Sa pagkawala ni Dylan sa mansyon ay para ding nakawala sa kanilang hawla ang mga katulong, bigla na lang kasi nagkaroon ng emosyon ang mukha ng mga ito, ngumingiti na at nakikipagkuwentuhan na sa isa't isa kahit pa sa oras ng trabaho. “Hmm… ang sarap naman nito,” nakangiting sambit ni Jeziel matapos sumubo ng isang putahe ng mga pagkain na nakahanda sa harap niya. Nasa kusina siya ngayon at nagdi-dinner. Mas pinili na lang niyang sa loob ng kusina mag-dinner kaysa sa loob ng dinning room, eh mag-isa lang naman siya, sa dinning room lang naman siya kumakain kapag kasama si Dylan. Ngayon ay nakaupo naman palibot sa kanya ang mga katulong. Kung dati parang robot ang mga ito kung pagsilbihan siya, ngayon naman ay mala-marites kung pakisamahan siya. “Napakaganda niyo po talaga, Señorita. Ka