Sa buong durasyon ng trabaho ni Cedes ng mga oras na iyon ay alam niyang may matang nakasunod sa bawat galaw niya. Kanina lang ay muntikan na siyang hindi makabalik ngunit buti nalang ay napakiusapan pa niya ang lalaki na tapusin ang shift niya ngayong gabi. Pumayag naman ito pero hindi naman ito umalis. Sa isang iglap ay parang nagkaroon siya ng bodyguard sa katauhan ni Kino. Hindi pa siya pumapayag sa gusto nito dahil naguguluhan siya kung anong klaseng trabaho ang inaalok ng lalaki. Katulong. Personal assistant. Para sa kanya ay parehas lang ang ibig sabihin niyon. Bagama't pinag-iisipan niya ang alok nito ay hindi parin talaga niya mapigilang magtanong. Ganoon ba nito ka-kailangan ng personal assistant sa bahay nito para alukin siya ng gano'n kalaking sahod? O sadyang may iba tala