“Can you sketch me again, Vinnea?” hiling ni Kuya Ice sa akin pagkatapos ng ilang minuto na pananahimik niya. Akala ko ay umalis na siya at bumalik na sa table niya kaya medyo napapitlag ako nang marinig ko ang boses niya. Narito pa pala siya sa harapan ko at balak pa talaga niyang ipaulit sa akin ang pag-sketch ko sa mukha niya. Kapal ah. “N-No. I’m busy right now.” Umiling ako sa hiling niya at ipinakita sa kaniya na abala na ako sa aking trabaho. Hindi ako tumingin sa gawi niya kahit isang beses simula pa kaninang bumalik sila ni Kuya Fire rito sa opisina nila. Nahihiya akong makipag-eye contact sa sino man sa kanilang dalawang magkapatid dahil sa hiya na nararamdaman ko. Nahihiya ako para sa sarili ko lalo na kapag naaalala ko ang katangahan na ginawa ko kanina. Wala nga akong mu