Sa bawat trabaho ni Linus ay natututo ako. Kahit na palagi akong nakabuntot sa likod niya ay hindi na siya naiinis sa akin ngayon. Sampung araw na kami sa Isla at nailagay na namin ang malaking kahoy sa gitnang bahagi ni Salome, pero pahirapan pa din ang reception signal niya dahil wala raw kasi siyang makuha. Hindi pa rin ayos ang iilang wirings at ito ang tututukan niya kapag natapos na siya rito. It's impressive how Linus managed everything with all his moves and technique. Nakamamangha, dahil alam niya ang lahat at wala siyang kaarte-arte sa lahat talaga. All around siya. Dalawang araw rin ang linis ko kay Salome. Maraming bagay ang nilagay ni Linus sa bodega at medyo maisikip na ang kwartong ito. May pwesto pa din naman sa kama ko kung ibabalik na ito ni Linus dito. Napangiti agad a