10:

3077 Words
DELICATE, iyon ang tamang salita sa suot na traje de boda ni Haya. Ang tabas niyon ay ordinaryo lang, wala lang, naisip niya lang na hanggang sa huli ay inisin ang konserbatibong bilyonaryo na pakakasalan niya ngayong araw na ito. Or should she say—pakakasalan siya. Pero puwede rin naman na kabaligtaran, ganoon din naman—magpapakasal pa rin sila. Ah, kung ano-ano nang pinagsasasabi niya, kinakabahan kasi siya. "Wow! Sobrang ganda naman!" pambobola ng kaibigan niyang si Venus sa kaniya. Pumasok ito sa dressing room kung saan siya kasalukuyan na mine-make-up-an. Mula nang umalis siya sa Isla Heredera ay hindi pa sila nagkita ulit ng soon to be groom niya kaya dapat lang na maganda siya mamaya. Kaya rin yata sobrang kaba ang nadarama niya ngayon. "'Wag mo 'kong bolahin, ihahagis ko mamaya sa 'yo ang bridal bouquet nang makapag-asawa ka na rin," biro niya kay Venus. Kinahagikgik lang iyon ng huli. "Ihagis mo lang, tatakbuhan ko naman!" Nagsalo sila sa isang tawanan. "Shocks, hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ka na sa lalaking naka-shades no'ng gabing 'yon sa Reap & Sow Bar." Pagak na natawa si Haya nang ipaalala iyon ng malditang kaibigan niya. "Sira ka talaga! Pinaalala mo pa talaga 'yan!" "Oo, ipapaalala ko rin sa 'yo na sinabihan ka niyang malaman—o, na-chika mo 'yon sa 'kin, tandang-tanda ko pa dahil well, talagang mas sexy pa rin ako sa 'yo." Napailing na lang siya sa kalokohan ni Venus. "Ano ang masasabi mo sa traje de boda ko?" "Uhm, maiksi." Napahagikgik ang ikakasal. "Maiksi talaga 'to, saka litaw ang kaunting dibdib para mag-init ang bumbunan ng groom ko mamaya." Iyon ang kalokohan na naiisip niya, sigurado kasing magwawala si Lautus sa suot niya kapag nakita nito iyon. Ang haba ng tube dress na suot niya ay aabot lang sa gitna ng hita. Siguradong sasabihin na naman nitong kinulang iyon sa tela. Sinadya rin niya na tube iyon pero may pa-balloon na tela sa mga manggas na nagmistulang sleeves ng traje de boda. Kung sa kasaysayan siguro ng Henson, siya lang ang nakapagsuot ng sobrang modern na traje de boda. At siya lang din ang may groom na hindi nakita sa durasyon ng preparasyon ng kasal. Napahigit siya ng hininga. This is it. Pagkatapos ng araw na ito ay makakasama na niya sa iisang kuwarto si Lautus Traverson. Sana ay handa na siya. Ito lang din naman ang nag-iisang lalaki na nakakahawak sa katawan niya, after all. NAGKAGULO sa simbahan nang matanawan ng mga tao ang pagdating ng bridal car. Malawak ang ngiti ni Haya nang bumaba siya roon, para lang agad iyong mapalis nang salubungin siya ng mga pinsan niya. "Nagpasabi ang groom na hindi makakarating," anunsyo ni Blue sa kaniya. Grey chuckled. "Nagbago na agad ang isip. Para nga naman kasing kumuha ng isasaksak sa sarili niya ang lalaking pakakasal sa 'yo e." Siniko ito ni Red. "Shut up!" Of course, nabigla siya sa balita. Pero kasi ay wala na bang mas bago pa sa ganoong eksena? "Kumusta si Grandpops?" Ang lolo lang niya talaga ang concern niya at siya naman ay ayos lang. "Ayos lang naman siya, nagalit sandali. 'Ayun, nasa loob ng confessional room," si Blue ang sumagot sa tanong niya. "Confessional room?" Taas ang kilay na sambit ni Haya. "Talaga? Ayos ah, anong nakain niya?" Humagikgik si Page. "Baka raw mapatay niya si Lautus kaya unahan na niyang magsabi sa pari at nang maawat siya sa binabalak niya." "Teka, teka, hindi ka ba iiyak? Naghihintay ang mga camera o," untag ni Venus sa pag-uusap nilang magpipinsan. She rolled her eyes. "Hayaan mo ang mga cameraman na 'yan, exclusive talaga ang gustong kasal ng groom ko, ayaw niya na para siyang artista kaya siguro hindi sumipot." Nagtawanan ang mga pinsan niya kasama ng mga asawa ng mga ito at ni Venus. "Ilaban mo 'yan, sist!" pag-cheer sa kaniya ni Page, dito kasi galing ang bridal bouquet last time kaya biruan nga nila ay para mauuna pa siyang ikasal kay Grey. Inabot talaga iyon ng misis ni Blue sa kaniya. "Naman! Wala akong plano na sirain ang paniniwala about sa bridal bouquet na 'to," aniya, tapos ay naalala niyang hawak niya nga pala ang kaniyang bridal bouquet mismo. "O, Ven, sa 'yo na 'to." Inabot niya iyon sa kaibigan niya na wala nang nagawa kundi kunin naman iyon dahil nag-ingay na ang chopper na sundo niya. Naghiyawan ang mga pinsan niya sa pagdating ng chopper. "Naks! Ang bilis naman ng pa-chopper mo, Red ah," biro pa ni Haya sa pinsan. "Of course, tayo ang acting CEO ng Hensons Corp ngayon e," pabirong tugon ni Red sa kaniya, nagpagpag pa ng mga balikat. Nag-focus kasi si Blue lately sa mga restaurants ng Henson. Magaling naman kasing magluto, so, hinayaan na ng lolo nila. Kaya si Red nga muna ang CEO ng kumpanya nila. "O, paano, kayo na muna ang bahala rito at kay Grandpops, magpapakasal na muna ako," paalam niya sa mga pinsan bago niya patakbong tinungo ang pinagpaparadahan ng chopper na sasakyan niya patungo sa dulong bahagi ng Pilipinas. Isla Heredera, here I come! MINASAHE ni Lautus ang batok niya't panga kahit kung tutuusin ay hindi naman siya masyadong napagod. "Ta—Tama na, Lautus…" nakikiusap na sabi sa kaniya ng nag-iisang tao na kadugo niya. Pinagpag niya ang palad nito na nakahawak sa kaniya binti bago niya ito niyuko. "Pasalamat ka, napatawad ka na ni Haya at Don Vladimir, kung hindi ay hindi ko maipapangako na bubuhayin pa kita pagkatapos ng ginawa mo sa babaeng mahal ko." "Na—Nagbago na ako, hindi ko siya dinikitan na magmula nang malaman kong… gusto mo siya noon. Nalaman ko rin ang mga ginawa niya sa 'yo kaya nga gumawa ako ng paraan para matulungan ka kahit paano. Patawad, Lautus." Totoo naman ang mga binanggit nito. Nang basta na lamang ito sumulpot sa harap niya isang araw ay nagulat siya na iisa sila ng mukha—nalaman niyang may kakambal siya dahil pareho sila ng mukha nito. Noon lang niya napag-alaman na may pamilya pa pala siya. Hindi niya nakilala si Jace dahil sa magkahiwalay silang ampunan napunta matapos na tupukin ng sunog sa barko ang mga magulang nila noong pareho pa lamang silang anim na buwan taong gulang. Nagawa nito ang sinasabi ni Haya noong maging kapitbahay ng mayamang pamilyang nakaampon dito ang mga Henson. Nang makita siya ni Haya sa rancho ng pamilya nito sa Bataan ay napagkamalan na iisa sila. Tinulungan talaga siya ni Jace na mamuhay na katulad sa buhay na kinalakihan nito pero malaking parte niya ay nagsikap para sa kaniyang sarili. Naging stepping stone lang niya ang kapatid. Pero ang lahat ng punyagi sa kung ano ang mayroon siya ay credits sa pagsisikap niya at sa tulong ni Don Vladimir Henson. "Kay Haya ka humingi ng tawad. But my bad, hinding-hindi ko ipapakita sa 'yo ang magiging misis ko hangga't hindi siya mismo ang magsabi na ipakilala kita sa kaniya." Bumuga siya ng hangin nang makatayo na ulit siya. Sinenyasan niya ang mga tao niya bilang paghahanda sa kanilang pag-alis. Buti na lang pala at naisipan niyang magpa-plastic surgery ng mukha. Gayundin ang kakambal niya. Kung nagkataon ay magmimistula pang bangungot kay Haya ang mukha ng taong kamuntikan pang mang-molestya rito. Nang magkapera siya ay plastic surgery ang kaniyang inuna sa hindi niya malaman na rason. Iyon pala, somehow ay ninais din niya makasabay kay Haya. Of course, hindi siya iyon. Hinding-hindi niya magagawa iyon sa heredera. Bukod sa napakalaki ng utang na loob niya kay Don Vladimir, mula nang makita niya ang nag-iisang apo nito ay saka lang niya napagtanto na capable pala siyang magmahal sa ganoong paraan. 'Yung walang hinihinging kapalit at hindi mapaghanap. Gayong buong buhay niya ay hinahanap na niya ang kalinga ng isang magulang na natagpuan lang niya kay Don Vladimir gaano pa man na sabihin ng lahat na salbahe ang negosyanteng utak ng Henson Corp. "Ayusin mo ang coat mo, Bossing, medyo nagulo sa gawing necktie," ani Vio nang naglalakad na sila pabalik sa chopper nila. "Ayos lang 'yan, 'yung buhok ko ang malaking problema kung nagulo 'pag nagkataon." Hindi niya gustong magulo ang kaniyang buhok at kulot nga kasi. Vio chuckled. Tumahimik lang ito nang bigyan niya ng warning look. "Hindi ka pa dapat na tumatawa, nakakalimutan mo yata na hindi na tayo nakaabot sa simbahan." "Patawad, Bossing. Si Don Vladimir ba ay wala pang update sa 'yo?" Umingos siya. "Wala pa, malamang at nasa loob pa siya ng confessional room. Huling update niya sa 'kin ay hindi pa dumarating si Haya sa simbahan pero nakatawag na siya ng chopper para sa apo niya, update na lang daw niya 'ko ulit mamaya at mangungumpisal daw muna siya sandali." Hindi niya alam kung anong gustong palabasin ni Don Vladimir sa pagpasok nito sa confessional room sa simbahan pero wala na siya roon. Bahala na ito sa gusto nitong gawin habang nabubuhay pa ito sa mundo. NAKITA ni Haya na sumakay ng jeep ang owner ng Isla Heredera. Nang makababa kasi siya sa chopper na kaniyang sinakyan ay may isa pang chopper na nag-landing sa lugar at iniluwa niyon sina Lautus. Naroon na sila pareho sa Isla Heredera nito, kapwa nakasuot ng damit pangkasal, pero ang tinamaan ng magaling, hindi siya pinansin! Kahit anong tawag niya rito ay dinedma lang siya—sumakay pa ang mga ito ng jeep na hindi niya alam na kung saan galing! "Siraulong bilyonaryo!" asik niya sa ere, kuyom ang mga palad at gigil na nakatitig lang sa papalayong jeeo na sinakyan nito. Ano ba ang puwede niyang gawin? "Ang gago mo, Lautus Traverson…" "Señorita Haya!" "Tara na, Señorita, habulin natin ang 'yong mapapangasawa!" Namilog ang mga mata niya, nang luminga kasi siya, ang mga tao sa Isla Heredera ay naroon na, may kaniya-kaniyang maneho na golf cart at traysikel! "Syet. Tutulungan niyo po ba akong mahabol ang forever ko? For real?" "Aba ay, ikaw pa ba naman? Kay tagal naming hinintay ang araw na ito nang pagbabalik mo. Sabi namin, pagbalik mo siguro ay mag-asawa na kayo ni Lautus." Nagkantyawan pa ang mga ito. Pinahid lang niya ang mga namuong luha sa kaniyang mga mata bago siya agad na namili ng masasakyan na hahabol sa jeep na sinakyan nina Lautus. Naiyak siya dahil na-touch siya sa pinakitang pagpapahalaga ng mga tao roon sa kaniya—oo na, aaminin na niyang naiyak talaga siya more on sa pagtakbong ginawa ng hambog na si Lautus kaya humanda ito talaga sa kaniya mamaya! Traysikel ang napili niyang sakyan. Iyon kasi ang mabilis. Sadyang binilisan pa nga ang takbo ng drived dahil hayun, halos maabutan na nila ang jeep kung saan lulan ang kaniyang forever. "Abutan mo ang driver, Manong Ostin," aniya sa driver ng traysikel. Dahil maliit lang naman ang Isla Heredera, madali sa kabila ang magkakila-kilala noong mapadpad siya roon. "'Yun pong jeep driver ang kausapin natin para huminto siya." Ginawa ni Manong Ostin ang lahat upang maabutan ang jeepney driver ngunit hindi talaga inadya na magpang-abot sila. Para pa ngang nakakaloko ang tadhana dahil halos walang ibang sasakyan sa kalsadang tinatahak nila! Pero katulad niya ay hindi sumusuko ang driver niya, hanggang sa matanaw na nga niyang nakarating na sila sa mataong lugar. Palengke. Maraming establishment… Napangiti si Haya. Sa lugar kasi na iyon ay siguradong wala nang kawala si Lautus. "GRABE si Manong Ostin, may edad na ay maangas pa rin!" bulalas ni Vio nang matanaw nga nilang halos mahabol sila ng traysikel na kinasasakyan ni Haya. Nagulat din siya na agad nakahanap ng masasakyan ang heredera, ganoon na ito talaga kamahal ng mga kalugar niya. But yeah, mas nagulat din siya kay Manong Ostin. "E, Bossing, papasok na tayo sa palengke, malabo nang hindi tayo mahabol ni Manong Ostin," anang driver ng jeep sa kaniya. "Marami palang gas si Manong." Tatawa-tawa pa ito sa tinuran. Tumawa rin ang grupo nina Vio sa biro nitong iyon. Tinanguan lang niya ang jeepney driver. "Ayos lang. Siguraduhin mo lang na hindi makadikit si Manong Ostin hanggang sa makarating tayo sa pinakamalaking tindahan banda sa gawing kanan ng palengke." "Areglado, Bossing." NAKAKAINIS, hindi man lang magawang makadikit kasi ni Manong Ostin sa jeep na iton talaga. Kahit na nga ba nasa mataong lugar na sila. Napapamura pa nga siya sa isipan sa tuwing nahaharangan sila ng kung anong kartilya at mga sasakyan. Siyempre, idagdag pa ang mga taong nagkumpulan sa daan. Ang pakonsuwelo lang ng mataong lugar sa kanila ng traysikel driver ay nakikita pa rin nila ang jeep at hindi naglalaho sa paningin nila. Iyon naman ang mahalaga. "Mukhang papunta sila sa dulo." Tumango lang siya. Noong nag-stay siya sa Isla Heredera ay hindi niya naman napuntahan ang lugar na iyon kaya hindi siya pamilyar sa kung ano ang naghihintay sa kanila sa dulong sinasabi ni Manong Ostin. Pagdating nga sa 'dulo' ay parang papahinto na ang jeep na kanilang sinusundan kanina pa. "Sa pag-aari na tindahan ni Baby yata sila pagawi," dagdag pa ni Manong Ostin. "S—Si Baby? Pag-aari ni Baby? Papunta po sila kay Baby?" sunod-sunod niyang tanong. Kulang na lang ay idiin niyang si Baby na ex ni Lautus? Seriously? "Gano'n na nga, Señorita Haya." NAG-IISA lang ang tindahan na iyon ng mga alahas sa lugar ng Isla Heredera. Pag-aari iyon ni Baby. Oo, ng ex-girlfriend niya. Natuwa siya nang malaman niyang planong magnegosyo nito sa islang pag-aari niya kaya sinang-ayunan niya ito nang walang pagtanggi. Dahil gahol na sila sa oras at gusto naman din niya ang idea na ang pagbili at pagtangkilik sa mga produkto ng Isla Heredera ay nakakaangat sa kanilang lugar, napagpasyahan niyang doon na nga lang magpunta para makabili ng singsing. "Good afternoon—o, Lautus?" agad na bati ni Baby nang makita sila. "Saan ang lakad niyo? Bakit kayo mga nakaporma?" "Wedding ring ang kailangan ko," wika niya, binalewala ang mga sinabi ng babae. "Ah. Wedding ring…" bilang owner ng jewelry store, kumilos naman ito agad. "I guess, para ito kay Haya?" Simpleng tango lang ang itinugon niya sa babae. "Hmn, eto, bagay sa kaniya ang wedding ring na ito, delicate ang design, delicate kasi ang mga diamond, pero uy, fancy ring lang 'to. Hypoallergenic naman but still, sosyal ang mapapangasawa mo kay not sure kung magugustuhan niya 'to." Napakaganda nga ng singsing na ipinakita sa kaniya ni Baby. Nakakasiguro siyang nababagay iyon kay Hayanara Chevvy Henson. "Delicate," tumango-tangong sambit ni Lautus. "Delicate nga ang babaeng 'yon, 'pag nagalit." "DELICATE talaga kayo sa 'king dalawa!" Sabay-sabay na nilingon si Haya ng mga taong naroon sa loob ng jewelry store. "Señorita Haya!" "'Wag kang bumulalas d'yan na parang hindi mo alam na nakasunod ako sa inyo kanina pa!" asik ni Haya kay Vio. "Hey, hey, walang mag-aaway rito ha," sabi naman ni Baby. "Kung ano man ang hindi pagkakaintindihan niyo, labas na kami nila Vio." Taas ang dalawang palad na ani Baby sa kanila. Namilog ang mga mata ni Haya nang may mapuna siya sa daliri ni Baby. "Engaged ka na?" "Yup! Bilyonaryo rin si Wesley kaya hindi na 'ko talaga eepal sa inyo niyang Lautus mo!" Dahil pareho silang babae, isang hagikgikan lang sa isa't isa ay nagkaunawaan sila. Na siyang kunot naman ng kilay ng bilyonaryong nakatitig lang sa kanila kanina pa. Ilang sandali pa ay naiwan na sila roon ni Lautus. Walang paalam na hinayaan sila ni Baby at nila Vio na makapag-usap. "Haya, hindi ako ang tinutukoy mong—" "Sshhh." Humakbang talaga siya palapit kay Lautus at tinakpan niya ng kaniyang daliri ang labi nito. "Tapos na 'yon, ang mahalaga ay ang ngayon. Sa akin ba ang singsing na 'yan?" "Sa 'yo nga, pero hear me first, kakambal kong si Jace ang dapat na nakatikim ng mga pang-aalipusta mo at hindi ako. Pero no worries, sabi mo nga ay tapos na 'yon. Hindi mo na rin kailangan na gantihan siya dahil ako na ang gumawa niyon para sa 'yo. Narinig ko ang lahat courtesy of Don Vladimir. Nagulat talaga ako sa nalaman ko at nagalit." Pagak na natawa si Haya. "Inawat na kita pero nagsalita ka pa rin patungkol d'yan." pabiro niyang inismiran ang bilyonaryo. "Dahil mahalaga sa 'yo ang tungkol do'n." "Paanong mahalaga? Sa 'yo ko nga lang nalaman na may kakambal ka. No'ng hinabol kita ay hindi pa. Pinaghabol mo 'ko bukod sa pinahiya mo pa 'ko sa simbahan sa Manila!" Pabirong hinampas niya ang dibdib nito. Hinuli naman ng lalaki ang palad niya. Isinuot doon ang singsing na binili nito kay Baby. "Temporary lang ang singsing na ito. Papalitan ko 'to as soon as matapos ang kasal natin mamaya. As you can see, ginawa ko ang lahat ng alam kong magagawa ko upang makasabay sa yaman mo. Sobra mo kasing mapanglait noon." "Mapanglait ako pero hindi ako mapanghusga." "Pero lumaki kang walang nagugustuhan. Updated ako tungkol sa 'yo dahil kay Don Vladimir. Kaya inakala kong mataas ang standard mo." "Judgmental!" "Haya Henson, sa lahat ng mga nangyari sa ating dalawa ay nanatili kang nakatago sa puso ko. Sinubukan ko man na magmahal ng iba ay hindi ako nagtagumpay. Patunay ang isla na ito ng pagmamahal ko sa 'yo." "Weh?" Umikot ang mga mata ni Lautus. "Seryoso ako rito kaya puwede bang sumeryoso ka naman?" "Sige na nga, I love you na." "A—Ano? Akala ko gusto mo lang a—" Nahinto na ang sasabihin pa ni Lautus, sinaraduhan na kasi ni Haya ang bibig nito. At doon na rin mismo sa nag-iisang simbahan sa Isla Heredera sila ikinasal. Nahirapan pa nga ang pari na mapaghiwalay ang lingkisan at halikan nila, aba, malay ba naman niyang ganoon pala kasarap ang yakap at halik na galing sa taong pinipintig ng puso mo. "Sa wakas, sa akin ka rin bumagsak," masuyong bulong ni Lautus kay Haya na ngayon nga ay misis na niya. "Sa wakas, sa 'yo pa rin ako bumagsak," masuyong ganti rin nito. Nalaman na kasi nitong kay Jace pala ito itinakdang ipakasal ng lolo nito. Nagkataon naman na naaksidente ang kakambal niya sa out of the country trip nito at nagpapagaling kaya si Lautus na mismo ang nagprisinta sa sarili kay Don Vladimir na siya muna ang bahala sa apo nito. Iyon lang din kasi ang nakikita niyang paraan upang madala niya sa Isla Heredera ang nag-iisang apo ng don. And well, the rest as they say, is history. Ang mahalaga na lang naman sa kanilang dalawa ay ang kanilang panibagong simula—Together. ~WAKAS~ ©LUNAMARGARET

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD