07

1871 Words
KABANATA 07 " UY! ANDITO PALA SI MS.SUNGIT." Narinig kung sambit ng binata. Hindi ako lumingon sa kanya at baka mapatitig ako sa maganda niyang katawan kahit naiinis ako sa kanya. Tawagin ba naman akong ms.sungit hmp. Nakakairita diba? Hindi naman ako masungit. " Gising kana pala iho." Sabi naman ni lola sa kanyang apo ng lumingon ito. " May bisita po pala kayo lola.?" Anang ng binata sa lola niya. " Oo, nakita ko siya sa palengke at inaya ko dito sa bahay." Nakangiting sagot ni lola sa apo niya habang nagluluto. " Baka panay ang aya niyo sa kanya tapos napipilitan lang siya, lola. O kaya busy yung tao tapos dinadala niyo siya dito." Saad ng binata sa lola niya. " Nako hindi." At bumaling sakin si lola dahilan para matigilan ako. " Napipilitan ka nga lang ba iha?" Tanong sakin ni lola. Hindi naman ako agad nakapagsalita dahil 'di ko alam ang isasagot. " Kita niyo na, lola. Mamaya napipilitan lang siya sumama sainyo dahil nakukulitan sainyo. Wag kasi kayo basta basta nagdadala ng babae dito." Wika ng lalake kaya nakita ko ang lungkot na nakabakas sa mukha ni lola dahilan para makaramdam ako ng guilty. " Hindi po lola. Hindi po ako napipilitan lang." Ani ko sa matanda na kumagat pa sa ibabang labi. " Actually nga po ay nahihiya lang talaga ako kasi po hindi niyo naman akong kaano ano tapos dinala niyo po ako dito." Nahihiya kung paliwanag sa matanda sabay lingon sa lalake at pinandilatan siya ng mga mata. Natawa naman ang binata sa ginawa ko. Parang hindi nainis sa ginawa ko. Mukhang pilyo at may pagka-arogante pa. " Hindi naman pala eh. Ikaw talaga, buboy tinakot mo ako." Wika ni lola sa kanyang apo na bumaling ulet sa kanyang niluluto at naging abala. Inirapan ko naman ang lalake habang hindi nakatingin nakatingin ssi lola. Naiinis ako sa kanya dahil pinakaba niya si lola. Napangiti at napailing na lang ito saka pumunta sa maliit nilang refrigerator at kumuha ng tubig. At pagkatapos ay uminum ng tubig habang nakatingin sakin kaya umiwas ako dahil pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. " Mamasada kana ba, iho? Kumain ka muna bago mamasada." Narinig kung sabi ni lola sa apo niya. " Opo, lola. Atsaka susunduin ko pa ang mga pamangkin ko." Sagot ng binata sakanyang lola. Makalipas ng ilang minuto ay natapos na si lola sa pagluluto ng pagkain. Masarap magluto si lola kaya napapakain ako at hindi sumasama ang tiyan ko. Makalipas ng ilang sandali ay kumakain na kami. Nagulat pa ako dahil sakin tumabi ang hinayupak. " Masarap magluto ang lola ko no?" Narinig kung tanong sakin ni buboy pero hindi ako nagsalita. " Kain kain iha. Wag ka mahiya. Feel at home." Sabi ni lola sakin kaya ngumiti ako sa kanya ng matamis. " Bakit kay lola ngumingiti ka? Samantalang sakin ang sungit mo?" Parang nagdadrama na tanong sakin ni buboy. " Bakit si lola kaba?" Nakataas ang kilay na baling ko sa kanya. " Hindi, pero apo niya ako." Sagot niya sakin habang nakatingin sakin. Umirap lang ako kasabay ng pag-iwas ko ng tingin dahil kumabog ang dibdib ko. " Tama na 'yan, mamaya magbabag pa kayo diyan." " Ano pong babag?" Tanong ko naman kay lola dahil 'di ko naintindihan iyon. Pero si buboy ang nagsalita. " Meaning, away 'yun. Baka daw mag-away tayo." Paliwanag niya sakin. " Ah, okey." Wika ko. Iyon pala 'yun. " Wag ka mag-alala. Hindi naman ako nang aaway ng babae. Baka nga ikaw pa ang mang away eh." Saad ni buboy sakin. " Hindi ako gano'n." Tipid kung sambit sa kanya habang pinapapak ang ulam. " Wag muna asarin apo. Bilisan muna diyan at susunduin mo pa ang mga pamangkin mo. Pati mga service mo papasok pa." Sabi ni lola kay buboy. " Okey po. Baka umiyak ang bisita niyo sakin." " Asa." Wika ko. " Talaga? Hindi ka mapipikon sakin?" Wika nito na lumapit pa talaga kaya nagkadabuhol buhol ang paghinga ko dahil sa paglapit niya sakin. Nahampas ko tuloy siya ng malakas sa braso niya. " Awts! Ang lakas mo mamalo. Para kang lalake." Nakangiwing sabi ni buboy sakin. Ngunit inirapan ko lang siya dahilan para mapaawang ang labi niya habang nakakunot ang nuo at masama ang mukha niya. " Tama na 'yan, umalis kana iho at papasok na ang mga service mo." Utos ni lola sa apo niya kaya umalis na ito. Tapos na kasi siyang kumain kaya inaaway ako. " Pasensya na po lola." Hingi ko naman ng pasensya kay lola dahil sa inasal ko. Ngumiti naman si lola sakin na tila ayus lang ang ginawa namin ni buboy. " Ayus lang iha. Walang kaso sakin iyon. Pilyo naman kasi ang batang 'yun." Wika ni lola sakin. Napangiti naman ako kay lola. Tapos ay tumayo na rin ako mula sa kinauupuan ko para magligpit na, pero pinigilan ako ni lola. " Ako na iha. Bisita ka dito." " Nako, nakakahiya naman po lola. Pinakain niyo na nga ako po ako tapos hindi niyo pa po ako paghuhugasin." " Mabuti kapa. Marunong mahiya. Hindi katulad ng mga girlfriend ng mga apo ang kakapal ng mukha. Aba'y mas gusto pang nakapulupot sa apo ko kesa kumilos." Pagkukwento ni lola sakin dahilan para matigilan ako. Hindi rin ako nagbigay ng komento dahil 'di naman ako girlfriend ni buboy. Pero naiinis ako sa mga babaeng 'yun dahil 'di marunong mahiya. " Hindi naman po ako gano'n lola. Tinuruan po ako ng mga magulang ko kapag nasa ibang bahay. Kailangan marunong ako makisama." Pagkukwento ko kay lola. " Maganda ang pagpapalaki nila sayo. At dahil gusto mo maghugas, sige iha. Ako'y pupunta muna sa taas." Kapagkuwan ay paalam ni lola sakin kaya umalis na siya. Ako naman ay nagsimula ng maghugas ng mga pinagkainan namin. --* ROCKEY MARTINEZ ( POV ) Palabas na ako ng bahay habang sapo ko parin ang pinalo ni Nosgel. Ang bigat ng kamay ng babaeng 'yun dahil ang sakit ng palo niya sa braso ko. Paglabas ko ay sinalubong agad ako ng mga service ko. " Kuya buboy aalis kana ba?" Tanong sakin ng isa kung service. " Bakit? Nagmamadali ka?" Balik tanong ko sa kanya. Palagi na lang siya nagmamadali, alam naman niyang susunduin ko pa ang ibang service ko. " Opo, kuya. Naghihintay na po kasi ang boyfriend ko eh." Wika nito na bumulong pa. " Bakit naman kasi kailangan ko pang mag-service malaki na ako." " Bakit hindi mo sabihin sa mommy mo." Suhestiyon ko sa kanya dahilan para matigilan ito at mapatitig sakin. " Akala mo hindi ko narinig." Dagdag na sabi ko pa. Ang bata bata pa, boyfriend agad ang inaatupag. Napasimangot naman siya saka nanahimik na lang. Pinaandar kona ang trycycle para sunduin pa ang ibang service. Nang masundo kona ang lahat ng service ko ay pumunta ako sa school para ihatid ang mga bata. Pagdating ko doon ay ihatid ko naman ang mga bata sa mga room nila dahil ang iba ay mga bata pa kaya need ihatid sa mga room nila. Matapos maasikaso ang mga bata ay inantay ko naman ang mga pamangkin ko sa labas ng school para sabay na kaming umuwe. Mabuti na lang ay may sarili kaming trycycle kaya may service ang mga pamangkin ko. Mahal pa naman ang pamasahe kapag sumakay ng trycycle patungo sa school. Pinamana pa sakin ng lolo ko ang trycycle kaya ingat na ingat akong gamitin iyon dahil iyon ang pamana ng lolo ko. Nagyosi muna ako sa labas ng school habang inaantay ang mga pamangkin ko. Makalipas ng ilang sandali ay dumating na rin ang dalawa. " Hi tito." Bati agad sakin ni Marissa sabay manong sa likod ng palad ko, at gano'n rin ang ginawa ni Shin. " Sakay na, para makauwe na tayo." Utos ko sa dalawa at tinapon ang sigarilyo dahil ubos na. At pagkatapos ay pinaandar kona ang trycycle. " Anong ulam tito?" Tanong sakin ni Shin at nilakasan pa ang boses para marinig ko ang boses niya. " Masarap dahil may bisita ang lola mo." Sagot ko kay Shin at nilakasan 'din ang boses ko. " Sino po?" Si Shin ulet. " Si ate Nosgel ba tito?" Si Marissa naman ang nagtanong. " Opo." Nakangiti kung sagot kay Marissa. Natuwa naman ang bata ng marinig ang sinabi ko. Masaya sila kapag nasa bahay ang babae. Naiinis na nga ako eh, kung dati ay ako ang hinahanap. Pero ngayun puro si Nosgel ang hinahanap nila sa tuwing sinusundo sila sa school. Mukhang napalapit na ang mga bata sa dalagang 'yun. Ayaw ko sila masanay lalo na ang lola ko. Kaya lang gusto ni lola ang dalaga. Kasi hindi naman niya iimbitahan ang dalaga kung hindi. Kilala ko si lola, subrang bait no'n. Kahit 'di niya kilala ay pinapasok niya sa bahay. Kaya nag-aalala ako para kay lola. Pagdating sa bahay ay nagulat ako dahil nasa bahay ko si Karen. Wala na si Nosgel at mukhang umuwe na. Hindi manlang naabutan ng mga bata. " Karen, anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa dalaga. Nagulat ako kung paano niya nalaman ang bahay ko. Matindi ang pagkagusto niya sakin dahil inamin niya mismo sakin, kaya naman todo iwas ako pero ang hirap niyang iwasan. Kahit anong gawin kung iwas ay panay ang lapit sakin ng dalaga. Gusto kona sanang umalis sa talyer para makaiwas kay Karen. Kaya lang nanghihinayang ako dahil malaki ang kita sa talyer lalo na kapag maraming customer. " Ahm.." Napakagat pa ito sa labi na tila nahihiya habang luwang luwa ang mga cleavage nito. Nakita ko tuloy ang pangdidilat sakin ng mga mata ni lola. Ayaw kasi ni lola ang mga gano'n suot dahil naiinis siya at parang wala na daw respito sa katawan at nakikitaan na. Kaya nga dati ay nag-aaway kami ni lola noon dahil sa mga nagiging girlfriend ko noon. Ganito rin kasi sila manamit noon. " Nagdala ako ng ulam." Wika nito na inabot sakin ang isang plastic. Kaagad ko naman kinuha ang inabot niya. " Salamat. Nag-abala kapa. Wala naman akong pasok sa talyer." Wika ko sa kanya. " Wala 'yun. naparami kasi ang luto ko kaya dinalhan kita." Saad niya sakin habang malagkit ang pagkakatitig na para bang wala si lola sa palagid. " Ah, gano'n ba? Sige salamat." Wika ko saka inabot kay lola ang plastic. " Sino ba 'yang babae na 'yan? Halos kita na ang kaluluwa niyan." Galit na tanong sakin ni lola. " Anak ng amo ko, La." Sagot ko kay lola saka iniwan na siya para ihatid kona sa labasan si Karen. Ayaw kona siya tumagal sa bahay dahil nagagalit na si lola. Atsaka ayaw ko siyang bigyan ng hope dahil wala akong gusto sa kanya. " Tara na." Aya ko sa kanya. Agad naman lumapit at kumapit sakin si Karen kaya sumama ang mukha ni lola at napailing. Lumabas na kami ng bahay at pumunta na kami sa trycycle ko. Akala ko sa loob siya sasakay ngunit sa likod ko siya sumakay at yumakap sa beywang ko. Pero agad ko naman inalis ang kamay niya mula sa beywang ko dahilan para sumama ang mukha niya. Hindi kona lang pinansin iyon saka pinaharurot kona ang trycycle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD