Chapter 3

915 Words
Hope's POV  "Ma, gagala ako ah?" paalam ko kay Mama na noo'y abala sa paghuhugas ng mga pinggan.  Nasa kusina siya at nasa tapat na ako ng pinto. Gano'n ako eh, saka lang magpapaalam kapag aalis na para walang palag. Hehe. "Nagpaalam ka pa eh bihis na bihis ka na? Ano'ng oras ka ba dadating at nang hindi kita malock-an?" tanong niya. Nakasungaw na siya ngayon sa pinto.  "Ma naman... kailangan pa ba 'yan? Magbebente na ako tapos 'yan parin ang tinatanong mo? Dapat ang tinatanong mo ay kung may pera ba akong pang-gala," sabi ko sabay ngisi. Dahil sa sinabi ko ay iniangat ni Mama ang isa niyang paa "Bigwasan kaya kita diyan, gusto mo? Kaya nga lang kita pinapayagan dahil wala ka namang silbi rito sa bahay, kaya mas mabuting doon ka nalang sa galaan," singhal sa akin ni Mama. Sorry na nga eh. Paulit-ulit sa walang silbi, Ma? Umirap ako sa kawalan. Ang susungit ng mga tao ha?  "Sige na, Ma. Alis na ako," I said. Isinarado ko ang pinto at tuluyan nang lumarga.  "Hi miss, saan ka?" tanong ng isang construction worker na nadaanan ko habang naglalakad patungo sa kanto kung saan nakaparada ang mga tricycle sa amin.  "Sa langit Kuya, gusto mo sumama at nang mabawasan ang mga manyak sa mundo?" Masungit kong tanong sa kanya. Sige magsalita ka pa! Magsalita ka pa at bibigwasan din kita! Naghintay ako kung may sasabihin pa siya pero wala na, tinawanan lang siya ng mga kasama niyang mga construction worker.  "Mabuti sana kung gwapo ka..." Bulong ko nalang saka nagpatuloy sa paglalakad.  "Manong sa may SM po," sabi ko sa driver ng tricycle na sasakyan ko patungong SM. "Mag-isa lang ba kayo, Ma'am?" Tanong ni Kuya. Matagal pa akong nakipag-titigan sa kanya bago sumagot.  "Kuya, kailangan ba talagang ipamukha sa akin na wala akong jowa? Oo kuya, mag-isa lang ako. May nakikita po ba kayong hindi ko nakikita?" Pasarkastiko kong tanong.  Napakamot nalang siya sa kanyang batok at pinaandar ang kanyang tricycle.  Bi-ni-beast mode ako ng mga tao ngayon, ha? Nakakasakit sa bangs! My gosh talaga! "Bayad, Manong. Keep the change," taas noo kong sabi ko kay Manong sabay abot ng bente.  "Wala naman na 'tong change Ineng, kulang pa nga 'to kasi ang layo nang pinanggalingan mo," si Manong sa nagrereklamong boses. "Sige Manong, thank you pala. Hehe," awkward ko pa siyang kinawayan.  "May pang-SM walang pamasahe," bulong niya at napailing nalang.  "Oo nga naman self? May pang-SM ka wala kang pamasahe?" Kumunot ang noo ko ngunit sa huli'y nagkibit balikat nalang.  "Miss, pacheck ng bag," binuksan ko ang bag ko ayon sa utos ng babaeng guard bago makapasok sa mall.  "Okay na po?" Tanong ko nang napansin kong kalkalin niya na halos lahat ng laman ng bag ko.  "Okay na, Miss," aniya at tuluyan na akong pinapasok.  'Di naman ako nainform na concert pala 'tong papasukan ko, ang daming alam! Pero siyempre, joke lang. Policy nila 'yon kung hindi, sila ang malalagot.  "Ma'am turmeric po, try niyo na po, Ma'am," alok sa akin isang babae habang naglalakad ako.  "Ay sorry po. Allergic po ako sa luya," awkward ko siyang nginitian sabay ngiwi. Nakasakay na ako sa escalator nang marinig kong may nagsisigawang mga tao.  "Ay ano ba 'yan!" Anila. I was about to look up pero huli na ang lahat. Wala na akong nagawa kundi ang panlakihan ng mga mata nang makita ang isang lalaking babangga na sa akin.  "Oh my gos―" hindi na ako nakailag dahil nabunggo niya na ako. Nawalan ako sa balanse kaya naman ay natumba ako at gumulong pababa sa escalator.  "'Yong babae, tulungan niyo dali!" iyon nalang ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.  Ang sabi ng Doctor ay mahigit pitong oras akong nakaratay dito. Sabi ko pa nga, mabuti at hindi ako inembalsamo.  "Wala naman pong masyadong bali, Sir. 'Yong kanang kamay niya lang ang medyo namaga dahil iyon ang naunang tumama sa sahig at nadaganan," anang Doctor sa kausap niyang lalaki na hindi ko naman kilala.  Hindi ba dapat sa akin niya 'yan sinasabi? Kaano-ano ko ba 'yan?  "Sige po, Mr. and Mrs. Montreal," paalam ng Doctor saka ito lumabas kasama ang nurse.  A-ano? Tama ba 'yung pagkakadinig ko? Mrs? Ano 'yon? Mrs. Montreal?  Napabaling ako sa lalaking nakapamulsang nakatayo sa harapan ko. His eyes are hawk-like. Kulay asul ang buhok at nakasuot ng suit.  Ang alam ko hindi naman nabagok ang ulo ko bakit gano'n? Nagka-amnesia na ba ako? Ano 'yon nahulog ako sa escalator tapos paggising ko may asawa na ako? Ni wala nga akong boyfriend! "S-sino ka?" Tanong ko sa Manong na kanina pa pala nakatingin sa akin.  "I'm Perseus Montreal. Owner ng Mall where you had an accident. IT is our responsibility to take charge on every damage that we have caused you," seryoso niyang sabi habang nakahalukipkip akong tinititigan.  Nakakadugo naman ng ilong 'tong si Manong. Hindi man lang ako pinasabihan na kailangan kapag naospital ka ay knowledgeable ka lalo na sa pag-e-English. "So... ano naman Manong?" bangag kong tanong. Bakit kasi may ganito? Hindi ko naman 'to pinag-aralan noong nag-aaral ako ah?  "We'll take full responsibility and all the expenses were all on us, kapalit nang pananahimik mo," he said.  "A-anong pananahimik?" kinakabahan kong tanong.  Ano 'to papatayin na ba nila ako?  "Wala kang sasabihin na maaaring makasira sa business namin, in return, we will give you whatever you want," aniya.  Napakurap-kurap ako.  Hmm...nginuya ko ang labi ko at napatango-tango. Pa'no kung gusto ko ng boyfriend maibibigay n'yo ba? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD