CHAPTER 4

1246 Words
Napamaang si Cedes dahil sa inakto ng lalaking dayuhan. Para bang takot na takot ito nang bahagya siyang lumapit..Nais niya sanang sabihin na siya ang dapat na matakot dahil ito ang bigla nalang sumulpot sa lugar niya. "Gusto ko lang po maranasan kunan ng litrato." Napayuko niyang sambit. Gasino nalang ang layo nila ng lalaki kaya't bawat emosyon sa mukha nito ay nakikita ni Cedes Kanina kasi nang marinig niya ang tunog ng aparatong hawak nito ay bigla siyang namangha. Lalo noong makita niyang hawak iyon ng lalaki. May nakikita siyang ganoon na katulad ng mga ka-klase niya dati pero mas maganda ang hawak ng dayuhang lalaki..Kahit sa kaibigan niyang nag aaral sa manila ay hindi ganon kaganda at kalaki ang cellphone nito. "Why? I mean? Don't you have one?" naguguluhan nitong tanong. Nahihiya siyang umiling at nag-iwas ng tingin. "May tao pa bang walang cellphone sa panahon ngayon?" may himig hindi makapaniwala parin nitong sambit. "Ako. Hindi pa ako kailanman nagkakaroon ng ganyan. Ni hawak ay wala pa akong karanasan." "I don't believe you.." "Sige, huwag nalang, pasensya na." Nakayuko niyang saad. Nalaglag din ang balikat niya dahil nahihiya siya. Pakiramdam niya ay nagmumukha siyang katawa-tawa sa paningin nito. "N-no.. Wait.. Okay." anito ng akma siyang tatalikod. "I'll take you a photo.." Sa narinig ay nagliwanag ang mukha ni Cedes at kumislap ang kanyang mga mata. Agad siyang ngumiti ng matamis sa lalaki na tila natulala sa harap niya. Kapagkuwan ay bigla naman itong tumikhim at nag iwas ng tingin. Bumubulong pa ito sa sarili pero hindi niya masyadong naririnig. At dahil hindi naman niya alam paano ang gagawin sa harap ng camera ay basta nalang siyang tumayo ng tuwid sa harap nito. Itinaas naman ng lalaki ang hawak nitong cellphone kahit ramdam niya ang pagdadalawang isip sa kilos nito. Ilang kislap na galing sa aparatong hawak nito ang nagpasinghap sa kanya. Para kasing may liwanag na biglang tumama sa kanyang mukha. "There.. It's done. Anong gagawin ko dito?" Hinarap nito sa kanya ang cellphone at namangha si Cedes ng matitigan ang sarili. Ang galing! Lahat ng emosyon sa mukha niya ay kuhang-kuha. Nasa apat na litrato na puro nagulat ang nakabanaag sa mukha, malamang ay dahil sa kislap ng camera nito na tumama kanina sa mukha niya. Pero kahit na ganon ay masaya si Cedes. Iyon ang unang litrato na meron siya. Sayang nga lang at hindi naman niya iyon makukuha. "Itago mo nalang po." "What?" napamaang nitong sagot. "Uuwi na po ako. Sana huwag na po kayong maliligaw sa susunod." aniya. "Wait! Saan ka uuwi?" "Bakit po?" "I- I just want to know." Nag-aalangan man si Cedes sa magiging sagot ay kusa naman bumuka ang kanyang bibig. "Diyan lang sa bungad ng gubat." Kapagkuwan ay tuluyan na siyang tumalikod at tinawag ang kanyang aso na bigla nalang nawala. Baka iniwan na naman siya nito at nauna nang umuwi ng kubo. Malapit ma din palang mag ala-singko kaya tiyak na hinahanap na siya ng kanyang lola. Umalis siya sa talon na hindi na nililingon ang lalaki. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan mapangiti. Totoong kinabahan siya kanina nang makita ito pero hindi niya mapigilang pansinin ang pisikal nitong anyo. Kahit may suot itong sumbrero ay klaro sa paningin ni Cedes ang makakapal nitong kilay. Ang matangos nitong ilong na parang nililok ng isang iskultor. Ang pangahan nitong mukha na bumagay sa mapula nitong mga labi. Sa madaling salita ay magandang lalaki ang nakita niya kanina. Noon lang din siya nakakita ng gan'on ka gwapo sa tanang buhay niya. Mas gwapo pa ang lalaking iyon sa mga lalaking ipinakita ng kaibigan niya sa picture nang minsan itong nakauwi. Ang sabi nito ay mga kaibigan nito ang mga iyon sa Maynila. Sobrang tangkad din ng lalaki. Bumabakat sa suot nitong damit ang malaki nitong katawan kaya alam niyang maganda ang hubog niyon. Napailing nalang si Cedes at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sa maliit nilang kubo ay agad siyang naligo sa likod ng bahay. Inayos niya muna ang sarili pagkatapos ay nagbihis na din sa banyong nila na nasa labas. Yari lang iyon sa lumang yero na bigay ng kanilang kapit bahay sa barrio at ang dingding ay pinagtagping sako. Pagkatapos ayusin ang sarili ay dumulog naman siya sa maliit nilang lutuan sa gilid ng bahay..May nakahanda na doong camoteng kahoy at dahon na iluluto niya. Iyon na ang magiging hapunan nila sa gabing iyon. Siguro ay nasa loob na ang dalawang matanda dahil oras na ngayon ng dasal ng lola niya. Isa sa nakasanayan ni Cedes tuwing sasapit ang alas sais ng gabi. Nagpapa apoy na siya ng kahoy ng biglang may marinig siyang kumakatok sa labas ng kanilang maliit na bakod. Ang balod na yari sa kawayan kaya nakikita niya ang tao na nasa labas. Bago paman siya makalapit at maki-usyoso ay nauna nang malakalabas ng bahay ay dalawang matanda. Hindi niya masyadong nakikita ang mukha ng mga tao dahil natatabunan ng malaking puno ang kinatatayuan ng mga ito. Gustuhin man niyang lumapit din ay tiyak na pagagalitan siya ng dalawang matanda. Ilang minuto rin nag-uusap ang mga ito at hindi niya naririnig ang mga boses dahil medyo distansya sa kinatatayuan niya. Nakita nalang niya ang kanyang Lola at Lolo na tumalikod. Akala niya ay aalis na ang mga tao sa labas kaya nagulat si Cedes ng sumunod ang mga ito papasasok sa maliit nilang bakod. Nasa tatlong lalaki ang pumasok na puro matatangkad. Napasinghap pa siya ng makilala ang isa sa mga lalaki! Ang lalaki sa talon! Hindi pa siya nito nakita dahil nasa gilid siya ng bahay pero ilang beses niya itkng nakitang lumilingon sa paligid. Medyo may kadiliman na dahil dahil dalawang gasera lang naman ang gamit nila. Isa sa labas at isa sa loob ng bahay. "Are you sure, we're safe here?" Narinig pa niyang tanong nito sa lalaking kasama. Nababanaag ni Cedes ang takot sa mga mata nito at pag aalinlangan. Saktong natapos na ang ginagawa kaya nilagay na niya ang mga iyon sa lagayan. Isang pabilog na nigo na gawa sa maninipis na kawayan na pinatungan niya ng dahon ng saging. Nakita niyang pumasok ang tatlong lalaki sa loob ng kanilang kubo. Kahit hindi paman siya nakakapasok ay naiimahe na niya ang hitsura ng mga ito sa loob. Maliit lang kasi ang kubo nila at malalaking tao ang tatlong lalaki. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mga ito sa kubo nila dahil mukhang wala naman itong mga sakit. May pagdadalawang isip si Cedes kung susunod ba sa loob o hintaying makalabas ang mga bisiya. Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi parin lumalabas ang mga ito. Sa huli ay napagdesisyonan niyang pumasok na sa loob dala ang niluto niyang nilagang camote at dahon ng camote. Nasa may hagdan palang siya ay narinig na siya ang boses ng kanilang lola. "Ito ang apo kong si Cedes.." ani ng kanyang lola ng tuluyan siyang makapasok. Nakaupo ang dalawang matanda sa karaniwang pwesto ng mga ito malapit sa pintuan ng isang kwarto. Ang katabi niyon ang maliit niyang tulugan. Mula sa pagkakayuko ay umangat ang tingin niya sa tatlong lalaking nakaupo sa sahig ng kubo. Partikular sa lalaking nasa kaliwang bahagi na halatang nagulat nang makita siya. Kahit sa ilaw na tanglaw ng gasera ay malinaw sa paningin niya ang mukha nito. Siya na ang unang nag iwas ng tingin at pilit na tinatago ang totoong reaksyon. "Magandang gabi mga Ginoo." sambit niya sa mahina at mahinhing boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD