Chapter 4

1044 Words
Hope's POV  Isinantabi ko muna ang boyfriend. Ang kailangan ko ay ang mapagaling kaagad ang sugat at pilay ko dahil siguradong lilitsunin ako ni Mama kapag umuwi ako na ganito ang ayos. "Ahm...mala-genie ba 'to? Tatlong wishes gano'n?" Kunot-noo kong tanong.  Umiling siya at tamad na humalukipkip. He sighed before answering my question.  "Yes it is, it's a genie-like proposal but instead of three wishes, we will give you eight wishes," he said.  Teka nga lang? Anong meron sa eight? Noong nakaraan pa 'tong eight na 'to ah? Wala na bang ibang number?  "Why eight?" tanong ko, naguguluhan. "Nothing. Just eight," he said. Iniangat niya ang kanyang kaliwang braso para tingnan ang kanyang relong pambisig.  "Manong, may pupuntahan ka ba? Parang nagmamadali ka?"  "I have a meeting to attend, can I leave you here? I... I promise I will comeback," aniya.  Sunod-sunod ang naging tango ko.  "Walang problema, Manong. Basta kapag 'di niyo ako binalikan dito sira ang kinabukasan ng business mo," nagtaas ko ng kilay at nanghahamon sa kanya. "I will call Remi to accompany you here, I'll be back," aniya bago inilabas ang kanyang cellphone na ngayon ko lang nakita.  "Remi, be here at Heaven Hospital," he instructed to whoever he is calling. Heaven Hospital? Bakit? Mukha bang heaven 'to? Pagkababa niya sa cellphone niya ay inilagay niya kaagad iyon sa kanyang bulsa, hindi niya pa tinanggal ang kanyang kamay doon, pinanatili niya iyon doon sa loob. "He'll be here," aniya at naglakad patungo sa sofa ng hospital.  "He? Akala ko ba Remi? Bakit He?" takhang tanong ko. Bahagyang napabalikwas. Paano ba naman lalaki na naman? Paano kung pagsamantalahan ako n'on dito? Ano ang laban ko? "He's gay," aniya na nakapagpakalma sa akin. I pouted and nodded.  "Sir," bungad ng hinuha ko'y si Remi na nga. Tumayo si Manong kaya naman nakumpirma narin ang hula ko.  "Remi, samahan mo muna siya rito. I'll just need to attend a meeting with Mr. Okinawa," pakiusap niya kay Remi.  "Sure, Sir," aniya saka niya ako nilingon. He smiled at me, iyong ngiting parang napipilitan dahil nandiyan ang boss. "I gotta go," Manong said saka ito may ibinulong pa siya kay Remi na hindi ko narinig, s'yempre hindi ko talaga 'yon maririnig kasi bulong nga 'diba? Duh? "Hi, Madame!" Bati sa akin ni Remi.  "Hello, sa'yo," awkward ko siyang nginitian kagaya ng ginawa niya kanina sa akin. "We would like to say our deepest sorry to you, Madame. Hindi po namin sinasadya at ginusto ang nangyari sa inyo," aniya with matching punas ng luha kahit wala naman talaga.  Kung acting mentor lang ako, ibabagsak ko 'to. Walang talent sa acting. Dapat kasi ginagaya ako eh. "Alam ko naman 'yon Kuya. Ayos lang po 'yon," nginitian ko siya pero natigil siya sa acting niya dahil siguro sa sinabi ko. Napatakip pa ako sa bibig ko nang marealize ko kung ano nga ang nasabi ko na nakasakit marahil sa damdamin niya.  "Aray ko naman sa Kuya, Madame. Baka makalimutan kong pinagsisilbihan kita," aniya at awkward ulit na tumawa. "Ay hindi po, Kuya―este Ate," napalunok ako. Bahagyang natakot dahil sa pagbabanta niya. Kahit naman bakla siya, lalaki parim siya 'no?! Equivalent padin ng lakas ng lalaki ang lakas niya. "Ayan! Ganyan dapat para magkasundo tayo," aniya at pabiro akong hinampas sa braso kaya naman napadaing ako.  "Aray ko naman po," napangiwi ako dahil sa kaunting sakit.  "Sorry, Madame." Paghingi niya ng tawad saka hinaplos ng marahan ang braso ko. "So boss mo 'yon?" tanong ko para mabasag ang katahimikan naming dalawa.  "Ay, Hindi ba obvious, Madame?" nagtaas siya ng kilay at inilagay ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib.  "Ah, hehe," napakamot ako sa aking ulo. Oo nga naman. Gano'n na ba ako ka tanga para magtanong pa ng gano'n? My gosh! "So ano bang sinabi sa'yo ni Sir, Perseus?" bulong niya sa akin. Mas inilapit pa ang kanyang sarili sa akin.  Tsismosa mo ha? "Wala naman...nangako lang siya na babalik siya pagkatapos ng meeting at 'tsak―"  "What?! Nangako as in promise? Si S-sir Perseus? Nangangako? I doubt that!" Pahisterya niyang angal at pinaypayan ang kanyang sarili.  "Bakit naman? Normal naman 'yon ah?" Kunot-noo kong tanong.  Nagtutunog defensive pa nga. "Kasi si Sir...ano 'yan eh..." kinagat niya ang kanyang labi pagkatapos niyang kagatin ang kanyang mga kuko na parang balisa.  "Ano?"  "Shh... ka lang ha?" aniya at mas lalo pang lumapit sa akin. Ate, gaano ba kaclose ang gusto mo? "S-sige..." I said. 'Di ko alam kung 'di ko sasabihin 'to ah? Daldalera ako at ngayon palang, sorry na! "Terror 'yan. Hindi mo 'yan makakausap kapag nasa office ka niya, kaya nga maraming natatanggal eh. Minu-minuto yata siyang nagtatanggal ng trabahante," aniya na parang ingat na ingat sa sinasabi.  "Ha? Parang hindi naman?" nalukot ang mukha ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya.  "Ay naku, Madame!" aniya at hinilot ang kanyang sentido.  "Alam mo ba na magpapasalon pa dapat ako kanina pero dahil lang sa tawag niya? Ayun at napurnada!" pumalakpak siya at umiling.  "Snob lang siya at parang seryoso palagi, pero sa tingin ko 'di naman..." pagtatanggol ko pa.  "Baka sa'yo. Baka nabihag mo, Madame!" humalakhak siya.  "Ano bang pinagsasasabi mo? Baka maniwala ako ah?" I chuckled.  "Wala ngang nakakalapit diyan ni isang babae, Madame! Babae ang nanliligaw diyan, hindi siya," tawa niya. "Weh? Grabe naman pala 'yang boss niyo," salubong ang kilay kong sabi.  "Pero iba kas―"  "Remi." Matigas ang boses na bungad ni  Manong na bigla nalang pumapasok sa kuwarto ko. Hindi ka marunong kumatok, girl? "Ay iba ang tatay kong bakla!" Sigaw ni Remi sa gulat at nilingon ang boss niya sa pinto na ngayon ay bihis na.  "You can go now, ako na ang bahala rito," he directed bago tinanguan si Remi para makalabas na.  "S-sige, Madame..." aniya pero bago siya lumabas ay sinenyasan niya ako. Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig.  "Shh ka lang, Madame..." kinagat niya ang kanyang labi.  "Bye, Sir." Paalam niya at lumabas na, nagmamadali.  "Tapos na ang meeting, I'll be the one who'll accompany you here," seryoso niyang utas. Tumango ako at isinatinig na ang una kong kahilingan.  "'Diba sabi mo may eight akong wishes?"  "U-huh?" he hummed habang tinutupi ang kanyang suot na long sleeves hanggang sa siko.  "Gusto ko nang magkaboyfriend, 'yon ang una kong hiling," I said and bit my lower lip. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD