CHAPTER 5

1242 Words
Napayuko ng bahagya si Cedes ng maramdaman ang titig ng lalaki sa kanya. Naniningkit ang mga mata nito na parang may gustong sabihin pero hindi matuloy-tuloy. Ang dalawang lalaking kasama nito ay pawang nakatitig din sa kanya. Naka nga-nga ang mga bibig na parang nakakita ng kung ano. "Cedes, sila ang mga bisita natin ngayon. Kung naaalala mo si Marcela at Delio na nakatira sa kabilang gubat noong bata ka pa ay ito ang apo nila. Ano nga ere ang pangalan mo, toy?" nabaling ang tingin niya sa kanyang lolo na siyang nagsalita. Sa gitna ng mapusyaw na ilaw ay ininag niya ang mukha ng lalaking tinuturo nito. Mula sa dayuhang nakilala niya kanina ay napapagitnaan niyon ang lalaking tinutukoy ng lolo niya. Ang apo ni Marcela at Delio na laging niyang nakikita noong bata pa siya. Bigla nalang nawala ang dalawang matanda sa bahay ng mga ito sa kabilang bahagi ng gubat kaya nawala din sa isip ni Cedes ang tungkol doon. Mga sampung taon na din ang nakalilipas. "Ako ho si Chase. Patay na po si Lola Marcela at Lolo Delio at sa akin po nila pinamana ang lupa sa kabila. Na-ikwento po kasi ni Lola na magkaibigan raw po kayo. Pasensya na po sa disturbo." anang lalaking nagngangalang Chase. Katulad ng lalaki kanina ay mukha din itong dayuhan. Pero ibang-iba ang hitsura ng dalawa. Magkasingtangkad din ang mga ito at magkasingkatawan. Pero para kay Cedes ay mas magandang lalaki ang nakita niya sa talon. Napailing siya ng bahagya sa isiping iyon. Pero totoo ang kanyang naiisip. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng ganito ka-gwapong lalaki. Kahit ang pinaka magandang lalaking maituturing sa skwelahan nila dati sa barrio ay walang-wala dito. "Wala namang problema totoy. Ngunit hindi ko alam kung makakaya ninyong matulog sa maliit na kubo namin." ang lolo niya ulit ang nagsabi niyon. "Wala hong problema. Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa amin." sagot pa ng nag ngangalang Chase. May pinag-usapan pa ang mga ito na tungkol sa lupa kaya bahagya nang tumalikod si Cedes. Ngunit kahit gayon ay alerto ang kanyang tenga para makinig. Ayon sa laalaki ay manunuluyan muna ng ilang gabi ang mga ito sa kubo dahil medyo malayo ang kabihasnan. Hindi pa raw kasi tapos ang inspeksyon at survey na ginagawa ng mga ito sa lupa dahil masyadong malaki ang parte kung saan ang pagmamay-ari ng lalaking si Chase. Samantala ay tahimik lang ang kasama nitong lalaki na katabi ng lalaking nakita niya sa talon. Ilang sandali ay lumabas ang lolo niya para kumuha ng dahon ng saging. Iyon daw kasi ang gagawin nilang pinggan na ilalatag lang aa mesang nakahanda na sa labas. Pinagtulungan ni Cedes at ng kanyang lola ang paghahanda ng pagkain sa mga bisita. Tanging ang nilagang kamote at mga dahon ang nakahain doon dahil wala naman silang pwedeng maihanda sa mga bisita. Nang tawagin ang tatlong lalaki ng kanilang lolo ay nakayuko lang si Cedes sa kabilang bahagi ng mesa. Ni ayaw niyang tumingin sa mga bisita. Lalo na sa isang pares ng mata na alam niyang kanina pa nakatitig sa kanya mula ng makita siya nito. Nang makaupo ay medyo alangan pa ang lalaki sa nakitang pagkain. Siguro ay hindi pa nito naranasang kumain ng kamote sa tanang buhay nito kaya ganon. "Is this sweet potato, right?" ani Chase habang hawak ang isang piraso ng nilagang kamote. "Masarap iyan, totoy. Iyan din ang kinakain ng Lolo at Lola mo dati." anang Lola niya. Alanganin ang pagngiti nito bago kumagat ng kamote. Habang ang isang lalaking kasama nito na siyang ingineer daw sa pagsusukat ng lupa ay nakadalawa na. At ang lalaking nakita niya sa talon ay nakatitig pa sa hawak nitong pagkain. "There is no potion mixed in here, right?" Bulong ng lalaki kay Chase kaya nakatanggap ito ng pagsiko sa tagiliran. Mabuti nalang ay hindi nakaka-intindi ng english ang dalawang matanda kaya walang reaksyon ang mga ito, o kaya ay hindi narinig ang bulong ng lalaki. "What? I'm just making sure." Bulong ulit nito, peri naririnig naman niya. Akala yata ng lalaki ay hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. "Shut your mouth, Kino! Just eat." ganting bulong ni Chase saka ngumiti sa kanya na parang nahihiya. Bahagyang kumunot ang noo ni Cedes at tinitigan ang lalaking nasa tabi nito. Nag iwas naman agad ito ng tingin sa kanya sabay kagat ng hawak nitong kamote. Kanda-ubo pa ito kaya agad na inabutan ng tubig ng kasama nitong lalaki. Wala siyang ideya kung bakit nito naisip ang ganon. Manggagamot ang Lola niya at hindi mambabarang. Nanatili nalang siyang tahimik habang kumakain at paminsan-minsang sinusulyapan ang lalaking "Kino" pala ang pangalan ayon sa narinig niya sa kasama nito. Matapos nilang kumain ay nag-usal ulit ng dasal ang kanyang Lola bago matulog. Syempre kasama siyang lumuhod sa harap ng maliit nitong altar dahil kinasanayan na iyon ni Cedes. Habang ang tatlo nilang bisita ay nasa labas at nagpapahangin pa. Bandang alas otso ay pumasok na sa silid ng mga ito ang dalawang matanda kaya naiwan si Cedes sa maliit nilang sala. Bilin ng kanyang Lola na bigyan ng kumot at unan ang mga bisita bago siya matulog kaya nilabas ni Cedes ang bagong laba niyang kumot at isang unan. Dalawa lang ang unan niya na gawa pa sa mga lumang damit na ginupit-gupit niya kaya matigas at medyo mabigat. Nilagay niya iyon sa maliit na silya at akmang papasok ulit sa kanyang silid ng maaninag ng kanyang mata ang bulto na papasok sa kanilang kubo. Sa sobrang tangkad nito ay natabunan si Cedes sa malaki nitong anino. "Ikaw ang babae kanina, diba?" napapinid sa Cedes sa buong-buong boses nito. Hindi niya alam kung tatango o tatalikod nalang bigla. Hindi niya malaman kung bakit pa nito tinatanong gayong alam naman nito ang sagot. "Anong gagawin ko sa litrato mo?" sambit ulit nito kaya bahagya siyang natigilan. Oo nga pala. Nagpakuha siya dito ng larawan kanina. Nakagat niya ang labi dahil hindi niya alam ang sagot. "P-pwede mong burahin." hindi tumitingin niyang saad. Kahit sa isip ay gusto niyang manghinayang dahil hindi man lang niya nakita kung ano ang hitsura ng mukha niya kapag nasa larawan. Kahit sa medyo madilim na paligid ay nakita ni Cedes ang pag-galaw ng isang kamay nito. May hinuhugot ito sa bulsa at hindi niya sigurado kung ano. "You can take this..Take a picture as long as you want." bigla nitong sabi sabay lagay ng cellphone sa kanyang palad. Kulang ang sabihing nagulat si Cedes hindi lang dahil sa ginawa nito kundi dahil na rin sa mainit nitong kamay na nakahawak sa pulso niya. Parang binundol siya ng kaba at pagkagulat kahit sobrang saglit lang naman ang paghawak nito. Pati ang pagdaplis ng mga daliri nito sa likod ng kanyang palad ay tila kuryenteng nanulay sa bawat ugat niya. "H-hindi na..W-wag na.." ilang beses siyang umiling at pilit na ibinalik ang aparatong hawak ngunit ayaw nitong tanggapin. Dagdag pang hindi siya pwedeng magsalita ng malakas dahil ayaw niyang marinig siya ng dalawang matanda. Ngunit imbis na tanggapin ay bigla nalang itong tumalikod at bumaba sa maliit nilang hagdan. Napanganga nalang si Cedes habang naguguluhan sa kilos ng lalaki. Nanginginig pa ang kamay niya at namamawis sa hawak na aparatong walang habas na binigay ng estranghero nilang bisita. Napailing nalang siya at hindi na ito sinundan pa. Pero ilang beses niyang tinaga sa isip na bukas na bukas din ay ibabalik niya ang gamit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD