Chapter 5

895 Words
Hope's POV  "Gusto ko nang magkaboyfriend, 'yon ang una kong hiling," taas noo kong sinabi.  Napatigil siya sa ginagawa niyang pagtutupi sa kanyang long sleeves. Napaangat ang titig niya sa akin.  "Are you even serious, Miss?" nagtaas siya ng isang kilay saka humalukipkip sa akin.  Tumango ako.  "Oo naman, bakit? Mukha ba akong nagbibiro?" Itinuro ko ang sarili ko habang ang panga ay umiigting pero siyempre, acting lang. Para kunyari seryosohin ako ni Manong. Desperada na kung desperada pero...gusto ko nang magkajowa! "Sure?" Kinagat niya pa ang kanyang pang-ibabang labi na parang nagpipigil ng tawa.  "Bakit? Hindi ba kapani-paniwala? Bakit ikaw? May girlfriend ka ba?" pagsusungit ko sa kanya.  He shook his head. Nawala ang kaninang ngisi niya. Sabi ko na eh. Thanks to Remi for the gossip. Haha. "Gusto ko lang malaman kung ano sa pakiramdam ang may boyfriend," sabi ko at huminga ng malalim.  Ngumuso ako at nagsimula nang isipin kung ano ang gagawin ko kapag may boyfriend na nga ako. "It will just be a burden to you," sagot niya.  "Baka para sa'yo, kasi iba-iba naman tayo ng klase kung paano maghandle ng relationship hindi ba?" nagkibit balikat ako.  "We can't force someone to like you," aniya na nakapagpatanga sa akin.  "Grabe ka, Manong ha? Real talk talaga? 'Diba sabi mo gagawin mo lahat? Nasaan na?"  He sighed.  "Fine. Kung gusto mo talaga..." he said and shook his head.  "Paano mo naman gagawin 'yon? Kaya mo?" hamon ko sa kanya.  "I'll ask Remi to conduct an audition, s'yempre kasama ka sa judges para mas makapali ka," Aniya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon.   "Talaga?! Hindi 'yan talkies ha?" nangingiti at excited kong sabi.  "Yes," aniya.  "So kailan ba ako pwedeng lumabas dito?" kunot noong tanong ko.  "I still have to ask your Doctor about that," salubong ang kilay niyang sinabi.  Napatango nalang ako.  "Ay Manong!" Tawag ko sa kanya nang may maalala.  "What is it? And can you stop calling me, Manong?" Pagsusungit niya. "Okay. Sungit! Nasaan nga pala 'yong bag ko? Kanina ko pa 'yon hindi nahahagilap ah?"  "Nasa office ko," simple niyang sagot.  Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Paano kung kinakal niya 'yon? Paano kung...nakita niya yung black book ko? I mean...'di pala akin 'yon.  "Pwede ko bang makuha? May importante kasi doon..."  "Like what?" Bored niyang tanong habang may binabasang kung ano sa magazine na naroon.  "It's too personal for you to know, data privacy," ngumuso ako. Akala mo ba hind ko 'yan alam? Duh? Hindi porque mahirap kami...ay 'di pala kami mahirap may kaya pala...'yon! Akala mo ba? Nag-aaral din ako 'no?  "Okay," iyon lang ang naging sagot niya.  Hapon din noong araw na iyon ay pinayagan na akong makalabas sa hospital. Wala naman daw kasing major na bali. Binigyan lang ako ng ilang mga gamot para sa mga gasgas ko.  Siguradong bubungangaan na naman ako ni Mama! My gosh! Twenty years old, binubungangaan pa ng Nanay? Ano ka? Ako?! I smiled nang may maisip akong idea.  "Manong, hindi ako pwedeng umuwi ngayon, baka naman may alam ka diyan na puwedeng matuluyan muna habang nagpapagaling, baka kasi palayasin din ako ni Mama kapag nakita niya 'yong mga gasgas ko at saka kayo din...kasiraan sa business niyo 'yun! Mabunganga pa naman si Mama," nagkibit balikat ako.  Akala ko ay tututol pa siya pero ang naging sagot niya lang ay... "You can stay in my condo for a while," aniya. Napamulagat ako dahil sa sinabi niyang iyon.  "Ha?! Seryoso? Okay lang kahit mga apartment lang pero kung condo mas okay, hehe." tawa ko.  Ang kapal ng mukha natin, Hope ah? "Pero paano 'yon? 'Diba doon ka din?"  Umiling siya.  "May bahay ako. Binili ko lang 'yon for emergency purposes," aniya na parang walang kabagay-bagay iyon sa kanya.  "Okay," tango ko nalang. Doon nga ako natulog mag-isa. Hindi naman nakakatakot dahil hindi rin ako natulog. Nanood lang ako ng movie.  Fifty shades trilogy. Hehe. S'yempre inosente parin naman tayo kahit na gano'n.  "Good morning self kahit hindi ka naman talaga natulog," Bati ko sa sarili ko at nag-unat, halos mapatalon nga lang ako nang magring ang telepono sa gilid ko.  "Hello, good morning...McDonals Delivery what's your order po?" I chuckled.  "Niloloko mo ba ako?" Boses iyon ni Manong.  Umagang umaga naman 'to ang init kaagad ng ulo! "Maligo't magbihis ka na dahil isang oras nalang magsisimula na ang audition para sa magiging boyfriend mo!" Medyo pagalit niyang sinabi.  "May susundo sa'yo diyan mamaya papunta rito," aniya pa at binabaan na ako.  Tatanungin ko sana kung anong isusuot nang maalala na nagshopping nga pala kami kahapon.  Pero paano 'to? May pilay pa ako sa kamay...baka mamaya walang mag-audition ha? Alas otso nang umaga nang bumaba ako sa lobby, naroon na rin ang susundo sa akin.  Nang makarating ako doon ay sa likod pa kami idinaan dahil sobrang daming tao. Pinapasok ako sa isang kuwarto kung saan may nakalagay na 'Audition Room".  Naabutan king nakaupo doon si Remi at si Manong na seryoso lang akong tinignan. Nakaupo siya sa gitna at sa kanang bahagi niya si Remi na nakangiti sa akin. Doon siguro ako sa kaliwa, sabi niya kasamang judge din ako eh.  "Grabe, Madame ha? Nakita mo 'yung pila sa baba?" Si Remi, tumango ako.  "Gan'on kadami ang jowang-jowa sa Pilipinas, pero sa tingin ko nga nasa ten percent palang 'yan!" Aniya sabay hagalpak sa tawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD