--*
NOSGEL DELOS REYES ( POV )
PINATIRA KO NG LIBRE SA BAHAY ang pinsan kung si Ara dahil nakiusap ang nanay niya sakin na kung pwede sa bahay na lang manuluyan ang anak niya. Syempre pumayag naman ako para naman may kasama ako sa bahay dahil wala na akong kasama. Patay na kasi si mama at may ibang asawa na si papa. Hindi na rin iba sakin si Ara dahil pinsan ko siya.
Kahit na hindi kami close ni Ara, kasi sa probinsya siya lumaki at ako sa manila. Pero nakakausap ko naman siya kapag umuuwe kami no'n nila mama at papa sa probinsya namin para magbakasyon.
Pero hindi ko akalain na susulutin niya ang boyfriend kung si Neri. 2 years na kami ng boyfriend ko at 1st boyfriend ko siya tapos susulutin lang siya ng pinsan ko.
Hindi ko akalain na may nagaganap nasa kanila ng boyfriend ko. Wala akong alam dahil tiwala ako sa kanila tapos mahuhuli ko lang silang dalawa.
Nahuli ko silang nagtatalik habang nasa bahay siya ng boyfriend ko. Pumunta ako dito para sana kausapin si Neri about sa nangyare samin kahapon dahil nagtatampo ang boyfriend ko sakin. Hindi ko kasi siya napagbigyan sa kahilingan niyang magseks kaming dalawa.
Gusto ko kasing ikasal muna kami bago kami mag-seks ni Neri dahil iyon ang turo sakin ng namayapa kung ina. Dapat daw ibigay ko ang p********e ko sa lalaking makakatuluyan ko at makakasama ko sa buhay.
Hindi ko daw basta basta ibigay ang p********e ko o bumukaka sa kahit sinong lalake.
Tapos mahuhuli ko lang silang nagtatalik sa loob ng kwarto ni Neri habang nasasarapan. Dahil lang sa hindi ko siya napabigyan at pinsan ko pa ang binalingan niya.
Sa subrang sama ng loob ko at galit sa dibdib ay sinugod ko si Ara at sinabunutan siya ng bonggang bongga. Napahiyaw ang pinsan ko dahil sa sakit ng pagkakasabunot ko sa kanya. Sa subrang gigil na aking nadarama ay gusto ko siyang kalbuhin.
Minsan lang ako nagmahal tapos ganito pa ang nangyare. Pinsan ko pa talaga ang aagaw sa boyfriend ko.
Pagkatapos kung sabunutan ang pinsan ko ay binalingan ko naman si Neri at pinagsasampal ko siya sa mukha. Hindi naman siya gumanti at hinayaan lang niya ako na sampalin siya. Siguro naisip niyang deserved niyang gawin ko iyon.
After no'n ay iniwan ko sila sa loob ng kwarto habang galit na galit.
Nang makalabas ako ng bahay ni Neri ay saka naman tumulo ang luha ko sa mga mata na kanina ko pa pinipigilan. Ayaw ko kasing ipakita sa kanila na umiiyak ako. Ayaw kung isipin nila na mahina ako kaya pinigilan kung wag umiyak sa harapan nila kahit gusto ng bumagsak ang mga luha ko sa subrang sama ng loob ko sa kanilang dal'wa.
Hindi ako makapaniwala na lolokohin nila ako. Akala ko mapagkakatiwalaan ko ang pinsan ko pero sasaksakin lang pala ako patalikod. Nagtiwala pa naman ako sa kanya pero sinaktan niya lang ako.
A-ahasin niya lang ako after ko siyang patirahin sa bahay ko. Ito namang boyfriend ko ay napaka-rupok. Hindi ko lang napagbigyan ay ang pinsan kona ang napagbalingan niya.
1st boyfriend ko si Neri at sana gusto ko rin siya mapangasawa in the future pero niloko niya lang ako. Mabait at sweet naman siya kaya minahal ko siya ng subra pero hindi ko akalain na maaakit siya sa pinsan ko.
Sabagay, maganda at seksi rin ang pinsan ko kaya naakit sa kanya ang boyfriend ko.
Sa subrang sama ng loob ko sa boyfriend ko ay pumunta ako sa bar at nagpakalasing. Nilunod ko ang sarili ko sa alak. Wala akong pakialam kung malasing ako. Basta iinum ako, nawala na akong pakialam kung ma-rape ako sa daanan.
Hindi ako kasi palainum na tao dahil natatakot akong malasing. Pero ngayun ay wala akong maramdaman na takot. Bahala na kung anong mangyare sakin sa bar. Basta iinum ako para mawala ang galit sa puso ko dahil sa ka-gagawan ng pinsan at boyfriend ko.
Hanggang sa malasing ako ng tuluyan kaya umalis na ako sa bar.
Pagewang gewang akong lumabas ng bar at naglakad patungo sana sa sakayan ng taxi ngunit may nabangga ako na isang lalake dahil sa kalasingan.
Mabilis naman niyang pinulupot ang kamay niya sa beywang ko para hindi ako matumba ng tuluyan. Napatingala at napatitig ako sa lalake hanggang sa mawalan ako ng malay.
Paggising ko kinabukasan ay ibang kwarto ang nabungaran ko dahilan para mapa-balikwas ako ng bangon at nilibot ko ang paningin sa paligid ng kwarto.
Napansin kung panglalake ang tema ng silid kaya kinabahan ako at mabilis na kinapa ang sarili pero wala akong maramdamang sakit sa buo kung katawan. Meaning walang nangyare samin.
Pero bakit hindi ko maalala na may sinamahan akong lalake kagabi? Wala naman akong kasama kagabi kundi ako lang. Malalaman ko naman kung silid ito ni Neri pero hindi niya ito kwarto.
Hindi ko alam kung kaninong bahay ito at wala akong natatandaan na may sinamahan akong lalake kagabi. Atsaka bakit naman ako sasama sa lalake tapos ganito ang bahay? Halatang hindi mayaman ang nakatira. Hindi sa nangliliit ako ng tao pero iyon ang pagkaka-describe ko sa bahay na ito. Mukhang mahirap ang mga nakatira sa bahay na ito.
Inisip ko naman kung paano ako nakapunta dito ngunit wala akong matandaan. Hanggang sa sumakit na lang ang ulo ko at napasigaw sa subrang frustrated na aking nadarama. Hindi ko matandaan kung paano ako napunta sa bahay na ito.
Bumukas naman ang pintuan ng silid at pumasok sa loob ng kwarto ang isang matandang babae at dalawang bata habang nakatitig sila sakin.
Napaatras naman ako bigla at hindi ko alam kung bakit ako natakot. Samantalang isang matandang babae at dalawang bata lang naman nasa harapan ko. Kaya ayaw kung nanunuod ng horror kasi matatakutin ako lalo nasa mga momo.
" Gising kana pala iha." Sabi ng matanda na may ngiti sa labi. Halata sa itsura niya na mabait siya.
" Ahm.. asan po ako?" Tanong ko naman sa matanda.
" Nasa bahay ka namin. Dinala ka dito ng apo ko kagabi dahil di niya alam ang bahay mo kaya dinala ka niya dito. Lasing na lasing ka kagabi at sumuka pa. Kaya naman ay pinalitan ka namin ng damit." Sabi ng matanda kaya nakahinga ako ng maluwang. Akala ko kasi ang lalake ang nagpalit sakin ng damit.
Hindi kona kasi damit ang suot ko. Kundi isang malaking damit at mukhang sa lalake pa ang suot ko.
" Gano'n po ba? Sorry po." Nahihiya kung sambit. Ngayun lang nangyare sakin ito na natutulog ako sa isang bahay na hindi ko kilala dahil sa kalasingan.
Samantalang kina Neri ay hindi ako natutulog dahil natatakot akong may mangyare samin. Tapos ito, natulog ako sa ibang bahay dahil sa kalasingan.
May dahilan naman kung bakit, dahil niloko ako ng boyfriend ko at ang pinsan ko.
" Okey lang, iha. Halikana. Kumain na tayo." Mabait na sabi ng matanda pero umiling ako.
" Wag na ho. Nakakahiya naman po. Aalis na lang po ako." Tanggi ko sa matanda. Ayaw ko ng mag-tagal dito dahil nakakahiya nasa kanila. " Asan po ang damit ko?" Muli ay tanong ko sa matanda.
" Nako, basa pa iha. Nilabhan ko kasi kanina ng magising ako. Kaya naman hindi mo pa masusuot." Hingi naman nito ng pasensya sakin.
" Ahh.. okey po. Kanino po pala itong damit? Pwede ko po ba mahiram? Balik kona lang po kapag nakauwe na ako." Anang ko sa matanda ngunit ang isang matabang bata ang sumagot.
" Sa kuya buboy ko po 'yan. Kasi siya lang ang may malaking damit."
" Ahh.." Tumatango kung sabi ko sa kanya. Saka umalis na ng kama. " Sige po aalis na ako. Maraming salamat po sa pag-tanggap niyo sakin kahit na hindi niyo ko kilala." Wika ko sa matanda ng makalapit dito.
" Nako wala 'yun. Sadyang mabait talaga ang apo kona 'yun. Kumain ka muna, bago ka umalis." Muli ay alok niya sakin pero muli ko rin tinanggihan.
" Wag na ho. Sa bahay na lang po ako kakain. Maraming salamat po talaga."
" Oh siya ikaw ang bahala. Sa sabihin ko sa apo kona aalis kana. Doon nga pala siya natulog sa sala's namin dahil 'di ka naman niya pwede tabihan." Nakangiting saad ni lola at lumabas na ng kwarto.
Parang nag-init naman ang pisngi ko sa kanyang sinabi at sumunod nasa kanila, bitbit ang bag ko.
Pagdating sa may sala's ay may nakita akong lalake na natutulog sa may mahabang upuan habang nakahubad ito ng pang-itaas. Napatitig ako sa lalake habang ginigising siya ng matanda.
Magpapasalamat muna ako sa kanya bago ako umalis. Kasi kung hindi dahil sa kanya ay baka pinag-piyestahan na ako kagabi ng mga lalake.
" Iho, gising na. Aalis na 'yung babae." Sabi muli ng matanda sa lalake. Mukhang mahirap gisingin ang lalake dahil kanina pa siya ginigising ng matanda.
Napansin kung mukhang bata pa ang lalake kahit 'di ko nakikita ang mukha niya. Nakatalikod kasi siya samin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Maganda 'din ang likod niya at halatang may abs ito.
May mga masel kasi ang mga braso niya. Kapagkuwan ay sinaway ko ang sarili dahil sa pag-iimagin ko sa lalake.
" Hmm.. paalis niyo na. Bakit kailangan pa akong gisingin." Wika ng lalake sa masungit na tono dahilan para mapaawang ang labi ko.
Ang sungit.
Sabi ko sa isip at kinausap ang matanda.
" Wag niyo na hong gisingin, La. Aalis na po ako."
" Ay! Hindi." Pigil sakin ng matanda. " Kailangan ka niyang ihatid." At muling binalingan ang apo niya saka hinampas ng malakas dahilan para magulat ako.
Napabalikwas naman ang lalake at halatang nasaktan sa ginawa ng matanda dahil ang sama ng mukha niya.
" Lola naman eh. Natutulog 'yung tao. Anong oras na ako nakatulog kagabi." Masama ang mukha na sabi ng lalake sa lola niya.
" Sorry, iho. Ihatid mo muna ang dalaga bago ka ulet matulog." May lambing ang tono na sabi ng matanda.
Napasinghap naman ako kasabay ng pag-awang ng labi ko ng bumaling sakin ang lalake habang masama ang mukha nito.
Ang gwapo naman kasi ng lalake. Hindi ko akalain na ganito pala siya ka-gwapo kahit kulay tan ang kulay ng balat niya. Mas lalong lumakas ang dating niya dahil sa kulay niya.
Maganda ang mga mata, makapal ang kilay, matangos ang ilong. At higit sa lahat ay medyo mapula ang labi niya na para bang kay sarap halikan.
" Hindi kaba makakauwe mag-isa at kailangan pa kitang ihatid?" Natigilan naman ako sa pagtitig sa kanya ng marinig ko ang galit na boses niya.
" Bakit sinabi ko bang ihatid mo ako? Ang lola mo lang naman ang may gusto no'n." Inis na sabi ko sakanya saka inirapan ito bago sila iniwan sa sala's.
Sorry lola.
Hindi ko napigilan ang sarili kung mag-taray dahil ang sungit sungit ng lalaking 'yun. Itong broken hearted ako, baka masampal ko 'din siya hmp.