KABANATA 20
NAPAKUNOT ANG NUO KO AT NAPASUGOD AKO SA BAHAY NI NERI ng makita kung magkasama ang dalawa. Si Ara at Neri habang patungo sa bahay ng EX ko.
" Ara sandali." Sigaw ko ng makita kung papasok na sila sa loob ng bahay ni Neri. Humarap sila at nakita ko ang gulat sa kanilang mukha ng makita ako.
" Ate." Gulat na sambit ni Ara. Hindi ko alam pero bigla ko siyang sinugod at sinampal sa pisngi. Sa subrang bilis ng pangyayare ay hindi agad na protektahan ni Neri si Ara at galit na tumingin sakin.
" Anong problema mo? Bakit bigla bigla kana lang nanunugod at nanampal? Buntis si Ara." Galit na saad nito pero hindi ko siya pinansin kundi kay Ara ang atensyon ko habang nakahawak sa pisngi niyang sinampal ko.
" Kapal ng mukha mo no? At talagang nagpabuntis kapa talaga sa lalaking 'yan?" Galit na duro ko kay Neri. " Wala naman akong pakialam kung nagsasama na kayo eh. Sana manlang sinabi mo sa pamilya mo kung nasaan ka ng hindi nag-aalala sayo. Hindi kapa nakunto nagpabuntis kapa sa hinayupak na 'yan." Galit na sabi ko sa kanya. Habang nangangalit ang kalamnan ko sa subrang galit na aking nadarama.
Wala na akong nararamdaman kay Neri kundi galit na lang dahil pinandigan pa nila ang pangloloko nila sakin. Akala ko ay hindi na sila nagkikita pero heto't at mukhang magsasama na dahil buntis na si Ara. Nandito lang pala ang mahadera kung pinsan tapos nag-aalala na ang mga magulang niya kung nasaan na siya.
" Ate sorry." Humihikbing saad ni Ara sakin.
" Hindi ko kailangan ang sorry." Mariin at galit na sabi ko. " Umuwe ka ng probinsya at magpakita ka sa mga magulang mo dahil nag-aalala na sila sayo." Pagkasabi no'n ay iniwan kona sila habang gusto ng tumulo ang luha ko pero pinipigilan ko lang. Galit na galit ako at gusto ko manapak ng dahil nagsasama na pala ang dalawa.
Maya-maya'y nagulat ako ng makita ko sa labas ng bahay ko ang trycycle ni buboy. Hindi ko alam kung bakit siya nandoon. Hindi ko sana siya papansinin pero tinawag niya ako kasabay ng paglapit sakin.
" Nosgel sandali."
" Bakit?" Walang emosyon na baling ko sa kanya.
" Pinabibigay ni lola. Nagluto kasi siya ng biko." Wika nito na pinakita sakin ang tupper na may laman na biko.
" Salamat." Wika ko sabay kuha ng tupperwear at tumalikod na. Pero natigilan 'din ng marinig ang sinabi niya.
" Okey ka lang? Parang galit ka?"
" Wala ka ng pakialam do'n." Anito na pumasok nasa loob saka galit na sinara ang gate. Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka dere-deretso na pumasok sa loob. Pagpasok sa loob ng bahay ay tumunog naman ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon.
Nakita kung si papa ang tumatawag kaya sinagot ko at baka may sa sabihin ito. Pero hindi si papa ang nasa kabilang linya kundi ang madrasta ko.
" Bakit?" Walang emosyon na tanong ko sa kanya.
" Ang daddy mo nasa hospital."
" What? Gulat na tanong ko sa kanya kasabay ng pag-aalala sa ama ko. " Saan hospital?" Tanong ko sa madrasta ko. Sakto naman, paglabas ko ng gate ay ando'n pa si Buboy. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi na ako nagtanong at sumakay na lang saka nagpahatid sa labas.
Hindi rin naman nagtanong ang binata basta nag-drive lang siya. Pagdating sa labasan ay nagmamadali akong bumaba ng trycycle at bumaling sa binata.
" Mamaya na kita bayaran. Nagmamadali ako." Sabi ko sa kanya saka tumawag ng taxi. Mabuti na lang ay dala ko ang wallet ko dahil may binili ako sa labas at nakita ko naman ang mga walanghiya. At habang sakay ako ng taxi ay hindi ako mapakali dahil sa pag-aalala kay papa.
Hindi ko kakayanin kapag nawala pa siya sa buhay ko. Nang makarating sa hospital kung saan dinala si papa ay bumaba na ako sa taxi matapos magbayad. Mabilis akong tumakbo patungo sa hospital at pumasok sa emergency room. Sa private hospital dinala si papa ng madrasta ko. Nang makita ko ang asawa ni papa ay mabilis akong lumapit doon saka lumapit sa ama ko habang natutulog sa kama.
" Pa." Sambit ko ng makalapit at niyakap ang ama habang nakapikit ang mga mata. Yung kanina ko pang gustong umiyak ay ngayun ko lang nailabas dahil nasa hospital si papa.
" Okey na siya, iha. Sabi ng doktor na tumingin sa kanya." Rinig na sabi ng madrasta ko kaya mabilis akong lumingon sa kanya.
" Ano bang nangyare? Bakit na hospital ang papa ko?" May bahid na inis na tanong ko sa kanya.
" Calm down." Kapagkuwan ay sabi nito sa mahinang boses. " Ang tigas kasi ng ulo ng daddy mo. Sabi ng bawal siya sa mga matataba pero kain parin siya ng kain. Kaya ayan, inatake ng highblood niya."
" Diba may gamot siya? Bakit hindi niya iniinum?" Muli ay tanong ko sa kanya. Sa tono ng salita ko ay sinisisi ko siya. Mas lalo pa ako naiinis dahil sa pinapakita niya.
" Kagaya nga ng sabi ko. Matigas ang ulo ng papa mo. Hindi niya iniinum dahil sabi niya ay wala siyang sakit." Pagkukwento nito. Napabuntong hininga naman ako sabay harap kay papa at lumapit saka hinawakan ang kamay nito.
" Bakit ang tigas ng ulo niyo, pa?" Naiiyak na tanong ko sa kanya habang natutulog ito.
" Pero okey na daw siya. Pwede na siyang umuwe sa bahay basta inumin lang niya ang mga gamot niya."
" Sana pinipilit mo. Asawa ka pa naman niya." Inis ko parin sambit sa kanya. Hindi naman umimik ang asawa ni papa at nanahimik na lang. Mabuti pa nga dahil naaalibadbaran ako sa kanya.
Naramdaman kung kinausap siya ng doktor ni papa pero hindi ako nakisali at nasa tabi lang ako ni papa. Makalipas ng ilang sandali ay nagising na ang papa ko. Agad ko naman siyang pinagalitan.
" Papa naman eh, bakit hindi niyo iniinum ang gamot niyo? Tignan niyo, na hospital kayo. Akala ko ay mawawala na kayo sakin."
Tumawa naman si papa na akala mo ay may nakakatawa sa sinabi ko at nakuha pang magbiro. " Anak, masamang damo ang papa mo. Hindi ako basta bastang mamatay."
" Papa naman eh." Inis kung sabi sa kanya. " Wala na nga si mama pati ba naman kayo? Nakukuha niyo pang magbiro."
Muli ay tumawa si papa at kinuha ang kamay ko saka pinalapit sa kanya. " Ito talagang dalaga ko, napaka-seryuso mo. Tatanda ka niyan, sige ka."
" Pa, seryuso ako." Ani ko sa kanya habang masama ang mukha. Hindi ko magawang magsaya dahil nag-aalala ako sa kundisyon ng ama ko. Kahit sabihin na okey na siya.
" Iknow, iknow, anak. Wag kana mag-alala. Andiyan naman ang tita Tonette mo."
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. " Ikaw na lang ang pamilya ko, Pa. Ayaw ko pati ikaw ay mawala sakin. Kinuha na nga ni God si mama, pati ba naman ikaw?" Malungkot na sabi ko sa kanya.
" Ano kaba, Nosgel. Hindi lang ako ang pamilya mo. Andiyan ang mga kapatid mo at tita Tonette mo." Saad ni papa kaya hindi ko napigilan mapasimangot kahit andiyan ang madrasta ko nakatingin samin.
Hindi na ako nagsalita at baka mapaano pa lalo ang ama ko kaya hindi na ako umimik. Lumapit ang asawa ni papa sa kanya at nag-usap sila kaya umayus ako ng upo. Kinagabihan ay pinauwe rin si papa dahil maayus naman ang mga test sa kanya. Ang kailangan lang ay inumin niya ang mga gamot na nireseta sa kanya ng doktor.
" Oh pa, inumin mo ang lahat ng mga gamot na nireseta sayo ni doktora huh? Para hindi na kayo bumalik sa hospital." Sabi ko kay papa habang nasa loob kami ng kotse, nagpa-grab na lang ang madrasta ko dahil ambulansya ang nagdala kay papa sa hospital. Nasa harapan ang asawa ni papa habang kami ay nasa backseat.
" Oo na po. Basta palagi mo akong dalawin sa bahay. Isama muna rin ang boyfriend mo. Hindi kona kasi nakikita ang batang 'yun." Sabi ni papa dahilan para matigilan ako. Ano kaya mararamdaman ni papa kapag sinabi kung wala na kami ni Neri? Ayaw ko naman sabihin ngayun at baka bumalik kami sa hospital kapag nalaman niya ang totoo.
" Sige pa." Iyon na lang ang tangi kung na sabi makalipas ng ilang segundo. Pagdating sa bahay inalalayan ko si papa pababa ng grab saka dinala sa bahay nila habang nasa likod ang asawa niya at dala ang mga gamit ni papa. Akala mo isang buwan si papa doon at isang bag pa.
" Daddy." Sigaw ng mga kapatid ko ng pumasok na kami sa loob ng bahay. Nakaabang na pala angg mga bata. Marahil ay sinabihan na sila ng mommy nila.
Napangiti naman si papa ng lumapit sa kanya ang mga kapatid ko.
" Oh dahan dahan at baka matumba si papa." Sabi ko sa dalawa at dinala si papa sa sala's saka pinaupo sa mahabang sofa.
" Hay salamat at nakauwe 'din." Sambit ni papa na sumandal sa sandalan ng sofa.
" Ate." Sabi naman ni Gorya na yumakap pa sakin.
" Hello." Aniya na niyakap 'din si Gorya.
" Uuwe kapa ate?" Anang niya sakin.
" Oo eh, may pasok ako bukas." Sabi ko sa kanya na umupo sa tabi ni papa. " Oh pa, uuwe na po ako." Paalam ko sa aking ama.
" Mamaya na. Kumain kana muna dito. Nagpaluto ang tita Tonette mo." Wika ni papa na mukhang naglalambing na naman kaya tumango ako na may ngiti sa labi.
" Sige po."
" Sakto kakain na." Sabi naman ng madrasta kona kalalabas lang mula sa kusina. Tumayo na ang mga kapatid ko at tinulungan ko naman si papa dahil kagagaling niya lang sa hospital.
" Ano ba 'yan, anak. Para naman akong baldado." Reklamo ni papa.
" Syempre kagagaling mo lang sa hospital. Kaya kailangan kang alalayan at baka matumba ka." Ani ko sa kanya. Umismid naman si papa kaya ngmiti na lang ako. Pagdating sa kusina ay pinaupo kona siya at tumabi ako sa kanya. Nang aasikasuhin kona si papa ay umeksena naman ang madrasta ko. " Ako na, ngayun lang naman ako." Sabi ko sa kanya na tumingin pa dito.
Tumango naman ito na may ngiti sa labi bago naupo sa kabilang side ni papa at kumain na. Matapos ko naman asikasuhin ang papa ko ay kumain na rin ako. Gulay ang pagkain ni papa ngayun dahil kagagaling niya lang sa hospital at kaunting kanin kaya nagrereklamo ang papa ko. Masarap daw ang ulam namin tapos sa kanya gulay.
Hinayaan na lang namin siya at kapag pinansin ay mas lalo siya magrereklamo kaya hindi na namin siya pinansin saka nilayo ang mga pagkain na bawal sa kanya.