Chapter 7

753 Words
Hope's POV  "Manong! Saglit lang naman! Isang...hakbang mo pa...sisirain ko...kinabukasan ng business mo!" hinihingal kong sinabi dahil punyemas! Pagod na pagod na ako kahahabol sa kanya dahil sa bilis niyang maglakad.  Dahil sa sigaw kong iyon ay napalingon ang mga tao pati siya.  "Saglit lang kasi..." sabi ko saka ko hinawakan ang dibdib ko, kahit wala naman talaga akong dibdib. Joke meron naman!  Asthma huwag muna ngayon please? Saka ka na umatake kapag okay na kami ni Manong.  "Bakit na naman ba? Bumalik ka na nga doon," masungit niyang sinabi nang makarating ako sa harap niya, sa wakas ay nahabol narin! "Pahinging tubig, Manong... Manong...nahihirapan akong h-huminga..." sabi ko sabay ngiwi dahil talagang naninikip naman talaga ang dibdib ko. Mas bumilis din ang paghinga ko dahil sa kagustuhang makakuha ng mas maraming hangin.  "You're pale...are you okay?" Tanong niya sa nag-aalalang boses.  Umiling ako.  "H-hindi Manong...nahihirapan a-akong huminga..." I said.  Bago pa man ako maabot ng kamay ko ang pader para sa suporta dahil pakiramdam ko ay babagsak na ako anumang oras ay nagdilim at umikot na ang paningin ko.  Mabuti nalang at nahabol ako ni Manong para hindi ako bumagsak nang tuluyang sa sahig at mabagok.  He yelled for help, iyon ang huli kong naalala bago ako nawalan ng malay.  Dahil sa nangyaring iyon, kalalabas ko lang sa hospital kahapon ay welcome back na naman ako rito sa Heaven Hospital!   Kailan ko ba matatakasan ang hospital? Hospital dito, hospital doon! Ano na?! "You didn't tell me about your condition," nakapamulsang usik ni Manong sa gilid ko.  "Asthma lang 'to, 'tsaka...hindi ko naman mahihiling 'yon sa'yo 'diba? Ang mapagaling ako?" hindi siya nilingon, nilaro ko nalang ang mga daliri ko. Ayokong magMMK! "Asthma kills 1,000 people everyday, it affects 339 million people at isa ka na roon, wala ka bang pakialam sa sarili mo?" nag-angat ako ng tingin sa kanya ngunit siya naman ang umiwas.  I pouted.  "Galit ka ba Manong?" naiiyak kong tanong.  "Tss. Para kang bata," he said dahil siguro sa nakalabi ako.  "Walang gamot ang asthma...kaya nga kung minsan nawawalan din ako ng ganang mabuhay, kung wala lang si M-mama...matagal ko nang sinukuan ang mabuhay," Kwento ko kahit hindi ko alam kung nakikinig ba siya.  "Buti nalang may mga treatments naman at remedy, kaso nga lang 'yong iba mahal...hindi naman kami gano'n kayaman para masustentohan lahat 'yon. Minsan nga, muntik na akong tumigil sa pag-aaral dahil mas inuuna ni Mama ang mga gamot ko..." pinalis ko ang luha ko. Eto ang ayaw ko sa lahat eh! Ang drama ko na naman! "Mind if I ask kung nasaan ang Papa mo?" sa wakas ay nagsalita na si Manong. Akala ko nga hindi siya nakikinig eh.  "Hindi namin alam ni Mama. Noong nalaman niya daw na buntis si Mama sa akin...nawala daw siya na parang bula," I smiled kahit na masakit dahil naaalala ko na naman ang lahat.  "Bakit hindi niyo hinanap?" nagtaas siya ng kilay sa akin.  "Manong...sobrang laki ng mundo. Malay ko ba kung nasaan siya? Pero sa totoo lang, sinubukan ko rin naman siyang hanapin eh, para kay...Mama,"  "Pero seryoso Manong, tama na ang drama! Tutulungan mo naman ako magkaboyfriend 'diba?"  Hindi siya sumagot. "Sa totoo lang...wala naman akong balak na sirain kayo eh, ngayong alam mo na...babawiin mo na ba 'yong 8 wishes?" kagat labing tanong ko.  Umiling siya at huminga ng malalim.  "Una palang alam ko nang hindi mo naman kayang siraan kami...dahil kapag ginawa mo 'yon...madali lang para sa amin ang paniwalain ang mga tao na nagsisinungaling ka," he said.  "Why do you want so much to have a boyfriend? Bukod sa sakit ng ulo at dagdag sa responsibilidad ano pa ba?" tunog naguguluhan niyang tanong.  "Ayaw ko kasing tumandang dalaga..." kinagat koang labi ko.  "Friends? Wala ka ba no'n?" he asked.  "Meron pero hindi naman habang buhay kasama mo sila dahil may kanya-kanya silang responsibilidad at buhay," I said. "Tsaka...hindi naman talaga boyfriend ang gusto ko..." pumikit ako.  "Eh ano?"  "Gusto ko lang magka-baby," matapang kong sinabi at nag-angat ng tingin sa kanya.  He smirked at umiling. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Talaga lang huh?" mas lalo siyang ngumisi.  "Bakit? Bawal na ba 'yong gano'n?" depensa ko sa sarili ko.  "You're weird," aniya at sumeryoso bigla. "Bakit naman weird? Ano'ng meron sa kagustuhang magka-baby?"  "Nothing..." sagot niya.  "I can help you with that," dagdag niya pa. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Manong.  "T-talaga Manong?" hindi makapaniwalang tanong ko.  "Yes." Simple niyang sagot.  "Paano?" "Ako." he said and then he turned to me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD