9:

2033 Words
"HAYANARA…" Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Haya sa lolo niya. "Na-miss ko ang pagtawag mo sa 'kin ng pangalan na 'yan." Sisinghot-singhot na aniya sa don. Na-miss naman niya talaga ito. Lalo ang pagtawag nito sa kaniya niyon. Kaya nga ito kaagad ang sinadya niya pagkalapag na pagkalapag ng chopper sa mapolusyon na hangin ng Maynila. Tumawa ito. "Ikaw talaga na bata ka. Pagkagaling mo ba sa Isla Heredera ay sa akin ka dumiretso?" tanong ni Don Vladimir sa nag-iisang apo na babae. Tinapik-tapik nito ang balikat ng dalaga. Tumango naman si Haya. "Hindi ako napaano. Walang ginawa sa 'kin si Lautus. Kahit kiss, wala." Mas lalong lumakas ang iyak niya sa sariling tinuran. Lumakas naman ang tawa ni Don Vladimir. "Hay, apo ko. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa 'yo." Iniharap siya ng lolo niya, hinaplos siya sa pisngi. "Just give me back my credit card," biro niya sa lolo niya. Naglahad siya ng kamay rito. Mahina naman siyang pinitik ni Don Vladimir sa noo. "Clever." "Grandpops naman e! Napakapasaway!" "At nagsalita ang hindi!" Nakaingos na saad ni Don Vladimir sa apo. "Mag-alis ka na ng luha, pag-uusapan natin ang kasal mo." Siya naman ang napaingos. "Hindi na 'yon magpapakasal sa 'kin. Siya rin pala si Tutoy," aniya sa lolo niya, nanulis ang kaniyang nguso. "Hindi mo man lang ako sinabihan. Nakakatampo ka." Lumakas na naman ang tawa ng don. "Kung sinabi ko, e, 'di hindi ka lalong sumama sa kaniya?" "Hmp! Ang yabang niya, may isla na pala kaya gano'n kayabang. Saka Grandpops, nagsabi siya nang una pa lang na kung ayaw ko raw na magpakasal sa kaniya ay gano'n din naman siya. Huwag na natin siyang pilitin." "Sino naman nagbigay sa 'yo ng idea na pipilitin ko si Lautus na pakasalan ka?" "Ako. Alam kong 'pag hiningi ko siya sa 'yo ay ibibigay mo siya sa 'kin sa kahit anong mangyari." Pagak na natawa ang don. "Alam mo, d'yan yata ako nagkamali ng pagpapalaki sa 'yo." "Grandpops, walang mali sa 'kin hanggang sa paglaki ko, okay?" Naupo siya sa arm rest ng swivel chair ng don, sinuklay niya gamit ang kaniyang daliri ang iilan na lang na hibla ng buhok ni Don Vladimir. "'Yong si Tutoy, ang unfair talaga ng buhay. Siya na nga itong nakagawa ng hindi maganda sa 'kin noon, siya pa rin itong binigyan ng pabor ng life. Talagang nagkaroon pa ng isla. Ang masaklap, ngayon na may isla na nga siya, nagkagusto nga ako sa kaniya." Don Vladimir took a deep breath. Kinuha rin nito ang mga palad niya't pinisil ang mga iyon. "Hija, anong hindi magandang nagawa sa 'yo ni Lautus? S—Sure ka ba na siya 'yon?" She rolled her eyes. Iyon ang mahirap sa lolo niya, pagdating kay Lautus ay hindi siya nito pinaniniwalaan. Kaya nga rin hindi niya nagawang magsumbong noon dito. Kung gagawin din kasi niya iyon noon ay mawawalan ang lolo niya ng isang tao na malaki ang pakinabang nito. Saka, noong siyam na taong gulang pa lamang siya ay masyado pa siyang matatakutin sa simpleng salita. Hindi niya pa gaanong nauunawaan kung gaano kalaki ang yaman ng mga Henson at kung gaano makapangyarihan ang yaman ng lolo niya. "Gradpops, hindi ko na sana gusto pang ungkatin ang tungkol dito but…" nag-hesitate pa rin si Haya na sabihin kahit last minute na. Oo na, iniisip na niya ang kapakanan ni Lautus, damn it. Nag-aalala siya sa kapakanan nito kapag nalaman ng lolo niya ang partikular na bangungot na iyon na nangyari sa kanila sa nakaraan… NAPAHIGPIT ang hawak ni Lautus sa baso ng alak na kaniyang tangan. Kung nakakapagsalita lang ang baso na iyon ay humingi na iyon panigurado ng saklolo. Mariin siyang nakinig pa sa mga susunod pang sasabihin ni Haya kay Don Vladimir. Noong simulang pagkukuwento ng dalaga ay natuwa siya sa mga naririnig. Natutuwa siya na kahit dinig na dinig niya ang pagsinghot ng dalaga sa earpiece na suot niya na konektado lamang sa lolo nito ay nakukuha pa rin nitong magbiro. Tawa tuloy nang tawa ang don. Paano ay alam din nitong napapakinggan niya ang lahat. He felt sorry that she'd cried. Pero kagagawan naman nito iyon. Maawa man siya rito ay huli na, nakaalis na ito sa isla niya. Kung ano ngang iyak at singhot nito ay siyang tuwa naman niya kanina. Sino ba ang hindi matutuwa sa narinig? Inamin lang naman ng matapang na heredera na gusto siya nito. Gusto. Hindi pa mahal pero puwede na. Puwedeng-puwede na. Ngunit sa pagdaloy ng conversation ni Haya at ni Don Juan, malalim na napakunot noo na siya sa sumunod na tinuran ng dalaga. Ano ang sinasabi nito sa lolo nito na nagawa niyang hindi maganda? Wala naman siyang natatandaan na gumanti siya rito sa mga pang-aalipusta na nakuha niya mula rito. Kung sakaling gumanti man siya ay pawang sa kalokohan na paraan lamang. Petty things, kumbaga, kung ikukumpara naman kung paano siyang ipahiya ng heredera. Hanggang sa school kasi noon ay pinapahiya siya nito. Literal na brat ang apo ni Don Vladimir. Kaniyang pinagpasensyahan ang lahat ng iyon kaya huwag sanang magkamali si Haya na magsinungaling ngayon at hindi niya iyon mapapalampas sa pagkakataong iyon kung sakali. "Brat ka lang at spoiled, 'wag mo nang dagdagan nang sinungaling, Haya Henson, utang na loob," pagkausap niya sa sarili. Kailangan niyang gawin iyon, sa tuwing si Haya na kasi ang napag-uusapan, tinatanggap niya ang lahat ng mali sa dalaga hanggang ngayon. Oo, up until now na alam niyang fully grown-up na ang heredera ng Henson at may isip na. Up until now na hindi na sila playmate. "Okay, okay. Sige, pakikinggan na kita. Inhale, exhale, hija, nanginginig ang mga kamay mo." Na—Nanginginig? Gaano ba ka-worst ang napipintong sabihin ni Haya at ganoon na lang ang reaksyon nito? "SURE ako na siya 'yon, Grandpops." Pinagsalikop ni Haya ang mga palad nang magsimula na iyong manginig. "Playmate ko si Tutoy simula nang three years old ako. Alam ko na sa kabila nang mukha niyang hindi ka-g'wapuhan ay napakabait niya." "Exactly, hija, so, baka naman naipagkamali mo lang—" "Grandpops, no! Listen, okay? Just this once." Nagtaas ng mga palad ang don. "Okay, okay. Sige, pakikinggan na kita. Inhale, exhale, hija, nanginginig ang mga kamay mo." "Grandpops, tinangka akong molestyahin ni Tutoy no'ng eight years old pa lamang kami at naglalaro noon sa likod ng rancho ng bahay-bahayan." "What?!" Napatayo ang don sa nalaman. "But it's all in the past now, I mean, mga bata pa kami noon," agap naman ni Haya sa kaniyang abuelo. "Dala lang siguro ng malikot na imahinasyon niya ag nagawa niya. Hindi naman siya natuloy noon sa paghawak sa private part ko dahil matapang ako. Sinapak ko siya agad. Nilaslas ko ang leeg niya gamit ang stick na napulot ko noon sa Henson's Ranch." Ganoon nga yata ang pag-ibig, nakakatanga. Nakaka-scam. Binibigyang paliwanag ang mali kahit alam naman na ngang mali iyon. In her case, worst na iyon e. Pero nagawa niyang gumanti, at least. Nagawa niyang bangungot ang buhay noon ni Lautus. Pinagdusa niya ito, pinaramdam niyang hindi siya mahina. Oo na, tanga na kung tanga, tinamaan e. Hindi rin niya alam kung paano nangyari basta naaamin iyon ng puso niya ngayon. Bumuntong-hininga si Don Vladimir. "Hija, I—I'm sorry, wala kami ro'n to… protect you." Nahimas na lamang nito ang likod ng dalaga. Ngayon ay mas naiintindihan na niya kung bakit lumaking ganoon ang kaniyang apo. Kung bakit ito lumaking hinahamak si Lautus. Ang pangyayarinh iyon ang nagtulak kay Haya upang maging matapang, matatag, despite everything. Hanggang paglaki nito ay ni hindi ito nagpahawak sa kahit na sinong lalaki, ayaw makatrabaho ang mga lalaki, mga pinsan na lalaki lang ang malapit din dito. Kaya naman pala. "Naprotektahan ko naman ang sarili ko, Grandpops, wala po 'yon. And yeah, somehow, dahil sa pangyayaring iyon ay naging matapang ako hanggang paglaki ko. Hindi na ako nagpakanti pa sa kahit sinong lalaki." "My Hayanara Chevvy, I'm sorry…" Pagak na natawa na si Haya sa pagkakataon na iyon. Umalis siya sa pagkakayaka sa don, pinahid ang kaniyang mga luha. "Sorry ka naman nang sorry! Haist, parang alam ko na kung bakit!" Hindi ngumiti ang don kahit binibiro na niya. Bagkus ay mataman pa nga siyang pinagmasdan. Kinuha ang mga palad niya, hinalikan ang likod niyon gaya nang nakagawian na nitong gawin mula noong maliit pa lamang siya. "Ipapakasal pa rin kita kay Lautus, hija, that's why." Natigagal ang brat na heredera ng don. Marahas na napalunok. "T—Talaga?" Tumango-tango ang don. "Dapat na makasal kayo, gawing mong mas kasumpa-sumpa ang buhay niya sa piling mo." Seryoso naman ang lolo niya nang sabihin iyon pero napahagikgik siya, hindi niya napigilan. "Grabe nito sa 'kin!" Pabirong hinampas niya ang didbib ng abuelo. "But I'm not joking. Ipapakasal pa rin kita sa kaniya kaya maghanda ka." Nagkibit si Haya ng mga balikat. "Well, medyo prepared naman ako," pag-amin niya. "Napatawad mo na ba siya sa nagawa niya sa 'yo?" "I don't know," mas tunay niyang pag-amin. Hindi niya talaga alam. "Siguro, somehow ay nais ko na lamang na kalimutan ang pangyayaring 'yon kahit alam kong imposible, Grandpops. But then again, inosente pa naman kami pareho that time. Ang alam ko nga lang no'n ay ang laging sinasabi ni Mom na huwag kong papahawak sa kahit sino ang private part ko. Na para lang ito sa lalaking pakakasalan ako." "At least, may naituro palang maganda 'yang si Celeste sa 'yo kahit na parating nakatutok sa kumpanya niya." Napabungisngis siya. "Sa true lang, Grandpops." "But I'm so proud of you, right now, hija. Hindi mo lang alam kung gaano." Niyakap niya ulit ang abuelo. "Ako rin, sobra. Dahil kasi sa yaman mo kasi ay mapapakasalan ko ang taong gusto ko. Proud na proud ako sa 'yo!" pagbibiro niya ulit sa don. "Hmn, gusto lang ba?" "Uh—huh." "Hayanara, sa tuwing may gusto ka ay inaabot lang ng ilang buwan, pinagsasawaan mo na. Hindi gano'n ang pag-aasawa," seryosong bilin pa sa kaniya ng lolo niya. "Alam ko. 'Yaan mo na, marami ka namang panggastos sa abogado." "The lawyer is not a problem. Iyong pagsasama niyo ni Lautus, nakahanda ka ba?" HINDI na nag-abalang alamin ni Lautus kung ano ang laman ng maletang nadampot niya sa kuwarto niya. Basta ang alam niya ay iyon ang tinatangay niyang maleta sa tuwing nagta-travel siya. Nang mabitbit niya iyon ay kaagad siyang lumabas ng kuwarto. "B—Bossing—" "Ipahanda mo ang chopper, Vio," utos niya rito. Walang tanong naman itong sumunod. "Narinig mo naman siguro ang mga napag-usapan namin ni Hayanara," ani Don Vladimir sa earpiece na nakasuot sa kaniyang tainga. Iyon ang hinihintay niya kanina pa, ang pagsasalita ng don sa kabilang linya. "Loud and clear," simpleng tugon niya naman sa don. "So, any plans?" "Ikaw itong may plano. Sabi mo ay tuloy ang kasal." Tumawa ang don. "Of course, walang makakapigil do'n. Gusto ka ng apo ko, any comment?" Nagsirko yata ang puso niya nang ipaalala iyon sa kaniya ng don. "Saka na 'ko magkokomento, kapag sinabi na niyang mahal na rin niya ako." "Alright, any plans and comments about her revelation?" Naggalawan ang mga panga ni Lautus sa tanong na iyon ni Don Vladimir. "Saka na rin ako magkokomento. Malalaman mo na lang ang plano ko, one of these days." "Kahit kaunti ay wala ka talagang ma-spoil sa 'kin?" Napaismid siya. "Don Vladimir, sa 'yo nagmana talaga ang apo mong babae, napakatigas ng ulo, hindi tumatanggap ng mali, higit sa lahat, pasaway." Ah, bakit ba niya inisa-isa pa ang mga iyon sa don? E, mukhang mas higit niyang kailangan iyon upang maramdaman niyang abot kamay niya pa rin naman ang dalagang heredera. Kaya niya pang maitama ang mali. Kayang-kaya pa. "Hindi pa huli ang lahat, Lautus Traverson." "Don Vladimir Henson, sa Isla Heredera ko pakakasalan ang iyong apo." And that's final. Besides, tama naman si Baby, ang pangalan ng isla niya ay hango sa heredera ng Henson. Tama ang dati niyang nobya, paano siya magmamahal ng ibang babae kung iisa lang naman ang laman ng puso at isipan niya… Hintayin mo ako, Haya Chevvy, ibabalik kita sa kung saang isla ka nararapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD