SEBASTIAN Inip na inip na ako maghapon. Kulang na lang ay hilahin ko ang oras para matapos ang lintik na meeting na ito. Boring na boring ako sa trabaho na dati naman ay wala na akong ginawa kun'di itambak sa harap ng mesa ko at gawin sa maghapon sa loob ng opisina ko. Nakadagdag pa sa iniisip ko na nagagalit si Acally na pinadala ko ang ilang tauhan ko doon at sinabing pangit ako. Kung kaharap ko lang si Ruel ng mga oras na sinabi niya 'yun ay baka nabaril ko ito sa ulo. Lintik walang kahit na sino ang naringgan ko na sinabing may kapintasan ang personal appearance ko lalo pa maraming babae ang kusang lumalapit sa akin para lang mapansin ko. Pikon at nag-iinit ang ulo na tinawagan ko si Collin. Higit kanino man siya ang pwede kong lapitan at kausapin sa bagay na gusto kong malaman da