“So may anak kayong dalawa ng Kuya ni Tanya?” tanong ni Alex nang nasa biyahe na sila pauwi nung araw na 'yun. “P-Parang gano'n na nga. Pero balak ko namang sabihin kay Dylan kapag nakabalik na siya. Kaya sana 'wag ka munang magsumbong, hayaan mo akong magpaliwanag sa kanya.” Alex let out a deep breath. “Siguradong hindi 'yan magugustuhan ni Sir Dylan, kaya mas mabuti pang ilihim mo na lang sa kanya kung gusto mong maging safe ang anak mo. At kung maaari ay layuan mo na ang pulis na 'yun at huwag nang makipagkita pa sa kanya.” “Pero hindi naman ako kay Terron nakikipagkita kundi sa anak ko. Kung hindi ako makikipagkita sa kanya, para mo na ring sinabi na abandonahin ko na lang ang sarili kong anak. Minsan ko na rin siyang inabandona, at kung maaari ay ayoko nang maulit pa 'yun.” “Bahal