Chapter 6

783 Words
Hope's POV  "Start na daw, pakitawag na ang unang mag-au-audition," utos ni Remi sa babaeng in charge sa pagpapapasok at pagtatawag ng mga pangalan. Excited ako dahil malay natin...nandito na pala ang ka-forever ko. Napalingon ako kay Manong na nakatukod ang dalawang kamay sa lamesa at mukhang bagot na bagot na, hindi pa man nagsisimula ang audition. "Name?" si Remi na nakapagpabalik sa huwisyo ko sa katotohang mundo. "Alfred DeL Sol," nakangiting sabi ni lalaki. "Bakit ka sumali dito sa pa-audition?" Tanong ko. Sumeryoso muna ako kahit ngayon lang. "Kasi gusto kita," sagot niya saka naglip-bite. Napangiwi ako dahil sa ginawa niya. Ang m******s naman nito. Ekis sa akin 'to. "Next," sabi ko. Napakamot naman ng ulo si Remi habang si Manong ay wala man lang ekspresyon. "Name?" "Francis Realonda," anang lalaki na payatot. Mukhang isang ubuhan nalang 'to bibigay na ah? "Anong mga talent meron ka kuya?" Tanong ni Remi na natatawa pa. "Magaling po akong sumayaw, at kaya ko pong magtumbling ng sampung beses, paulit-ulit," proud pa siya sa sinabi niyang iyon. "Hindi na namin ipapagawa Kuya ha? Baka mamaya magkanda putol-putol 'yang katawan mo dito, next!" napahilot sa batok si Remi. "Oh ikaw Kuya?" "Ako po si Yuhenyo Almasan, nagtratrabaho po ako sa isang factory meron po―" "Oh tama na kuya, pang MMK na 'yang mga chinichika mo," putol ni Remi sa kanya. "Tsaka...ilang taon ka na po ba, Kuya? Sixty ka na yata eh?" tanong ko. "Pipti nayn palang naman Ma'am," matigas ang boses niyang sagot. "Next," kinikilabutan kong sabi. "Hoy Manong! Tulungan mo naman kami sa maghanap, nakaupo ka nga riyan, wala ka namang ginagawa," sabi ko kay Manong pero nilingon niya lang ako at sinimangutan. "Wala akong makita sa kanila na kakaiba," sagot lang niya at isinubsob ang mukha sa lamesa. Napabuntong hininga ako. Sa mga sumunod na nag-audition pa ay puro lang next ang nasabi namin ni Remi habang si Manong naman walang ginawa kundi ang umiling at magreklamo. "This is insane," iling niya. "Reklamo ka naman nang reklamo Manong! Bakit? May naitulong ka na ba? Wala pa naman 'diba?" inirapan ko siya at sinimangutan. "Who gave you a permission to role your eyes to me?" salubong ang kilay niyang tanong. "Hoy Manong, baka nakakalimutan mo kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng pag-aari mo?" pinagtaasan ko siya ng kilay. Mas lalo lang akong ngumisi nang wala siyang sinabi at ginawa kundi ang paigtingin ang kanyang panga. You're my slave, Manong. Nawawalan na ako ng pag-asa nang pumasok ang isang lalaking may dalang gitara. Matangkad, may hitsura...pero mas guwapo si Manong. Teka, ha? Bakit ko naman pinupuri 'tong Manong na masungit na'to?! Napaayos ako sa pag-upo. I even heard Remi clear his throat. Umayos din siya sa pagkakaupo at ipinatong ang kamay sa lamesa. "Ayusin mo na 'yan Kuya ha? Kapag nagfail ka pa dito, ewan ko nalang," bilin ko. "Sure, Miss." Aniya saka ako nginitian. Dahil sa ginawa niyang iyon ay lumabas ang kanyang may kalalimang dimples. "Uw...dimples, check," pabulong na sabi ni Remi saka ako binalingan na may nakakalokang ngiti. "Tss..." ang kaninang walang pakialam na si Manong ay nanonood narin sa wakas. Nakakunot ang kanyang noo habang nakasandal ang likod ng kanyang upuan at nakahalukipkip. Diretso ang tingin ngayon sa lalaki na nasa harapan namin. "Why did you join this kind of audition?" Remi asked. "I want to try my luck, Miss. Ilang beses na kasi akong nasaktan at iniwan ng mga taong minahal ko," he said. Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. "What do you mean?" I asked. "It's a long story, Ma'am," 'yon lang ang naisagot niya. "Okay, so...uhm, ano'ng mga talent mo?" "As you can see, Miss. I can play a guitar, I can sing, dance, cook and anything that's related to household chores," he smiled again at nagpakita na naman ang kanyang dimples. "Ang cute naman ng dimples mo," puri ko sa kanya nang hindi ko na mapigilan. "Tss...it's annoying me," dinig kong bulong ni Manong. Iniatras niya ang sarili niya sa pamamagitan ng pagtulak sa upuan niya saka tumayo. "Ano 'yan, Manong? Walk-out?" naguguluhan kong tanong. Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo bago siya umiling at naglakad palayo doon. "Uhm... Mr..." hindi ko saulado ang kanyang pangalan kaya naman tinignan ko iyon sa may papel na may nakasulat na ilang impormasyon tungkol sa lalaking nasa harapan namin. "Mr. Merell, balik ka ulit bukas ha? Remi, ikaw muna bahala rito, aasikasuhin ko lang si Manong." Bilin ko kay Remi saka sinundan ang nag walk-out na si Manong. Nakakainis. Sasabay pa sa pagepal, eh love life ko na nga itong pinag-uusapan. Akala ko naman tutulungan niya ako tapos ngayon nagigin pabigat pa. Hay nako, Manong!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD