WE HAD a nice meal together and the bonfire that Linus made makes the night more perfect for me. Nakatugtog ang musika sa disc player pero mahina lang ito. Pumasok muna ako sa loob para makapagpalit ng damit pantulog habang abala siya sa paghuhugas ng plato. Tahimik akong nakangiti at parang nakalutang ang katawan at isip ko sa ulap. Dumagdag siguro sa pakiramdam ko ang konting nainom na crusier. Hindi ko pa ito nauubos at nanghalati pa lang ako nito. Hands, touching hand... chorus na kanta niya na parang wala ako sa paligid. Lumawak ang ngiti sa labi ko nang mapakingan ang maganda at buong boses niya. Nakatitig na ako kay Linus ngayon at nakakatawa nga naman ang hitsura niya. Nakaupo siya sa maliit na upuan at pakanta-kantang habang naghuhugas ng pingan. Hindi mo aakalain na ang isang Ca