ACALLY "Ang dami naman nito," bulalas ko ng makita ko ang pagkain na nasa hapag. "Kumain ka ng marami ng magkalaman ka sa katawan," seryoso lang na sagot nito. Noong isang araw pa siya panay utos na kumain ako ng marami. Kung si Fhil lang ang kasama ko ngayon baka mamanduhan na naman ako na bawasan ang portion ng pagkain ko dahil ayaw umano niya ng mataba. Kabaliktaran din ang dalawa pero pareho silang magaling pangunahan ako kaya wala silang pagkakaiba sa paningin ko. "Alam mo ang dami nito, bakit hindi natin tawagin iyong mga kasama mo para naman hindi masayang ang mga ito," sabi ko pa. Kami lang naman kasing dalawa pero daig pa namin ang may fiesta. "Gusto mo silang kasabay kumain?" walang emosyon na tanong nito. "Hindi sa ganun, nanghihinayang lang kasi ako sa mga ito. Dalawa l