Nagising si Cedes sa liwanag na tumatagos sa dingding ng kanyang maliit na silid. Hindi niya sigurado kung anong oras siyang dinapuan ng antok sa nakaraang gabi dahil naririnig na niya ang mahihinang tilaok ng manok tanda ng malapit nang mag-umaga.
Mabilis niyang inayos ang sarili at sinuklay ang mahaba at itim na buhok. Hindi na siya nag abalang itali iyon dahil sa pagmamadali. Nagpalit na din siya ng damit at lumabas sa maliit nilang kwarto. Nakakapagtaka dahil sobrang tahimik sa paligid ng kubo. Pati ang tatlong lalaki na dapat ay natutulog sa maliit nilang sala at wala na doon. Nang makalabas ay dumeretso si Cedes sa likod bahay para kumuha ng tabo para maghilamos. Nag toothbrush na din siya at nagpunas ng katawan.
Maya-maya lang ay narinig niya ang boses ng kanyang Lola na kalalabas lang ng kubo. Hindi niya ito napansin kanina kaya baka galing ito sa maliit ding nitong silid.
"Cedes, ikaw muna ang bahala sa kubo at kailangan kung dalhan ng makakain ang Lolo mo sa taniman." anito nang makita siya sa likod bahay.
Ang taniman na sinasabi nito ay ang maliit na taniman ng Lolo niya na pinagkukunan nila ng gulay at prutas at mga halamang gamot.
"Opo, Lola." mahinang saad niya.
Sa isip ni Cedes ay baka maagang umalis ang mga bisita nila dahil may trabahong ginagawa ang mga ito sa kabilang lupain. Naisip niya ang cellphone ng lalaki na nasa kanya.
Paano niya kaya iyon maibabalik?
Siguro naman ay babalik pa ang mga ito dahil hindi naman niya magagamit iyon sa ganitong lugar. Pagkatapos niyang linisin ang sarili ay kumain muna si Cedes. Nagluto pala ang lola niya ng tinolang manok na galing sa mga alaga ng kanyang Lolo. Nagtahi din siya ng damit na pwede pang gamitin at nagbasa ng libro.
Sanay siya sa ganoong katahimikan kaya walang kaso kay Cedes na mag-isa. Bandang alas dos ng tanghali ng makarinig siya ng kaloskos mula sa labas ng kubo. Hindi naman tumatahol ang aso nilang si Ace kaya matagal bago siya lumabas.
Kung hindi pa siya nakaramdam ng gusto at pagkainit sa paligid ay hindi Siya lalabas ng kwarto. Plano niyang maligo muna bago san kumain para maginhawaan ang katawan. At dahil sa pag aakalang mag-isa lang siya sa kubo nila ay hindi na nag abala pa sa Cedes na magdala ng damit na bihisan sa kanilang munting paliguan. Napangiti pa siya ng maisip ang malamig na tubig na palagi niyang na eenjoy sa paliligo. Pakanta-kanta pa si Cedes pagdating sa likod ng kanilang bahay. May dalawang pinagdikit lang na sako ang nakatabing doon sapat para hindi makikita ang kung sino mang naliligo. Ang tanging suot niya ay ang manipis na damit na kulay puti na aabot hanggang sa kanyang bandang tuhod. Bukod doon ay ang panloob niya sa ibaba ng katawan na siyang kinasanayan na niya sa tuwing naliligo doon.
Ngunit wala pang limang minuto ay nakarinig si Cedes ng singhap mula sa kanyang likuran. Agad siyang napatingin at hinanap ang singhap na iyon. Tantya niya ay tila may lumundag sa kanyang kaloob-looban ng makita ang matangkad na lalaki. Nakasuot na ito ng puting T-shirt at hanggang tuhod na maong shorts, pati ang sapin nito sa paa ay hindi nakaligtas sa kanya dahil ngayon lamang siya nakakita ng lalaking kasing kinis at kasing-puti ng paa nito.Tinalo pa nga ang paa ni Cedes sa totoo lang.
"May kailangan po kayo?" pilit niyang itinago ang totoong emosyon at nag-iwas ng tingin.
Matagal bago ito nakasagot at tila hinahanap pa ang sariling boses.
"I- I was about to..hinahanap ko ang banyo.." Hindi nakatingin nitong turan sa kanya. Bahagya pang tumikhim ang lalaki kasabay ng pag alon sa lalamunan nito.
Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa nakakapanibagong eratikong t***k ng kanyang puso sa tuwing tinitingnan niya ang lalaking estrangherong ito.
"Doon. Doon sa kabilang bahagi ng kubo. malapit sa daluyan ng tubig." nagawa pa rin niyang isagot. Mas tumuwid pa siya ng tayo dahil sa malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa basa niyang katawan. Ni saglit pala niyang nakalimutan na naliligo pala siya kanina bago ito dumating. Bumakat ang suot niyang damit sa hubog ng kanyang katawan pero wala naman doon ang kanyang atensyon kundi nasa lalaking nakakunot ang noo.
Bago ito tumalikod ay parang may gusto pa itong sabihin pero pinili nitong umalis ng walang anumang sinabi. Nagtatakang napasunod nalang si Cedes ng tingin sa lalaki at bumalik sa paliligo. Ilang minuto din ang kanyang ginugol bago matapos at umakyat sa kubo, nagbihis sa sariling kwarto at lumabasa ulit para kumain. Para kay Cedes ay normal ang araw na iyon kung hindi lang niya natatanaw ang lalaking dayuhan na nagmamasid sa bawat kilos niya. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito pero tila malalim iyon base sa pagkakakunot ng noo nito. Nakahinga lang siya ng maluwag nang lumabas ang lalaki sa maliit nilang bakod.
Bandang alas kwatro ng hapon ay hindi parin nakakauwi ang kanyang lolo at lola. Gayunpaman ay nagluto siya ng ginataang gabi na kinuha ng kanyang lola noong isang araw at nagsaing narin ng bigas na mais. Habang abala sa ginagawa ay dumating na ang tatlong bista nila. Binati siya ni Chase at ng kasama nito ngunit ang isang lalaki ay tahimik lang na nakatingin sa kanya katulad ng palahi nitong ginagawa. Umiiwas din yata ito na magtagpo ang kanilang tingin kaya napapaisip din si Cedes.
"Cedes, dito ka na ba talaga lumaki?" narinig niyang tanong ni Chase habang naghahalo ng ginataang gabi. Nakatunghay lang ang lalaki sa kanyang ginagawa at may distansya naman sa kinaroroonan niya. Mukha namang hindi masamang tao ang apo ng matandang si nanay Delia na naging kapit-bahay nila noon.
"Opo.. Dito na din po ako pinanganak." sagot niya sa abot ng makakaya.
"Anong totoong pangalan mo Cedes?" tanong muli ni Chase.
hindi ahgad siya nakasagot kaya nahihiyang ngumiti ang lalaki. " It's okay if you're not comfortable to answer. "
"Maria Mercedes po." sa halip ay sagot niya. Napatango naman ang lalaki at tumingin sa kanya. Hindi din nakaligtas sa kanyang paningin ang lalaki sa likod na tila masama ang tingin kay Chase dahil sa nagsasalubong nitong kilay.
"You have such a nice name, Cedes.."
Isang mahinhing ngiti lang ang naging sagot niya kay Chase bago pinagpatuloy ang ginagawa.
Nang matapos siyang magsaing at magluto ay pumasok na siya sa kubo. Saganitong oras kasi ng alas sais ng gabi ay bilin ng kanyang lola na kailangan niyang umusal ng panalangin. pehadong kasama niya ang matanda o hindi. Minsan ay gusto niyang itanong kung bakit ganon pero sa tagal niyang sinusunod ang bilin na iyon ng kanyang lola ay kinasanayan nalang niya. Umusal si Cedes ng amiksing panalangin sa maliit na altar at lumuhod doon ng ilang minuto.
Matapos iyon ay muli siyang lumabas para maghain ng hapunanpara sa kanilang bisita. Baka din maya-maya lang ay darating na ang dalawang matanda galing sa taniman. ang tatlong lalaki ay nakaupo lang sa upuan na gawa sa kawayan sa labas ng kanilang kubo. Nag-uusap ang mga ito ng tungkol sa lupa at kung ano ang plano para pagandahin iyon. Kaya dumeretso si Cedes sa maliit nilang kusina para maghain na. Hindi paman siya nakakatapos sa paghahain ay may narinig siyang tikhim sa kanyang bandang gilid. Hindi niya naitago ang pagkagulat dahil napahawak pa siya sa sariling dibdib at nanlaki ang parating walang emosyon niyang mga mata.
"Maria.."
Napakunot siya ng bahagya sa katagang lumabas sa bibig nito.
"I prefer to call you Maria." nakapamulsa nitong dugtong.
Hindi siya umalma ngunit hindi din naman siya sumang-ayon. Nakatingin lang siya sa mata nitong tila palaging may nabibiting gustong sabihin. Kung kaya lang niyang basahin ang nasa isip nito ay kanina pa niya ginawa.
"May sasabihin ka?" seryoso at walang kurap niyang tanong.
"N-nothing. Just don't get too attached to any other man. Your innocent will lead you to danger, Maria.."