hingi niya ng pasensya at ito ang unang beses na humingi siya ng sorry sa akin.
" Hindi sapat ang sorry mo para mawala ang galit ko sainyo at sa puso ko." Mariin na sabi ko sa kanya. " Alam mo bang gusto kitang kalbuhin dahil sa ginawa mo sakin? Pero hindi na, nagsasayang lang ako ng oras sayo. Umuwe kana sainyo at wag kanang babalik." Wika ko saka malakas na sinara ang pintuan.
Napasandal ako sa likod ng pintuan pagbuntong hininga. Ayaw ko sana maging masama ang ugali dahil 'di ako gano'n pinalaki ng mga magulang ko. Pero sa ginawa nila sakin ng boyfriend ko ay nagiging masama talaga ang ugali dahil niloko nila ako.
Inantay kung makaalis ang pinsan ko bago ako lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa baba at sa kusina para kumain ng tanghalian dahil hapon na.
Late na ako makakain ng tanghalian. Actually ay meryenda na ito. Gumawa lang ako ng sandwich dahil tinatamad akong magluto. Kaya naman ay sandwich na lang ang kinain ko kasama ng kape.
Malungkot na naman ako dahil mag-isa na naman ako sa bahay. Pero mas okey na iyon kesa naman niloloko ako. Hindi ko alam kung kailan nagkagustuhan ang dalawa. Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko ang sinabi ni Neri na inakit lang siya ni Ara.
Pero wala na akong pakialam do'n. Niloko na niya ako at hindi kona siya kayang patawarin kahit ang pinsan ko pa.
Nang matapos kumain ng sandwich ay lumabas ako ng bahay saka naglakad lakad. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Parang ayaw kung mag-stay sa bahay dahil malulungkot lang ako.
Ayaw kona maging malungkot. At ayaw kung isipin ang sakit na aking nadarama ngayun dahil sa pagloloko ng boyfriend ko. Subra akong nalungkot ng mamatay si mama, tapos ng mag-asawa si papa ay nalungkot 'din ako. Tapos ngayun ay ang boyfriend ko naman.
Siguro kung may kapatid lang ako ay hindi siguro ako magiging malungkot.
Maya-maya'y may lumapit sakin na bata at nakilala ko agad siya. Siya 'yung isa sa mga bata kanina. Na apo ng matanda.
" Hi ate. Saan ka po pupunta?" Nakangiti niyang bati sakin. Ang ganda ng mukha niya kaya napangiti ako.
" Diyan lang. Naglalakad lakad lang." Sagot ko sa kanya saka nagtanong 'din. " Ikaw? Saan ka pupunta?"
" Inuutusan po kasi ako ni tito buboy na bumili ng yosi sa tindahan." Tugon ng bata sakin. Ngayun ko lang napansin na nandito pala ako sa lugar nila. Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito. Basta naglalakad lang ako.
Malapit lang kasi ang tinitirhan nila sa tinitirhan ko. Pero sa kanila ay dikit dikit ang bahay na parang iskwater, not totally. Ang bahay naman namin ay compound.
" Gano'n ba? Sige na, bumili kana. Baka mapagalitan kapa." Saad ko sa bata.
" Hindi po. Mabait si tito buboy." Nakangiting sagot ng bata. Halata sa tono niya na mabait talaga ang tito niya. " Gusto niyo pong sumama?"
" Wag na. Pauwe na rin naman ako." Nakangiti kung sagot sa bata saka akmang tatalikod na ay hinawakan niya ako sa kamay.
" Sumama na po kayo." Wika nito kaya wala na ako nagawa at sumama na sakanya. Pagdating sa may tindahan ay may nag-iinuman na kalalakihan at inalok akong uminum.
" Miss tagay ka muna."
Mariin naman akong tumanggi sa kanila. At nagsalita ang bata.
" Hindi pwede. Bawal siyang uminum."
" Huy! Wag kang makisali. Ikaw ba si Miss?" Sabi ng isang lalaki na malaki ang tiyan. At imbes na matakot ang bata ay sumagot pa ito dahilan para magulat ako sa sinabi niya.
" Bakit? Gusto niyo sumbong ko kayo sa tito ko? Dahil binabastos niyo ang girlfriend niya?"
" Uy!" React ko sa kanya pero kinindatan lang ako ng bata. Parang natakot naman ang mga lalake at hindi na kami inano kaya umuwe na kaming dalawa.