Chapter 2

2643 Words
Ilang beses ko pinagsusuntok ang didbib ko habang naririto ako sa loob ng isa sa mga cubicle ng rest room. Hindi muna ako tuluyang pumunta sa desk ko dahil kailangan ko muna pakalmahin ang sistema ko ngayon. Hindi ko maipagkaila na nagwala ang puso ko sa ikinilos ni Mr. Pierson Ho habang byahe kami nang sunduin niya ako sa bahay. Ang buong akala ko ay hamak na seryoso at walang katamis-tamis sa katawan. Pero sa ipinakita niya kanina, bakit ganoon ang naging reaksyon ko? Kulang nalang ay himatayin ako! No, Lovelyn, kumalma ka. Huwag na huwag ka magpapaapekto. Huwag ka maniwala. Baka malay mo, pakulo niya 'yon. Huwag kang umasa na susunod ang tulad niya sa magulang niya lalo na't usapang kasal na! Good thing, nakawala ako sa kaniya nang bumaba na kami sa sasakyan. Sinadya ko talagang iniwan siya doon at dumiretso ako dito. Marahas akong kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Napagpasyahan ko nang lumabas sa cubicle at dumiretso sa salamin para ayusin na ang sarili ko. Nagsuklay at nagretouch ng mukha. Muli ako nagbuntong-hininga. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Isinublit ko na ang aking bag sa isa kong balikat. Nagmartsa na ako palabas ng rest room. Sunod ko naman pupuntahan ay ang desk ko para makapag-umpisa na ako ng trabaho. Kung kanina ay excited akong naglalakad ay unti-unti na ito napapalitan ng magkabagal dahil may napapansin ako sa kapaligiran ko. Unti-unti nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Tuluyan na akong tumigil sa paglalakad. Humigpit ang pagkahawak ko sa strap ng aking bag. I suddenly feel my heart were shaking at the moment. I softly close my eyes to composed again myself in this situation. I wanted to be invisible right now. Hindi ako sanay na nasa akin lahat ng mga mata nila ngayon. Sa mga tingin na 'yon ay nararamdaman ko na ang panliliit sa aking sarili. Gustuhin ko man ipagtanggol ang aking sarili ay hindi ko magawa. Alam ko na ganito ang mangyayari simula ipinakilala ako bilang mapapangasawa ng isang Hochengco. Alam ko na hinding hindi nababagay ang isang tulad ko sa isang tulad niya. Alam ko na walang wala ako, hindi sa ibang babae na galing sa isang sikat at magandang pamilya. I opened my eyes. I tried to walk again though my legs were trembling, even my hands. I clenched my fist while holding the strap. Bahagya kong iniyuko ang aking ulo para iwasan ang mga panghusgang mga mata. Iyon nalang ang tanging alam ko na paraan para tuluyan na akong makatakas mula sa kanila. Hanggang sa narating ko na ang elevator. Ako ang huling pasahero, mabuti nalang ay nakaabot pa ako. Nanatili akong nakatayo at tumingala, inaabangan ang numero na lalabas para marating ko an ang tamang floor kung saan ang trabaho ko. Pero akala ko ay tuluyan na akong nakatakas kanina, nagkamali pala ako. Naririnig ko ang bulungan sa bandang likuran ko. Kahit na nagbubulungan sila ay naririnig ko pa rin kung ano ang pinag-uusapan nila---tungkol sa akin. Kinukwesyon nila tungkol sa background ko. Ang iba pa sa kanila ay hindi makapaniwala na ako ang tinutukoy na mapapangasawa ni Pierson Ho. Muli na naman nagsumiklab na pinaghalong takot at kaba sa aking puso. Nagwawala na din ang aking sistema, kind of panic. Parang hindi na ako makahinga dito sa loob ng elevator. Tila naiinip na ako na makalabas kahit noon ay hindi ko pa nararamdaman ito. If someone can save me from this Hell... Biglang nagbukas ang pinto ng elevator pero hindi pa ito ang palapag kung saan ako bababa. Pero nanigas ako sa kinakatayuan ko na tumambad sa amin ang isang lalaki sa aming harap. Hindi mawawala ang seryoso sa kaniyang mukha. Nasa tabi niya ang isang lalaki na nakabsuiness suits din. I think, he's probably one of his subordinates. Napalunok ako nang maramdaman ko ang pagiging dominante niya. Na para bang walang gagalaw sa kaniya anumang oras. Malayong-malayo ang karaniwan niyang awra kaysa sa mga oras na kasama ko siya sa sasakyan kanina. Kusang tumigil ang bulung-bulungan sa paligid. Dahil ba nasa harap namin ang isang Hochengco? Lumingon ako sa kanila. Ang iba sa kanila ay hindi makatingin nang tuwid sa kaniya. Ang iba naman sa kanila ay yumuko na parang nahihiya. Ibig sabihin, ganito talaga ang mangyayari sa oras na makaharap mo ang isang Ho? Ibinalik ko ang tingin ko kay Sir Pierson. Nanatiling seryoso ang kaniyang tingin. Napasinghap ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya. Binigyan ko siya nang nanlalaking mga mata dahil sa pagkabigla sa ikinilos niya. "You're my fiancee, this is not your thing to ride in this elevator." kalmado niyang saad. Bahagya kong ibinuka ang aking bibig. "E-empleyado ako dito..." ang tanging nasabi ko. "Pero mapapangasawa kita." mahina pero mariin niyang giit. Aalma pa sana ako pero muli na naman niya akong hinatak hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo sa elevator. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Nakasunod lang ang aking katawan sa anumang gugustuhin niya. Kahit na hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pero ang trabaho ko... Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang eleganteng elevator. Napangiwi akong nakayuko. Kaming dalawa lang ang naririto. Nakapamulsa siya habang pareho kaming naghihintay na magbukas ang pinto. Kinagat ko ang aking labi sa nararamdaman kong pagkailang sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil iniligtas niya ako kanina dahil sa mga tingin ng mga tao, o kakabahan dahil sa kaming dalawa nalang ang naririto. Wala akong makapang salita para magsalita o saan ko man lang sisimulan. "You looked uncomfortable a while ago..." bigla niyang sabi. Dahil d'yan ay agad akong tumingin sa kaniya. Nakaukit ang pagkabigla sa aking mukha. How did he know? Talaga bang nakita niya kung anong nangyayari sa kanina? He softly released a sigh and he shifted his gaze to me. "Are you feel alright now? I'm sorry for what you feel earlier." ramdam ko ang sinseridad nang sambitin niya ang mga katagang 'yon. Binawi ko ang aking tingin. Muli akong yumuko. "S-salamat..." ang tanging lumabas sa aking bibig. Napukaw ang atensyon namin nang kusang nagbukas ang pinto ng elevator. Pinauna niya akong lumabas bago siya. Tumalikwas ang isang kilay ko nang makita ko kung anong meron sa palapag na ito. It looks like an isolated office.At saka hindi tiles ang sahig, kungdi carpet! Iginala ko nang kaunti ang paningin sa paligid habang sabay kaming naglalakad patungo sa isang pinto. Nang narating na namin ang naturang pinto ay siya mismo ang humawak sa doorknob hanggang sa pinihit niya ito. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto. Bumaling siya sa akin. Sinabihan niya na ako na ako muna ang pumasok. Awtomatiko akong sumunod sa kaniya kahit na may parte sa akin na nahihiya pa ako. And I finally saw his office to me. It simple but classy office with modern influence interiors touch. May namataan din akong mga bookshelf sa isang gilid. I think that was the files or datas. Medyo ang mas nakakatawag ng aking pansin ay isa pang desk na hindi kalayuan sa main desk. Pero agad nakuha ni Pierson Ho ang aking atensyon nang nilapitan niya ang desk na tinitingnan ko kanina. Inilapat niya ang isa niyang palad doon habang diretso siya nakatingin sa aking direksyon. "This is will be your desk." Agad lumaglag ang panga ko sa kaniyang deklara. "A...Ha?" Ngumuso siyang tumangu-tango. Mukhang nakukuha niya ang pagkalito sa kaniyang pahayag. Muli syang tumingin nang diretso sa akin. "This will be your desk from now on. Your workplace." ulit pa niiya. Tinagilid ko nang kaunti ang aking ulo, kunot ang aking noo. Naniningkit ang aking mga mata. Parang sinisink in ko pa ang sinasabi niya. Or else, I misheard what he said. Nanatili akong nakatayo. Parang ayaw gumalaw ng katawan ko kahit na itinuro na sa akin kung saan ako magtatrabaho ngayong araw. Mukhang napansin niya 'yon kaya hindi niya mapigilan ang sarili niyang lumapit sa akin. Dahil sa tangkad niya ay tumingala ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "What's the problem, Ms. Montano?" mahinahon niyang tannong. Lumunok ako. "I... I'm just a simple employee, sir..." medyo nanginginig ang boses ko. Lumanghap ako ng hangin at muli nagsalita. "Ayoko sanang... May masabi pa ang mga tao---" "Pero sa nakikita ko kanina, hindi na maiiwasan na makikilala ka nila bilang fiancee ko." Ngumiwi ako. "I wanted to have a simple life!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumaas ang boses. Kita ko kung papaano siya nagulat sa aking pahayag. "I need a job to provide my family needs, I want to support my family through my hard work!" para akong hinihingal nang sambitin ko sa kaniya ang mga salita na 'yon. I saw how he stunned, daig mo pang nacultured shocked sa ginawa ko. Pero kahit ganoon, hind pa rin ako nagpatinag. "I'm sorry, Mr. Ho but I'm not a right person to be your fiancee, pupwede kayong humanap ng iba nang mas deserving pa kaysa sa akin." pinutol ko na ang tingin ko mula sa kaniya. Tinalikuran ko na siya't iniwan na siya sa silid na ito. Nagmartsa ako palabas ng Opisina niya. Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa marating ko ang elevator. Halos yakapin ko na ang aking bag nang nagsara na ang pinto ng elevator. Nang napagtanto ko kung ano ang ipinakita ko kanina sa kaniya ay nanghihina akong sumandal sa pader at mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hinawi ko paitaas ang aking buhok. Marahas akong nag buntong-hiningasaka tumingala. "You messed the wrong person, Lovelyn." kastigo ko sa aking sarili. ** Oh, anong nangyayari sa iyo d'yan?" nagtatakang tanong ni Salve. Ipinatong niya ang isang baso ng juice sa mesa . Hinila niya ang isang upuan at umupo doon. Nagpangalumababa siya sa tapat ko. Pinagmamasdan niya ako sa pamamagitan ng mapupungay niyang mga mata. "Kakatanggap mo palang sa trabaho, stress ka na agad?" Ngumuso ako saka tumango bilang sagot. Walang sabi na isinandal ko ang aking ulo sa mesa. "Nakakainis... Nagkalat pa yata ako nang wala sa oras..." nanlulumo kong saad. "Ano bang ginawa mo?" sunod niyang tanong. "Nasigawan ko ang isang Hochengco." halos humiwalay na ang kaluluwa ko nang sagutin ko ang tanong niya. Rinig ko na nabilaukan siya sa sinabi ko. "W-what?! Seryoso ka ba d'yan?! Talagang sinigawan mo ang boss and groom-to-be mo, really, Montano?!" bulalas niya sabay marahas niyang ibinalik ang juice sa mesa. "Eh anong reaksyon niya nang gawin mo 'yon?" she sounds interested. Okay. Umupo ako ng ayos. Tumingin ako sa kaniya na may pagmamakaawang tingin. I slightly sighs. "Wala naman siyang ginawa pero nakita ko kung papaano siya nagulat sa sinabi ko na ayaw ko magpakasal. Hindi ako interesado na pakasalan siya kahit na mismong magulang niya ang pumili sa akin para maging bride niya. Alam mo kung bakit ako nakipagsapalaran sa Maynila. Para sa pamilya ko." nanghihina kong sabi, I really sounds like a problematic-broke employee. Siya naman ang nagbuntong-hininga. "Alam ko naman 'yon. Pero sinabi nila na pormal at personal silang kikitain ang pamilya mo?" Ngumiwi ako. "Good thing, hindi ako nilagay sa resume ko ang address ko sa Laguna." mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "Mukhang kailangan ko ulit maghanap ng kumpanya na pag-aapplyan, magtitiis muna ako sa kumpanya ng mga Ho bago ako magresign hanggang sa makahanap ulit ako ng bagong trabaho." "Pwede rin naman..." sang-ayon niya pero may bakas na pag-aalangan. "Pero sa records mo palang, tiyak hindi ka nila agad-agad papakawalan. Lalo na... Alam mo na." Naguguluhan akong tumingin kay Salve. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Bago man niya ako sagutin ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tagumpay nakuha iyon ng aking atensyon. Bahagyang kumunot ang aking noo nang mabasa ko ang pangalan ni mama. Natawag siya. Bago ko man sagutin 'yon ay nagpalitan kami ng tingin ni Salve. Tumango siya, sinasabi niya na sagutin ko daw. Nagkibit-balikat ako. Sinagot ko ang tawag na 'yon. "Ma...?" "Lovelyn, anak? May ginagawa ka ba ngayon?" nag-aalangan pero malumanay na tanong ni mama sa akin. Umiling ako kahit hindi niya makikita 'yon. "Wala naman, ma. Nagpapaantok po ako ngayon. Bakit po?" Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya na ipinagtataka ko naman. Hindi kaya may problema habang wala ako doon? Hindi ko tuloy maiwasang hindi mangamba. "Anak, ano kasi..." "Ano pong problema, ma?" diretsahan kong tanong. "W-wala naman problema, anak. Pero... Nagtataka lang kami." "Nagtataka, saan po?" Muli siyang nagbuntong-hininga. "Kanina kasi may pumunta dito na mag-asawa. May mga kasama silang bodyguard. May mga dala silang pasalubong at regalo daw... Ang sabi nila, magiging byenan mo daw sila. Nagpakilala sila na magiging balae ko daw sila." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang balita. "B-Byenan...?" ulit ko na parang nawawala sa sarili. Muntik ko na din mabitawan ang cellphone ko! "Oo, nagpakilala silang Laraya at Suther Hochengco daw. Gusto ka daw nila maging asawa ng anak nila. Binigyan pa nga nila ako ng envelope... Invitation para sa engagement party. Ano ba talagang nangyayari, anak?" nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses ni mama. "W-wait lang po, ma. M-may kakausapin lang po ako. Tatawag nalang po ako bukas." saka binaba ko na ang tawag. Nanlalaki ang mga mata ko na bumaling kay Salve. Tulad ko ay mukhang alam na niya kung anong nangyayari. Agad kong tumayo. I slammed the table. "I need to talk to him!" malakas kong bulalas. "Ang tanong, papaano? Papaano mo siya mapupuntahan? Alam mo ba kung saan siya nakatira?" sunud-sunod niyang tanong. Bumagsak ang magkabilang balikat ko. Oo nga, hindi ko alam kung saan ko pupuntahan si Pierson Ho sa mga oras na ito. Dahil sa inis ay kinamot ko ang aking kilay dahil bigla ako namomoblema pero naputol 'yon nang may biglang may kumatok sa pinto. Ako na ang nagprisintang magbukas n'on. Nagmamadali akong daluhan ang pinto saka binuksan 'yon. Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang tumambad sa akin ang bulto ng isang lalaki sa aking harap. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na nasa harap ko siya ngayon. Para bang dininig ng langit ang panalangin ko! Ang mas ipinagtataka ko kung bakit hindi ko na nakikita ang seryosong mukha na madalas ko nakikita sa kaniya nang una. Isang gulat na tingin ang iginawad niya sa akin, hindi na siya nakabusiness attire ngayon. Isang simpleng sky blue long sleeves polo shirt na nakatupi ang mga mangas na 'yon hanggang siko, nakatuck in 'yon sa kaniyang puting slacks. May suot din siyang silve wrist watch. Napalunok ako nang makita ko na nakakalas ang isang butones ng kaniyang polo, lalo na't may siyang kwintas na yari sa itim na leather, but the pendant... It seems like a chinese lucky charm. Sa hitsura niya ngayon, malayong malayo sa nakasanayan ko na isang seryoso at dominanteng CEO! Pero mas ipinagtataka ko kung bakit may hawak siyang bouquet ng mga rosas! "Hi," nakangiting bati niya sa akin. My jaw dropped when I hear his greeting with a friendly tone! "A-anong ginagawa mo dito?" parang ako pa ang nacultured shock! "I pay some visit for my fiancee." "Tumanggi na ako." "But our engagement date is officially announced. My parents were already met your parents." Naniningkit ang mga mata ko. "Kailangan ko naman kausapin ang parents mo para tanggihan ang kasal---" "You can't back out." Halos lumukot ang mukha ko sa sinabi niya. "At bakit hindi?" Inilapit niya ang kaniyang sarili sa akin. He touched my chin and he grinned. "You came into my life as my fiancee so became it." namamaos niyang sabi, hindi niya mabitawan makipagtitigan sa akin na halos maduling ako! "I don't have any idea that you're hot and you made some inappropriate thoughts on my mind while staring at you." "W-what do you mean?" Bago niya sagutin ang tanong ko ay bumaba ang tingin niya, pinagmamasdan niya 'yon. He still touch my chin. "I think your clothes would look nice on my bedroom floor. So... What do you think?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD