CHAPTER 18

2023 Words

"Sugurado ka na ba talaga, Cedes?" Pang sampung tanong na siguro iyon ni Lyndel kay Cedes sa mga sandaling iyon. Kanina pa ito hindi mapakali habang nag-iimpaki siya ng mga gamit. Habang sinasamsam ang mga damit ay paulit-ulit naman siyang nagpapasalamat sa kaibigan dahil sa pagpapatuloy nito sa kanya sa halos dalawang linggo. Busy na din kasi ang babae sa thesis nito kaya minsan lang sila nakakapang-abot sa bahay. Ilang araw palang naman noong natuto siyang umuwing mag-isa dahil alam niyang kalabisan na kung araw-araw pa siya nitong sinusundo gayong pagod ito lage sa skwela. "Sigurado na ako, Lyndel. Ayoko naman tumigil sa pagta-trabaho dahil kailangan ako nina Lolo. Maraming salamat talaga sa lahat ha.. tatanawin kong utang na loob itong pagtulong mo sa 'kin." malumanay niyang turan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD