03

1601 Words
KABANATA 03 BUSOG NA BUSOG AKO dahil ang daming pinakain ni lola. Sira tuloy ang diet ko dahil sa dami ng pinakain sakin. Pero ang saya nilang kasama sa hapagkainan dahil panay sila kwentuhan at tawanan. Parang kami lang no'ng nabubuhay pa ang mama ko. Ganito rin kami dati kapag nasa hapagkainan. Nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Pero ngayun ay hindi na dahil wala na si mama at may asawa na si papa. May breast cancer kasi si mama kaya maaga siya kinuha samin. Subrang lungkot ko no'n dahil ang bata ko pa. Grade 5 ako no'n ng mamatay si mama at nasa school pa ako. Si papa ang nag-aalaga kay mama sa hospital. Nalaman kung deads na si mama ng tumawag sakin si papa. Subra akong umiyak no'n kasi malapit ako kay mama. Para akong naputulan ng isang paa ng mamatay si mama. Siya lang kasi ang palagi kung kasa-kasama sa bahay at kapag may ano sa school. Tapos ng mawala si mama ay gumuho talaga ang mundo ko. Hindi nga ako mapatahan ni papa sa pag-iyak hanggang mailibing ang mama ko. At lumipas ang ilang taon ay nalaman kung mag-aasawa na ulet si papa kaya naging malungkot ang buhay ko. Akala ko kasi hindi na siya mag-aasawa tapos hindi ko pa kasundo ang asawa niya. Kaya siguro sinagot ko si Neri dahil sa malungkot ako no'n. Pero mabait naman siya at pinagtiyagaan niya ako ligawan kaya naging kami. Pero hindi ko naman alam na lolokohin niya ako at pinsan ko pa talaga ang pinatulan niya. " Okey ka lang iha?" Rinig kung sabi ni lola kaya napakurap kurap ako ng mga mata. Nandito kami sa may sala's nila habang nagkakape. Hindi muna nila ako pinauwe at magkape muna nila ako dahil marami akong nakain. Atsaka tikman ko daw ang kape na galing sa probinsya nila. Kaya naman hindi na ako nakatanggi pa dahil subrang bait nila sakin kahit ibang tao ako at ngayun lang nila nakilala. Nakangiti naman akong napailing kasabay ng paglingon sa lalake habang nasa may hagdanan at nakatingin sakin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakangiti naman akong umiling sa matanda. " Masarap po 'yung kape." Komento ko pa sa kanya. " Aba'y syempre naman. Galing pa 'yan sa probinsya namin. Dala 'yan ng isa ko pang pamangkin ng umuwe siya doon." Pagmamalaki ni lola. " Gano'n po ba?" Anang ko naman sa kanya saka muling uminum ng kape. " Bakit ka nga pala malungkot iha? Napansin ko malungkot ang mga mata mo simula kanina." Saad ni Lola kaya natigilan ako at napatitig sa kanya. Ang galing naman niya. Napansin niya pa talaga kahit kinukuble kona ang lungkot sa aking mga mata. Ganito marahil kapag matanda na. Kahit si mama no'n ganito rin. Kapag alam niyang malungkot ako ay tinatanong niya agad ako. Ayaw kasi ni mama na malungkot ako. At kapag malungkot ako ay pinagluluto niya ako ng paborito ko. Pansint kanton with pritong itlog. Kaya naman kapag pinagluto na niya ako ng gano'n ay masaya na ulet ako. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko. At madali lang ako mapasaya. Muli ay ngumiti ako at marahan na umiling kay Lola. " Wala po, namiss ko lang po ang mama ko." Pagsisinungaling ko dahil ayaw ko sabihin sa kanila na broken hearted ako. " Ganito rin po kasi kami no'ng hindi pa po siya namamatay." " Gano'n ba? Kung gusto mo palagi kang pumunta dito. Welcume ka dito sa bahay namin iha." " Nako, nakakahiya naman lola." Ani ko kay Lola. " Sus, ikaw naman. Mukha ka naman mabait. Kaya ayus lang para may makausap kung sakaling nalulungkot ka." " Ang bait niyo naman po. Sige po, kapag may time po ako." Sabi ko kay lola. Pero ang totoo niyan ay sinabi ko lang 'yun para hindi na siya mangulet sakin. Nakakahiya naman kasi kung palagi akong nandito. Hindi ko naman sila kaano ano para pumunta ako dito. May hiya naman ako, atsaka hindi ako pinalaki ng mama ko ng ganito kung mangingipagbahay ako. " Welcume ka samin iha. Kung kailan mo gusto ay buong puso kita tatanggapin." Sabi pa ni lola sakin na hinawakan pa ako sa kamay. Matamis naman akong ngumiti sa kanya saka nagpaalam na dahil gabi na't may pasok pa ako bukas. " Uuwe na po ako, Lola. May pasok pa po kasi ako bukas." " Gano'n ba. Usige, pahatid na kita sa apo ko." Saad ni Lola saka bumaling sa apo niyang si buboy. Hindi naman talaga niyang pangalan iyon kundi palayaw lang. " Ano pa nga ba. Palagi naman akong naghahatid sa kanya wala naman bayad." Narinig kung sabi ng lalake kaya hindi ko napigilan mag-react dito. " Excuse me? Nagbabayad ako. Sabi mo kasi wag na." " Si lola ang may sabi no'n. Hindi ako." Masungit na sabi ng binata. Masungit talaga siya sakin pero palagi ko naman nahuhuling nakatingin sakin. Hindi ko alam kung anong problema niya. Siya lang ang bukod tanging masungit sakin. Samantalang sina lola at ang dalawang bata ay mabait naman. Wala naman sakin 'yun dahil huling punta kona dito. " Tama na 'yan." Saway ni lola samin ni buboy sabay baling dito. " Ikaw wag kang masungit. Kaya wala ka pang asawa dahil sa kasungitan mo." " Okey na 'yun. Kesa naman iniiwan." Saad nito saka lumakad na palabas ng bahay. Nasundan kona lang siya ng tingin saka lumingon kay lola. " Pagpasensyahan muna ang apo ko, iha. Gano'n lang talaga siya. Pero mabait naman siya." Wika ni lola sakin. Tumango lang ako bilang tugon saka nagpaalam na dahil anong oras na. " Uuwe na po ako. Maraming salamat po sainyo." Ani ko saka niyakap si lola at ang dalawang bata bilang pasasalamat. " Sige mag-iingat ka, Nosgel. Pumunta kana lang dito sa bahay kapag hindi ka busy." Saad ni lola na tumango lang ako. Hinatid nila ako palabas ng bahay at kinausap ni lola ang apo niya habang kinausap ako ng dalawang bata. " Ate babalik ka ah?" Wika ni Marissa sakin. " Oo nga ate. Para naman may ate kami sa bahay." Saad ni Shin sakin. Ngumiti lang ako na may kasamang tango. Tapos ay pinasakay na ako ni lola sa trycycle. " Salamat po, Lola." Wika ko ulet sa matanda. " Walang anoman, iha." Saad nito saka bumaling sa apo niya. " Mag-iingat kayo sa biyahe." " Opo, deretso biyahe na ako lola." Ani ng lalake sa kanyang lola. Tumango naman si lola at lumarga na kami. Nang nasa biyahe na kami ay narinig ko ang boses ni buboy. " Okey lang naman kung hindi kana bumalik. Wag mo lang paasahin ang lola ko." Sabi ng lalake. Hindi naman ako umimik. Wala naman akong balak paasahin si lola dahil last kona talaga pumunta sa kanila. Pagdating sa tapat ng bahay ko ay napabuntong hininga ako ng malalim ng makita ko na naman si Neri sa labas ng gate at mukhang inaantay na naman ako. Palagi siyang pumupunta sa bahay para humingi ng tawad ngunit hindi ko siya pinapayagan at iniiwasan ko siya. " Bayad ko." Abot ko ng bayad kay buboy ng huminto ang trycycle sa labas ng bahay ko. " Wag na. Libre na ang sakay mo." Saad naman nito na hindi kinuha ang bayad ko. " Nako, kunin muna. Baka magreklamo ka na naman na hindi ako nagbabayad." " Wag na nga, bumaba kana at hinihintay kana ng boyfriend mo." Utos niya sakin sabay nguso kay Neri. Inis naman akong nagsalita. " Hindi ko nga siya boyfriend. Bakit ba ang kulet mo." " Hindi mo boyfriend pero palagi kang pinupuntahan." Wika pa nito. " Alam mo ka lalake mong tao tsismosa ka. Diyan kana nga hmp." Sikmat ko saka mabilis na bumaba ng trycycle at pumunta agad sa may gate. " Saan ka galing?" Tanong agad sakin ni Neri ng makalapit ako sa gate. " Pakialam mo." Sikmat ko sa kanya habang binubuksan ang pintuan ng gate. " Babe kausapin mo naman ako. Alam ko nagkamali ako. Pero pinagsisisihan kona ang lahat. Hindi ko sinasadyang maakit sa pinsan mo." " Pero naakit ka parin." Mariin na sabi ko sa kanya habang hindi tumitingin sa kanya at naninikip na naman ang dibdib ko dahil naalala ko na naman ang pagtataksil niya sakin. " Alam ko." Wika nito na hinawakan niya ang kamay ko ngunit winaksi ko lang ang kamay niya at tinignan siya ng masama. " Kaya nga sorry na eh. Hindi ko sinasadyang maakit sa kanya, babe. Maganda at seksi ang pinsan mo. Pero kung binigay mo lang ang-" Natigilan sa pagsasalita si Neri dahil sinampal ko siya sa pisngi. " Kapal talaga ng mukha mo no? Ako pa talaga ang sinisisi mo? Ang sabihin mo ay malibog ka lang talaga at sakin mo lang binabaling ang mga kasalanan mo. Wag mong aasahan na patatawarin kita dahil kahit lumuha kapa ng dugo ay hindi kita patatawarin." Galit na sabi ko saka pumasok sa loob bago nilock ang pintuan ng gate para hindi makapasok si Neri. Ngunit panay sigaw ni Neri sa labas pero hindi ko siya pinansin at hinayaan ko lang siya doon. Wala akong panahon para kausapin siya. Hindi na ako makikipagbalikan sa kanya kahit anong gawin niya dahil nasaktan na ako sa pangloloko niya. Hindi lang 'yun, pinsan ko pa at sinisi pa niya ako. Kung pinag-bigyan ko lang daw siya ay hindi niya iyon gagawin, kapal talaga ng mukha niya. Siya na nga itong may kasalanan, ako pa itong sinisisi niya. Kapal talaga. Nang makapasok sa loob ng bahay ay dumeretso ako sa taas kung saan ang kwarto ko. Magpapahinga na ako dahil nakakain na naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD