Sa madalas puntahan ng kambal na restaurant ako dinala nina Kuya Fire at Kuya Ice. Kabisado ko na nga halos ang menu nila rito dahil limang beses na rin akong dinala ng kambal dito. Sa pintuan pa lang ay agad na silang binati ng waitress na madalas magpa-cute sa kanila sa tuwing kami ay darating. Ngunit gaya ng madalas mangyari kapag pumupunta kami rito ay deadma naman ang dalawa at tuloy-tuloy na pumasok sa loob na tila walang nakita habang nakasunod ang babae sa amin. Nakadama ako ng awa sa babae ngunit agad din itong nawala sa isipan ko nang mahuli ko siya na masama ang tingin sa likuran ko habang kita ko ang matinding paninibugho niya sa pag-alalay ng kambal sa akin. Inirapan ko nga sa inis ko. Naaawa pa naman ako sa kaniya dahil sa madalas na pambabalewala sa kaniya ng kambal. Ngayon