Prologue

1134 Words
Halos hindi na ako makahinga dito sa loob ng FX na sinasakyan ko. Panay silip ko din sa relo na nasa aking pulsuhan, First day ko ngayon sa trabaho at hindi ako pupuwedeng ma-late. Pinaghihirapan ko na makapasok sa kumpanya ng mga Hochengco tapos ganito? Ayoko naman syempre mapunta sa wala ang pinagsikapan ko. Ayoko din na umuwi ako sa Laguna nang luhaan. Sa Marikina ako nakatira ngayon at sa Ortigas pa ang pinapasukan kong kumpanya. Kung galing pa akong Laguna, masyadong malayo na. Hindi na kaya ng powers ko. Ubos na ang energy ko sa byahe palang kaya nagpasya na akong makitira muna ako sa kaibigan ko na dito rin nagtatrabaho sa Maynila. Binabalewala ko lang ang mga katabi ko dito sa loob ng sasakyan. Ang iba pa sa kanila ay naghihilik pa, siguro ay kulang pa sa tulog. Linggo naman kahapon, hindi ba sila nagpahinga nitong weekend lang? Ang iba naman ay may kausap sa cellphone. Ang iba naman ay naglalaro sa kani-kanilang telepono. The rest, wala pa sa ulirat. Natatanaw ko kung saan ako puwedeng bumaba ay pumara na ako. Nang tumigil ang FX sa gilid ay agad na akong bumaba. Sa wakas, hindi naman ako nabigo, mabuti at may oras pa ako kahit kakaunti, hindi pa ako late. Humakbang ako ng lima nang may naramdaman ako sa aking tiyan. Napangiwi ako dahil napagtanto ko na hindi pa pala ako nakapag-almusal dahil sa sobrang pagmamadali at excitement para sa araw na ito. Napasapo ako sa aking tyan at iginala ko ang aking paningin sa paligid. Naghahanap ako ng pupwedeng bilhan ng pagkain. May namataan akong isang babae na nagbebenta ng kakanin, at isang lalaki na nagbebenta ng dyaryo sa side walk. Base sa kanilang histura, hindi ko matukoy kung anong edad na nila pero tingin ko ay mag-asawa sila. Bigla ko tuloy naalala ang nana at tatay ko na naiwan ko sa Laguna. Mas napansin ko lang na ang puti nila pareho, ang kikinis pa ng kutis. Nagpasya akong naglakad patungo sa kanila hanggang nasa harap ko na sila. "Magkano po sa kutsinta?" malumanay kong tanong sa tindera. Napatingala siya sa akin at ngumiti. "Naku, sampung piso, iha!" tuwang tuwa niyang sabi at tumayo. Umaawang ang bibig ko sa sinagot niya. Ito? Sampung piso? Masyadong mura! Sa mga palengke, magkano na ito! At ang dami pa nito! "T-totoo po?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo naman, iha! Ako mismo ang gumawa niyan!" bulalas niya na hindi mabura sa kaniyang mukha ang ngiti. "May free taste ako dito para malaman mo. Saglit—Hoy, Suther! Pasuyo nga iyong free tasting ko d'yan!" baling niya sa lalaki na katabi lang nila. Nakangiting inabot sa kaniya ang isang styro na may lamang kutsinta. At sa akin naman niya iyon inabot. "Heto, iha. Try mo ito. Hinding hindi magsisisi na tikman mo ito." sabi niya. Napalunok ako habang nakatingin sa pagkain. Hindi dahil sa pangit siyang tingnan. Sa katunayan pa nga ay mukhang masarap siya! Kusang gumalaw ang kamay ko para kunin ang toothpick na nakatusok sa maliit na bahagi ng kutsinta. Nang tikman ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Agad akong tumingin sa babae na kausap ko. Sa mukha niya parang nagtatanong kung anong opinyon ko sa naturang pagkain. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Masarap nga po. Ang galing ninyo pala gumawa ng mga ganito!" bulalas ko. Mas lumapad ang ngiti nila sa sinabi ko. "Ang bait mo namang bata, iha. Ang galing mo naman mag-appreciate kahit sa maliit na bagay lang." kumento ng babae. Isang matamis at nahihiyang ngiti ang iginawad ko sa kanila. "Kitty, baka iyan na ang hinahanap natin." wika ng lalaki na nagbebenta ng dyaryo. "Hindi kaya?" Napamaang ako. Anong sinasabi nila? Hindi bale nalang. "Uhm, bibilhin ko na po..." sabi ko. Tuwang-tuwa ang babae sa sinabi ko. Agad niyang inasikaso ang kakanin na binibili ko. Nang ibibigay na niya sa akin ang pagkain ay matalon naman ako sa gulat nang biglang may bumusina mula sa likod. "Patay." biglang sabi ng lalaki. Kumunot ang noo ko at lumingon. Nagtataka ako nang biglang may tatlong itim sasakyan na tumigil sa tapat namin. Mas hindi ko inaasahan may lumabas mula sa sasakyan na iyon. May mga lalaki na naka-itim na amerikana, mukha silang bodyguard sa paningin ko. Ang akala ko sila lang. May isa pang lumabas mula doon. Isang guwapong chinito at matangkad na lalaki. Base naman sa suot nito, isa siyang businessman o nagmamay-ari ng isang kumpanya. I could feel the CEO vibes in him. "Pierson," nakangiting tawag ng babae sa lalaking chinito na papalapit sa aming direksyon. "Mama, baba, bakit narito na naman kayo?" seryosong tanong nito sa mag-asawa. Wait, magulang niya ang mga ito?! "Hindi ba, ang sabi namin ng baba mo, hahanapan ka namin ng babaeng papakasalan mo?" wika ng babae. "Ma, no need. Wala pa sa priorities ko ang mga bagay na iyan." tamad niyang sagot. "Ang kapatid mong si Aldrie, ikinasal na. Ang ate Eilva mo naman, kakasal lang nitong buwan. Kayong dalawa nalang ni Loukas ang wala pa." paliwanag pa nito. "Bakit hindi nalang si Loukas ang hanapan ninyo imbis ay ako?" "Anak, mas maganda kung ikaw muna ang ikakasal bago ang bunso mong kapatid." sabat ng lalaki na nagbebenta ng dyaryo. "At isa pa, sabik na kami ng tatay mo na magka-apo mula sa iyo. At may nahanap na kaming babae na tiyak na magugustuhan mo." "Who?" "Siya." sabay turo ng mag-asawa sa akin. "H-ha?" dahil sa gulat ay iyan lang ang nasabi ko. Bumaling sa akin ang lalaki. Sinusuri niya ako sa pamamagitan ng tingin na iyon. Ilang saglit pa ay binawi niya ang kaniyang tingin. Nilingon niya ang mga bodyguard na kasama nito. "Please bring out my father's suits. Ihatid ninyo din si mama sa bahay. Tulungan ninyo sila ayusin ang mga gamit." Agad sumunod ang mga bodyguard nila. Inilabas ang black suit at ipinasuot iyon sa lalaki na nagbebenta ng dyaryo. Kita ko ang pagbuntong-hininga nito. "Hayy, huwag ninyong sabihin na nagpapatawag na naman si Keiran ng meeting?" "Yes, baba. All the family members of Chua and Hochengco shall be present on that meeting." seryosong sagot ng Pierson. "H-Hochengco?" hindi makapaniwalang sambit ko. Napatingin sila sa akin. Ngumiti ang mag-asawa sa akin. Maliban sa kanilang anak. "Oo, iha. Pasensya na kung hindi agad namin nasabi sa iyo. Pero ang building na nasa likuran mo, pagmamay-ari ko. Sadyang naghahanap lang kami ng mapapangasawa ng anak kong ito, this is my third child, Pierson Zander Hochengco." "Ikaw ba, iha? Anong pangalan mo?" nakangiting tanong sa akin ng babae na pinagbilhan ko ng kutsinta. "L-Lovely po... Lovely Montano po..." nahihiyang sagot ko. Mas lumapad ang kaniyang ngiti. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Simula ngayon, ikaw na ang mapapangasawa ng anak namin si Pierson. I'm Laraya Hochengco, ang magiging byenan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD