Ilang minuto lang ang naging byahe nina Maria at Kino bago nila narating ang tinitirhan ng huli. Isa iyong matayog na building at nasa pinakataas na floor ang bahay nito. Medyo nahihiya pa nga siya dahil pinagtitinginan sila ng mga receptionist sa baba na siguradong nagtataka kung sino siya. Ang bahay ng lalaki ay katulad lang ng bahay ni Lyndel at ang kaibahan lang ay hindi ganito kagarbo at kalaki. Pagtapak niya sa pinto ng bahay ng lalaki ay hindi agad siya nakahakbang. Una niyang nilibot ang tingin sa buong paligid. Kung ikukumpara ni Cedes ang bahay ni Kino sa bahay ni Lyndel ay higit na mas malaki ng tatlong beses ang bahay ng lalaki. Ganito pala ang bahay ng mga mayayaman. Tahimik, sobrang linis, ang lamig pa. "So.. This is my house.." untag ni Kino na nasa likuran niya lang