Chapter 1

2004 Words
Halos mapunit na ang labi ko sa kakakagat habang papasok na kami sa lobby ng Hochengco Corporation. Hindi lang ako mag-isa, kasama ko ang mag-amang Hochengco, sina Mr. Suther Ho at ang anak niyang si Mr. Pierson Ho! Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. Gustuhin man daw sana sumama sa amin ni Mrs. Laraya Ho ay naalala daw niya na may kailangan daw siyang gawin, aasikasuhin daw niya muna ang negosyo nila na naiwan sa Cavite. May mga anim na bodyguard na pumapalibot sa amin habang naglalakad. Mas bumibilis ang kabog ng aking dibdib nang napapasin ko na napupukaw ko ang atensyon ng mga empleyado dito sa loob ng building.. Maaaring nagtataka sila kung bakit kasama ako ng mag-ama na ito. Jusko, hindi ko na alam kung ano itong ipinasok ko. Lalo na't seryoso ang mag-asawa na nakausap ko na ako ang gagawing fiancee ng anak nila na si Sir Pierson. Bumili lang ako ng kakanin dahil gutom ako pero hindi ko naman inaakala na hahantong sa ganito! Na instant na maging fiancee ako! Pinili kong yumuko habang naglalakad para mabawasan ang kaba. Sa hitsura kong ito, malamang ay pagkakamalan pa akong assistant ng isa sa mga mag-ama na ito. Anong nangyayari sa mundo?! Hanggang sa pumasok na kami sa elevator. Sa ibang elevator naman sumakay ang mga bodyguard. Nanatiling nakatikom ang aking bibig habang kasama ko ang mga Ho. Para akong tuod ako sa harap nila. "Kung hindi ako nagkakamali ay dito ka rin nagtatrabaho, Miss Montano?" biglang usisa sa akin ni Sir. Suther Ho na nakapamulsa. Ibinuka ko ang aking bibig. Sumulyap ako ng ilang segundo kay Pierson na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin, animo'y inaabangan niya ang isasagot ko. "O-opo, sir. First day ko po ngayon dito bilang empleyado ninyo..." nahihiya kong tugon. "Mabuti naman kung ganoon. Eh di hindi mahihirapan si Pierson na sunduin ka niya para ihatid dito araw-araw." Napamaang ako na nanlalaki ang mga mata dahil sa aking naririnig. "P-po?" para akong nabingi doon! "Mismo na ang asawa ko na ang nagsabi, ikaw na ang magiging fiancee ng anak naming si Pierson, ibig sabihin, madalas na kayong magkikita at magkakasama." pahayag ng Amang Hochengco. "Can you do that, Pierson?" "Yes, baba." tugon ni Sir Pierson na wala akong mabasang emosyon sa kaniyang mukha, maliban nalang sa kaseryosohan ito. Hindi maalis ang tingin niya sa akin na dahilan upang tumindig ang balahibo ko. Kung panaginip man ito, pupwede bang pakisampal ako? Sabihin ninyo, hindi totoo ito! Tumunog ang elevator na hudyat nasa tamang palapag na kami. Muli ko kinagat ang aking labi nang lumabas kami. Sumusunod lang naman ako sa sinasabi nila na sumunod daw ako sa kanila dahil may ipapakilala daw sila sa akin pagdating namin sa Conference Hall. Hindi ko na din mabilang kung ilang lunok ko na itong ginagawa ko. Tanaw namin na may dalawang babae naghihintay sa may malaking pinto na tingin ko ay ang Conference Hall na iyon. Nakangiti silang dalawa at nag-bow sa amin. Pagkatapos ay binuksan nila ang malaking pinto na nasa likod nila. Dire-diretso pa rin kami sa paglalakad hanggang sa nakatapak na ang mga paa ko sa loob ng Conference Room. Umaawang ang bibig ko nang makita ko na may mga press sa paligid. Wait, ang akala ko ay meeting ng pamilya ang meron dito! Pero bakit may press dito? Ganito ba ang meeting na meron sila palagi? "Pierson, puntahan ko lang si Keiran. Ikaw na muna ang bahala kay Miss Montano." bilin ni Sir Suther sa kaniyang anak. "I understand, baba." tugon niya sa pamamagitan ng mababang tono. Bumaling siya sa akin. Walang sabi na iginiya niya ako sa isang direksyon kung saan niya ako dadalhin. May dalawang bodyguard naman na nakasunod sa aming dalawa. "Ginagawa ko lang ito dahil sa mga magulang ko, Miss Montano." bigla niyang sabi. Hindi man ako nakatingin sa kaniya pero napalunok ako dahil sa tensyon na ginagawa niya sa pagitan naming dalawa. Kanina pang hindi nawawala ang kilabot na gumagapang sa aking sistema. "But I respect my parent's decisions." he added. Doon kumunot nag noo ko sa huli niyang sinabi. Dahil sa pinaghalong kaba at takot ay hindi ko na maitindihan ang ibig niyang ipahiwatig sa mga salita na iyon. Umupo kami sa bandang harapan. May ilang babae at ilang lalaki na napansin sa aming presensya. Doon ko nalaman na pinsan pala ni Sir Pierson ang mga ito. Ngayon ko lang sila nakita ang karamihan sa kanila. Pero ang kilala ko lang ay ang mga modelong pinsan nila, sina Verity Ho at ang kapatid niya na si Eilva Ho. Hindi ko lang inasahan na mas mabait pa sila kaysa sa inaasahan ko. Napaka-classic nila sa paningin ko. I can sense the dominance and elagance in them. Para bang iba ang mundo na ginagalawan nila kaysa sa mundo ko. "Wait, Pierson. It means, siya ang tinutukoy ni tita Laraya?" hindi makapaniwalang tanong ng isa sa mga pinsan nila na si Mr. Rowan Ho, kasama ang asawa nito. Ang ganda niya at hindi ko maitanggi na bagay na bagay silang dalawa. Sandali, alam na agad nila tungkol sa bagay na iyon?! Ilang minuto palang nakalipas, ah? "Yeah," tamad na tugon niya sa kaniyang pinsan. "Hindi ko talaga inaasahan na seryoso sila ni baba sa bagay na 'yon." "Knowing tita Laraya, kapag trip niya, trip niya." dagdag pa ni Miss Verity na malapad ang ngiti. "Mabuti nalang, hindi ganoon si mama. Haha!" Naputol lang ang pag-uusap nang biglang may nagsalita sa stage na nakuha din niya ang atensyon naming lahat. Si Sir Suther pala ngayon ang nagsasalita. Nakikinig sila sa kaniya. Samantala ako ay namomoblema pa rin. Dapat kasi sa mga oras na ito nagtatrabaho na ako. Na nakakapag-umpisa na ako pero hindi. Naudlot dahil sa anunsyo na ako daw ang fiancee! "...And before the Business Conference, I would like to introduce to you the new paired couple who will be tied in knot, soon." nakangiting pahayag ni Sir Suther publiko. "Everyone, let me introduce to you, my third child, Pierson Hochengco and his fiancee, Miss Lovelyn Montano." Inulanan kami ng magarbong palakpakan sa paligid. Napatingala ako kay Pierson na bigla siyang tumayo. Tumingin siya sa akin na saka nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Alanganin kong tanggapin iyon. Lumunok ako pero sa huli ay tinanggap ko din iyon. Tumayo ako't naglakad kami papunta sa stage. Pero ang hindi ko inaasahan ay nakatutok sa amin ang mga camera na hawak ng mga press. Halos mabulag ako sa mga ilaw ng camera. Hindi maalis ang hiya sa akin nang humarap ako sa madla. Lihim ko kinagat ang aking labi. Ni hindi ako makatingin sa kanila nang diretso. Rinig ko na may nagtanong kung kailan daw ang kasal. Ang sabi naman ni Sir Suther ay kasalukuyang pinag-uusapan daw muna. Hindi rin daw mawawala ang Ting Hun (Formal Engagement). Diyos ko, ano ba talaga ang nangyayari? Bakit nagkaganito ang buhay ko? ** Naikwento ko din kay Salve kung anong nangyari sa akin kinabukasan. Dito kasi ako nakatira sa kaniyang bahay dito sa Marikina. Tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa nangyari. Ang mas malupit pa doon ay lumabas ang mukha ko sa iilang pahayagan! Na-featured din ang mukha ko sa CNN! Kulang nalang ay mababaliw na ako. Gustuhin ko man itanong ang pamilyang Hochengco kung bakit ako? Sa dinami-dami na babae na pupwede naman maging asawa ng isang Pierson Ho, ay bakit ako pa?! Ang tanging gusto ko lang naman ay may permanente akong trabaho. A normal citizen! Hindi bilang mapapangasawa ng isang Hochengco! Ang gusto ko lang naman ay maging breadwinner ng pamilya na naiwan ko sa Laguna! "Oh sige, papasok na ako." paalam ko kay Salve sabay suot ko sa aking sling bag. "See you nalang mamaya." "Sure. Maya maya aalis na din ako." nakangiting kaway niya sa akin. "Tinawagan ko na din si Sadj na ihatid ka niya sa labasan." ang tinutukoy niya ay ang tricycle driver na may gusto daw sa akin pero hindi ko naman pin apatulan iyon. Pero mabait naman siya. Iyon nga lang, wala akong nararamdaman sa kaniya na kakaiba. Parang kaibigan lang. Kahit na sabihin nating may hitsura siya pero malakas ang appeal niya sa mga beki. "Okay." lumabas na ako ng bahay. Tanaw ko si Sadj na ngayon ay naghihintay kasama ang kaniyang tricycle. Nakita na din niya ako. Umalis siya mula sa pagkasandal niya doon. "Good morning, Lovelyn." malapad na ngiti ang sinalubong niya sa akin. "Morning din." balik-bati ko. "Ihahatid na kita," Bago man ako sumakay ng tricycle ay biglang may bumusina sa gilid namin. Pareho kaming nagulat ni Sadj dahil doon. Umaawang ang bibig ko nang tumambad sa amin ang itim na kotse. Pamilyar ang sasakyan na iyon, ah. Nagbukas ang pinto ng driver's seat. Napalunok ako nang lumabas doon ang isang lalaki na naka-corporate attire. Tulad ng inaasahan ko ay seryoso ang kaniyang mukha na nakatingin nang diretso sa aking direksyon. Si Pierson Hochengco! Anong ginagawa niya dito?! Lumapit siya sa akin na wala parin akong mabasa na ekspresyon sa kaniyang mukha. "Let's go." utos niya sa akin. "Teka, sino ka ba?" biglang sabat ni Sadj sa kaniya. Seryosong tumingin si Pierson kay Sadj. "You don't need to know." malamig niyang sagot. "Hindi ko hahayaan na isakay si Miss Montano sa ganyang sasakyan." "Anong sabi mo?" bakas na sa boses ni Sadj ang iritasyon. Napalunok ako. s**t, ke aga aga, may gulo na?! "Aba, akala mo kung sino ka—" "Because she's my fiancee. I'm gonna be her husband soon. I know what's the best for her. From now on, ako ang susundo sa mapapangasawa ko. Maghanap ka nalang ng ibang costumer." sabay hinawakan niya ang isang kamay ko at hinila niya ako palapit sa kaniyang sasakyan. Isinakay niya ako sa front seat. Sinara din ang pinto ay umikot sa hara hanggang sa marating niya ang driver's seat. Naiwan namin si Sadj na laglag ang panga. ** Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa pagitan naming dalawa habang nasa byahe kami. Nanatili lang siyang nakatingin sa harap, habang ako ay panay sulyap ko sa kaniya. "Bakit mo sinabi iyon?" hindi ko mapigilang itanong iyon. "Because you're my fiancee." mabilis niyang tugon. "Pinag-uusapan na namin kung kailan ang formal engagement party. Kinokontak na din ng pamilya ko ang pamilya mo." Para akong nanghina sa paliwanag niya. "Ganoong kadali? Ni hindi pa nga natin kilala ang isa't isa. Engaged agad? Bumili lang ako ng kuntsinta, ako na ang mapapangasawa mo? Seryoso ba iyan? Hindi biro ang pag-aasawa, Mr. Ho." matigas kong turan. "I know. But I have to respect my parents' decision regarding on this." Napasinghap ako. "Ilan taon ka na ba? Bakit parang ayos lang sa iyo na maging sunud-sunuran sa kagustuhan ng magulang mo? Wala ka bang sariling desisyon? Wala ka bang girlfriend or what?!" Natigilan ako nang bahagyan nang masilayan ko na sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi sa unang pagkakataon. Wait, what? Ang Pierson Ho na ito, ngumingiti? "Why? Interisado ka ba?" tanong niya. "Nagtatanong lang ako kung may girlfriend ka na dahil baka masaktan siya!" Halos matili naman ako nang itinabi niya muna ang sasakyan sa gilid ng highway. Walang sabi na tumingin siya sa akin ng diretso sa aking mga mata. Bakit tumitindig ang balahibo ko sa mga tingin niyang iyon? Bakit umiiba ang pakiramdam ko? "Wala akong girlfriend, Miss Montano." pahayag niya. "Pero sa oras na magmamahal ako, I am too selfless, to the point na hahayaan ko ang magulang ko na pumili ng babaeng mapapangasawa para sa akin. I respect too much the people around me." dahan-dahan niyang inilapit ang sarili niya sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ako, pero isinisiksik ko ang sarili ko sa gilid. Nagtama ang aming paningin. Isang maliit na ngiti ang iginawad niya sa akin. "Yesterday, I only saw you for a second, you have no idea... it made my day." dumapo ang tingin niya sa aking mga labi. "And I usually don't get attached too easily, but that changed when I met you." Ibinalik niya ang tingin niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD