"Iyon nga ang masarap...masikip...kagaya mo…” paulit-ulit itong nag-e-echo sa isipan ko. Masarap… Masikip… Kagaya... Ko???? Hindi ko alam ang ire-react ko sa sinabing ito ni Kuya Ice sa akin. Ayaw kong magmura. Masama iyon alam ko. Pero kating-kati akong murahin siya kahit sa isip ko lang sana ngunit hindi ko naman magawa. Never pa akong nagmura dahil ako man ay takot na gawin iyon. Malaking kasalanan iyon sabi ni Sister Agatha at Sister Sophie. Kaya naman kahit galit ako o naiinis, hindi ko talaga kayang magmura ng tao kahit na gigil na gigil na ako. Kaya lang nakakabastos ang sinabi ni Kuya Ice. Hindi ko dapat iyon palampasin. He is crossing the line na dati ay hindi naman niya ginagawa. Tahimik lang siya at bihira maging madaldal. Napapansin ko ngayong nagdaang araw na parang nagk