Chapter 2

732 Words
Hope's PoV Nanlaki ang mga ko dahil sa nakita't nabasa. Ito na ba ang sign na kailangan ko nang lumandi? Omg! Hindi ka pa ba malandi self? Argh! Nakakainis ha? Kung kailan balak ko na magpakatino, doon naman dadating ang ganitong klase ng blessings. Wait...is this really a blessing? Binasa ko ang nakasulat doon. It says... 1. Find a decent guy. (Unique if possible) Wow ha? Sa panahon ngayon, madalang nalang ang mga lalaking disente, halos kasi lahat ng mga lalaki ay tambay nalang sa kanto kaya ayun! Palamunin parin kahit matanda na. Ay wow naman, nagsalita ang hindi palamunin. "Unique if possible..." Hmm...Kung mamimili man ako ng unique na lalaki, simulan natin sa pinakamataas na bahagi ng katawan, buhok. Common na ang itim na buhok, gusto ko 'yung kakaiba. Blue! Favorite color. Move on na tayo sa susunod, sabi naman dito ay... 2. Make him notice you. Well, likas naman na sa akin ang pagpapansin kaya easy nalang 'to. 'Yon lang kung snob ang lolo niyo, baka naman di ako pansinin 'non kahit maghubad na ako sa harap niya, ha? Wait?! Anong maghuhubad? Hindi ka pinanganak para maging malaswa, Hope ha? Isipin mo, dalagang Pilipina ka! Next na nga lang! 3. Ask him on a date. Wow ha? Talagang ako pa ang magtatanong? Hindi ba dapat lalaki ang gumagawa sa bagay na 'yon? Pero para sa love life? Sige lang Hope. Makapal naman mukha ko eh. Maglalandi na nga ako, hindi ko pa sasagarin. Ang hirap lang kasi maimagine na ang isang Hope Mallari ay inaayang makadate ang isang lalaki. "Can we...go out for a date?" "My gosh!" naihilamos ko pa ang kamay ko sa aking mukha. Humarap ako sa salamin at itinuro ang sarili. "Ako? Magyayaya para sa date? Duh?" sinabi ko iyon pero parang labag sa kalooban ko. I pouted at muling tinitigan ang ikatlong paraan. Ask him for a date. Ask him for a date. Ask him for a date. Nage-echo iyon sa buong pagkatao ko. Peke akong napahikbi at niyakap ang itim na notebook. "Sige na nga," napakamot nalang ako sa aking ulo. 4. Dress well and be attractive. Talagang tinuturuan akong lumandi nitong notebook na'to ha? Pero sige, marami naman akong kaibigan na magaling sa OOTD. Buti nalang walang sinabing "Be seductive." dito, dahil kung meron man, susunugin ko talaga 'tong notebook na 'to! 5. Show him your special talent. Impress him. Aguy. 'Yon lang. Ano nga bang talent ko? Wala nga akong talent, special pa? Special siguro ako, special child pero talent? Saan ko naman kukunin 'yon? Sabi ni Mama, lahat daw ng tao may kanya-kanyang talent, 'yong iba daw hidden. 'Yong sa akin naman, sa sobrang pagka-hidden kahit ako hindi ko din makita o malaman kung may talent ba ako o wala. Talaga bang ganda nalang ang maiaambag ko sa pamilya namin? Si Mama magaling kumanta at sumayaw noong kabataan niya. Si Papa naman, magaling sa mga arts and any related sa arts. Tapos mga Tita at Tito ko artista at talented tapos ako ganda lang talaga?! Wala na, dito palang, wala na. 6. Make him fall in love. Aguy! Napansin ko lang na pahirap nang pahirap 'tong pinapagawa ng notebook na 'to ah? Baka nga hanggang number 1 lang ako eh. Aabot kaya ako hanggang 8? Kung sa number 2 palang ligwak na ako edi wala na? Tapos na, gano'n? 'Yon na 'yon?! 7.Wait until he ask you to marry him. Wow. Siguro 'yong nagsulat ng walong paraan na 'to ang taas ng pangarap? Kung di ko nga kayang mapansin niya ako, 'di ako marunong manamit, wala akong talent at kung ano-ano pa! Wala na talaga. My life is so poor! Pero teka nga lang...bakit ba ako nagbabasa ng ganito? Pinapaasa lang ako nito na magkakaroon ng lalaking mamahalin ako pero sa huli, imahinasyon lang pala ang lahat. Ang daya! I sighed. Ano ba naman 'to! Kung hindi ako papalarin dito, mapipilitan ako kay Isko na kapit-bahay namin. Pero siyempre, joke lang. I have class, duh?  Tamad kong binasa ang huling paraan. 8. Make love. Nanlaki ang mga mata ko at parang naghugis puso ang mga ito. Pagkatapos ng unos, alam ko makakaahon din ako! No Hope Mallari? Magpapayari ka ba at susugal kahit alam mong 'di ka sigurado o susuko ka nalang? Siyempre susuong ako! Kahit sa huli, hindi ko alam kung ako ba ang panalo o uuwi akong luhaan at talo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD