KABANATA 19
NAGULAT AT NATIGILAN AKO KASABAY NG PAGLINGON SA BINATA. Kumabog ng mabilis ang puso ko ng makita kung nakatitig siya sakin. At nang mapansin kung malapit siya sakin ay lumayo ako sa kanya ng makaramdam ng kakaibang emosyon sa katawan ko. Ayaw kung gumawa ng eksena dahil andiyan lang si lola at nakakahiya sa matanda.
" Ano ba!" Mariin na sabi ko sa kanya habang masama ang mukha at kumakabog ang dibdib ko. Napangiti at napailing naman si buboy na tila aaliw sakin.
" Ang bango mo, sarap-"
" Apo!" Galit na saway ni lola sa kanyang apo dahilan para mapalingon ako sa kanya habang nakatingin kay buboy. " Binabastos mo ba ang bisita natin?"
" Hindi po." Mariin na iling ng binata sa kanyang lola. " Bango po kasi ng bisita niyo lola. Tinatanong ko lang kung anong pabango niya." Pagsisinungaling niya sa kanyang lola. Napataas ang kilay ko dahil sa kanyang pagsisinungaling sa kanyang lola.
" Tawagin muna ang mga pamangkin mo at kakain na tayo." Seryuso ang mukha na utos ni lola kay buboy.
" Opo." Mabilis na sagot ni buboy na tumingin pa sakin bago umalis pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Nang kami na lang ni lola ang nasa kusina ay pinaupo na niya ako sa hapagkainan at humingi ulet sakin ng pasensya. Hindi ako umimik pero ngumiti lang ako sa kanya. Masarap ang mga ulam sa mesa dahil masarap magluto si lola. Dalawang putahe ang nakalatag sa mesa. Isang baboy at gulay ang niluto ni lola.
Maya-maya'y dumating na ang tatlo. Agad na tumabi sakin ang dalawang bata, mabuti 'yun kesa si buboy ang tumabi sakin at baka hindi ako makakain.
" Kumain na kayo at may pasok pa bukas." Sabi ni lola sa dalawang bata kaya nagsimula na kaming kumain. Pero nagulat ako ng abutan ako ng kanin ni buboy. Kinuha ko naman habang walang emosyon ang mukha.
" Salamat."
Nakita kung napangiti si lola pati na ang mga bata. Makalipas ng ilang sandali ay masagana kaming kumain habang masayang nag-uusap ang pamilya. At ako naman ay tamang pakinig lang sa kanila
" Tito pupunta si ate sa birthday ko." Kapagkuwan ay kwento ni Marissa sa kanyang tito buboy.
" Talaga?" Baling sakin ni buboy habang tanong sa mga mata niya.
" Bakit duda kaba?" Hindi ko napigilan magtaray na tanong ko sa kanya.
" Hindi naman. Baka kasi hindi ka na naman sumipot at paasahin mo lang pamangkin ko." Sabi ni buboy sakin.
" Pupunta ako." Wika ko na seryuso ang tono.
" Salamat kung gano'n. Ayaw ko lang makitang malungkot ang mga pamangkin ko. Hindi na nga darating ang nanay niya, pati ba naman ikaw?" Anang ni buboy. Halata sa tono niya na mahal na mahal niya ang mga pamangkin niya.
" Pupunta ako." Muli ay sabi ko kaya natuwa si Marissa na nasa tabi ko.
" Yehey! Sabi sayo tito pupunta ang ate."
Napangiti naman si buboy na tumingin pa sakin kaya napayuko ako ng ulo dahil bigla ako nahiya. Pinagpatuloy namin ang pagkain hanggang sa matapos. Inutusan ni lola si buboy na ihatid ako samin.
" Wag na po, lola. Maaga pa nman po. Atsaka maglalakad po ako para bumaba ang kinain ko." Tanggi ko kay lola.
" Magpahatid kana iha at maraming loko loko sa labas." Giit ni lola sakin na lumingon pa sa apo niya. " Ihatrid muna si Nosgel at baka madisgrasya pa sa labas."
" Opo lola." Sagot ng binata. Hindi na ako tumutol dahil ipipilit lang ni lola kaya nagpaalam na ako sa mga bata.
" Aalis na ako. Pero pupunta ako sa birthday mo huh?" Nangangako kung sambit kay Marissa.
" Opo ate. Hihintayin po kita." Nakangiti naman na sabi nito na yumakap pa sakin pati na si Shin.
" Sige babye." Paalam ko sa kanila at lumingon kay lola. " Lola alis na po ako."
" Oo sige, apo. Ihahatid ka ng apo ko." Saad nito kaya napalingon ako kay buboy pero agad 'din ako umiwas saka nauna ng lumabas ng bahay. Tahimik kaming lumabas ng bahay at hindi kami nag-uusap habang naglalakad pauwe samin. Dinadaanan lang namin ang mga lasenggero sa kalsada at pati na ang mga tsismosa.
" Hi fafa." Bati kay buboy ng isang bakla. Nginitian naman ni buboy ang bakla kaya naman kinilig ang bakla. Malakas 'din ang appeal ni buboy sa mga bakla dahil halos lahat ay binabati siya. Nang makalabas na kami sa lugar nila ay tatawid naman kami sa kabilang linya patungo samin. Nasa kabilang kalsada kasi ang bahay namin. Ngunit may isang kotse na paparating na mabilis ang pagmamaneho. Mabuti na lang ay mabilis ang kilos ni buboy at hinapit ako sa beywang para hindi ako mabunggo.
Sa subrang lakas ng paghila niya sakin ay napasubsub ako sa matigas niyang dibdib dahilan para mapaaray ako. Pero infairness ang bango niya. Kahit palaging babad sa trabaho ay mabango parin siya.
" Okey ka lang?"
Natigilan lang ako sa pag-amoy sa kanya ng marinig ko ang boses niya at agad na kumawala dito habang hindi makatingin dito.
" Oo, salamat."
" Halikana." Anito at biglang hinawakan ang kamay ko saka masuyo na hinila patungo sa kabilang linya. Hindi agad ako nakareact hanggang sa makarating kami sa kabilang kalsada. Pagdating doon ay agad ko kinuha ang kamay ko ng makaramdam ng kiliti dahil sa paghawak niya sa kamay ko.
Aaminin ko, kinilig ako sa mga simple niyang galawan kahit 'di niya sinasadya dahil inaalalayan niya lang ako. At kahit puro kalyo na ang palad niya dahil sa trabaho niya ay ang sarap sa pakiramdam ang paghawak niya sakin kanina kaya hindi ko agad binawe ang kamay ko.
Nagsimula na kaming maglakad samin ng marinig ko ang boses ni buboy.
" Simple lang 'yung handa ni Marissa, okey lang ba sayo?"
" Oo naman, hindi naman ako maarte. Ang importante ay maging masaya si Marissa sa kaarawan niya." Ani kona bumaling pa sa kanya.
" Ayaw ko kasi maging malungkot si Marissa sa birthday niya. Wala siyang ginawa kundi umiyak dahill 'di nakarating ang mama niya." Pagkukwento niya sakin habang nakaseryuso ang mukha niya.
" Gano'n talaga kapag bata. Hindi dapat pinapangakuan kung hindi naman pupunta." Sabi ko sa kanya.
" Kaya nga natakot ako ng sabihin niyang pupunta ka. Pasensya kana sa inasal ko kanina." Baling niya sakin.
" Okey lang, naiintindihan ko naman." Saad ko sa kanya.
" Hayaan mo magiging kumportable ka sa birthday ni Marissa. Nainum kaba? Gusto mo inuman tayo." Kapagkuwan ay alok niya sakin.
" Makapag-alok ka parang birthday mo." Mataray kung sabi sa kanya na bumaling pa dito.
" Hindi, pero birthday ng pamangkin ko. Pwede naman uminum kahit birthday ng bata." Nakangiti niyang sambit sakin.
" Hindi ako umiinum. Uminum lang ako dahil may problema lang ako no'n." Maya-maya'y sabi ko sa kanya.
" Gano'n ba? Akala ko umiinum ka. Kasi lasing na lasing ka no'n." Wika naman nito. Hindi naman ako sumagot dahil nasa tapat na kami ng bahay namin.
" Okey na ako. Salamat sa paghatid mo." Pagtataboy ko sa kanya.
" Grabe ka naman. Hindi mo ba ako aalukin na magkape sa inyo?"
" Mukha kang kape. Tignan mo ang sarili mo, kape na." Sabi ko sa kanya dahil kulay tan na ang kulay niya. Hindi naman siya kulay kape, sinabi ko lang 'yun.
" Awts! Sakit mo naman magsalita." Pagdadrama naman nito na humawak pa sa dibdib niya. " Maputi ako dati eh, kaya lang dahil sa pagpapasada ko ay nangitim ako." Paliwanag pa niya sakin.
" Anong gusto mong gawin ko?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
" Pakapehin mo ako sainyo." Nakangisi niyang sagot sakin.
" No way! Doon kana lang sa bahay niyo ikaw magkape at matutulog na ako." Sabi ko sa kanya na tumalikod habang napapangiti.
" Damot mo talaga. Pagdating kina lola ang bait bait mo tapos sakin ang sama ng ugali mo." Pagdadrama pa nito kaya mas lalo ako napapangiti habang nakatalikod dito. Hanggang sa makapasok ako sa loob ng gate namin saka tumingin sa binata na wala ng ngiti sa labi.
" Umuwe kana at doon kana magkape bye." Aniya sabay sarado ng pintuan ng gate.
--*
ROCKEY MARTINEZ ( POV )
NAPABUNTONG HININGA NA LANG AKO NG MAISARA NA NI NOSGEL ang gate saka napailing. At pagkatapos ay naglakad na ako habang nakaharap parin ako sa bahay ni Nosgel. Napatingin pa ako sa taas ng bahay ni Nosgel ng makita kung bumukas ang ilaw at mukhang doon ang kwarto niya.
Gusto ko sanang ligawan si Nosgel kaya lang hindi ako ang tipo ng dalaga. Atsaka may boyfriend na siya, pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit wala akong nakikitang kasama niyang lalake. Ang malaking tanong lang ay kung papatulan ako ng dalaga. Isa lang akong 'di hamak na trycycle driver at mekaniko sa talyer.
Noong unang kita ko palang sa dalaga ay crush kona siya kaya nga minsan ay nagpapansin ako pero dedma lang ako. Kaya nga hindi ko nililigawan si Karen dahil may gusto na akong iba, walang iba kundi si Nosgel. At hindi lang 'yun, tinatayuan ako sa babaeng 'yun kapag nakikita ko siyang nakasuot na pang sexy.
Nang mkarating sa lugar namin ay naaya naman ako ng mga tropa na uminum kaya nakipag-inuman ako sa kanila.
" Pre sinong chiks na kasama mo kanina? Pota ang ganda ah?" Sabi ng tropa kung si Dan.
Tumawa naman ako. " Kaibigan ng lola ko."
" Weh? Kaibigan? Baka pinopormahan muna?" Malisyusong tanong naman sakin ni Kalbo.
" Hindi nga eh, ang sungit subra." Pagkukwento ko sa kanila habang umiinum ng alak.
" Tang ina. Kailan kapa naduwag pre? Samantalang habulin ka ng mga babae dito satin, pati nga mga bakla ay hinahabol ka." Sabi naman ni boyak.
" Hindi naman kasi gano'n si Nosgel. Matinong babae at may pinag-aralan." Pagtatanggol ko sa dalaga.
" Bakit? Parang sinasabi mong hindi matitinong mga babae ang mga humahabol sayo. May pinag-aralan 'din sila, nabaliw lang sayo." Wika ni Kalbo sakin.
" Wala eh, ang gwapo ko." Pagyayabang ko sa kanila.
" Tang ina, mayabang 'din gago na 'to eh." Saad ni banjo na binato pa ako ng cubes ice. Sa amin magtotropa ay ako lang ang gwapo kaya naman ako lang ang habulin ng babae samin.
" Maniniwala lang kami kapag napasagot mo 'yung magandang dilag na 'yun." Wika ni Boyak sakin.
" Malabo nga. Subrang sungit nga ng babaeng 'yun." Giit ko sa kanila.
" Para saan pa 'yang ka pogian mo kung hindi mo gagamitin? Gamitan mo ang karisma mo, pre."
" Oh kaya lasingin mo diba?"
" Gago!" Mura ko kay Kalbo. " Ginawa mo pa akong rapist."
" Okey na 'yun, gwapo ka naman eh, dalhin mo lang sa langit para hindi na pumalag." Dagdag na sabi niya sakin ni Kalbo. Gago talaga mag-isip eh.
" Gago, uwe na ako. May pasok pa ako bukas." Paalam ko sa kanila na tumayo pa after mainum ang huling alak na sinalin sakin.
" Mamaya na. Nag-uusap pa tayo." Awat sakin ng mga tropa ko.
" Uwe na ako." Giit ko sa kanila saka naglakad na pauwe at hindi kona pinansin ang mga tawag nila. Pagdating sa bahay ay pumasok na ako sa loob at mukhang tulog na ang mga kasama ko sa bahay dahil tahimik na ang buong bahay.
Pagpasok sa loob ng kwarto ko ay hinubad ko agad ang suot kung damit saka kinuha ko sa ilalim ng kama ang punda na ginamit ni Nosgel kanina. Punda iyon ng unan ni Marissa na ginamit kanina ni Nosgel. Kinuha ko iyon kanina habang wala pa ang mga bata at nasa baba. Para akong temang, ang bango bango kasi ni Nosgel kaya kinuha ko 'yung punda.
Ginamit ko siyang pangtakip sa mata ko habang natutulog ako.