Hindi na namalayan ni Jeziel ang unti-unti niyang pagtayo mula sa kanyang kanauupuan. Hindi siya maaaring magkamali dahil talagang si Terron ang nakikita niya, ang lalaking nagligtas sa kanya mula sa masalimuot na isla ni Mr. Gords. “J-Jeziel…” anas ni Terron na parang hindi makapaniwala nang makita siya. Ilang sandali pa silang nagkatitigan sa isa't isa, hanggang sa namalayan na lang ni Jeziel na nakatayo na si Terron sa harap niya. “Jeziel, is that really you?” Nagulat na lang siya nang hawakan nito ang mukha niya at ikinulong sa mga kamay nito, pinakatitigan siya ng ilang segundo. “You're Jeziel, right? Hindi ako nililinlang lang ng paningin ko!” “Terron, you're alive…” sagot na lumabas sa mula sa kanyang bibig. Nang marinig ni Terron ang kanyang sinabi ay agad na lumiwanag ang muk